epekto ng inflation nadarama na erans, umaaray
Ramdam na ng mga magaaral ng Paaralang
Sekondarya ng New Era (PSNE) ang problemang bitbit ng pabagobagong inflation rate sa pagbalik nila sa faceto-face (F2F) learning ngayong pasukan.
Ayon sa survey na inilatag ng Ang
Mandaragit, Opisyal na Pahayagang Filipino ng PSNE, 78 sa 100 na mag-aaral nito ang nagsasabing lubha silang nadamay ng inflation, 12 estudyante naman ang umano’y hindi gaanong nakararamdam ng
pagbabago samantalang ang natitirang 10 ay nagsasabing hindi sila apektado sa binunga nito.
Batay sa datos ng PSNE Canteen, lahat ay nagtaasan katulad ng dating 20 pesos na combo meal na umabot na sa 35 pesos ang presyo sa kasalukuyan.
“Iyong mineral water din natin before nasa 6 hanggang 8 pesos yan pero ngayon 10 to 12
pesos na,” pahayag ni Jay Baylador, tauhan ng canteen.
Kung ikukumpara ang presyo ng mga ito sa presyo noong panahon ng kasagsagan ng pagbubukas ng klase sa PSNE, tumugon na ang paaralan sa problemang ito ayon kay Ginang Szey Faustorilla, faculty president ng paaralan.
“Nung nakarating nga sa akin yung concern ng mga teachers at nung mga bata, dinulog ko agad siya sa principal’s office na ‘di nga nila kakayanin yung mga bilihin, nakinig naman sila sa hinaing kaya binabaan naman ng canteen so goods na ‘yon,” ani Gng. Szey. Sinisigurado rin naman ng Faculty club na kanilang nababantayan ang mga pagkain sa canteen para kahit may kamahalan ng kaunti ang mga ito, masusustansiya pa rin umano ang maihahain sa mga estudyante.
Sa kabilang panig, pansin rin ng mga mag-aaral ang tumaas na pamasahe sa mga
pampublikong paaralan lalo na umano at araw-araw ang kanilang pagpasok.
Ayon sa mga kasapi ng Luzon Tricycle Operators and Drivers’ Association (Luzon TODA), mula 8 pesos ay 10 pesos na ang minimum fare ng kanilang byahe alinsunod sa ipinatutupad na fare matrix.
“Dati yung last na face-to-face nila, 60 pesos yung binibigay ko pero dahil nga sa nagmamahal na lahat, naging 100 pesos na baon nya araw-araw,” daing ni Bhing Esteves, nanay ng isang mag-aaral sa ika10 na baitang.
Mula 7.6% noong Marso, bumaba na sa 6.6% para sa buwan ng Abril ang inflation rate sa bansa ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) kaya inaasam ng paaralan ang magandang maidudulot nito sa pagpapababa ng halaga ng mga bilihin. #
Kolaborasyon ng School Stakeholders, hangad ng Project Co-Pilar
“Minsan lang dadaan ang mga lingkod bayan sa mundong ito, at gusto ko sa pagdaan ko na ito naramdaman ako. Sa pagdaan ko na ito, gusto ko marami tayong nagawa.”
Dagdag ‘allowance’ sa mga guro aprubado sa Senado
Napanatag ang kalooban ng mga guro sa Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) nang malaman nilang inaprubahan na ng senado ang batas para sa pagtataas ng ‘teaching supplies allowance’ nitong ika-22 ng Mayo 2023, Lunes. Sa isinagawang final reading, nakatanggap ng 22-0 na boto o walang nagnais na tumutol sa Senate Bill No. 1964 o ang ‘Kabalikat sa Pagtuturo Act’ kung saan mula P5,000, magiging P7,500 na ang allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan para sa susunod na pasukan at P10,000 naman para sa academic year 2024 hanggang 2025.
kapag itinaas ang aming allowance,” pasasalamat ni Gng. Ong, guro mula sa MAPEH Department.
Ayon sa co-author ng naturang bill na si Senator Christopher ‘Bong’ Go, napakahalagang taasan ang allowance ng mga guro lalo na’t bumabangon pa lamang ang bansa sa nagdaang pandemya.
“Syempre yung salary ng mga teachers ‘di na ganon kalaki kasi mostly sa amin may mga loans yan kaya dina kumpleto ang sweldo lalo na ngayong nagpandemic, bili nanaman ng bagong gamit diba,” dagdag pa ni Gng. Ong.
sinagawa ang launching program ng Project Community of Outstanding Program
Innovation for Learning And Recovery (CO-PILAR)
sa Paaralang Sekondarya
ng New Era (PSNE) kung saan isponsor ang congresswoman ng District VI na si Marivic CoPilar noong ika-12 ng Mayo.
May apat na yugto ang mechanics ng paligsahan, una ay ang subject area assessment phase na sinundan ng evaluation of accomplishment reports phase, presentation and interview phase, at recognition and awarding phase na dadaan sa pamantayan para sa pagsusuri.
Layunin nitong tukuyin ang pinakamahusay na kasanayan ng mga paaralan
“Very grateful and hopeful ako, sana maging totoo syempre lahat ng guro matutuwa
sa pagpapatupad ng
Learning Continuity and Recovery Plan (LCRP), gawing institusyonal ang mga project efforts sa pagkilala sa mga paaralan at mga yunit ng lokal na pamahalaan, at hikayatin ang pagbuo ng ‘contextualized’ na sistema ng parangal upang isulong ang community based
Inaasahan naman ni Senator Ramon Revilla, nanguna sa pagbuo ng Pagtuturo Act, na bibigyang atensyon ng kamara ang pagsasabatas nito. #
approach.
Nagkaroon ng open forum sa huling bahagi ng programa kung saan iginiit ni Ms. Carleen Sedilla, Schools Division Superintendent na planado ang petsa sa paglunsad ng naturang proyekto upang mabatid ang mga nagpakita ng pagkukusa. #
ANDARAGIT M Ang pugad ng katotohanan, pagaspas ng kabataan OPISYAL NA PAMAHAYAGANG FILIPINO NG PAARALANG SEKoNDARYA NG NEW ERa TOMO XXXVIII BILANG 1 agosto2022-hulyo2023
Lubos na apektado ang kantina sa PSNE at mga mag-aaral na bumibili rito sa patuloy na pagtaas ng inflation rate nitong mga nakaraang buwan.
2 5 12 balat-ahas AKSYON
LATHALAIN 9 BENTE PESOS NA PAG-ASA
OPINYON AGHAM BALITA
KONTRA POLUSYON ISINUSULONG NG YES-O makakamura, o mapapamura?
NI: sharlaine kate j. gumayat
NI: VALKAIMER m. DELOS SANTOS
kuhang larawan NI: lei kathryn d. ebio
NI: VALKAIMER m. DELOS SANTOS
kuha NI: andrei jayson v. mora
BFAR-NCR, PSNE sanib pwersa para sa ‘Gulayan sa Paaralan’
Katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-National Capital Region (BFAR-NCR) ng
Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) sa
pagbubukas ng Gulayan sa Paaralan nitong ika-17 ng Marso, Biyernes.
Binisita ni BFAR-NCR Regional Director Dr. Noemi SB Lanzeula ang paaralan para manguna sa turn-over ceremony ng aktibidad kung saan nagbahagi ito ng salita sa mga dumalo sa programa.
Aksyon
“This is for food security and sustainability. Sa mga cities like this, sa mga urban areas, we don’t have the backyard o kaya yung malaking space kaya tamang tama lang ito,” ani Dr. Lanzuela.
Bago ang naturang pagdalaw, nagbahagi ang BFAR-NCR ng isang unit ng aquaphonics setup kasama ang 2,000 tilapia fingerlings, dalawang supot ng feeds, 100 styro-cup ng kangkong seedlings at anim na kilo ng fry mash bilang donasyon sa paaralan.
kontra polusyon
isinusulong
ng YES-O
Naglatag ng aktibidad ang Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) na tinawag na ‘Plastic Free-Days’ sa Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) nitong buwan ng Pebrero, taong kasalukuyan.
Isa ito sa mga tugon ng YES-O sa lumalalang problema ng paaralan patungkol sa pagdami ng gumagamit ng single-use plastics.
Sa nasabing aktibidad, kinakailangan lamang ng bawat baitang sa Grade 7 hanggang Grade 10 ng PSNE na magdala ng kani-kanilang lunchbox at water bottle kada Lunes at Martes linggo-linggo at kumuha ng larawan na hawak ang mga ito.
“We’re very grateful to those students who are actively participating in this activity kasi nakakatulong sila sa pagreduce ng plastic waste in our school, everytime na nag momonitor kami nakikita ko ang efforts ng mga co-students ko na magdala ng kanilang baunan para sumali sa activity na ito,” ani Gabrielle Rhean Batulan, Business Manager ng YES-O Club.
Bilang pasasalamat, binibigyang-parangal ng samahan ang isang seksyon sa bawat baitang na pinakaaktibong nakilahok kada buwan base sa ibinahaging “monitoring sheet” sa bawat silid-aralan.
Nitong buwan lamang ng
Pebrero, ginawaran bilang “Best Implementer” ang Grade 7 Felicitous, Gr. 8 Dagohoy, Gr. 9 Avogadro at Diamond ng Baitang 10 para sa kanilang walang humpay na pakikiisa programa.
“Sa ngayon wala pa naman kaming napaguusapan patungkol sa mga future activities connected sa dito pero kung gusto niyong maging updated ay maaaring i-like ang aming facebook page (NEHS Youth for Environment in Schools Organization),” dagdag pa ni Rhean. #
Ika pa ni Dr. Lanzeula, magandang lugar ang mga paaralang tulad ng PSNE dahil isa umano itong “safe place for human consumption” at hindi na kailangan pa ng pesticides at ferilizations para mapanatili ang mga tanim dito.
Pinangunahan ng Gulayan sa Paaralan Team ang pagbuo ng proyektong ito kung saan kabilang sina Gng. Elena G. Estabillio, coordinator ng programa, Gng. Ma. Eva P. Sabado bilang Hydrophonics Chairman si Gng. Marecris G.
Geurra, siyang nangunguna sa Urban Gardening pati na rin sina Gng. Cherrybeth
G. Estabillo, G. Fernando
M. Uy at Bb. Charmaine M. Quirante, mga guro ng PSNE.
Ayon kay Gng. Elena, nagsimula ito noon pang buwan ng Abril 2022 at pinalawig lamang noong Pebrero 2023 upang mapangalagaan pa at masuportahan ang proyekto.
Nangako naman ang
BFAR-NCR na bibisitang muli at patuloy na susuportahan ito upang mas lumaki pa ang
sinimulang hakbangin.
“You also have to take care of the plants and the fish and you can get money from that and if you engage on aquarium fish then you can have more more money,” pahayag ni Lanzeula sa pagkukunan ng pagpapanatili ng Gulayan sa Paaralan.
Pursigido naman ang PSNE sa pagpapaunlad pa nito at patuloy na nakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang grupo para sa mga kagamitan, pagkain, at pagbebentahan ng magiging produkto ng proyekto. #
kaalaman sa teenage pregnancy pinalawig ng
Soroptimist Intl. sa EranS
Nagbahagi ng kaalaman ang Soroptimist International of Commonwealth sa mga kababaihang mag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) patungkol sa usaping ‘teenage pregnancy’ nitong ika-17 ng Marso sa Audio Visual Room (AVR) bilang bahagi ng National Women’s Month Celebration na may temang ‘We for Gender Equality and Inclusive Society.’
Nagbahagi ng pambungad na pananalita ni Gng.
Marecris G. Guerra mula sa Araling Panlipunan (AP) Department at ang mahalagang mensahe ni Dr. Ferdinand Fontillo, Principal IV at Dr. Claire Raymundo, President of Soroptimist International of Commonwealth.
Ipinakilala nila Gng. Cherrybeth G. Estabillo (Teacher II) at G. Genesis Ian J. Fernandez (Teacher II) ng
AP Department ang resource speakers sa dalawang bahagi ng talakayan; para sa unang bahaging pinamagatang “The Love You Deserve” ay pinangunahan ni Bb. Carmela Vertudo, at ang ikalawang bahagi naman na pinamagatang “Unity of Life” ay pinangunahan ni Gng. Mildred Espinosa. “There’s nothing wrong with getting pregnant, it’s a fulfillment, but not in
your age”, ani Dr. Claire Raymundo. “Walang mali sa pagdadalang-tao, isa itong katuparan, ngunit hindi sa inyong edad”.
Bago tuluyang magtapos ay iginawad ang mga sertipiko ng pagkilala sa lahat ng mga guro, Soroptimist International of Commonwealth, at lahat ng mga naging bahagi ng matagumpay na programa. #
Proyektong FHM ‘empowerment’ sa kababaihan ang hatid
Nag-organisa ang Interact Club ng proyektong Feminine Hygiene Management (FHM) na naglalayong talakayin ang reproductive health at antisexual exploitation noong Pebrero 3, 2023 sa New Era High School (NEHS) Audio Visual Room (AVR).
Naging kaisa ang Rotary Club of Midtown Quezon City bilang isponsor na
pinangunahan naman ng founder at direktor ng The Gabriella Collective na si Graciella Moises.
Binigyang linaw sa nasabing proyekto ang konsepto ng ‘choice and autonomy’ at ang tanong na “who gets to decide who decides?” sa mahigit isang daang tagapakinig mula sa ika-siyam na baitang.
Tinalakay din ang Pressure, Patriarchy,
Practices, Power, at Policies (5Ps) na mga pangunahing hadlang sa kalayaan at pagdedesisyon ng kababaihan na nilapatan din ng limang solusyon.
Bilang pagsuporta, namahagi ng chemicalfree at cost-effective na reusable menstrual pads ang Haliya Cup na alternatibo sa pangkaraniwang disposable sanitary pads. #
2 AGOSTO 2022 HULYO 2023 BALITA
ni Valkaimer M. Delos Santos
Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan nitong Marso 17 ang siyang pagbukas din ng isyung Teenage Pregnancy sa isipan ng Erans.
ni Agatha Reign B. Atun
ni Sharlaine Kate J. Gumayat
mga kuhang larawan ni Jomar Danielle P. Gonzales
kuhang larawan ni Jomar Danielle P. Gonzales
Hindi maitatanggi ang labis na saya matapos maidaos ang Turn-Over Ceremony sa pamumuno ni Dr. Noemi Lanzeula at ng mga guro sa PSNE.
ALAM MO
ERAN? 2.7
TONELADA ng plastic waste ang nabuo ng Pilipinas sa taong 2021 -pia.gov.ph ALAM MO
ERAN?
ni Valkaimer M. Delos Santos
BA,
MILYONG
BA,
AGOSTO
Goethe-Institut Philippinen bumisita sa
PSNE sa pagdiriwang ng ‘german day’
ni Fheonna Clarrise C. Mamba
Bumisita ang mga opisyales ng GoetheInstitut Philippinen para sa pagdiriwang ng
‘German Day’ sa Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) nitong ika-29 ng
Nobyembre, 2022.
Kabilang dito ang Deputy Director Head of Language Department ng naturang organisasyon na si Mr. Jens Rösler at si Ms. Jeniffer Azores, Administrator for Language Programs ng naturang organisasyon
Pinaghandaan at sinalubong ng mga german students sa bawat baitang ang pagdating ng mga bisita dakong alas-otso ng umaga.
Kabilang rin sa naturang aktibidad ang punongguro
ng PSNE na si Dr. Ferdinand Fontillo at guro sa German language na si G. Jose Antonio C. Gumabay upang manguna sa pagbubukas ng pagdiriwang.
Tinungo ng mga dumalo ang silidaralan ng German upang masaksihan ang ginawang lantern at cookies making ng grade 8 at grade 10 students nito.
Matapos nito, sila’y bumalik sa AudioVisual Room (AVR) ng
PSNE nagpakitang gilas sa Schools presscon
Muling nagpakitang gilas ang mga mag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) sa ginanap na District 6 Secondary Schools Press Conference (D6SSPC) noong ika- 8 at 10 ng Disyembre at Division
Secondary Schools Press Conference (DSSPC) noong ika-18 at 25 ng Pebrero sa Paaralang Sekondarya ng Culiat at Paaralang Sekondarya ng San Francisco na may temang “Locally Responsive, Globally Engaged.”
Anim na paaralan ang nag-tagisan ng galing sa D6SSPC kung saan nagwaging masungkit
3 BALITA
Dishwashing soap making itinuro sa Erans
ni Marriane Nicole C. Quite
Inilunsad ng
Technical and Livelihood
paaralan upang pagmasdan ang mini exhibit na ginawa ng Deutsch students kung saan ay may inihanda ring palaro, raffles at freebies ang Lubos naman ang pasasalamat ng paaralan sa kanilang partisipasyon kaya’t ginawaran din sila ng kani-kanilang sash bilang tanda nito.
“Special thanks to all German students, including their parents, for the effort and time that they have given and spent,” pasasalamat pa ni G. Gumabay sa isang Facebook Post. #
Education (TLE) Club ang
‘Dishwashing Soap Making’ sa Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) nitong ika11 ng Enero, sa Audio-Visual Room (AVR) ng paaralan.
Isa ito sa Skills
Development program na hatid ng TLE Club na may layuning mapaunlad ang kakayahan ng mga lumahok na mag-aaral ng PSNE. Binuksan ang programa sa isang panalangin na sinundan ng pambungad na pananalita mula kay G. Pedro C. Austria, Head Teacher ng TLE. Pinangunahan ni Ginang Virginia Bon, guro mula sa Tañong National High School (TNHS) ang pagtuturo ng tamang
proseso sa paggawa ng dishwashing liquid soap na agad namang sinubukan ng mga nakilahok dito.
“As the current President of TLE Club, super grateful ako sa mga nagparticipate kasi kung hindi dahil sa kanila ay hindi magiging matagumpay yung aktibidad na plinano namin at siyempre sa mga coofficers ko na tumulong sakin,” pasasalamat ni King Darrence A. Eliang, presidente ng naturang klab.
Bago magtapos ang aktibidad, pinarangalan ng sertipiko bilang pagpupugay ang panauhing tagapagsalita na si Gng. Virginia para sa naging aktibo nitong partisipasyon. #
ERANS NAKIISA SA MULING PAGBANGON
ni Valkaimer M. Delos Santos
ng PSNE ang ikatlong karangalan; samantalang 18 paaralan naman ang naglaban-laban sa DSSPC.
“I am immensely proud to The Era for producing well-rounded
scribes and bringing them to the Press Conference stage to represent our school”, ani John Michael Capuso, The Era Editorin-Chief na nagpahayag ng kanyang labis na pagpupuri sa kanyang mga kasamahan sa The Era.
Nagpahayag din si Michelle Pancho, Tagapangasiwang Patnugot ng Ang Mandaragit ng kanyang mensahe, “Nawa’y manatili ang katwiran ng bawat mamamahayag sa pagbuwag ng panunupil sa media at sa pagdepensa sa kalayaan ng pamamahayag.” Sa kabuuan, nakapag-uwi sila ng 44
Sa pangunguna ng Supreme Student Government (SSG), nagabot ng tulong ang mga estudyante at kaguruan ng Paaralang Sekundarya ng New Era (PSNE) sa mga nasalanta ng sunog sa Balud, Baranggay Culiat nitong ika13 ng Enero 2022, Biyernes. Higit sa limang bags ang naipamahagi kung saan ito’y naglalaman ng mga damit, pagkain gaya ng de lata pati na rin ang hygiene kits.
Sa kanilang Facebook page, inilunsad ng naturang organisasyon ang isang donation drive na mangongolekta ng mga donasyon para sa mga biktima ng nasabing sakuna.
“Bilang ‘Head Student Organization’ ng paaralan, tungkulin namin na maprioritize ang pangangailangan ng mga kapwa natin mag-aaral lalo na sa mga ganitong hindi inaasahang pangyayari na dulot ng mga sakuna.” ani ni Agatha Reign B. Atun, kasalukuyang SSG president. Inihatid ng
maayos ang mga ayuda sa Sanville Covered Basketball Court na matatagpuan sa nabanggit na baranggay.
Lubos ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng ayuda dahil malaking tulong umano ito para sa kanilang pagbangon.
“Sana patuloy yung pagsuporta ng mga kapwa ko mag-aaral sa mga susunod pa naming donation drive and syempre sana dumami pa yung mga taong tutulong sa pagbangon ng mga nangangailangan,” dagdag pa ni Atun.
Nito lamang ika-15 ng Enero, muling naglatag ng donation drive ang SSG para naman sa mga nasunugan sa isang residential area sa Brgy. Balara, Quezon City. #
MGA Klab, kaguruan nagkaisa sa pagdaraos ng CARES
Isinagawa ng New Era High School (NEHS) ang kauna-unahang pormal na pagpupulong ng mga klabs kasama ang teacher-advisers sa Audio Visual Room (AVR) noong Mayo 24 para sa CARES o ang: Crediting the efforts of active students (in the club) and winning students in their academic performance
• Strengthening collaboration of all clubs
Naglalaman ito ng mga isyung kadalasang kinakaharap ng mga miyembro ng samahan at mga ‘point’ na magpapatatag dito, kung saan tinalakay din ang mga hakbangin na inaasahang magsilbi bilang solusyon.
ang fundraising projects, paggawad ng sertipiko ng pagkilala sa mga mga at ang paglunsad ng online forum at trainings. #
na karangalan mula sa D6SSPC; mula sa DSSPC ay nagwaging makakuha ng 10 karangalan ang
The Era, samantalang 14 naman ang naiuwi ng Ang Mandaragit. #
• Assisting and funding of clubs (if denied necessary)
• Recognizing and appreciating of registered club, club officers and teacheradvisers
• Enhancing skills of all student leaders
Upang mapairal ang holistic approach sa edukasyon, naging sentro ng pagpupulong ang pagkakaroon ng ‘recommendation letter’ na may means of verification (MOVs) gaya ng mga sertipiko na isusumite sa mga guro ng mag-aaral para sa extra points.
Tinalakay din
ni Agatha Reign B. Atun
ni Sharlaine Kate J. Gumayat
larawan mula kay G. Jose Antonio C. Gumabay
Isa ang Supreme Student Government ng PSNE ang bukas palad na tumulong sa mga taong apektado ng sunog sa Brgy. Culiat nitong Enero 13.
Layon ng CARES na paigtingin ang iba’t ibang klabs at kanilang mga guro, na magkasamang dumalo sa nasabing programang ginanap sa AVR noong
mga kuhang larawan ni Jomar Danielle P. Gonzales
larawan mula sa New Era High SchoolSupreme Student Government
Hindi na nakapagpigil si Alcayde sa pagluha dala ng kasiyahan matapos siyang itanghal bilang ika-unang pwesto sa Paglalarawang Tudling sa ginanap na D6SSPC.
2022 HULYO 2023
G. Aduan hinirang bilang Most Outstanding Teacher ng PSNE
Dugo, pawis, luha.
Ilan lamang ito sa mga bagay na kinakailangan isakripisyo ng mga guro sa araw-araw na pagbibigay ng serbisyo. Upang parangalan ang mga namumukod tanging guro sa Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE), idinaos ang “2022-2023 School-Based Search for Outstanding Teachers”, nitong ika-16 ng Disyembre, 2022 kasabay ng Faculty Year-end Party ng paaralan.
Pinagpilian ang mga gurong hindi bababa sa dalawang taon nang nagseserbisyo sa paaralan kung saan pinagbatayan ang kanilang kasanayang gumabay, magturo, personal na katangian at iba pa.
Matapos ang tatlong round ng kompetisyon, pinarangalan ang Top 12 na sina;
1st Plaace - G. Arren V. Aduan
2nd Place - Bb. Romalyn V. Lim
3rd Place - Bb. Ivory Leen A. Alzaga
4th Place - G. Marcelino C. Cabral
5th Place - Bb. Wenny A. Bautista
6th Place - G. Jose Antonio C. Gumabay
7th Place - Bb. Alma M. Javier
8th Place - G. Revento M. Balunguita
9th Place - Gng. Ginalyn Flores-Abelo
10th Place - G. Gil B. Banzuela Jr.
11th Place - Bb. Fionah C. Abanilla
12th Place - Bb. Catherine C. Ondoy
Kinilala si Sir Arren Velasquez Aduan, guro sa ikasiyam na baitang sa asignaturang English, bilang “Most Outstanding Teacher at New Era High School for 2022”.
“The 2022 Search for Most Outstanding Teacher is a celebration of hard work and achievements. Being the Most Outstanding Teacher at New Era High School for 2022 is just a representation of what the school has, so I would like to share this award to all the awardees. We believe that we truly serve “para sa bata, guro, bayan at sa kapurihan ng Ama.” ani ng gurong nagwagi sa kaniyang post sa Facebook.
“I would like to extend my gratitude to Dr. Ferdz Fontillo the great man behind this recognition, Mr. JB Bulios, Head Teachers of different departments, especially to my head, Ma’am Jovie Legaspi, my English Department family, PTA Officers, Faculty Officers led by Ma’am Sey Faustorilla, stakeholders, especially to the Rotary Club of Midtown Quezon City for their immense support and to the New Era High School Community, maraming salamat po!!,” dagdag pa niya.
Nakatanggap ng Php 2,000 at isang sertipiko ng pagkilala ang 11 guro na nakaratingsa huling round ng kompetisyon.
Nag-uwi naman ang nagwagi ng Php 10,000 at ng tropeyo ng pagkilala, na siyang pinondohan ng Rotary Club of Midtown, Quezon City Alumni, School Parent-Teacher Association (SPTA), Non-Governmental Organizations, at Local Government Units.
Sa kabilangg dako, nagdiwang ang departamento ng English matapos dumugin ng kanilang mga guro ang mga nanguna para sa naturang aktibidad. #
Kababaihang Erans kinilala ang kontribusyon sa Distrito 6
“Don’t let your fear be bigger than your faith.”
Ito ang natutuhan ni Agatha Reign B. Atun, kasalukuyang Supreme Student Government (SSG) President ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) sa kaniyang nominasyon para sa “1st Gawad Marangal na Paglilingkod 2023: Natatanging Kababaihan sa Distrito 6”
na nilahukan ng iba’t ibang personalidad sa larangan ng politika.
“Palagi natin uunahing isipin lahat ng kaya nating gawin, at palagi rin nating i-prioritize yung pananalig natin sa sarili nating kakayahan,” ani Agatha.
Katuwang ng mag-aaral sa baitang 10 ang iba pang mga nominado para sa “Gawad Hiraya for Academic Excellence” na nagmula sa
iba’t ibang paaralang sakop ng Distrito 6.
Nominado naman para sa “Gawad Kalasag para sa Edukasyon” si Gng. Marecris G. Guerra at “Gawad Bagani for Community Based Organization” naman kay Gng. Cherrybeth G. Estabillo, mga guro sa asignaturang Araling Panlipunan (AP) ng nasabing paaralan.
Bagamat bigo nilang masungkit ang mga nabanggit na parangal, nagpapasalamat pa rin sila sa pagkakataong mapabilang sa kauna-unahang paglulunsad ng seremonya.
“I would like to thank all the teachers and schoolmates na tumulong sa’kin para mapatunayan lahat ng kagalingan ko hindi lang bilang isang mag-aaral, kundi bilang isang babae,” pahayag pa ni Atun.
Dinaluhan ng mga opisyales sa lungsod ng Quezon ang nasabing programa pati na rin ni Senator Risa Hontiveros, samantalang nagpa-abot naman ng virtual message si Bise-Presidente Sara Duterte. #
CONG. MARIVIC Co-pilar nanguna sa PSNE Mass Oath Taking
“Kapag pinagkatiwalaan ka, binigyan ka ng pagkakataong maglingkod, maglingkod tayo ng buong husay.”
Ito ang mga binitawang salita ni Quezon City District
6 Representative Marivic CoPilar matapos itong manguna sa isinagawang Mass Oath Taking ng mga kasapi ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) nitong ika17 ng Nobyembre, 2022 sa kanilang covered court.
Kabilang dito ang mga opisyales ng iba’t ibang klab, pati na rin ng Supreme Student Government (SSG) at ng School Parents-Teachers Association (SPTA).
Kasabay nito ang pangako ng congresswoman sa pagpapatayo ng ikalawang palapag ng nasabing covered court at P50,000
FSM students ng PSNE nagpasiklaban sa UGBO 2023
na donasyon para sa sound system ng paaralan.
Biro niya, dapat ay tapatan niya na din ang pagtulong ng kaniyang asawang si QC District 6 Councilor Banjo Pilar sa isang pasilidad ng kalapit na paaralan na Culiat High School.
Nagbigay naman ng kani-kanilang message
of acceptance sina SSG President Agatha Reign Atun at Melanie Ranjo, SPTA President.
“Ang matatag na puso ng tao ang hihila sa kanya para bumangon at isakatuparan ang layunin para sa mga taong kaniyang pinahahalagahan o nasasakupan,” pahayag ni Agatha. #
Nagpasiklab sa ‘Urban Gardening and Bazaar Opening’ (UGBO) 2023 ang mga magaaral ng Food Service Management (FSM) mula sa baitang 10 nitong ika-22 ng Pebrero na ginanap sa Covered Court ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) na pinamunuan ng Technology and Livelihood Education (TLE) Club.
Nagpakita ang mga mag-aaral na kasapi ng FSM ng kani-kanilang galing sa pagluluto at paghahain ng pagkain sa mga estudyante na nakilahok sa pamamagitan ng pagbili sa bawat food stalls.
Umarangkada sa kalagitnaan ng pagdadaaos ang talento sa PSNE nang maghandog ng kani-kanilang intermission number ang ilang mga estudyante nito.
“Masaya ako as the President ng TLE Club dahil maraming sumuporta sa aktibidad namin, sana ay maipagpatuloy pa ito ng mga susunod na magiging leader ng club”, pahayag ni King Darrence Eliang, TLE Club President.
Ayon pa kay Eliang, siya ay labis na nagagalak sapagkat sa kabila raw ng kanyang kaunting karanasan at kasanayan sa pamumuno ay naging matagumpay pa rin ang nasabing aktibidad sa tulong ng kanyang mga kapwa mag-aaral at guro.
Tumagal ang buong programa nang mahigit anim na oras, kung saan ay ganap na natapos ito sa dakong ika-3 ng hapon. #
4
HULYO
AGOSTO 2022
2023 BALITA
ni Valkaimer M. Delos Santos
ni Valkaimer M. Delos Santos
Bigo man matamo ang parangal, tiyak namang nakamtan ni Atun ang suporta’t pagmamahal ng mga na sa paligid niya dahil sa angking kakayahan niya sa paglilingkod.
Isang malaking karangalan para sa mga opisyales ng iba’t ibang klab ang ipagkatiwala sa kanila ang posisyon at mga tungkuling gagampanan nila sa PSNE.
larawan mula sa Quezon City Government
kuhang larawan ni Jomar Danielle P. Gonzales
ni Paulene H. Dela Luna
ni Agatha Reign B. Atun
Bungad sa covered court ang mainit na pagsalubong ng Erans sa UGBO noong Pebrero 22 na pinangunahan ng TLE club at mga mag-aaral mula FSM.
kuhang larawan ni Gabrielle Rhean G. Batulan
AGOSTO 2022
HULYO 2023
erans, apektado
ka rin ba?
78 sa 100 Erans ang nasabing apektado ng inflation na kasalukuyang nangyayari
OPINYON
balat ahas
NAAPEKTUHAN
HINDI MASYADO
78% 12% 10%
HINDI NAAPEKTUHAN
Mandaragit Ang
Pamatnugutan
SHARLAINE KATE J. GUMAYAT
PUNONG PATNUGOT
AGATHA REIGN B. ATUN
KAPATNUGOT
MICHELLE G. PANCHO
TAGAPANGASIWANG PATNUGOT
VALKAIMER M. DELOS SANTOS
PATNUGOT NG BALITA
PAULINE E. CABARLES
PATNUGOT NG EDITORYAL
IRISH JEAN S. ESTEVES
PATNUGOT NG LATHALAIN
SHYRA MAE T. REYES
PATNUGOT NG ISPORTS
PAULENE H. DELA LUNA
PATNUGOT NG AGHAM
RALPH KEVIN E. FLORENDO
PATNUGOT NG PANITIKAN
JARED XEREX O. MASIGLAT
KARTUNISTA
LEI KATHRYN D. EBIO LITRATISTA
KATHLEEN ANNE D. MAXIMO TAGAPAGWASTO
MARK ANGELO R. RICO
SIRKULASYON
MACUZ MARIAN B. BAUTISTA
JOSHUA G. ALCAYDE
VALKAIMER M. DELOS SANTOS
ANDREI JAYSON V. MORA
TAGAPAGLAPAT AT TAGAPAGDISENYO
GINALYN F FLORES
TAGAPAYO ANG MANDARAGIT
ROSARIO S. DELA CRUZ
PUNO NG KAGAWARAN, FILIPINO
DR. FERDINAND A. FONTILLO PUNONGGURO
Isang combo meal at limang pisong panulak, solb ka na tuwing recess. Ngayon, saan aabot ang bente pesos mo? Sabi niya, sabay-sabay daw babangon matapos manggulantang ng nakamamatay na sakit. Subalit hindi pa talaga patapos ang laban, nag ibang anyo lang ang kalaban.
Tinatawag na inflation rate ang sukat ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa isang bansa sa loob ng isang panahon. Inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa kasalukuyang taon na umabot ito sa 7.6% noong Marso, 8.6% noong Pebrero, at 8.7% noong Enero sa bansa. Sa isinagawang survey, may iilang tugon mula sa mga mag- aaral ng Paaralang Sekundarya ng New Era (PSNE) na hindi raw sila naapektuhan o hindi masyadong naramdaman ang pagtaas ng bilihin. Gayunpaman, makikita na malaking bahagdan nito ay apektado. Ganito na ba ang bagong mukha ng edukasyon?
Istress na mga estudyante sa mga sangkatutak na gawain, isabay pa kung paano hahatiin ang kapiranggot na baon. Nagpahayag naman ang National Nutrition Council na upang ganap na matugunan ang mga isyu sa kagutuman at access sa pagkain, dapat tugunan ng gobyerno ang mga sistema ng pagkain ng bansa at ang pagbilis ng implasyon. Kasabay din nito ang paglobo ng kritikal na bilang ng bawat estudyante at kaguruan na hirap sabayan ang agos ng tuloy-tuloy na pagmahal ng presyo. Apektado rin ang mga magulang na nagpapa-aral, ang mga tindera sa canteen, at
ang mga pumapasada. Sa madaling salita, walang ligtas sa dulot nito. Mahirap maging mahirap. Buti sana kung kikita rin ng malaki ang mga manggagawa upang magkaroon naman ng paliwanag ang ‘cost of living’
NI: PAULINE E. CABARLES — IBOSES MO —
balita ng mga nakaluklok sa pwesto. Lulong na nga sa hirap, pagagapangin pa sa utang na hindi naman nila ginusto.
ng bansa. Ngunit, ang lahat ba ay may maayos na trabaho?
Kaya kahit sa pampublikong paaralan pa ang iyong diretso, hindi masasabing wala kang gastos at madalian lang.
Hindi rin masisisi ang mga kabataan kung pangarap nilang makaalis sa Pilipinas.
Sa sobrang haba ng kailangan pagdaanan, papayag ba silang maulit muli ang siklo kapag nagkaroon na ng sariling pamilya? Kapag pumalya ang gobyerno sa pagresolba ng mga ganitong usapin, susunod na rin ang pagbagsak ng ibang isyu na magreresulta sa anomalya.
Nakatatak na ang inflation sa ating pamumuhay ngunit hindi ito dahilan na dapat tayong masanay sa karalitaan. Hindi ba dapat gumagawa ng paraan ang gobyerno na pataasin ang pasahod ng mga manggagawa kasabay ng pagbagal ng inflation rate? Nakadaragdag lamang ito ng pahirap sa gastusin ng mga estudyante dahil sa kahirapan. Magkakaroon din ito ng epekto sa kakayahang magbayad para sa iba pang pangangailangan tulad ng mga matrikula na dapat tustusan. Hangad ng mga estudyante ang abot kayang bilihin lalo’t wala pang kakayahang suportahan ang sarili. Hindi dapat kaugnay ng salitang ‘hirap’ ang edukasyon, sapagkat ito ay isang karapatan. Kung ang sitwasyon man ay lumala sa hinaharap ay hindi lamang ekonomikong sektor ang babagsak, pati ang sinilangang bayan ay iiyak sa malaking kasiraan ng kaniyang anak. Kailan kaya tatahan ang Pilipinas kung hindi natatapos ang laban, at nagbabalat anyo lang ang kalaban? #
Dugo’t pawis ang inilaan ng mga tsuper upang maipakita ang pagtutol sa Jeepney Phaseout na isinampal ng gobyerno. Paano naman kasi sila matutuwa? Imbes na benepisyo, sakit sa ulo ang
Hindi lamang sila ang mawawalan ng trabaho sa sapilitang pagbabago. Damay na rin dito ay ang pamilyang Pilipino, mag-aaral, at maliliit na PUJ operators. Mahigit 330,000 drivers
LIHAM
Mahal na Patnugot, Naging mag-aaral po ako rito sa Paaralang Sekundarya ng New Era noong ika-8 baitang. Sa bawat taon, aking napag-alaman na may pahayagang ibinebenta ang paaralan, Ako’y natuwa dahil oras na iyon ay pinag-aaralan namin ang bahagi ng pahayagan. Talagang nakatutuwa at nakamamangha ang paraan ninyo ng paghahayag, hindi lamang isang payak na dyaryo dahil ang gaganda ng mga disenyo.
Bilang hindi ako kasapi ng pamahayagan, nais ko po sanang mag suhestiyon na isulong ang pagtangkilik sa ating dyaryo bilang pagpapakita ng suporta sa ating nakagawiang kultura’t mapag-alaman din namin ang mga importanteng balitang naganap sa naturang taon at mabalikan ang mga ito. Salamat po! Gumagalang, Allen Floyd Dela Peña X-Diamond
ang mamumulubi kung nagkataon na mawala nga ang tradisyonal na jeepney. Kaunti na nga lang ang natitirang kita sa pamamasada, mapupunta pa sa bulsa ng iba.
Bentag-benta ang usaping ito para sa aming mga magaaral, ang tradisyonal na mga jeepney ay sikat at mas abot-kayang mode para sa transportasyon. Kung sila ay aalisin, maaari itong magresulta sa limitadong mga opsyon, lalo na para sa mga umaasa sa amin na magcommute papu1`nta at pabalik
MULA SA PATNUGOT
Allen Floyd, Kami ay nagagalak sa iyong positibong puna sa ating pahayagan. Gayundin sa pagpapakita mo ng iyong suporta. Nais lamang namin ipaalam na ang pagbili sa pahayagan ay boluntaryo. May mga aktibidad na isinasagawa ang ‘ANG MANDARAGIT upang sa gayon ay magkaroon kayo ng kaalaman kung paano binubuo ng mga mamamahayag ang ating latha. Taon-taon ay nagsasagawa ng school- based presscon at pupwede kayong sumali sa patimpalak. Salamat sa iyong pagpuna at kami’y nangangako na mas pag-iigihan pa namin ang pagsusulat ng mga artikulo upang maging kaaya-aya ito sa inyong panlasa. Hanggang sa muli!
lubos na gumagalang, ANG MANDARAGIT
ng paaralan, na sa kalaunan ay maaaring humantong sa ilang mga paghihirap sa pag-access sa edukasyon.
Isa pa, para sa mga may limitadong badyet, ang ay pagpapalit sa modernong jeep ay maaaring may mas mataas na pamasahe na maaaring magdulot ng pinansiyal na pasanin sa amin. Makakaapekto pa ito sa kakayahang tustusan ang iba pang mahahalagang pangangailangan tulad sa ekstrakurikular at aktibidad.
Hari man kung ituring sa daan, sa kabilang dako naman ay labis na pinagsamantalahan. Sanlibutan man ay punong-puno ng ng ‘di pwagkakapantay-pantay sa karapatan, mas lamang ang may malinis na paggamit ng kakayahan kaysa sa isang edukado na ang serbisyo ay para lamang sa may mataas na kinalalagyan.
Maging kritikal sa lipunang ginagalawan, dahil ang iyong pag-aaral, ay para sa sintang bayan. Ngunit ang tanong, sasakay ka pa ba? #
para SA PATNUGOT
LIHAM
Sasakay ka pa ba?
IGINUHIT NI: JOSHUA G. ALCAYDE
5
“Hanapbuhay ‘yung pinaglalaban namin ‘dito!”
OPINYON
AGOSTO 2022
Hating kaalaman SA HATING SILID-ARALAN
Usap-usapan pa rin kung mas epektibo ba ang pagkakaroon ng set A at set B kumpara sa full face-to-face pagkatapos ng mahabang pag oonline class dulot ng pandemya. Samu’t-sari kasi ang mga opinyon ng mga magulang dahil nakakaapekto rin ito sa kakulangan ng kaalaman at kalusugan ng kanilang mga anak.
Kamakailan lamang, nadagdagan pa ng rason upang magpatuloy ang paghahati ng mga araw ng pagpasok sa paaralan. Tagiisang araw na lang ang bawat set at asynchronous na ang iba upang makabawas sa tagaktak na pawis na dulot pa ng pagbyabyahe at siksikan sa silid-aralan.
Pahinga o Akademya?
NI: JOSAN E. LEAL
Sa ating henerasyon, napakaraming mga kabataan ang nakararanas ng tinatawag na ‘academic burnout’ o ang stress na nararanasan sa pag-aaral. Kolehiyo man, sekondarya, at elementarya. Sa paglipas ng mga buwan, sumabay din ang pagbabago ng lipunan. Mabilis na pagtakbo ng oras, nagiging dahilan na rin ng kahirapang magbigay ng dagliang pansin sa mga bagay na dapat asikasuhin sapagkat ‘di alam kung paano at kailan magsisimula. Dahil sa ganitong problema, nagiging daan ito upang tayo’y pumalya sa ating mga academic performances. Ginagawa ng mundo ang pag-aaral dahil umaga’t hapon atensyon nati’y dito umiikot. Nalilipasan na rin ng gutom matapos lang ang mga gawain. Ngunit walang masisisi sapagkat may kaniya-kaniya tayong
kadahilanan kung bakit ganon na lamang katindi ang pagpopokus sa akademikong gawain kahit pa ang pangkaisipan at pisikal na kalusugan ay nakasalalay.
Karamihan sa ating mga mag-aaral dulot ng pressure na natatanggap sa mga magulang, nagsusumikap tayo para maabot ang isang mithiin kahit pa utak at katawan
Sa mapanghusgang lipunan ng mundo, ang balidasyon sa akademya na lamang ang tanging humihila sa atin upang magpatuloy.
ay pigang piga na ng mga gawaing karaniwang ‘di naman talaga magagamit para sa hinaharap.
Nasosobrahan na rin sa pagaalala kung naging sapat ba ang mga sakripisyong inialay upang makuha ang inaasam
Pinagkaitang Ugnayan
Naglunsad ng kautusan ang Department of Education (DepEd) ng pagbabawal ng interaksyon ng mga guro at magaaral sa labas ng paaralan noong Nobyembre. Ito ay naglalayong magsulong ng propesyonalismo at seguridad sa paghahatid ng mga pangunahing programa ng edukasyon. Sa likod ng butihing layunin, nakapaloob ang mga anomalya. Nagiging hadlang ito sa komunikasyong
kinakailangang mamagitan. Sa kabilang banda, itinanggi DepEd na ang pagpapatupad nito ay lumalabag sa karapatan sa malayang pananalita. Sa katunayan, nagiging hakbang daw ito upang maiwasan ang krimen gaya na lamang ng naiulat na pananaksak sa isang guro sa kalagitnaan ng inuman kasama ang kanyang mga mag-aaral.
Sa isang press conference, sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na ang Deped Order 49 ay pag-uulit lamang ng Code of Conduct para sa
na sertipiko’t medalyang binuo ng puyat, pagod, at pag-iyak sa gawaing parang wala nang katapusan.
Kung tutuusin kahit pa sabado’t linggo, imbes na naglalakbay ang ating katawan sa himbing ng pagtulog, nakipagtititigan na naman tayo sa kuwadernong may nilalamang takdangaralin o di kaya’y gumagawa ng proyekto. Dumarating na rin sa puntong kumakalabit na sa ating isipan ang mga katagang, ‘ayoko na.’, ‘bukas nalang.’, ‘tinatamad ako.’ subalit ito pa rin tayo nagpapatuloy.
Wala pa sa gitna ng paglalakbay ngunit katawan at isipa’y sumusuko na parang malabo nang makamtan pa ang dulo. Ito’y magiging daan na rin upang tuluyan nang bitawan ang binuong mithiin sapagkat gulong-gulo na ang utak sa lahat ng bagay. Ibigay ang pahingang kinakailangan ng katawan at tuluyang lumayo sa nakapanghihinang sigaw ng lipunan. Hindi parepareho ang estado ng ating pamumuhay kaya maging mahinahon tayo sa mga taong nakararanas nito. #
mga tagapaglingkod sibil, na kinabibilangan ng mga guro sa pampublikong paaralan. Dapat na mas bigyang pansin ang pagsasagawa ng mga seminar na magpapabatid sa mga estudyante at kaguruan ng limitasyon at paraan ng pakikipagusap, hindi ang kumpletong pagbabawal ng interaksyon na natural na nagaganap. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagiging ‘counterproductive’.
Itinuturing na pangalawang magulang ng mga estudyante ang kanilang mga guro. Kung magkakaroon ng restriksyon, para na rin nilang hinadlangan ang koneksyon ng isang magulang sa kaniyang anak. #
NI: MACUZ MARIAN B. BAUTISTA
Kataka-taka lang, ano pa kaya ang matututunan ng mga mag-aaral kung tambak ng mga gawain na lamang ang ibibigay? Hindi natin maitatanggi na internet na ang gumagawa sa mga gawaing ibinibigay dahil sa kakulangan ng karunungan ng mga estudyante tungkol sa mga paksa.
mahirapan mag adjust ang bawat isa. Dumarami pa ang mga nagiging suliranin na hindi naman prinoproblema noon.
Kung kaya noon, bakit hindi kayang maibalik ngayon?
Kung ako man ay tatanungin bilang isang estudyante, mas pabor ako na mabalik ang normal na iskedyul ng pagpasok upang hindi na
FINANCIAL DIFFICULTIES
Sinasabi ng ilang paaralan na ang mga uniporme sa paaralan ay mas mura para sa mga magulang; gayunpaman, ang mga uniporme sa paaralan sa pangkalahatan ay nangangahulugan ng karagdagang gastos para sa mga magulang.
Nawa’y mabigyan sana ng karapat-dapat na solusyon ito at hindi lang basta basta maisipan ang gagawin. Ang nais ko ay matuto ang bawat isa habang nag-aaral at hindi masayang ang pagod ng kapwa estudyante. Mabigyan sana ng karampatang pondo ang bawat pampublikong paaralan upang hindi na makasagabal ang mga ganitong problema habang tumutuklas ng kaalaman ang bawat isa. #
INDIVIDUAL EXPRESSION
Ang mga mag-aaral sa paaralan ay kailangang matutong ipahayag ang kanilang sarili, at ang kanilang mga pagpipilian sa kanilang mga susuotin ay isang paraan ng paggawa nito. Kapag ang bawat bata ay napipilitang magbihis, nawawalan siya ng kalayaang pumili kung paano niya gustong katawanin ang kanyang sarili.
DRESS CODE PROBLEMS
Ang pagbibigay ng mga uniporme ay hindi magwawakas sa mga paglabag sa dress code sa isang paaralan. Ang mga magaaral ay hahanap pa rin ng paraan upang magsuot ng uniporme nang hindi naaangkop.
unipormidad kontra indibidwal
Sa kabila ng pagiging aprubado ng DepEd Order No. 065 issued in 2010, na nagpapahintulot ng hindi pagsusuot ng uniporme sa paaralan ay isa pa rin sa mga pinagdedebatihang isyu ang pagsusuot ng uniporme sa mga paaralan. Bawat panig ay may kani-kaniyang paliwanag patungkol rito. May mga nagsasabi na ito’y nagtuturo ng disiplina sa mga estudyante.
Ayon naman sa iba, tinatanggal nito ang kalayaan ng mga estudyante upang ipahayag ang kanilang sarili. Ngunit sa kabila ng mga puntong ito ay nananatili ang katanungan na epektibong paraan ba ang pagsusuot ng uniporme sa mga paaralan sa pagtataguyod ng disiplina sa mga estudyante?
Sinasabing ang pagsusuot ng uniporme ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga estudyante upang magkaisa at ipagmalaki ang kanilang paaralan. Tama kung iisipin, ngunit kung uniporme ang pagbabasehan ng pagkakaisa ay nagiging daan din ito para sa diskriminasyon sa mga walang kakayahang bumili ng uniporme.
Isa pa ay nililimitahan ng uniporme ang kalayaan ng mga estudyante upang ipahayag ang kanilang sarili. Ang pananamit ay isang anyo ng pagpapahayag ng ating sarili, kaya nararapat na may kalayaan tayo sa kung ano ang ating gustong suotin at kung paano natin ipapahayag ang ating sarili.
Bukod pa riyan, hindi naman kinakailangan ang uniporme upang maitaguyod ang disiplina sa loob ng paaralan. Walang katibayan na nagsasabi na nagpapatatag ng disiplina sa mga estudyante ang pagsusuot ng uniporme.
Naniniwala ako na hindi kinakailangan ang uniporme sa pagpapaigting ng disiplina o sa pagkakaroon ng pagkakaisa. Sa katunayan, ang pagsusuot ng uniporme ay nagdudulot pa ng kabaligtaran ng inaasahan. Kung nais natin ng disiplina’t pagkakaisa, bigyang pagkakataon ang mga estudyante na isuot kung ano ang nais nila at ipahayag kung sino sila, sa ganitong paraan ay mas makikilala natin ang bawat isa. #
NI: MIKE ANDREI D. FARIOLAN
NI: SHARLAINE KATE J. GUMAYAT
— PAYONG MANDARAGIT —
— KUKO NG MANDARAGIT —
— DERETSAHAN —
— KABATIRAN —
IGINUHIT NI: FELIX BENEDICT G. ABRAHAM
6
HULYO 2023
AGOSTO 2022
HULYO 2023
Proteksiyon sa Pandemya
NI: LENZE DANIEL M. CALIXTERIO
Macuz Marian Bautista
Hindi pa nawawala ang bangis ng Covid 19 at patuloy na lumalaganap. Sa katunayan, marami pa ring nahahawaan nito dahil sa pagsawalang bahala sa pagsusuot ng facemask. Ito ang naging proteksyon natin sa pandemya, ngunit hindi ba nakakaalarma ang untiunti nitong pagtatanggal?
Paano na ang mga Senior Citizen at Estudyante na madaling mahawaan? Kung magpapabaya tayo, kaya pa ba ng gobyerno?
Halos 70% - 80% protektang naidudulot nito laban sa nakakahawang sakit. Ang pagsusuot nito ay konting sakripisyo lamang upang maprotektahan natin ang lahat laban sa Covid19. Nakapagtataka kung bakit agad agaran nilang gusto matanggal na ang facemask kahit na wala pang kasiguraduhan na ligtas na ang paligid. Posibleng paghihigpit muli at pagbagsak ng ekonomiya ang nakaabang satin kung tayo’y magpapabaya.
Para sa’kin, ang mga desisyon ng mga paaralan na gawin ‘optional’ ang
pagsusuot nito ay hindi katanggaptanggap dahil hindi lang nanganganib ang pagsasara ng mga eskwelehan, pati narin ng mga estudyante na mawawalan ng proteksyon sa patuloy na lumalaganap na Cov 19. Kung mawawala ang facemask, maaring magkaroon ng mabilis na hawaan kung mayroong estudyante ang may sakit.
Sa pagsisimula ng pandemya, mga taong ayaw mag facemask ang siyang agad agad na nahawaan. Kahit ngayon na may bakuna na kontra dito, dapat hindi pa rin natin ‘sa walang bagay ang pagsusuot nito. Dapat ding matuto ang bawat mamamayan, lalo na ang mga estudyante na sumunod sa pagsusuot ng face mask.
Kawani ng eskwelahan ang dapat na mag obliga ang mga estudyànte tungkol sa pagsusuot ng facemask para sa kaligtasan ng bawat estudyante. Kung ito’y patuloy na tatanggalin, paano ang ating kaligtasan? pag bumalik tayo sa lagay noon, kaninong kapabayaan ito? #
Dr. Keany previously told Health.
Isang araw na pakikiramay,
hindi namin kailangan!
NI: HERSHANE TANTAY
Ang pagpapatiwakal ay isang kusang loob na pagkitil sa sariling buhay, ito ay nakikitang daan ng ilang kabataan para matakasan ang kinakaharap na problema kapag hirap na at wala ng pag-asa.
Ginagawa nila itong shortcut para makatakas, isa itong seryosong problema sa kalusugan sa publiko at isang napakasalimuot para sa mga pamilya at kaibigan ng mga biktima. Gising na ba ang lahat sa katotohanan kung saan ang pinagmulan nito o nagbubulagbulagan pa rin ang ilan at isusumbat na “inarte” lang ito? Paano na ang pag-asa ng bayan kung mismong bayan ang pumapatay sa kabataan?
Saksi ang lahat kung pa ano nagdudusa ang kabataan sa masalimuot na bayang ito. Tambak na gawain sa paaralan, problema sa bahay, panghuhusga at pangkukutya ng mga taong walang mga sariling buhay, kaliwa’t kanan ang problema.
Nagpasulat ang ibang
sikip sa eskwela
NI: MIKE ANDREI D. FARIOLAN
Isa sa kinakaharap na isyu sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas ay ang labis na populasyon ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan. Sa laki ng populasyon sa Pilipinas na aabot sa 100 milyon ay malaki ang demand para sa edukasyon. Subalit, tila hirap ang public school system na tugunan ang demand na ito, na nagiging sanhi ng kakulangan ng mga silid-aralan na siyang kinakailangan sa pag-aaral ng mga estudyante.
Idagdag pa, ang dahilan ng problemang ito ay ang kakulangan ng inilalaan na pondo ng gobyerno para sa edukasyon. Sa kabila ng katotohanang edukasyon ay isang pangunahing karapatang pantao, hindi parin nakapaglalaan ng sapat na pondo ang gobyerno upang matugunan ang mataas na demand sa edukasyon. Ito ay humahantong sa kakulangan ng mga silid-aralan na nagiging sanhi rin ng sisikang mga silid-aralan.
mga magulang ang walang kakayahang pag-aralin ang kanilang mga anak sa pribadong paaralan kaya naman ay napipilitan sila na ipasok ang anak sa pampublikong paaralan. Ito ay humahantong sa pagdagsa ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan na nahihirapan na ring tugunan ang pangangailangan ng mga estudyante nila.
guro sa New Era High School ng mga saloobin at problema ng kanilang estudyante na kinakaharap na walang pangalan. Ngunit isang araw lang itong ginawa, hindi sapat ang isang araw upang masulusyonan ang problema. Walang silbi ang pagpapasulat ng nararamdaman kung sandamakmak na pareporting at gawain muli ang ibabato. Sang-ayon ako sa kanilang ginawa ngunit kailangan ng bawat kabataan ang tuloy-tuloy na pakikiramay at unting konsiderasyon sa mga bagay. Nakakalungkot na isipin na iilan lamang na guro ang tunay na may pake sa mga estudyante.
Nahahanap ang kalinga na hinahanap sa iba na hindi maibigay sa kaniyakaniyang tahanan. Huwag nang antayin na may tuluyan nang kumitil ng kanilang buhay sa paaralan at bago umaksyon at kumilos. #
Isa pang dahilan nito ay ang mataas na antas ng kahirapan sa bansa. Maraming
Ang isyung ito ay hindi lamang nakaapekto sa edukasyon ng mga estudyante ngunit ito ay nakaapekto rin sa kanilang pangkalahatang kagalingan. Ang mga siksikang silidaralan ay maaaring humantong sa kakulangan ng atensyon ng mga estudyante na nakaapekto sa kanilang grado. Sa Paaralang Sekundarya ng New Era (PSNE) ay nagkaroon din ng kakulangan sa silid-aralan, partikular sa ika-9 at ika-10 baitang. Hindi sapat ang mga silidaralan upang ipatupad ang Full Face-to-face Learning sa buong ika-9 at ika-10 baitang, kaya naman ay sa mga una at ikalawang
Solusyon nga ba sa hamonG PANG-EDUKASYON?
Binabalak na Mandatory Toothbrush Drill para susunod na taong panuruan 2024-2025. Plano ni DepED Secretary VP Sarah Duterte na ipatupad ang naturang programa para sa mga magaaral. Parte ng nasabing programa ang pagbabahagi ng dental kits. Layunin din nito ang makapagturo ng life skills, service values, kasama ang good hygiene gaya ng toothbrush drills.
Ayon kay Atty. Michael Poa, DepEd Spokesperson, dito matututo ang mga bata ng disiplina at tamang pagsunod. Ang nasabing programa ay bahagi ng holistic program na naglalayong linangin ang
karakter at well-being ng mga bata. Giit ng ilang mga magulang, sang-ayon sila sa programa sapagkat narito ang pagtuturo ng proper hygiene at tamang disiplina.
Bakit pa kailangan gawin ito sa mga paaralan kung maaari naman unang matutuhan sa ating mga tahanan? Maayos ang nais na iparating ng programa ngunit sa ating panahon dapat nilang tutukan ang isyung may mas malaking epekto sa aming mga magaaral. Maraming daing ang mga kabataan lalo na sa kanilang hindi maayos na mentalidad dulot ng pandemya. Magkakaroon ka
seksyon lamang ipinatupad ang Full Face-to-face Learning sa ika-9 at ika10 baitang. Maganda ang naging solusyong ito upang pagkasiyahin ang mga estudyante sa mga silidaralan, ngunit nagsanhi naman ito upang mahuli ang ibang mga estudyante sa leksyon na itinuturo ng mga guro. Kinakailangan ang agarang pagkilos ng pamahalaan. Una sa lahat, dapat silang maglaan ng mas maraming pondo sa sektor ng edukasyon. Nangangahulugan ito ng pagtatayo ng mas maraming paaralan at pagkuha ng mas maraming guro upang mabawasan ang sisikan sa mga silid-aralan. Dapat din silang mamuhunan sa teknolohiya at iba pang kinakailangan ng nga magaaral na mahalaga para sa pag-aaral.
Ang labis na populasyon sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas ay isang isyu na kailangang matugunan. Kung hindi ito magagawa ay hindi lamang ito makakaapekto sa edukasyon ng mga magaaral, kundi pati na rin sa kanilang pangkalahatang kagalingan. Responsibilidad ng pamahalaan na tiyakin na ang lahat ng mga mag-aaral ay may pribelihiyo sa dekalidad na edukasyon. #
nga ng maayos na imahe sa iyong pisikal na anyo hindi naman maganda ang panloob mong kalagayan. Kung uunahin ang pagpapatupad ng mga programang may permanenteng solusyon sa higit na mas mabigat na problema sa edukasyon, mas magkakaroon pa ng sigla ang mga kabataan na dumalo sa paaralan. Walang mali sa pagdidisiplina ngunit dapat sa tahanan pa lang naituturo na. Ang mga nasabing skills ay dapat bago pa tumuntong sa pangalawang tahanan, naituro na sa unang tahanan. Maayos na programa ngunit ito ay mababaw pa sa problema ng Pilipinas pagdating sa edukasyon. Nasa kanila man ang huling desisyon, hayaan nating magsalita ang kanilang mga aksyon. #
NI: JOSAN E. LEAL
— TADYAK SA HANGIN —
— BIRADOR —
— KUKO NG MANDARAGIT—
— PULSO —
“If you are really that fragile, a COVID-19 infection could be a death sentence, but wearing a surgical mask can prevent it,”
IGINUHIT NI: JARED XEREX O. MASIGLAT
OPINYON
7
LATHALAIN
AGOSTO 2022 HULYO 2023
BENTE PESOS NA
“Pa, baon ko po sa eskwela”, tangan ang bag sa aking likuran at handa nang maglakad papuntang eskwelahan, bukas ang dalawa kong palad na naghihintay sa salaping ibibigay ng aking tatay. Dilaw na perang papel ang aking nadatnan habang sinisilayan ang malungkot na ngiti ng aking tatay, bakas sa kanyang mga mata ang puyat at pagal, “Pasensya ka na ‘nak, ‘yan lang muna ang maibibigay ko sa’yo, hayaan mo sa susunod gigising ako ng mas maaga para mamasada”
Iyan ang aking tatay, isa siya sa libo-libong Pilipinong tsuper na marangal at buong sikap na kumakayod para sa mga minamahal. Alas-tres pa lang ng umaga ay bukas na ang kanyang diwa at gayak na para sa maghapong pamamasada sa mala-impyernong kalsada. Nagtitiis sa mainit at maingay na paligid upang makabuo ng salaping sasapat pantustos sa pang arawaraw na gastusin ng aming pamilya.
Bente, maliit mang halaga para sa mundong puno ng karangyaan, sa akin ay salamin ito ng lahat ng paghihirap ni papa sa araw-araw na pamamasada.
Labis man ang bilib ko sa halos walang pagod niyang paggawa, higit kong hinahangaang kahit pawis at pagod man ang araw-araw na puhunan, hinding-hindi mawawala ang mga ngiti sa kanyang mga labi at mata, tila baga’y walang bigat na iniinda.
Ngunit hindi nagtagal, isang araw ay naglaho ang kurba sa kanyang labi’t mga mata, halakhak ay napalitan ng takot at pangamba dahil sa bali-balitang ang tanging ikinabubuhay ay nakaambang mawala dahil lamang sa programang walang habag na idineklara ng pamahalaan, Jeepney Modernization Program?
Ang Jeepney Modernization Program ay mula sa Department of Transportation na layuning puksain kuno ang kakarag-karag na mga jeep na naglalabas ng
mga makakapal na usok sa kalsada, sinasabing hangad nilang mapangalagaan ang ating kapaligiran mula sa ganitong polusyon kung kaya’t naisipan nilang i-modernisa at palitan na ang mga luma at tradisyunal na jeepney. Ngunit paano na ang kabuhayan ng mga Pilipinong tsuper? Paano na ang kabuhayan ng aking tatay? Paano na kami?
Ilang oras at pagod ang ginugugol ni papa sa arawaraw para lang makabuo ng isang libong ipantutustos sa kumakalam naming tiyan, dadagdagan pa ang libolibong halaga ng modernized na jeepney na inaasahang mabibili naming mga dukha upang ipagpatuloy ang kabuhayan.
Talagang kapag nasa tuktok kana mahirap nang tanawin ang nasa ibaba, “Kasalanan ba ang maing isang jeepney driver?” Tanong ni papa sa amin, parang isang parusang habangbuhay na pagkakakulong sa bigat ng hirap at responsililidad. Isa lang ang
istorya ni papa sa libolibong Pilipinong tsuper na tanging hangad ay ang kaginhawaan ng buhay ng kanilang pamilya. Hangad natin ang maunlad at mabuting pagbabago hindi lang para sa ating kapaligiran, may kapangyarihan, kundi sa ating lipunan, pag-
WONDER WO-MA’AM
ni Kathleen Anne D. Maximo
Isang guro at isang tagapagtaguyod, iyan si Ma’am Elena Estabillo. Hindi lamang niya tinuturuan ang kaniyang mga estudyante, kung ‘di binibigyan niya rin ng inspirasyon na magmalasakit sa kapwa.
Si Ma’am Elena ay isang guro sa Araling Panlipunan sa Paaralang Sekundarya ng New Era at miyembro ng Rotary Club of Midtown-QC, isang organisasyon kung saan ang layon ay makapaglingkod sa taumbayan.
Ilan sa mga matagumpay na proyektong naisagawa ni Ma’am Elena ay ang “Your Vision is our Mission” kung saan nakapagpasalamin sila ng 500 estudyante upang makakita sila ng maayos.
Nagbigay rin sila ng bond paper at printer sa mga taga-probinsya upang
mai-print ang kanilang
mga modyul, at nagbibigay din ng sapatos, bag, at school supplies kada taon sa probinsya ng Rizal at Quezon. Ngunit, para kay Ma’am
Elena ang pinaka-nagbigay ng tulong at inspirasyon na proyektong kanilang ginawa ay ang Erans Helping Hands. Bukod sa ito’y nakakapagbigay ng tulong hindi lang sa mga estudyante ng PSNE kundi pati sa ibang lugar tulad ng Quezon at Rizal, nagbibigay rin ito ng aral sa atin maging sa kanila na nagtaguyod ng proyekto na maging mapagpahalaga sa anumang bagay, maliit man ito o malaki. “...May mga bagay na akala natin hindi importante ngunit napakahalaga pala sa iba,” ani Ma’am Elena.
Mayroong apat na prinsipyong sinusunod ang Rotary. Una ay ang “is it the TRUTH?” (ito ba ang katotohanan?), “is it FAIR to all concerned?” (patas ba ito sa lahat?), “will it build GOODWILL and BETTER friendships?” (makakabuo ba ito ng mabuting pagkakaibigan?), at “will it be BENEFICIAL to all concerned?” (makabubuti ba ito sa lahat?). Iyan ang dapat
isaalang-alang sa pagtulong sa ibang tao.
“I see problems in the society, so I want to be a part of the solution even in a small way,” ani ni Ma’am Elena sa dahilan ng kaniyang pagiging tagapagtaguyod.
Layunin niya na magdala ng pagbabago, at nais niya iyong ipadala sa ibang tao. Sinabi rin niya na hindi pwedeng isang tao lang ang nais magbago, dapat ibahagi rin niya ang kagustuhang iyon sa iba.
Naiisip mo ba kung anong mga mabuti at masamang dulot ng pagiging isang lingkod-bayan?
Nakasisiguro akong marami kang mabubuting dulot na naiisip, isa na riyan ang kaginhawaan sa pakiramdam dahil nakatulong ka sa kapwa. Pero mayroon bang masama? Ayon kay Ma’am Elena, nagdudulot ito ng pag-iisip na nais mong ganoon rin ang isipin at saloobin ng iba. Lahat ng tao ay may iba’t ibang pananaw sa buhay, at ang iba’y
pagbabagong nais nila, hangad namin ang pagbabagong pakinabang ng pangkalahatan. #
maaaring hindi maniwala o sumang-ayon sa iyong opinyon.
“Just have a heart,” payo ni Ma’am sa mga nais ring maging katulad niya, nagbibigay ng inspirasyon sa kapwa sa pamamagitan ng pagmamalasakit. Dapat na maging sinsero ang ating intensyon at ang tanging layunin lamang natin ay ang tumulong sa ating kapwa. Sa pagdamay sa ating kapwa, hindi kinakailangang malaki ang gawing pagtulong. Sa pamamagitan ng maliliit na bagay— katulad ng pag-alalay sa isang matanda na tumawid sa kalsada, o paggawa ng mga gawaing-bahay upang makatulong sa magulang— isa na rin itong pagtulong sa kapwa. Kinakailangan lamang ng integridad at kabutihan ng puso. Ika nga ni Ma’am Elena, kung naglilingkod ka sa para sa kapwa, hindi ka man yayaman pagdating sa pera, ngunit mayaman ka naman sa kaligayahan.
Irish Jean S. Esteves
Pinagkuhanan ng larawan: https://images.app.goo.gl/Js7fxyUgYbH1og6N8
8
Kuhang larawan ni: Jomar P. Gonzales
AGOSTO 2022 HULYO 2023
UGBOsog
Init ng hangin ang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lamang sa covered court ng aming paaralan. Ingay dito, ingay doon at siksikan ng mga estudyante ang masasaksihan mo sa paglilibot. Tila ba ay mahihilo ka dahil parang naging palengke na ang paligid mo. Ano ba ang kaganapan dito?
“Ate, bili ka na ng buko pandan sa’min para maubos na.” Isang pakiusap ng kamag-aral kong nakasuot ng apron. Kitang kita ang tagaktak ng pawis mula sa kaniyang noo papunta sa leeg dahil sa pagod. Ganon rin ang ginawa ng iba upang hatakin ang ibanga estudyante papunta sa kanikanilang booths.
Agad kong nilapitan ang mga kaklase kong nangunguna para sa aktibidad na isinasagawa upang kausapin. Tugon nila, isa itong programang tinatawag na Urban
Gardening & Bazaar Opening o UGBO na kung saan magiging kasanayan ito ng mga estudyante sa food and service na magamit ang kanilang mga natutunan. Tanging tango na lamang ang aking naibigay habang
tumitingin tingin sa nakapalibot dito.
Iba iba ang mga uri ng pagkaing inihahain sa bawat booths, para bang mapapagastos ka sa sarap ng mga inaalok. Totoong nakakatuwa dahil makikita talaga ang tiyaga nila magluto habang magiliw na kinakausap ang mga mamimili. Nakakapagtaka lang kung pano nila ito napapagsabay lalo na kasama ang pagod at mainit na paligid.
Nakapanayam ko rin ang presidente sa TLE Club upang tanungin ang proseso sa pagsasagawa ng aktibidad, “Matagal at maraming paghahanda ang ginawa namin rito upang maging masaya yung UGBO, marami kasing kailangan asikasuhin.” Masasabi ko na nagtagumpay ito base sa ngiti at simot na mga paninda.
Malaking repleksyon sa akin na iba iba tayo ng hirap na kinakaharap sa ating mga asignatura. Katulad na lang ng UGBO na siyang nilaanan ng maraming pagsisikap upang mairaos ang aktibidad. Maging inspirasyon natin ang mga kasapi sa food and services na naging susi ang pagiging positibo sa kanilang pagtatagumpay. #
TINAGPO NG PANAHON:
“Hay nako! Bakit naman kasi kailangan pa naming basahin ang akda na iyon’”
Ani ng isang dalaga sa problemadong tono. Ang kanilang guro kasi sa Filipino ay nagpapagawa ng aktibidad na gumawa ng buod at talasalitaan na mula sa nobelang “Noli Me Tangere” ngunit upang magawa ito ay kinakailangan nila itong basahin muna. At ang pagbabasa nito ay isang napakalaking balakid sa kaniya sapagkat napakahaba raw nito. Pero kung usapang babasahing nakakalibang ang pag-uusapan ay g na g at talagang pinagpupuyatan.
Pagkauwi naman ng dalaga ay saktong nakabukas ang telebisyon sa kanilang salas at ang palabas ay ang sikat na te- leserye ngayon na “Maria Clara at Ibarra”. Tinignan niya ang oras at naisipang marami pa namang panahon bago ang pasahan ng kanilang aktibidad kaya naisipan niyang manood muna at baka makatulong din ito sa kaniya sa paggawa. Hindi na napansin ng dalaga ang oras at tuluyan na siyang nalibang.
Kinabukasan ay nakakapanibago sapagkat nais na ng dalaga simulan ang pagbabasa ng nobela.
Lumipas naman ang ilang araw at tuluyan nang natapos basahin ng dalaga ang Noli Me Tangere, kaya naman sinimulan niya na ang aktibidad na kailangan nilang ipasa. Ngunit bago niya ito sinimulan ay nagsaliksik muna siya ng mga pagsusuri ukol sa palabas na kanyang pinanood.
“Matagal nang inilathala ito kaya naman marami ang nawindang at nasabik noong inanunsyo ng GMA Network na sila ay magkakaroon ng makasaysayang serye na tungkol dito at ito’y papamagatang Maria Clara at Ibarra. Ang rason sa likod ng paggawa ng teleseryeng ito ay dahil maaaring marami na raw sa ating henerasyon ngayon ang malabong nakakaalala sa kwento ng nobelang ito at marami na rin ang hindi interesadong mabasa ang nobela.” Basa niya at napatitig naman siya sa rason kung bakit nabuo ang palabas, saka lamang lumutang ang isipan na isa pala siya sa muntikan ng mawalan ng interes sa pagbabasa ng nobela.
Ipinaglaban ni Binibining Klay ang mga karapatan ng mga kababaihan kagaya na lamang ng walang ng mga kababaihan kagaya na lamang ng walang karapatan ang mga lalaki na patahimikin ang mga kababaihan, sinasabi niya rin na hindi
dapat hinahayaan ang kanilang sarili na manahimik na lamang at huwag magsalita. Tunay na nakakabilib ang ipinakitang kalakasan ng loob ng modernong Maria Clara. Pagkabahagi ng dalaga ay bumalik na ito sa kanyang ginagawa ngunit napapaisip pa rin siya tungkol sa napanood na serye. Tunay na mahusay ang ginawang pag-remake ng GMA sa librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo ngunit aking naisip din na maaaring magdulot ito ng kalituhan lalo na sa mga kabataan na hindi pa nalalaman ang buong tunay na kwento. Gayunpaman, hindi na rin naging masama ang pagdagdag ng iilang pangyayari at tauhan gaya na lamang nina Klay at Fidel dahil nagbigay buhay din naman sila sa kwento.
Sa eskwelahan marami tayong matututuhan na patungkol sa ating nasyonalismo at kasaysayan ng ating bansa. Subalit sa pamamagitan ng ginawang pag-remake ng GMA sa dalawang akda ng ating Bayani ay ipinabatid din nito sa atin kung paano maging kutsero ng sarili nating buhay at kung paano tayo makatutulong na mabago o mapaunlad ang buhay. #d
KasalukuyanNAKARAAN
Mahanap sana natin sa ating puso ang pagpapahalaga sa mga naging pakikibaka ng ating mga ninuno para sa kinabukasang ninanais ng lahat. ni MICHELLE G. PANCHO
SAMGYUP
“neomu mas-iss-eoyo”
Habang nakapikit na ninanamnam ang bawat nguya ng juicy at malambot na karneng ito, ay talagang mapapa-korean ka sa sarap. Pagpasok pa lamang sa restawran ay talagang matatakam ka sa langhap na langhap na aroma ng inihaw na karne na tila hinihigop ng iyong sistema, tiyak na mabibighani ka sa lasa ng nanunuot sa sauce na tiyan ng baboy na halos kumatas sa laman at taba nito, habang isinasalang sa ihawan na ikaw mismo ang nagluluto, talagang kdrama feels.
Nakatikim ka na ba ng samgyeopsal? Tila kabute na isa isang nagsulputan ang mga unlimited samgyeopsal restawran sa iba’t ibang panig ng Pilipinas dahil sa labis na pagtangkilik ng mga Pilipino rito. Pati mga Korean Market ay nagsulputan na
Sarap
rin. Kahit ito ay putaheng banyaga, halos kahit saang mall sa bansa ay hindi ito mawawala. In demand talaga!
Unlimited ang karneng inihahain dito, ngunit tila limited naman ang nalalaman ng mga Pinoy tungkol dito. Ano nga ba ang putaheng banyagang ito? Ang ‘Samgyeopsal’ na nangangahulugang “threelayer meat” ay nagmula sa bansang Korea, inihahain ito ng hilaw at marinated dahil ang mismong costumer ang mag-iihaw nito. Hindi lang unlimited na karne kundi ang mga sari-saring korean side dishes and sauce ang ihahain sa’yo, tulad ng kimchi, gyeran-mari, gochujang, kongnamul-muchim, eomuk bokkum at iba pa.
Isa ito sa tanyag na putahe sa Korea, mayroon silang tinatawag na
“Samgyeopsal Day” kung saan ipinagdiriwang nila tuwing ika-3 ng Marso.
Isa ka rin ba sa mga naadik o na-crave sa samgyeopsal? Ang matikman ito’y isang parangap para sa isang batang paslit na si Jeffrey, mula sa Bulacan. Siya’y naitampok sa isang TV show na may pamatag na “Rated K”. Palaboylaboy man ay nagpursiging mag-ipon ng mga baryabaryang nakukuha sa pagiging parking boy upang makaipon ng 375 pesos matupad lang ang kaniyang munting pangarap na makakain sa isang unlimited samgyeopsal restawran na matagal na niyang pinagmamasdan, naging pala-isipan sa kanya ang lasa nito dahil sa pagdagsa ng mga tao.
Nang makamit ni Jeffrey ang kanyang parangap na makakain ng samgyeopsal, sa apat na sulok ng restawran kung saan dinadagsa ng mga tao, hindi kung gaano kasarap ang sampyeopsal ang kanyang napagtanto, kundi kung gaano kasaya ang kumain ng hindi tahimik at hindi nag-iisa.
Putaheng banyaga man ay malaki ang naging epekto nito sa ating mga Pilipino. Talagang swak na swak ito sa ating panlasa, shempre!
Sino nga bang makatatanggi sa karne. Isa rin ito sa naging isang instrumento
upang magkasama-sama ang mga pamilya, kaibigan o katrabaho sa isang hapag habang masayang nagsasalosalo. Ano man ang pagkaing mapusuan natin, putaheng Pinoy o banyaga man, ika nga nila “satisfy your cravings” dahil ang tanging mahalaga ay ang kasiyahang natatamo ng iyong tiyan at puso. #
ni Irish Jean S. Esteves
Impormasyon mula sa: GMA, retrieved May 25,2023 from https://images.app.goo.gl/gPNLrCN32ZsApQkp6 Kuhang larawan mula sa: https://images. app.goo.gl/sXxCVfYhevvqkw3q7 Kuhang larawan ni: Lei Kathryn
9
ni Macuz Marian B. Bautista
D. Ebio
LATHALAIN
tao ngunit ito’y kabaligtaran para sa akin. Ako ‘yong tipo ng tao na magpapakapuyat at magpapakahirap para lang magawa ang isang gawain. Mas nanaisin kong umakyat ng hagdanan kaysa gumamit ng elevator na makakarating agad sa piwnaroroonan. Pero hanggang kailan ako magiging ganito? Higit sa lahat, magbubunga ba ang mga paghihirapan ko?
Sikat ngayong panahon ang paggamit ng mga online tools o ang mga tinatawag nating “Al tools” hindi lamang sa mga estudyante, gayundin sa mga taong may trabaho na. Ngunit ano nga ba ang mga ito? Ito ay isang serbisyong pang teknolohiya na nakapagpapadali ng isang gawain ng isang tao. Mapa-essay man ‘yan, pagpapaunlad man ng komunikasyon sa paraang pagsusulat, paggawa man ng mga disenyo o presentasyon, at atbp. Kebs na kebs ng Al tools ‘yan.
Ngunit palagi na
lamang bang aasahan ang mga ito?
Matututo pa kaya sa tradisyonal na paraan ang mga taong gumagamit nito?
Sa tuwing nakikita ko ang masasaya nilang mukha dahil mataas ang nakuha nilang marka sa gawaing ‘yon, hindi ko maiwasang isipin kung paano nila ito nakuha. Nakuha ba nila ito mula sa pag-akyat sa hagdan wo mula sa pagsakay ng elevator? Ngunit hindi naman na mahalaga pang malaman kung paano nila ito nakuha kung gayong lahat ng tao ay may rason kung bakit nila ito ginagawa o ginagamit.
Iilan sa kanila ay tinatamad o sadyang hindi lang talaga alam paano simulan ang isang gawain kaya hindi maiwasang umasa sa mga kagamitang pang teknolohiya. Meron din namang mga tao na gumagamit nito upang masiguro na ang kanilang ginagawa ay tama. At syempre hindi mawawala ang mga nais lamang mapaunlad ang kanilang mga kakayahan kaya gumagamit
nito.
Habang tumatagal, kulang nalang na iuntog ang ulo ko sa pader para matauhan na hindi naman din gano’n kasama ang minsang pagsandal o paghingi ng gabay mula sa mga al tools na ito. Tunay na malaki ang magiging tulong nito sa atin upang hindi masyadong mahapo ang ating sarili. Sa kabilang banda, sa tingin ko ay hindi pa rin angkop na masyado tayong d umepende sa mga ganito dahil maaaring i-ghost din tayo ng mga ito balang araw.
Talaga namang “Al Tools is all around us”, pero huwag tayo masyadong dumepende at magtiwala. Mas mainam pa rin na kumilos tayo sa sarili nating kakayahan. Bago tayo kumilos ng mas matalino, tiyakin na alam natin sa ating sarili na kumilos tayo ng maigi.
Saka tayo kumilos ng matalino para makamit ang ninanais nating mga bunga. #
SUSI SA TAGUMPAY: HAGDAN ELEVATOR PANGAMBANG MAY
PAKINABANG SA HULI
Sa loob ng apat na sulok ng silidaralan, pangamba ang nangingibabaw sa ilang estudyanteng may isang kung anong kinatatakutan. Hindi ito tao, hindi rin bagay ni hayop. Lalong higit na hindi lugar o pagkain. Isa itong asignaturang, madalas pagkamalang mas mabangis pa sa mga tigre sa gubat. Ito ang matematika.
Bilang isang magaaral, hindi mawawala sa ating pang-arawaraw na pamumuhay ang pakikipagsapalaran sa asignaturang ito. Madalas nga ay pagbungad pa lamang ng umaga ay unang-unang aralin na tatalakayin sa buong maghapon ay tungkol sa mga polynomial, at kung ano pa mang terminong ginagamit sa matematika. Kung kaya’t hindi
nakapagtataka na isa ito sa mga pinangangambahan ng mga estudyante. Ang pangamba sa matematika marahil ay dulot ng pangambang baka magkamali ang estudyante sa kanyang kasagutan. Hindi rin naman natin mapagkakailang, ang tunay at nag-iisang tamang sagot lamang ang ibinabahagi ng matematika. Kung mali, ay baka may pagkakamali sa kung paano ito nakuha, maging sa pag-aanalisa ng mga katanungan, pati na rin ang obserbasyon sa mga nangyayari. Sa maraming bagay na kailangang pagtuonan ng pansin sa tuwing sasagot ng isang problemang pangmatematika, ay mas pipiliin ng mga estudyante ang magsulat ng kung anoano sa likod ng kanilang
kwaderno o ang maglabasmasok sa silid papuntang palikuran. Lahat ng ito, upang maiwasan lamang ang makasagot ng mali. Totoo ito para sa lahat, dahil hindi ito katulad ng ibang asignaturang maaring tanggapin ang ibang resulta sa mga katanungan. Kakaiba ito sa paraang, nakatutulong ito para makita kung saan nagkulang, sumobra, o nakagawa ng tamang desisyon ang isang tao. Hindi man natin pansin, ay nasa paligid lang natin ang matematika. Ito ay nasa atin kahit saan, maging sa labas ng ating mga silid-aralan. Piliin nating yakapin ito, magimbak pa ng mas mahabang pasensya at determinasyong makaunawa, dahil sa huli tayo pa rin ang
makikinabang sa mga ito. Ang pangamba sa asignaturang matematika ay tulad ng pagtanggap mo sa iyong sarili. Sa mga pagkakataong hirap ka na at hindi maintindihan ang mga kaganapan, simulan mo muli sa umpisa at baka sa puntong iyon ay makita mo kung saan nagkaroon ng pagpihit sa mga pangyayari. Yamang ang matematika’y higit sa numero lamang. Ito ay ang pag-intindi, pagaanalisa, at paggamit ng naturang kaalaman sa pagresolba ng ating mga problema sa arawaraw.
GENIKA B. QUILANA
Iginuhit ni: Jared Xerex O. Masiglat
ni MICHELLE G. PANCHO
10 AGOSTO 2022 HULYO 2023 LATHALAIN
#
Pamamanglaw
Sa kwartong matiwasay, kumatok ang lumbay. Ang isipan ko na malaya tila nagiging preso sa loob ng selda
Selda, na kung saan naghahari ang kapighatian at pag-iisa. Sinubukan kong humingi ng tulong ngunit ang itinugon sa akin ay pagbatikos
Kaartehan, kabaliwan at kalokohan mga panunumbat na aking pasan. Ngunit hindi nila alam, kaunti na lang ang motibasyon kong hindi mamaalam
Unti-unting nawawalan ng gana taliwas sa aking mga problema na dinadala. Kailan matatapos ang aking pag-iisa kung ang lahat ay parang bumibigat na
Ang dating kasiglahan na taglay unti-unting inuupos ng kadiliman.
Sa anong paraan ako makababangon kung ni-isa ay walang nais magalok ng kamay?
Hinihingi ko raw ang atensyon ng lipunan ngunit ang aking tunay na kailangan ay kaagay at kanlungan. Hindi ko naman nais maramdaman ang kalungkutan ito, subalit bakit parang kasalanan at kabawasan ito sa aking pagkatao?
Dahil sa mga taong makikitid ang utak maraming mga kabataan ang nawakasan ng buhay. Paulit-ulit ang sirkulasyon, dapat nang putulin ang mangmang na opinyon
Maging bukas sana ang isipan dahil ang taghoy ng isang indibidwal ay di mo maihahalintulad sa kahit na anong hirap, na tila may rehas ng gumagapos sa kanilang mga leeg upang pigilan silang makawala, humihiling na maging malaya. #
“Oks daw ako”
Nakakakaba!
Hindi ako makahinga
Baka kunin nanaman Bente Pesos kong dala
Aray! Kuya tama na please?
‘Di ko naman intensyon na kayo ay mainis
‘di ko naman sadya na mabangga kayo
Pero labis naman tong ginagawa ninyo;
Hiyain sa maraming tao kanilang kasiyahan dignidad at tiwala sa sarili akin nang tinatalikuran
Sanay naman akong mabatuk-batukan pero mas masakit parin ang gawin kang katatawanan
‘Di mapalagay sa paligid
baka mamaya, saki’y may bubble gum na nakadikit patuloy na nawawalan ng gamit pano, pilit niyong hinihigit
Sinong dapat lapitan?
tila’ lahat ay akin nang kalaban may saysay pa bang mabuhay? sa pambubulas ba dapat masanay
Mahigpit, ang aking pagkakapit sa pangarap kong nais ngunit, masakit dahil sa inyong pagmamalabis
Lagi niyong sinasabi, “oks lang yan” pero ‘di niyo alam aking tunay na nararamdaman
Tao rin lang naman ako may pakiramdam kung sa inyo oks lang buhay ko, kunin na lamang ayoko na, hindi ko na kaya pa tila ba’y lahat kayo’y kalaban ko na ayoko na, kakayanin ko pa ba? dahil sa bigat ng dinadala, parang hindi na
“oks daw ako” pambubulas ay kasiyahan niyo dito ko na tatapusin matatapos nga ba ito? #
Isa ba akong bida sa pangmalakasang pelikula, para bigyan ng mga pagdudusa na tila bigay ng pinakamasamang kontrabida? Patuloy nalang ba akong magiging pagasa ng bayang minulat ako simula pagkabata, mananatili nalang ba akong estudyanteng puno ng lungkot ang mata at pagod ang mga kamay di mawari kung may buhay pa ba?
"Uuwi ka na?" tanong ng kaklase kong nakahawak lang sa dustpan habang ako ay nagwawalis, kami ang naatasang maglinis ng makipot na silid-aralan ngayong araw. Tumango lang ako, walang dahilan para bosesan ang sagot na maikli lang naman.
"Pero kakatapos lang ng Periodical Tests, tara 7/11 libre ko." tinitigan ko siya at pagkuway bahagya ding natawa. Kilala siya sa classroom namin bilang makulit at masiyahin,
pero napapansin kong hindi niya kayang maging mag-isa.
"Hindi ako pwede, hindi din ako sigurado kung pasado kaya siguro ay pass muna ako." aaminin ko gusto kong sumama sakanya, gusto kong maging masaya. Tutal kakatapos lang ng mga pagsusulit na halos patayin ako, siguro naman ay deserving ako sa ganon diba?
Pero hindi lang naman sa paaralan umiikot ang buhay ko, dahil paglabas sa eskwelahan may responsibilidad din ako saaming tahanan.
Bago maging estudyante isa akong anak, kaya normal lang na tumulong sa mga gawaing bahay. Normal na tapusin ang mga takdang aralin tuwing recess para sa bahay 'di na ito sagabal sa aking tungkulin. Normal lang na maging maaga sa paggawa ng mga aktibidad, dahil marami akong gawain para magahol sa paggawa.
MASAYANG BARKADA
Mula nang ako ay maghayskul, naging masaya ako sa piling ng aking mga barkada. Prinsesa ang turing nila sa akin dahil ako lang ang babae sa aming magkakaibigan. Maraming pagdiriwang na ng kaarawan ng aking mga tropa ang may inuman, kung kaya't natuto akong magtimpla ng sorbesa. Sa bawat aya nila ay siyang pagkagusto kong magsinungaling kay ama at ina na sa eskwela ang aking punta. Masaya kaming magkakaibigan sa aming ginagawa. Naisip kong maganda itong panimula ng matatag na pagsasamahan.
Hanggang sa isang madilim na gabi ang hindi ko malimutan. Nagising akong nakataklob ng kumot ang aking katawan sa isang pamilyar na kama. Naalimpungatan ako at napasigaw sa aking nakita; ang aking sarili na hubo't hubad sa higaan ng isa sa aking mga tropa. Pagkalipas ng ilang buwan, nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan at pagsusuka. Buong akala'y napasobra sa gin ang itinimpla. Ngunit pagdating sa ospital ay buntis pala. Naalala ko, labing-anim lamang ako nito.
"Oh siya, napahaba ang ating kwentuhan. Matulog na tayo, anak." tapik ni mama sa aking hita. Kanina pa pala ako tulala dahil sabik akong malaman ang istorya niya. #
Normal naman na ang lahat, isa na itong pamilyar na siklo sa buhay ko. Ngunit hanggang dito na nga lang ba ako? Isang estudyante na may mga problema sa buhay, takot ilathala pero maari padin bang matawag na pagdurusa?
Akala ko sa pagtatapos ng pandemya, magiging masaya na ang buhay estudyante ko. Akala ko. Mahabang panahon na nalimutang estudyante ako na kailangan maging maganda ang class record, estudyanteng nabubuhay sa mga papuri kahit ang kapalit ay malimutan ang kalusugang pansarili.
Ang mga pagsusulit na kail- angan kong makakuha ng mata- as na marka para maging kasiya-siya sa kanilang mga mata, at pag-susulit ng ating buhay na nakikita ko lang sa masa na patuloy kong minamata.
Kailan ko po sa masusulit ang
ABRIGO
Unang kita palang ay nahulog na, kagandahang hindi makukumpara Nahuhumaling na nga sa ‘yong bait at ganda kahit kaibigan ko'y paulit-ulit nang nagbabala
"Wag siya dahil gagamitin ka lang niya"
Panakip butas sa sakit na kaniyang nadarama
kaya't ‘wag maghumaling sa mabulaklak na salita Kamandag niya'y kakaiba
Ngunit ako nga'y natukso
Ilang buwan akong nagpakasintu-sinto
buhay na inaasam? Payapa at masaya. Ilang pagsusulit pa kaya mabigay lang saakin ang papremyo at pabuya. #
ngunit ilang beses ko ring sinubukang tumakbo, ilang beses ko nang inisip na lumayo ngunit kung sa sariling paa ko lang ay 'di ako makatayo 'kala ko'y malabo nang makawala sa iyong laro
Kaya kung ikaw na lang ang nagmamahal sa inyong relasyon ‘Di makabitaw dahil ‘pag wala siya'y 'di mo kaya ang mga paparating na hamon ‘Wag kang tumulad kay Ash na nastuck sa iisang Pikachu Maraming tao sa mundo kaya ‘wag palaging "I choose you" #
11 AGOSTO 2022 HULYO 2023 PANITIKAN
ni Pauline E. Cabarles iginuhit ni Shyra Mae T. Reyes
ni Mark Angelo R. Rico
ni Khurshanne S. Fransisco
ni Jayvee M. Tamayo
ni Ralph Kevin E. Florendo
AGOSTO 2022 HULYO 2023 AGHAM
MAKAKAMUra MAPAPAMURA? O
Nagsisitaasan nanaman ang presyo ng mga bilihin. Pagkain, petrolyo, tubig, matrikula, kuryente at iba pa. Mahirap nanamang pagkasyahin ang kakarampot na sinusweldo ni nanay at tatay. Sa mga establisiyimento, tataas nanaman ang mga bayarin. May solusyon pa kaya ang Patuloy na pagtaas ng mga bilihing ito? May m gagawa pa kaya tayo?
Sa paaralan, sa tingin ko ay oo. Isa sa pinakamalaing pinagkakagastusanng pamahalaan ay ang mga pampublikong paaralan. Kabilang naman sa pinopondohan sa paaralan ay ang pang operasyong gastusin, isa na rito ay ang kuryente.
Dahil dito, isang paaralan sa NCR ang nakaisip ng isang matalinong hakbang upang mabawasan ang kanilang gastusin sa kuryente. Ito ang Sitero Francisco Memorial National High School sa barangay Ugong, Lungsod ng Valenzuela. Kanilang inilunsad ang paggamit ng Solar energy upang ilawan
ang siyam na silid aralan sa paaralang ito. Ang nasabing proyektong ay isa sa mga pangunahing proyektong inilunsad ng kanilang punongguro na si ginoong Cesar Villareal at ang pinuno ng departamento sa agham na si ginoong Jameson Tan. Ang solar panel ay isang kagamitan na kung saan ay isinasalin nito ang enerhiyang nakukuha sa araw upang maging kuryente. Ito ay binubuo ng mga partikel na tinatawag na photons na siyang nagpapagana at nagsusuplay ng kuryente sa daluyan nito. Maraming magandang dulot hindi lamang sa paaralan kundi sa ano mang establisimyento ang paggamit ng solar panel. Una na rito ay makakabuti ito sa kalikasan sapagkat ito ay hindi gumagamit ng nuclear power na nagreresulta sa pagkakaroon ng nuclear waste na siyang masama sa kalusugan at kalikasan. Isa pa rito ay mas makakamura
ang mga gumagamit nito sapagkat ito ay gumagamit lamang na natural na yaman ng kalikasan, na kungsaan ay mula sa pangalan nito na solar o ibig sabihin ay araw. Ayon din sa datos na nakalap sa loob ng paaralan, 67% sa kabuoang populasyon ng mga estudyante ang pabor sa pagkakaroon ng solar panel appliances dahil sa laki ng maaaring maging tipid ng paaralan sa nasabing proyekto. Habang ang natitirang 33% naman ay hindi sangayon sa programang ito dahil tinatayang laki ng gagamiting pondo para sa pagtatayo ng ganitong makinarya sa loob ng ating campus. Isa sa kuryenteng nakukuha sa paggamit ng solar power o energy ay tinatawag narenewable energy. Ito ay mas mura kumpara sa nakasanayan nating pinagkukunan ng kuryente. Ayon sa pag-aaral,
sa paggamit ng solar panels
maaari tayong makatipid ng mahigit kumulang sa 8,000 piso kada buwan o 100,000 sa loob ng isang taon. Ang karaniwang bilang ng taon na itinatagal ng mga solar panel ay 25 taon ayon sa pag-aaral. Kung iisipin na lamang natin kung gaano kalaki ang matitipid natin sa paggamit nito ay sana noon pa lamang ay naimbento na ito. Kaya’t hindi ka talaga magdadalawang isip sa tipid na makukuha mo sa paggamit ng solar panels. Marapat lamang na ito ay gam tin sa mga establisimyento kagaya na lamang ng paaralan. Tayo man ang bumubuo ng buwis na siyang ginagamit ng gobyerno upang tustusan ang mga pampublikong sangay, responsibilidad pa rin nating magtipid upang mas mailaan ang sumusobra sa mas importanteng bagay. Gawin nating normal ang enobasyon, maging
UKB: Unlimited Kuryente ng Bayan
Lahat ng bagay ay may hangganan, ika nga ng karamihan. Sa patuloy na pagdami ng tao sa lipunan, palaki rin nang palaki ang kakailanganing ibuhos ng mundo para sumagana ang bawat isa. Sa unti-unting pagkaubos ng mapagkukunan ng enerhiya, nariyan ang renewable resources para puksain ang problema.
Renewable? Ano yan unlimited? Renewable Energy Resources ay mga likas na pinagmumulan ng enerhiya na maaaring palitan o muling pausbungin sa loob ng partikular na panahon. “Environmentally friendly” rin kung ituring dahil nagpo-produce sila ng kaunting greenhouse gas o mga kemikal na siyang nagpapanatili ng temperatura ng mundo sa normal nitong kalagayan. May iba’t ibang uri ang naturang resources, katulad na lamang ng solar energy o
enerhiyang makukuha mula sa sikat ng araw na ginagamitan ng solar panels upang makalikha ng kuryente. Nariyan din ang wind energy kung saan ang mga wind turbines o yung ika nga nila ay malalaking electric fans, ang may responsibilidad upang maproseso ang enerhiya at maging kuryente. Wave Power Devices naman ang may kakayahan sa pagsasalin ng kinetik na enerhiya ng wave energy tungo sa kuryenteng ginagamit ng ilan sa atin.
Ayon sa International Trade Administration, ang dating 30% ng kabuuang energy consumption ng pulo ng Luzon na siyang nagmumula sa Malampaya gas feilds, ay inaasahang bababa para sa taong 2024. Lumalala na rin ang krisis na kinakaharap ng Pilipinas pagdating sa laki ng pagkukunan ng nonrenewable resources tulad
na lamang ng fossil fuels na nagmumula sa labi ng mga sinaunang halaman at hayop. Kabilang din dito ang oil, coal at natural gas. Sa Paaralang Sekundarya ng New Era (PSNE), 7 sa 10 kawani ng paaralan ang sang-ayon sa paggamit ng renewable resources sa kani-kanilang pamumuhay. Paraan ito upang makatulong sa pagpapababa ng konsumo ng kuryente mula sa nonrenewable energy. Ngunit, nangangamba ang lahat sa ‘di hamak na mas mahal na gastusin na kahaharapin kung lilipat sa naturang alternatibo. Paano ka namann makatutulong sa pagdami ng tatangkilik sa bagong alternatibo at makabawas naman sa paggamit ng nonrenewable araw-araw?
Maaari tayong magpreserba ng kuryente sa pamamagitan ng pagpapatay ng ilaw, pagbunot ng charger na wala namang selpon na
malawak ang ating isipan sa mga bagong imbensiyon, palagi nating tingnan ang mas magandang bahagi ng buhay. Sabayan natin ang globalisasyon at patuloy na pag-usad ng ekonomiya’t mundo. Ngunit matuto pa rin tayongpangalagaan ang ating kalikasan. Tiyak, sa paggamit ng solar panel, makakamura ka. #
nakasaksak, pati na rin ng mga appliances na hindi naman ginagamit. Sa pamamagitan nito, direkta kang makatutulong sa pagbaba ng demand sa fossil fuel-based energy.
Imbes na puro share ka lang ng memes ay ibaling mo ang atensyon mo sa isulong ang renewable energy use sa iyong social media platforms. Mas malawak ang maaabot ng impormasyong ito dahil sa tulong ng umuusbong na teknolohiya sa kasalukuyan. Maaari rin ang bawat tao na makiisa sa mga aktibidad at hakbangin ng kani-kanilang komunidad na nagtuturo sa tamang paggamit ng renewable energy.
Sa kabila ng mga mamamahaling kagamitan na siyang kailangan para sa pagbuo ng kuryenteng tila ba ay ‘unlimited’, may kakayahan ang isang normal na tao upang makatulong sa pagpapalawig nito. Sa bawat maliliit na hakbang, may malaking pagbabago. Ang relasyon ng lipunan sa mundo ay isang ‘two-way street’, hindi p’wedeng bigay lang nang bigay ang inang kalikasan, kailangan mo ring kumilos upang siya ay mapangalagaan. #
Ni: Mark Angelo R. Rico
Ni: Valkaimer M. Delos Santos
12
MAGTANIM AY ‘DI BIRO, 13 AGHAM
Nakapagtanim ka na ba nang walang ginagamit na lupa? Isang katanungang nakakapagtaka, ‘di ba? Dahil kapag naririnig natin ang salitang
“pagtatanim”, ang mga salitang pumapasok sa utak natin ay “lupa” at “taba”. Karaniwang problema na ng mga nakatira sa lungsod ang pagkakaro’n ng interes sa pagtatanim dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ngunit wala silang sapat na lugar taniman o kaya naman ay wala silang mahanap na magandang klase ng lupa.
Narinig niyo na ba? Ang isa sa makabagong paraan ng pagtatanim?
“Hydroponics” kung ito’y tawagin. Bilang isang normal na mamamayang nakatira sa siyudad, at nakakalap naman ang pangangailangan sa mga lokal na pamilihan, malaking tulong nga ba ito?
Hydroponic
Gardening ang tawag sa isang paraan ng pagtatanim ng mga halaman na walang ginagamit na lupa. Upang
lumaki at mamunga ng masagana ang isang tanim sa ating kinasanayang paraang ng paghahalaman, kinakailangan itong gamitan ng tubig, carbon dioxide, at sikat ng araw. Sa Hydroponics ay hindi na kinakailangang gumamit ng lupa sapagkat ang mga sustansya ay tinunaw na sa tubig na nakapalibot sa ugat, kaya ang mga halaman ay mas mabilis na nasisipsip ang nutrisyong kinakailangan nila.
Kaya naman noong ika-17 ng Marso, 2023, ay isinagawa ang “Gulayan sa Paaralan: Hydroponics & Aquaponics Turn-Over Ceremony”, na ipinatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon upang itaguyod ang seguridad ng pagkain sa mga pampublikong paaralan at komunidad sa pamamagitan ng mga aktibidad sa paggawa ng pagkain at pagpapaunlad ng pagpapahalaga sa agrikultura bilang isang sistema ng suporta sa buhay. Nagbigay ng mensahe ang Regional Director ng Bureau
of Fishes and Aquatic Resources - National Capital Region (BFARNCR) na si Dr. Noemi SB. Lanzuela, D.F Tech, kung saan kaniyang ipinahayag ang pagpapasalamat sa naturang paaralan sa pagpapahalaga ng pagunlad ng teknolohiya.
Pinangunahan din nito ang ribbon cutting, harvest at fish feeding, katuwang ng punongguro ng paaralan na si Dr. Ferdinand A. Fontillo. Isa sa mga pinakamadaling itanim na gulay sa paraang ito ay ang lettuce, kamatis, at mga halamang gamo tulad ng oregano.
Maraming pakinabang ang Hydroponics, lalong lalo na sa tahanan. Maaaring itanim ang mga halaman kahit sa loob ng bahay. Hindi na kakailanganin ng mas malaking espasyo dahil maaaring pagtabitabihin ang mga pananim. Ngunit, sa kabilang banda, mayroon din itong mga hindi magandang resulta.
Kung abala ka sa maraming
bagay, hindi maipapayo ang ganitong uri ng pagtatanim sa’yo. Kinakailangan nito ng regular na pagsubaybay upang matiyak na maayos ang paglaki at pagtubo ng halaman. Ito rin ay madaling kapitan ng mga sakit na dalang tubig, na maaaring maging dahilan ng pagkamatay ng halaman. Kung kayo ang papipiliin, anong klaseng paraan ng pagtatanim ang inyong gagamitin? Iyong kinasanayan o ang makabago at hindi pangkaraniwan? Kahit alin pa man diyan, mas mainam na ating makasanayan ang pagtatanim sa mga bakanteng espasyo sa ating tahanan o pamayanan, upang mabawasan ang ating paghihirap lalo na’t sunod-sunod ang pagtaas ng mga bilihin sa pamilihan. Ika nga ni Winnie Cordero, “Sa tamang diskarte, make every moment your winning moment.” #
BAGONG PILIPINAS LUMANG KUDA
Matapos ang pandemya, balik na sa normal na pamumuhay ang masa.
Libo-libong basura na naman ang kumakalat, hindi lamang sa kalsada, kung hindi pati na rin sa iba’t ibang lugar na ating nakikita. Bilang mamamayan ng bansa na madalas apektado sa patuloy na paglaganap ng problema sa basura, paano nga ba tayo makakatulong na magbigay solusyon sa polusyon?
Nitong mga nakaraang taon, nakaisip ng sandamakmak na solusyon ang mga lokal na pamahalaan upang ibsan ang problema sa basura.
Iilan ang gumana
sa ibang lungsod, ilan naman ay patuloy pa ring pinoproblema ang polusyon.
Zero Waste Management, pamilyar ka ba? Nagsimula itong noong taong 2014, ramdam pa rin kaya ng masa ang bisa ng programa?
Nakatuon sa panghihikayat na iwasan ang basura at muling pagdidisenyo ng mga pinaglumaang kagamitan ang programang ito. Ito’y hango sa Ecological Solid Waste Management Act, kung saan ang mga lokal na pamahalaan ay naglulunsad ng paggamit ng mga lumang bagay sa pamamagitan ng recycling, at pag-ccompost ng basura sa kanilang mga lungsod. Bago pa maideklara ng programang ito ay marami ng grupo ang nagsusumikap na ilunsad ang iba’t ibang uri ng programa upang
mabawasan ang kinakaharap na problemang konektado sa paglaganap ng polusyon.
Kasabay ng pagsuporta ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon, ay ang pag-igting din ng suporta ng Paaralang Sekundarya ng New Era (PSNE). Kaya naman naglunsad ang Yes-O Klab noong ika-31 ng Enero, 2023, ng isang proyektong pinamagatang “Plastic-Free Days” na isinasagawa tuwing araw ng Lunes at Martes, kung saan ay pinagdadala ang mga estudyante ng kanikanilang lagayan ng pagkain at inumin. Ang proyektong ito ay mayroong layunin na mabawasan ang paggamit ng plastic, na pinakamalaking klase ng basura na nakikita sa loob ng paaralan.
Kaakibat ng paglaganap ng polusyon ang pagusbong ng sangkatutak na sakit na maaaring dumapo sa mga mamamayan ng isang lungsod. Maaari itong panandalian, ngunit
mataas din ang posibilidad na maging pangmatagalan. Isa na rito ang Malaria, na posibleng makuha mula sa kontaminadong tubig at lupa na nahaluan ng basura. Nariyan din ang mga sakit na Kolera, isang sakit na nakamamatay na bacteria mula sa kontaminadong tubig ang nagiging sanhi, at marami pang iba.
Nakakapagtaka na sa patuloy na pagpapaunlad at pagpopokus ng pamahalaan sa iba’t ibang programa at problema, ay hindi pa rin nasosolusyonan ang pagusbong ng problema sa basura. Sana rin ay makiisa ang mga mamamayan sa pagsuporta ng mga programang pangkapaligiran, upang sa gayon ay bumaba ang tiyansa ng pagkakaroon ng sakit ng masa na konektado sa mga basura. Tandaan, nakasalalay sa kapaligiran at kalinisan ng mga mamamayan, ang sarili nilang kaligtasan. #
SA TUBIG
TUTUBO
AY
ni PAULENE H. DELA LUNA
ni PAULENE H. DELA LUNA
PINAGKUHANAN NG LARAWAN: https://images.app.goo.gl/51shf5myD3VNQEhv9
AGOSTO 2022 HULYO 2023
AGOSTO 2022
Kakaselpon mo ‘yan!
Ni: Mark Angelo R. Rico
Ayan! yan ka na naman, nakatutok ka na naman d’yan sa cellphone mo! Oh, nakita mo na ba yung post ni ano? Nab alitaan mo na ba yung nang yari r’yan sa kabila? Siyempre naman, yes na yes for you! Eh daig mo pa nagbabalita sa bilis mong chumismis d’yan sa ginagawa mo e.
Sa mga nakaraang taon na tayo ay nilamon ng pagkaba got dahil sa mahabang pana hong pagkaka kulong sa loob ng ating mga tahanan. Isa lamang ang naging takbuhan natin upangpatayin ang na pakahabang oras sa loob ng isang araw.
Gadget, ito ang bagay na nagsilbing panakas natin sa matinding pagk aburyo sa loob ng ating mga bahay.
Dito tayo dumipende dahil sa lumbay na naging epekto ng pande mya. Dito rin umikot ang ating mundo sa kasagsagan ng kali wa’t kanang lockdown sapagkat ito lamang ang abot kamay nating panandaliang aliw sa mga panahong iyon.
Dahil din dito, maram ing mga komplikadong
bagay ang napadali dahil sa aparatong tinatawag nating
mag-anak na nasa malayong lugar. Mas napadali rin nito ang paghahanap ng mga impormasyon at balita sa paggamit nito at sa tulong ng
Ayon din sa isinagawang survey sa loob ng ating paaaralan, karamihan sa mga estudyante edad 13-17 ay tinatayang ginagamit ang 8 oras pataas saget. 56% ng populasyon ng paaralan ay ginugugol ang walong oras kaharap ang kanilang mga cellphone, habang ang natitrang bilang naman
pababa.
Dito nalang nakatuon ang oras natin, Pagbababad sa paggamit nito, at higit sa lahat ay wala na tayong oras makisalamuha sa kapwa, ano nga ba ang maaring epekto ng labis na paggamig ng gadgets sa ating lahat?
Alam mo ba na may tinatawag tayong “blue light”. Ito ay ang ilaw na natatanggap ng ating mga mata na s’yang nagpapabagal ng ating sleep hormones, bagay na tumutulong upang tayo ay makatulog. Isa ang “blue light” sa nagpapahirap sa ating magpahinga.
Isa rin sa maaring maging epekto ng labis na paggamit ng gadget ay ang
Sa’n po sila?
sa paglabas ng makabagong modelo ng isang jeep.
Dating “kuya, bayad po”, ngayo’y “mam, ser bayad nyo po?” Dating makulay at puno ng imahinasyon na panlabas na anyo sa kalsada, ngayo’y puti at walang buhay ang nakikita. Dating “ano ba yan, napaka-init” ngayo’y “lakas naman ng aircon, anlamig”. Ilan lamang yan sa mga bagay na nabago dahil sa paglabas ng tinatawag nating “E-Jeep”. Ngunit ano nga ba ang mas matimbang, makalumang kultura o makabagong makina?
Sa paglipas ng panahon unti-unti ng kinakain ng pagbabago ang ating mundo. Ito’y makikita natin kahit saan tayo mapatingin at alam nating ang lahat ng ito ay dahil sa inobasyong nais mangyari ng bawat tao para sa ating bansa. Isa sa mga pagbabagong lubos nating napansin ay ang pagbabago sa transportasyon dahil
Electronic Jeepneys o mas kilala bilang E-Jeep, ito ay isang makabagong modelo ng jeep na energy powered o pinapagana sa pamamagitan ng enerhiya kinukuha mula sa kuryente. Isa itong uri ng pampublikong sasakyan na hindi na ginagamitan ng
Fuel Diesel, isang likido na kinakailangan upang mapagana o mapa-andar ang anumang uri ng makina.
Ito rin ay mayroong refurbished engines o isang uri ng makina na kayang matukoy kung ano ang pinaka problema ng isang buong makinarya. Ang E-Jeep din ay may mas malaking kapasidad at mayroong maayos at gumaganang Air Conditioning Systems, ito ay mga makinarya na naka-kabit sa loob ng E-Jeep na may kakayahang magbigay ng malamig na hangin upang mas maging komportable ang pagsakay ng mga pasahero sa loob nito.
Kung ihahamabing ang E-Jeep sa isang tradisyonal na jeep, ito ay cost-effective o may mas mababang maintenance o mas tipid sa gastos. Dagdag pa rito, ito ay may 87% lower greenhouse gas emissions o halos hindi na naglalabas ng usok nga sa hindi nito paggamit ng langis o Diesel upang ito ay gumana.
Base rin sa impomasyong nakalap sa bawat mag-aaral ng PSNE, 52% nito ay sang-ayon o mas pabor sa paggamit ng E-Jeep dahil sa ito ay mayroong malaking kapasidad at mas komportable kaysa sa isang tradisyonal na jeep. At 48% naman ang nais pa rin tangkilikin ang tradisyonal na jeep dahil sa hangad na mapanatili
iba at ibang uring problema sa mata. Gaya na lamang ng tinatawag nating “Dry Eye Syndrome” isang sakit nadulot ng matinding pagbababad sa gadget. Ito ay nakukuha dahil sa radiation, ito ay isang ilaw na nakasisira sa balanse ng linaw ng dalawang mata. Mayroon din tayong tinatawag na “Accommodative Spasm” ito ay isa pang epekto ng labis na paggamit ng gadget. Ito naman ay ang pagpilit ng ating mga mata na linawin ang ating paningin na maaaring maging sanhi ng “Migraine” o matindi at tuloy-tuloy na pagkirot ng ating ulo.
Oh ayan, inisa isa ko na yung mga pwedeng maging epekto ng kakaselpon mo ah. ‘Di sa tinatakot kita, inaalala ko lang pwedeng mangyari sayo. Walang masama sa paggamit ng gadget lalo sa
ang kulturang bigay nito. Hindi maiiwasan ang pagbabago kung inobasyon ang pag-uusapan, kung nanaisin natin ang pag-unlad hindi mabilang na pagbabago ang ating mararanasan. Oo, importanteng mabigyang halaga ating ang bawat natatanging kultura, ngunit mahihirapan tayong paangatin ang ating sarili kung tayo ay mananatiling sarado sa reyalidad ng bansa. Kasama ang pag
babago sa inobasyon, habang kasama naman ang inobasyon sa ating mundo. Atin ng unti-untiing tanggapin ang mga bagay na mas makakapag paunlad sa atin. Sabay-sabay nating salubungin ang hinaharap na may pagbabagong malalasap. Lagi nating tatandaan na “Ang Pag-unlad ay isa sa mga susi upang ang ating mga pangarap ay matupad”. Oh sya kaibigan, dito na pala ko “Manong para ho!”.
ay 7
Ni: Mark Angelo R. Rico
14
HULYO 2023 AGHAM
MALAYA NANG HAHAMPAS
Pagpiglas sa rehas ng pandemya.
Dumaan man ang pandemya na pumilay sa industriya ng pampalakasan, patuloy pa rin ang laban ni Samloyd S. Fragata, Team Captain ng ‘New Era Shutters’ Badminton team ng Paaralang Sekundarya ng New Era (PSNE).Walang kamalay-malay na may namumuo na palang interes sa simpleng paghanga. Ang kuya niya ang unang nagpamalas sa larong badminton at ‘di kalauna’y nangako sa sarili na balang araw ay susundan niya ang mga yapak nito. Ang paglalaro ng badminton ang humubog sa kaniyang pagkatao at
nagbigay ng katatagan sa buhay na anumang problemang dumating ay kayang-kaya niyang harapin.
“Huwag gawing hadlang ang mga pagsubok upang itigil ang gusto mong gawin sa buhay.” Aniya.
Isang malaking responsibilidad para sa kaniya ang mamuno sa isang pangkat kaya’t pipilitin niya sa abot ng kaniyang makakaya ang matugunan ang pangangailangan at masuportahan ang team.
Sa kabila ng mabigat na tungkulin ay labis naman ang pagkagalak na nararamdaman sapagkat
Kamao sa Kamao na Labanan, Tiyak ba ang kaligtasan?
Tanyag ang boksing dahil sa mga kampeonato tulad ni Manny Pacquiao na kilala bilang pambansang kamao. Ang boksing ay isang isport kung saan naghaharap ang dalawang magkatunggali at ginagamitan ito ng buntalan o kamao sa pagpapatumba ng kalaban. Itinuturing na isa sa pinakadelikado na isports ang boksing. Kaya ang tanong aym maisasakatuparan ba ang pagpoprotekta sa kalusugan ng mga mag-aaral sa palarong ito?
Mahigit tatlong dekada na isinasagawa ng mga paaralan
ang boksing bilang aktibidad sa mga isports pampaaralan. May ilan na nagiging tagumpay at mayroon naman ang hindi. Noong Disyem bre 12,
2013, ibinal ita sa BANDI LA ang isang in sidente na nangyari sa boxing match sa Region 3 na agad ding sinuspende da hil sa pagkasawi ni Jonas Joshua Garcia, 16 taong gulang.
Dahil sa insidenteng ito marami ang nangamba sa magiging kalagayan ng kabataang lalahok dito.
Adik ka pala? Sa e-sports?
Electronic sports o E-sports ay ang mapagkumpitensyang paggamit ng selpon, kompyuter o ano mang klase ng teknolohiya na nahahati sa maraming kategorya, kadalasang naglalaro ay ang mga propesyonal.
Isa ang e-sports sa libangan ng kabataan ngayon sa kadahilanang mas uso at kailangan mo lang ng selpon at data upang makalaro at makapanood nito.
Ayon kay Jared Xerex Masiglat ng X-Diamond na isang
manlalaro ng Call Of Duty Mobile (CODM)
“Maraming naadik sa online nung pandemic e malamang mas nauso e-sports sa actual sports”.
Ang mahabang panahon at halos araw-araw na paghawak sa controller/selpon ay isa lang sa mga masamang epekto ng e-sports. May mga pagkakataon ding namumuo ang mga dugo sa katawan natin dahil sa pag upo nang matagal sa iisang lugar.
Marami
pang negatibong epekto ang e-sports
sa ating katawan gaya ng pagkapagod ng mata, pananakit ng leeg at likod, pananakit ng pulso at pananakit ng kamay.
May nabalita na nga namatay na mga tao dahil sa paglalaro.
Isa na rito si Hsieh isang 32 anyos na lalakeng namatay sa Taipei, Taiwan dahil sa paglalaro nang walang pahinga sa loob ng tatlong araw. Ngunit gaya ng contact sports hindi lang naman negatibo ang epekto ng e-sports sa’tin.
May mga mabubuting epekto rin ito tulad na lamang
Bugnot ng, Chief Sport Officer ng DepEd Region 3. Nagpahayag din ang Former House Speaker na si Feliciano Belmonte Jr. hindi siya sangayon sa pagsali ng boxing bilang isports sa mga paaralan. Sa pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad, isinasaalang-alang dapat ng bawat isa ang magiging kapakanan ng mag-aaral. Ang paglalaan ng
ng pagpapabilis ng ating pag-iisip kapag may problema, pinapabilis din nito ang koordinasiyon ng ating mata’t kamay, tinataas nito ang tiwala ng tao sa kaniyang sari-
siya’y nakakapagbahagi ng kaalaman at nagagabayan ang mga kapwa mag-aaral na nais pasukin ang mundo ng badminton.
Halos araw-araw ang kanyang pag-eensayo at sinisigurong nasa maayos na kondisyon ang pangangatawan upang maihanda ang sarili sa mga dikdikang labanan.
Tadtad man ng matitinding ensayo, ‘dikailanman naging pabaya si Sam sa pagaaral at napapanatili ang mataas na grado. Sa katunayan, isa siya sa mga nagkamit ng karangalan at
pondo para sa kagamitan sa klinika ay isa sa importanteng hakbang na dapat isagawa. Bilang tagapagturo ng boksing ay dapat mayroong kaalaman pagdating sa paggamot o first aid kit. Kapag sinabi mong boksing, kamao sa kamao ang labanan. Maaari kang tumanggap ng mga suntok sa ulo o sa katawan. Ipagpapasa-Diyos mo nalang kung makakatapos ka ng isang round na buo pa ang ngipin. Wala kang kasiguraduhan kung magiging maayos ba ang labanan o hindi. Siguradong mapapa-amen ka na lang talaga! #
li at higit sa lahat, ito ang ginagawang libangan ng mga kabataan upang makalimutan nila ang kanilang mga problema, trauma, at iba pang mga isyung pang-sikolohikal. #
nangunguna sa klase. “Magtiwala lamang sa Panginoon at ‘wag hayaang mabalot ng mga negatibong pananaw ang isipan. Walang madali sa mundong ito, lahat ng ito ay pinaghihirapan ngunit may kapalit naman itong kasiyahan.”Dagdag niya pa.
Dumating man ang takipsilim matapos bumalot ang dilim na dulot ng pandemya sa buhay ni Sam, kinabukasa’y muling sisilip ang pag-asang dala ng bukang-
Jazzie Alejo Namayagpag sa Last Playing Year ng Men’s Volleyball Team
Tunay na napakasarap na magbigay karangalan sa iyong paaralan lalo’t ito’y pinaghirapan Pinili ni Jazzie Alejo na maglaro sa kaniyang last playing year sa New Era High School Mens Volleyball Team (Rhinos). “Kahit kinukuha ako ng private schools dati, mas pinili ko na lang na tapusin yung playing year ko dito, wala eh napamahal na ako sa school na ito. Dito na ako since elementary kasi” dahilan ni Jazzie kaya siya nanatili sa Rhinos.
Nakatungtong na ng Palarong Pambansa si Jazzie noong siya ay nasa ikaanim na baitang pa lamang, dala-dala ang dugong Erans, kaya mas pinili niya magbigay karangalan rin sa Rhinos.
Hindi binigo
ni Jazzie ang mga nagtitiwala sa kaniya, nadala niya ang Rhinos sa Final Four ng Division Mens Volleyball Team na isang malaking karangalan. Gusto man ni Jazzie maglaro pa upang masungkit ang pagiging kampyon, ngunit hindi na siya pasok sa Age Requirement. “Malakas si Jazzie, isa siya sa mga inaasahan ko kaya sana pagtungtong niya ng Senior High School pumili na siya ng matinong school na tutulong sa kaniya sa College” ani ng kaniyang Coach Kenneth Manalili. Wala ng dapat patunayan pa si Jazzie dahil busog na busog na ang paaralan sa kaniyang binigay na karangalan, hindi madali pagsabayin ang pagiging estudyante at pagiging atleta kaya taas noo itong aalis sa Rhinos. #
ni : Andrei V. Mora
BILANG NG ORAS NA GINUGUGOL NG 100 ESTUDYANTE SA PAGLALARO NG E-SPORTS Sarbey ni Lei Ebio
15 ISPORTS
2022 HULYO 2023 ni : Shyra Mae T. Reyes ni : Ralph Kevin E. Florendo ni : hershane allynah c. tantay
AGOSTO
NEHS Naging Palaban sa Division
Women’s Volleyball League
NI: Hershane Allynah C. Tantay
Tunay na napakasarap na malasap ang panalong inaasam.
New Era High School Women’s Volleyball Team nakamit ang pagkapanalo kontra
Tandang Sora High School sa
Division Secondary Women’s Volleyball League sa iskor na 25-18, 25-23, sa Paaralang
Sekondarya ng Judge Juan Luna (PSJJL) Covered Court noong ika-4 ng Marso.
Pinatunayan ng Lady Rhinos ang kanilang dugong Erans lakas gilas! Sa pagsasanib pwersa nina
team captain na si Hershane Allynah Tantay, libero na sina Angel at Jhera, at magandang pagpapaikot ng kanilang setter na si Zacura.
“Sobrang tuwa kasi unang-una, first time ko maghawak ng public school volleyball team. After two years ay nakapaglaro din at masaya ako na makakabalik pa kami bukas para makapaglaro uli.” Ani ni Coach Kenneth.
Pinaulanan ng service ace ni Hershane Tantay ang kalaban at inagapayan nang pamatay na dropball ni Chelsea Rabang ng siyang naging sapat na dahilan upang mapasakamay nila ang
unang set.
Hindi nagpatinag ang team captain na si Paula Alcayde at ng kaniyang team ang Lady Rhinos kaya naging mainit ang naging laban.
Sinubukan nilang kumayod ngunit hindi ito naging sapat para sa mga nagiinit na Lady Rhinos.
Walang kabang dinepensahan ito ng Lady Rhinos sa pamamagitan ng matinding pagbabantay at siniguradong walang sasayad na bola na naging dahilan
Quezon City tinambakan ang Mandaluyong sa palarong pangrehiyon, 88-18
Tila pinaboran ng kaswertehan kaya’t nanalo sa ikatlong pagkakataon.
Nanatiling panalo ang
Team Quezon City kontra
Team Mandaluyong para sa Reginal Elimination Round sa iskor na 88-18 na ginanap sa Quezon City Science covered court noong ika-26 ng Abril.
Itinanghal na panalo ang Quezon City sa naunang dalawang laban sa kadahilahanang hindi pagsipot ng kalaban.
Naging mainit ang laban dahil seryosong paglalaro ng Quezon City na hinaluan ng kooperasyon ng bawat team na nakapag resulta ng malaking agwat sa pagitan dalawang koponan sa unang kwarter.
Hindi naging kampante ang Head Coach Ruetas ng QC kahit na malaki ang lamang nila kaysa sa iskor ng kalaban kaya’t pinanatili niyang matatag ang kanilang depensa.
Pagiging maparaan, nagsilbing libangan
Sa huli ay bumigay ang depensa ng mandaluyong at itinanghal na panalo ang Quezon City.
“Ang motto kasi sa’min, it’s not by might nor by height but by the spirit to win. Kumbaga kahit maliit kayo wag niyong isipin yun, yung fighting spirit niyo ang manalo, laban lang kaya yan.” Masayang sabi ni Head Coach Victor Ruetas ng Quezon City (Rhinos) #.
NEHS Rhinos Men’s Basketball, bumibida na
Nasungkit ng Paaralang
Sekondarya ng New Era
Men’s Basketball ang panalo kontra The Cardinal Academy sa ITam Invitational Sportsfest sa iskor na 49-38 sa FEU Institute of technology gymnasium noong ika-11 ng Pebrero.
Sumabak din ang NEHS at nagbulsa ng panalo laban sa Leandro Locsin Integrated School sa Quezon City Unit
Meet, 71-50 sa Amoranto Sports Complex noong ika-5 ng Marso.
Kumada ng 17 puntos
ang Team Captain na si Jack Indaman para sa koponan at itinanghal na MVP.
Sa ikalawang laban ng
PSNE sa Quezon City Unit
Meet kontra Batasan National High School (BNHS) ay hindi sila pinagbigyan ng kapalaran manalo, ngunit masaya
parin dahil nagkaroon sila ng pagkakataong makalaro. “What everyone sees on the court is the result of long hours of training and sacrifices athletes make to give pride to the school, pero syempre hindi magiging possible ang lahat ng ito kung wala ang suporta,gabay at tiwala na ibinigay sa amin ng aming Coach na si Coach Pjay Perez,” ani ni Jack Indaman. #
Utak lang ang puhunan, kaya walang butas na bulsang mararanasan.
Maraming magaaral ang nais matuto sa paglalaro ng chess. Ito ay isang larong kumplikado lalo na at kinakailangan mong matutuhan at kabisaduhin ang bawat galaw ng piyesa sa laro.
“Pag may gusto, may paraan.” Iyan ang naging komento ni Mark Angelo Rico ng Baitang X-Diamond, matapos makitaang naglalaro gamit ang improvised na chess
imahinasyon ay gumawa sila ng mprovised chess board dahil plastik na chess pieces lamang ang meron sila. Maraming mag-aaral sa Paaralang Sekundarya ng New Era (PSNE) ang mga determinadong matuto at gustong maglaro ng chess.
Ngunit sa kadahilanang walang kagamitan, naisipan ng Supreme Student Government (SSG) na magsagawa ng maliit na tulong para sa mga determinadong manlalaro.
Ipinapahiram nila ang mga chess set sa mga magaaral ng News Era para mahasa ang kanilang mga talento at maaari itong
ni: SHYRA MAE T. REYES
ni: SHYRA MAE T. REYES
KUHANG LARAWAN ni: ANDREI JAYSON V. MORA
ISPORTS 15 pagpiglas sa rehas ng pandemya
ni: SHYRA MAE T. REYES
ISPORTS