Ang Mandaragit 2024 | Tomo XXXIX | Blg 1

Page 1

lathalain.

Uhaw sa Katotohanan, Nasisilaw sa Ayaw malaman

Pahina 10

New Era, Handa ka ba?

Pahina 13

agham. isports.

Women’s Volleyball Team ng PSNE namayagpag sa Division Athletic Meet

Pahina 20

A N G M A N
O p i s y a l n a P a h a y a g a n n g P a a r a l a n g S e k o n d a r y a n g N e w E r a T o m o X X X I X B l g I | A g o s t o 2 0 2 3M a r s o 2 0 2 4
D A R A G I T
opinyon.
balita.
EcoProjectPatuloy, PSNENapabilangsa
2 PingganngKahirapan Pahina 7
TopGreenSchoolsngQC Pahina

‘MAHALIN NATIN ANG KAPALIGIRAN’ Seryosong nakibahagi si Maya Porcado, mag-aaral ng IX-Becquerel sa pagsasaayos ng ‘Gulayan sa Paaralan’ ng PSNE. kuhang larawan ni: Lenze Daniel M. Calixterio

Ikaw ba ay may Green Thumb?

Erans nakiisa sa 236K

Tree Planting ng DepEd

ni: Lenze Daniel Calixterio

Sa pangunguna ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) at Supreme Secondary Learner Government (SSLG), nakiisa ang Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) sa inilunsad na Tree Planting Activity ng Department of Education (Deped) noong ika-6 ng Disyembre

Layunin ng naturang programa na makapagtanim ng 236,000 na puno sa 47,678 na pampublikong paaralan sa bansa bilang regalo sa mga bata ngayong kapaskuhan.

Sama-sama namang sumuporta ang mga ‘live viewers’ na Erans habang

pili namang mga estudyante’t guro ang sumama sa pagtatanim ng guyabano, cashew, calamansi, langka, at bayabas na isinagawa sa mismong paaralan “Sa palagay ko, mas maappreciate ng mga mag-aaral ang mga kahalagahan ng puno para sa atin. Tsaka baka sa panonood ay maimpluwensyahan ang mga kabataan na magkaroon ng pagpapahalaga sa ating kapaligiran’’ ani Joshua Enriquez, YES-O Assistant Secretary. Inaasahan ng Deped na pangungunahan ng kanilang punong guro ang pagpapalaki ng kanilang mga halaman.

‘ECO-PROJECT PATULOY’

PSNE NAPABILANG SA TOP GREEN SCHOOLS NG QC

ni: Lenze Daniel Calixterio

Kalinga mo, Kalinisan natin! Iyan ang dapat matutunan ng bawat mag-aaral kaya’t inilunsad ng Schools Division Office of Quezon City (SDOQC) katuwang ang Knowledge Channel Foundation ang Eco-Project: Kasangga ang Kabataan sa Kapaligiran, kung saan napabilang ag Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) sa ‘Top 12 Green Schools’ ng Quezon City.

Nakasentro ang proyektong ito upang magbigay-alam at mahikayat na makibahagi mga mag-aaral na pangalagaan ang ating kapaligiran Sa pamamagitan nito, tuturuan ang mga estudyante ng PSNE na magbawas ng basura, matuto at magamit ang 3R’s, gayundin ang pangangalaga sa mga halaman.

Bilang paghahanda naman, binisita ng SDOQC at Knowledge Channel ang PSNE upang isagawa ang Teacher’s training workshop para bigyang kaalaman ang mga guro sa naturang proyekto.

Sari-sari ang nilatag na gawain tulad na lamang ng Gulayan sa Paaralan, ‘Plastic Free Monday’, Segrewaste, Tree Planting, at marami pang iba ang isasagawa sa pangunguna ng Youth For Environmental in Schools Organization, Interact Club, Supreme Secondary Learner Government. “Ang objectives talaga ng ecoproject is to educate, engage, and empower young learners to become environmental champions for their communities which is also inclined to YES-O’s mandates.” ani Cecilia Caneso, Yes-O Adviser.

“Naniniwala talaga ako, na lahat tayo ay part ng isang malaking challenge for our environment, to stand for the futures’ generation environment” dagdag niya. Lumalabas din naman na karamihan ng Erans ay mas lalong nakiisa at naging mulat patungkol sa kapaligiran at ang kani- kanilang paraan ng pagprotekta rito.

“If we continue with these types of projects, i think we will be able to help reduce the consumption of plastic in our area. after all, we have to start with small steps in order to make a difference”

Pahayag ni Princess Rosel, Yes-O President.

Ayon pa sa kanya, Patuloy ang mga ginagawang hakbang ng paaralan at ng mga organisasyon sa pagpapanatili ng magandang adhikain at paglutas sa mga problemang kinahaharap sa usaping pangkapaligiran.

Inaasahan din na sa pamamagitan ng Eco- Mission na binubuo ng ‘ECOLLECT’, ‘ECO PLANTER’, ‘ECO DIARY’ at ‘planting activity’ ay mahihikayat ang mga kabataan na maging’ ECO-CHAMPIONS’, gayunding magpatuloy ang naturang programa hanggang sa hinaharap.

DENR Bumisita sa PSNE, Wetlands Seminar isinagawa

ni: Mike Andrei Fariolan

Binisita ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ang Paaralang Sekondarya ng New Era nitong ika-21 ng Pebrero, upang magsagawa ng isang seminar patungkol sa wetlands na bilang pagdiriwang sa World Wetlands Day.

Kabahagi naman ng DENR ang Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) ng

PSNE sa pag-oorganisa ng nasabing seminar na nilahukan ng mga piling estudyante mula ika-7 baitang hanggang ika-10 baitang.

Naging pangunahing tampok ng seminar ang talakayan patungkol sa wetlands kung saan ay natutuhan ng mga mag-aaral ang kahalagahan nito at paano ito mapangangalagaan.

Kabilang din sa naging tampok ng seminar ang munting Q&A portion sa mga mag-aaral kung saan ay nagbahagi sila ng kani-kanilang mga natutuhan tungkol sa seminar at mula sa mga sagot nila ay pumili ang kinakatawan ng DENR ng mag-aaral na may pinakamagandang kasagutan.

Natapos naman ang programa sa paggawad ng parangal sa mga gurong kabahagi ng nito at sa punongguro ng PSNE na si Dr. Ferdinand A. Fontillo.

balita.
‘KAPIT-BISIG SA KALIKASAN’ Tirik man ang araw, nakiisa parin sina Beatrice Balanay, Yes-o Treasurer at Avril Fabricante, SSLG Grade 10 rep. bilang pakikiisa sa ‘‘magtanim para sa kabataan’’ Larawan ni: Lenze Daniel Calixterio

Wikang Katutubo pinahalagahan ng Erans

Matapos ang ilang balakid, matagumpay nang naisakatuparan ang Buwan ng Wikang Pambansa 2023 sa Paaralang Sekondarya ng New Era noon ika5 ng Setyembre sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipino.

“Filipino at Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Insklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan” iyan ang naging tema ng pagtitipon na sinimulan ng mga tagapagdaloy ng programa na sina Gian Torres at Beatrice Balanay.

Hinarana nina Maya Porcado at Sophia Gubangco ang madla sa kanilang mala-angel na boses na sinundan ng ‘Dance Club’ matapos sayawin ang tugtuging alitaptap. Ginantimpalaan ang mga nagwagi sa Patimpalak sa ‘digital poster’; unang pwesto: Rhian Velasco, at ikalawang pwesto: Jayrene Barquilla na sinundan ng Patimpalak sa islogan; unang pwesto:Lexiz Adrhiann L. Bustillos po, ikalawang pwesto: Angela Pangilinan at ikatlong pwesto: Leean Caindoy, Patimpalak ng Awiting Opm 80’s; unang pwesto: Maya

Porcado , ikalawang pwesto: Akiko Armenia, At ikatlong pwesto: Lyn Niel Denolo, Patimpalak ng Pagbigkas ng Tula; unang pwesto:Justine Estabillo gaw-atensiyon naman ang pagrampa ng mga estudyante sa kanilang mga Kasuotang Pinoy kung saan kinilala ang husay nina Krisbert Diño at Akiko Armenia na nagkamit ng unang puwesto.

Winakasan ang programa ng pasasalamat ni Gng.Reana Cabulagan, tagapayo ng Filipino Klab sa lahat ng naging parte nito at mga dumalo.

Ilang Erans, ‘di pabor sa Catch-up Friday

ni: Lenze Daniel Calixterio

Hindi pabor ang grupo ng mga estudyante at guro sa Paaralang Sekondarya ng New Era sa bagong lunsad ng Department of Education (DEPED) na Catch-up

Friday.

Ayon kay Gng. Cheryl P. Ugalde, guro ng Filipino, mainam ang layunin nito ngunit nakakabigla ang pagsasakatuparan at ang pagsagawa ng mga guro ay hindi gaanong handa kaya ang pagdating sa amin ay komplikado.

Sa halip na ilaan nila ang kanilang mga araw sa ‘regular classes’ upang mas habulin ang mga leksyon na naiwan nila sa ibang asignatura na nagreresulta na mas na ‘prepressure ang mga estudyante .

“Napansin ko sa programang ito,

wala nang masyadong pumapasok dahil iisipin nilang nila na pagbabasa lang ang gagawin. Isa pa sa mga rason ay nagiging rushed and lesson at kami ang nahihirapan dahil imbis na igugol ang araw ng Biyernes sa mga aralin ay mas nagiging uhaw kami sa oras.”ani Kirsten Valencia, mag-aaral ng 10-Amethyst.

simulang ang

programa sa lahat ng mga pampublikong paaralan bilang pagtugon sa naging resulta ng Program for International Student

SDO-QC nagpamalas ng pagkamalikhain sa Climate Change Caravan

ni: Lenze Daniel Calixterio

Nagpamalas ng angking pagkamalikhain ang mga estudyante ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) kasangga ang Paaralang Sekondarya ng Ernesto Rondo, Commonwealth, Novaliches, Quirino, at ng Quezon City sa ginanap na Regional Climate Change Caravan sa Paaralang Sekundarya ng Rizal, Pasig City noong ika-10 ng Nobyembre, Inorganisa ang naturang patimpalak na may layuning magbigay-alam at kamalayan patungkol sa tamang pag-aalaga ng kalikasan kasangga ang mga

kabataang may adhikaing gumawa ng positibong pagbabago.

Sina Lenze Daniel M Calixterio, YES-O (Youth for Environment in School Organization) Vice President at Gian Torres, YES-O Secretary kasama ang kanilang gurong tagapayo, Gng. Cecilia Caneso ang naging kinatawan ng PSNE.

Hindi man nasungkit ang panalo sa ‘Ecological Park Competition’, nakita parin ang kanilang katatagan, kagaling, pagkamalikhain at ang kanilang dedikasyon na sulosyonan ang problemang pangkapaligiran na sinusulong ng naturang patimpalak.

SSLG namahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Luzon Ave

ni: Lenze Daniel M. Calixterio

Umabot sa kabuuang P16,000 na donasyon ang nakalap ng Supreme Secondary Learning Government (SSLG) ng Paaralang Sekundarya ng New Era para sa pamilyang naapektuhan ng sunog sa Luzon Ave, Quezon City, Marso 2. “Isang bagay na mapagtanto mo ay ang pagkakaisa o pagtutulungan na mayroong magandang resulta.” Ayon kay Sir Genesis Ian Fernandez, SSLG adviser.

Kabilang sa mga nagbigay ng donasyon ang mga Rotarians na nagkakahalaga ng P10,000 habang ang mga donasyon naman na nakolekta sa mga estudyante ay umabot sa P6,000 at tinatayang sa kabuuan ay P16 na libong.

Ginamit na pambili ng mga groceries ang mga nakolektang donasyon na naglalaman ng tubig, bigas, biscuit, kape, shampoo, sabon, toothbrush, toothpaste at underwear habang may nagbigay rin ng mga old clothes, sleeping materials katulad ng mga banig, kumot at kutchon.

‘Playing with Math’ isinulong sa PSNE

ni: Genika Quilana

Aktibong nakilahok ang mga

mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng New Era (PSNE) sa MATH Month Activities: Playing with month na pinangunahan ng mga guro at officers ng Math Club noong buwan ng Enero.

Isa sa patok na nilahukan ng maraming mag-aaral dito ay ang Mobile Legends Tournament na may layong hasain ang kasanayan sa math, ang kritikal na pag-iisip ng mga magaaral na kalahok, at maging epektibo bilang isang pangkat.

Maraming activities pang ibang aktibidad ang inilunsad dito kabilang na ang Damath seminar na nagpalawak sa kaalaman ng mga

estudyanteng dumalo dito tungkol sa larong Damath.

Konsepto nitong linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral ng PSNE sa larangan ng mathematics sa paraang nagbigay karunungan at kasiyahan ito sa mga mag-aaral.

“Okay yung mga activities, actually speechless ako.” ani Daphny Joy Tumala, estudyanteng kabilang sa idinaos na MATH Month.

Tulad niya, labis na nagalak ang mga estudyante ng NEHS sa naganap na Math Month. Naging malaking tulong ito para sa kanila upang lumawig pa ang kanilang kaalaman at kamalayan sa Matematika.

Senior High booth, tampok sa PSNE

ni: Angel Nica Lazaro

‘‘Sobrang saya kahit nakakapagod siya, Yung feeling na nakakapagbigay insipirasyon ka sa iba na gawing kapakipakinabang ang mga basura ay lubos na nakakagalak. Hindi man kami nanalo, ramdam ko parin yung saya ng bawat isa saamin dahil sa una palang naman ay panalo na kami simula nung makatungtong kami rito at mailahad ang aming nais ipakita.’’

ani Gian Carlo S. Torres, YES-O Secretary.

Bahagi ng pagdiriwang sa English Month ng Paaralang Sekondarya ng New Era, itinampok ng Senior High School ang One Piece Exhibit noong ika- 28 ng Nobyembre. Ibinida nila ang sikat na anime sa pamamagitan ng cosplay parade, food bazaar at iba’t ibang mga booth na tinangkilik ng Erans. Sa pagkakaisa ng mga grade 11 at grade 12 ay nakagawa sila ng maayos at magandang exhibit sa kanilang gusali.

“Sa pamamagitan ng maayos na

pagpaplano at pagkakaisa namin ay naging mas madali at mas masaya ang aming exhibit” ani Cyryl Gatchalian, presidente ng Gas B

Nagkamit naman ng maraming parangal ang Gas A dahil sa kanilang maganda at nakakaenjoy na arc Samantalang, nagkamit naman ng apat na parangal ang ICT 12 at 3 naman sa Gas B

“Lahat ng pagod at sakripisyong ginawa namin ay worth it dahil nakita naming nag-eenjoy ang mga Junior High School na pumupunta sa aming exhibit” ani ni Ashley Palmero, isa sa nagcosplay sa exhibit.

Maraming natutunan ang mga

balita. 3 blitaa
larawan ni : Lenze Daniel M. Calixterio
larawan ni : Lenze Daniel M. Calixterio
‘IPAKITA ANG GALING SA SIPNAYAN’ iyan ang pinatunayan nina Albert Rivera at Rhianne Antiquin, matapos na mauwi ang kampyon sa ginanap na Math Quiz Bee sa PSNE larawan ni: Lenze Daniel Calixterio ‘KABATAAN ANG PAG ASA NG BAYAN’ iyan ang pinatunayan ng mga kabataan ng PSNE matapos na makiisa sa ginanap na Buwan ng Wikang Pambansa ni: Fatima Esguerra

inirampa ang kanilang kasuotan sa Eco-Modelo ERANS

Makukulay, malikhain at talagang kaakit-akit sa paningin na kasuotan na pinaglaanan ng oras, sipag at tiyaga sa paggawa.

Matagumpay na isinakatuparan ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) ang ‘Eco-Modelo’ sa pangunguna ng Science Club, Setyembre 28, kasalukuyang taon.

Ibinida ng mga kalahok ang kanilang mga kasuotang gawa sa mga ‘recycled materials’ tulad ng plastic

bottles, magazin, dyaryo, trash bags, gamit na dvd at marami pang iba na nagbigay panalo sa mga kalahok sa patimpalak na ito.

Nagkamit ng parangal sina

Prudeah Navarro at Neil Andre

T. Reyes bilang Mr. at Ms. Fire; Fatima Claire Esguerra at Marwie I. Tolentino-Mr. at Ms Earth; Cleoffe Torres at Gian Carlo B. Manaig-Mr at Ms. Air; Mark Justine Mollena-Mr. Water.

Goethe-Institut Philippinen Bumisita sa PSNE

ni: Mike

Binisita nina Angeli Ludovico, Administrator for Educational Cooperation at Barbara Pauli ng Goethe-Institut Philippinen ang Paaralang Sekundarya ng New Era noong ika-8 ng Nobyembre upang magsagawa ng isang Cultural Exchange Program na nilahukan ng mga mag-aaral ng Special Program in Foreign Language (SPFL).

Naging pangunahing tampok ng programa ang pagtalakay ni Bb. Barbara ng ilan sa mga napansin niyang pagkakaiba sa Germany at Pilipinas ilan nga sa mga ito ay ang klima, transportasyon, pagkain, at ang iba’t-ibang mga pang araw-araw na kaganapang gaya ng paggamit ng mga social media apps na Facebook at Messenger.

Isa pang naging tampok ng programa ay ang Q&A session kasami si Bb. Barbara kung saan ibinahagi niya ang kaniyang mga paboritong pagkain, ilan sa mga mahahalagang

pagdiriwang, at ang kaniyang unang jeepney ride na isa sa mga ‘di malilimutang karanasan niya sa Pilipinas.

Ibinahagi naman ni Bb. Angeli ang ilan sa mga plano sa hinanaharap ng Goethe-Institut para sa mga DepEd schools, ayon sa kaniya “We have a pending memorandom of agreement with deped central office to be signed hopefully within this year the foreign secretary from germany schedule to visit this november or december and were planning to have a dialogue with deped central office so that more support will come from both the foreign office and Goethe-Institut”.

Binigyang-diin din niya kung paano nakakatulong ang mga programang ito sa pagiging mas malapit ng mga mag-aaral sa Germany at kung paano ito nagbibigay ng isang kakaibang at makabuluhang karanasan sa pag-aaral ng isang dayuhang wika.

SSS E-Wheels dinaluhan ng mga Erans

Ni: Lenze Daniel Calixterio

Binisita ng mga Empleyado ng Social Security System, ang

Paaralang Sekundarya ng New Era (PSNE)upang i-‘‘register’’ ang mga estudyante noong Marso 19 Layunin nilang tulungan ang mga estudyante na mag parehistro sa SSS na may sari-saring benepisyo tulad na lamang ng Retirements,maternity, paternity, sick, death insurance, atbp

‘‘Nag iikot talaga kami para tuluyan ang mga estudyante na nagreregister sa kanilang SSS at kapag nagtatrabaho na sila ay magkaroon nila ng social protection’’ ayon kay Edward Echavez Demayogo.

“Sobrang nakakamangha ang creativity ng bawat estudyante ng New Era sapagkat biruin mo na ang mga basurang makikita mo kung saan lamang ay magagawan nila ng paraan gawin kapakipakinabang bilang mga kasuotan at magkaroon ng chance na i-showcase ito.”

ani Lenze Daniel M. Calixterio, Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) Vice President.

Sinasabing ang programang ito ay may layuning magbigay aral sa mga estudyante na di lahat ng bagay na gamit na ay hindi na mapapakinabangan at sa ganitong paraan makakatulong tayo hindi lang sa ating komunidad pati na rin sa ating kalikasan.

ALAM MO BA?

160

Ang tinatapong plastic sachet araw-araw milyon ayon sa Radio Inquirer

PSNE lumalaban kontra Malnutrisyon

Upang matugunan ang suliraning malnutrisyon ng mga mag-aaral sa Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) ay patuloy ang pagsasagawa ng Feeding Program tuwing araw ng Huwebes. Tinatayang 80 mag-aaral ng grade 7 ang kasama sa programa, tinitiyak na magkaroon ng proseso sa kanilang timbang.

‘‘To improve the healthy conditions and cognitive abilities

of the wasted and severely wasted students’’ pahayag ni Gng. Rhea Docog, feeding program coordinator.

Natutugunan ang pangangailangang pinansiyal ng programa sa tulong ng Cooperative Management at School Management.

Sa kasalukuyan, patuloy ang programa katuwang ang mga guro, Departamento ng Tle, at Mapeh.

Mandaragit 5th Place Overall sa Divcon Soriano Pasok sa Regionals

Halos 70 pampubliko at pribadong paaralan sa bawat distrito ang nagtagisan ng kanilang galing sa pagsulat ng artikulo, TV at Radio Broadcasting, gayundin ang Online at Collaborative Desktop Publishing sa Quezon City, Division Secondary Schools Press Conference (DSSPC) 2024 sa Quirino High School noong Pebrero 3,10,14.

Karangalan ang inuwi ni Latisha Lhorvin Soriano ng 9- Avogadro, matapos na masungkit ang ikalawang pwesto sa kategoryang pagsulat ng balitang Agham na siyang magiging

kinatawan ng Quezon City sa Regional Secondary School Press Conference(RSSPC).

kasama rin niyang nagtamo ng karangalan sina Josan Leal, ikaapat na pwesto sa pa gsulat ng kolum, Rya Sophia Soyosa, ikalimang pwesto at Lenze Daniel Calixterio, ika-anim na pwesto sa kategoryang pagkuha ng larawan. Humakot din ng Parangal ang Radio

Broad Group-Siklab Kabataan matapos na makamit ang Ikalimang

Pwesto-Overall Best Group, ikalima sa Best News Anchor, ika-apat sa Best

Binubuo

Francisco, James Garcia, Khloe Culminas, Sandra Castillo at Janine Nicor ang Radio Broadcasting Group.

Hindi rin namang nagpahuli ang Online Publishing Group na binubuo nina Josan Leal, Rya Soyosa, Mark Justine Mollena, Angel Eunice Dino at Nickalyn Naive matapos na makuha ang ikalimang pwesto sa Best Feature Page.

4 balita. blitaa
Larawan ni: Lenze Daniel M. Calixterio News Presenter at ikatlong pwesto sa Best Script. nina Khurshane Ni: Julien Panganiban Ni: Lenze Daniel Calixterio ‘PAGKAKAIBANG LAHI’ Tuwa at galak ang bumalot sa silid matapos na magkwento si Barbara Pauli tungkol sa mga kultura ng Germany. Larawan ni: Lenze Daniel Calixterio ‘ENSAYO PARA SA LABAN’ Masipag na nag-ensayo si Latisha Soriano patungkol sa pagsulat ng balitang agham para sa nalalapit niyang laban sa regionals. Larawan ni: Lenze Daniel Calixterio

Gng. Elena G. Estabillo itinanghal na Most Outstanding Teacher

Ni: Lenze Daniel Calixterio

Nagningning ang Gabi ng Parangal!

Pinarangalan si Gng. Elena G. Estabillo bilang Most Outstanding ginanap na Awards Night ‘The Verdict’ sa Great Eastern HotelAberdeen Court noong ika-28 ng Pebrero.

“Sa wakas in 15 years, in all the things i’ve done to school, someone or somebody recognized my efforts” reaksyon ni Gng. Estabillo.

Ang pamamaraan sa pagtukoy sa pinakamahusay na guro ay batay sa mga salik kung saan ang 50% ng mga marka ay mula sa mga mag-aaral, 20% mula sa mga kapwa guro, 20% mula sa mga papeles, at 10% mula sa mga panayam.

Isinasagawa ito dahil,“number 1 to motivate the teachers to continue what they are doing, second one those regocnition for us is very usefull kasi nagagamit namin sya proof of

our hard work for our promotions. and it shows how the

administrations appreciate the teachers.”

ayon kay Gng. Estabillo.

Dagdag pa nya, “Naniniwala naman ako na importante talaga yung tingin ng estudyante din sayo, because no papers can evaluate you as

Binigyang-diin ni Kirsten Valencia, isa sa mga istudyante ng guro sa Baitang 10, Pangkat Amethyst ang kahalagahan ng tagumpay ni Gng. Estabillo, “i wouldn’t say that she deserves the award but instead, the award deserves her. her dedication and passion for teaching says it all, the continuos heart she touched in her term of teaching, i hope she’ll continuosly offer her hand that can be held by countless students who needs her guidance as a teacher.”.

Kinilala rin and dedikasyon, kahusayan, katagalan sa serbisyo ng mga guro, stakeholders, administrating staff, head teachers, at principal ng PSNE.

‘’Gusto kong hasain ang pagiging lider ng mga Erans’- HCP Mark Jacinto

Ni: Lenze Daniel Calixterio

“Ako’y nagsimula din sa pagiging leader sa DLSU kaya’t ngayon ay nais ko na ang rotary ay hasain ang mga leader sa New Era”

Iyan ang sinambit ni Rotary of Midtown Quezon City (RMQC) , Hope Creating President Mark Jacinto sa ginanap na Leadership Academy sa Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) noong ika-13 ng Enero sa pangunguna ng RMQC at Interact Klab ng PSNE.

Dumalo ang mga Presidente at Bise-Presidente ng bawat organisasyon sa paaralan upang sila’y sanayin bilang mga pinuno at ikalat ang kaalamang

matutuhan nila. “I strongly stand by the saying ‘leader’s are not born, they are made’. Leadership academies such as ELA are essential for making polished leaders, as a student body leader myself I can proudly say that attending these seminars opened my perspective to what is the true meaning of leadership.” ani Joshua Enriquez, Interact Club, Hope Creating President Bumisita din sina Maria Subina Yu, Pauly Ceralde, Francine Fernandez, Angel Loque, at Clarence Almoite na mga dati ring leader upang sagutin ang mga katanungan patungkol sa kanilang mga naging termino.

Lubos ang pasasalamat nina Genesis Ian Fernandez, Supreme Secondary Learner Government Adviser sa pagdalo ng mga panauhin at ang pagpapaunlak ng RCMQC na gawin ang ganitong ‘event’ para sa mga bata.

Nag-iwan din ang naturang programa ng mga bagong kaalaman na tutulong sa mga kabataan na maging mas magaling na leader sa hinaharap.

Bago natapos ang programa, Pinili sina Gian Torres, Princess Rosel, Akiko Armenia, Matthew Acutim, at Cassiopeia Polangco bilang mga kinatawan sa gaganaping Rotary Youth Leadership Awards

‘Dito ko sa New Era gagawin ang kauna-unahang World Class Auditorium’ - Congresswoman MCP

Ni: Mark Justine Mollena

“Sabi ko noon kapag ako’y naging Congressman, gagawa ako ng Auditorium at dito ko sa New Era pipiliin igawa ang kauna-unahang World Class Auditorium. “ Iyan ang sinambit ni Congresswoman Marivic CoPillar sa

isinagawang Ground Breaking Ceremony at Mass Oath Taking sa Paaralang Sekundarya ng New Era (PSNE) noong ika-15 ng Pebrero, 2024.

Dinaluhan

ng mga nahalal

na Officers ng Supreme Secondary

Antiquin, Speech Choir nagpakitang gilas sa English Festival ng St. Patrick

Ni: Fatima Claire Esguerra

Dugo, Pawis, luha Iyan ang mga sakripisyong ibinigay ng mga estudyante ng Paaralang Sekundarya ng New Era (PSNE) na lumahok sa ginanap na English Festival ng Paaralang St. Patrick noong ika-15 ng Marso, kasalukuyang taon. Halos limang paaralan ang nagtagisan ng galing sa distrito 6 kung saan nagwagi si Rhianne Antiquin, ikalawang pwesto sa ‘Spelling Bee Competition’ at natamo natin ang ikatlong pwesto sa ‘Speech Choir Competition’. Binubuo nina Bea Bulatao Jave Abenojar, Chelsea Diesta, Geraldine Mizieekiel Garcia, Rae Anne Lacanilao, Cherrie Sabornido, Jade Goze, Sofia Leona Umpad, Princess Ericka M. Rosel, Jannzen Reyes,

Ayeesha De Castro, Althea Vernice Mateo, Cassiophea D. Polangco, Jana Jen Mallo, Rhaian Eika T. Tañalas, Lilkim Nadine Cajara, Kamsani HadjiOsopj, Neil Reyes, Bonn Polveras at, Isaiah Peregrino ang Speech Choir Team at ang kanilang coach na si Bb. Fionah Abanilla.

‘’Naging maganda at maayos naman ang aming pagsali dahil napakita namin ang aming pinaghirapan at napahanga rin ang aming mga sarili’’ ani ng Speech Choir leader, Isaiah Peregrino.

Bago sumabak ang mga kalahok, puspusang paghahanda ang kanilang dinanas sa tulong ng buong kagawarang ng Ingles.

Cosplay Spotlight 2023: Erans, nagtagisan ng galing

Ni:Krishantel Ison

Nagtagisan ng galing sa Cosplay Spotlight; An epic celebration of virtuous characters (2023) ang mga magaaral mula sa Grade 7 hanggang 10 nitong ika-pitong Disyembre na ginanap sa covered court ng Paaralang Sekundarya ng New Era na pinamunuan ng ESP club. Nagpasiklab ng kanya-kanyang mga talento ang mga napiling magaaral sa Presentation of Finalist na kung saan sila nagsuot ng kanilang

mga iniidolongfictional characters na may mabuting birtud at inirampa ito sa entablado.

Sa huli, nagkamit ng karangalan para sa indibidwal na pagganap si Princess Balisong ng 10-Selenite na gumanap bilang Nana at 8-Dagohoy na ang tema ay Dora the Explorer’ para sa pangkatang pagganap. Matagumpay na idinaos ang programang ito sa tulong ng partisipasyon ng mgaguro at ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang baitang.

Ganda ng musika ibinida sa Erans idol

Ni: Lei Valdoz

O kay Ganda ng ating musika! Naaliw ang Erans sa ginanap na Erans Idol Battle of the Voices na pinangunahan ng SSLG at ng Departamento ng MAPEH noong ika15 ng Pebrero Nagtagisan ng galing ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang na mahigit 50 kalahok sa audition Pasok sa top 10 sina Leo Pancho, Miguel Lipata, Maya Porcado, Sophia Gubangco, Jilliane Sta. Maria, Khloe

Learner Government (SSLG), Parent Teachers Association (PTA), at mga organisasyon upang saksihan ang ang naturang programa at manumpa sa kani-kanilang tungkulin.

Tinatayang umaabot sa P70 Milyon ang pondo para sa itatayong bagong Auditorium.

Lubos ang naging pasasalamat ng ating Punong guro si Dr. Ferdinand A. Fontillo dahil sa isang malaking pagkakataon ang ibinigay navpagkakaroon ng ‘2-in1’ Groundbreaking Ceremony para sa itatayong bagong Auditorium at Covered Court, pati narin sa panunumpa ng mga estudyanteng opisyal.

Mahalaga ang isinagawang panunumpa dahil ito ay may kahalagahan sa gampanin ng bawa’t

lider-estudyante sapagkat ito ay sumisimbolo sa kanilang dedikasyon at pangako sa kanilang papel na gagampanan bilang lider at kinatawan ng mga mag-aaral. Pinatitibay rin nito ang kanilang paninindigan at pagkakaisa, at sa pagtanggap nila sa kanilang responsibilidad sa pamamagitan ng panunumpa, ipinapakita ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging responsable sa kanilang mga pananagutan, at ang pagtataguyod ng

Culminas, Nhiel Lanson, Erica Along, Audrey Nilo at Micaella Gobrin. Gumanap na mga hurado sina Bb. Pamela Edangal, Head Teacher ng Mapeh at ang mga guro na sina Bb. Lorelei ong, Bb. Annalisa Balmadezeda, Bb. Cherie Orit, Bb.Neddie Battaler at Bb. Jovelyn Tupaz

Inaasahang gaganapin ang finals kung saan isa lang sakanila ang tatanghaling kampyon.

kanilang mga tungkulin nang may integridad.

balita. blitaa 5

Taunang Career Guidance Week

inorganisa

Ni: Mark Justine Mollena

Sa panguguna ni Guidance Councilor, Maria Teresa Balinggao ay inorganisa ng Link Club ang Career Guidance Week para sa mga estudyante ng Paaralang Sekondarya ng New Era Highschool (PSNE) Pebrero 6 hanggang 9.

Layunin ng programang ito na gabayan ang mga Grade 10 na makapili ng kani-kanilang mga strand sa Senior High School, at sa SHS naman ay ang kanilang College career na patutunguhan.

Kabilang sa mga kilalang paaralang

nangampanya ay ang Far Eastern University (FEU), National University (NU), Mary the Queen College, Eugenio.

Nagsagawa sila ng mga aktibidad tulad ng paggawa ng bag gamit ang magazine, mga worksheet na magbibigay ng payo sa kanilang mga Career, at ang pagdre-dress up ng kanilang mga nais na trabaho sa hinaharap.

“Labis na kasiyahan ang naging resulta nito sa akin

at ng aking organisasyon sa matagumpay naming pagsasagawa hinggil sa paggabay sa mga ikasampung baitang estudyante sa kanilang tamang kursong pipiliin pagdating ng tamang panahon.” ani Cherrie Kim Sabornido, Link Club President.

Dagdag pa ni Sabornido na ang kanilang pagod at pagtitiis sa paghahanda sa proyektong ito ay napalitan ng sobrang laking karangalan hindi lamang sa paggagabay sa mga estudyante pati narin sa mga ngiti na hinahatid ng mga estudyante bilang pasasalamat sa kanilang panguguna.

Ni: Mark Justine Mollena

Nagkaroon ng isang makulay at masayang pagdiriwang noong ika-20 ng Oktubre, Biyernes, alas10 ng umaga para sa prestihiyosong pagtitipon ng ‘Mr. and Ms. United Nations 2023’.

Pinangunahan ng mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang senior high ang pagpapakita ng kanilang mga national costumes bilang pagpupugay sa programang ito.

Sa Preliminary Round, bawat kandidato ay nagpakitang-gilas sa pamamagitan ng pagpapakita ng

kanilang mga national costumes.

Kasama sa mga kabilang ay sina Mr. and Ms. Madagascar, na nagpakita ng kanilang sash sa isang kakaibang paraan, at Mr. Spain, na nakapagbigay ng isang nakakabilib na performance. Matapo ang mga maingat na pagsusuri mula sa mga hurado na sina Sir Jeffy Perez, Eduardo Cruz - Eugenio Lopez SHS Head, at Sir Ferdinand Fontillo, nagpatuloy ang pagdiriwang sa Finals Round. Dito, ang top 20 na kandidato ay nagpakitang-gilas ng kanilang husay sa

entablado.

Samantala, sa pagitan ng mga paligsahan, nagpakitang-gilas din ang NEHS Drum and Lyre sa kanilang nakakamanghang performance, na nagdagdag ng kasiglahan sa nasabing okasyon.

Matapos ang mahabang patimpalak ipinagkaloob ang mga sumusunod na parangal:

- Mr. UN: Cambodia

- Ms. UN: Thailand

- Mr. PEACE: Spain

- Ms. PEACE: Turkmenistan

- Mr. UNITY: Bahamas

- Ms. UNITY: Albania

- Mr. LOVE: Montenegro

- Ms. LOVE: Philippines

- Mr. HOPE: Zimbabwe

- Ms. HOPE: Bahamas At winakasan ito sa pamamagitan ng pag anunsyo ng Mr. at Ms. U.N. na sina Mr. Cambodia at Ms. Thailand.

Sining Galyaw nagtanghal para kay ‘Tandang sora’

Ni: Lei Valdo

Nagtanghal ang NEHS Dance Club - Sining Galyaw sa ginanap na ika-212 anibersayo ng kapanganakan ni Melchora Aquino ‘Tandang Sora’ sa T.Sora National Shrine, ika-6 ng Enero.

Sinanay sila ng kanilang Club Adviser na si Bb. Princess Bolinao, katuwang si Bb. Zaira Anne Ventura at suporta ng kanilang puno ng kagawaran sa Mapeh na si Bb. Phame Edangal

Kabilang sa dumala na pangunahing pandangal ay sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.

Ang kanilang paghihikayat at pagsusumikap ay nagbigay daan para sa isang di-malilimutang pagtatanghal na nagpaantig sa mga puso ng mga tao.

balita. 6 blitaa
Pagkakaiba-iba
Pagdiriwang ng
at Internasyonal na Pagkakaisa Isinulong ng PSNE

Pinggan ng Kahirapan

Tapsilog sa almusal, pritong manok sa tanghali, at adobo sa hapunan, samahan pa ng halo-halo at banana cue sa merienda ay tiyak na busog at ‘solved’ ang gutom mo!

Subalit ang lumalaking isyu ng ‘food insecurity’ sa ating bansa ay ‘solved’ na rin ba? Ayon sa pinakabagong ulat ng United Nations (UN) ay pumalo sa 50.9 milyong Pilipino ang walang sapat na pagkain sa kanilang hapag.

Nakakamit ang ‘food security’ kapag ang mga mamamayan ay may sapat na access sa malinis, ligtas, at masustansyang pagkain. Subalit sa kabilang banda, ‘food insecurity’ naman ang kabaliktaran nito na isa sa mga lumalalang suliranin ng Pilipinas.

Kahirapan ang pangunahing dahilan ng lumalalang suliraning ito. Halimbawa na lamang, dahil sa mababang kita at kakulangan ng suporta sa mga magsasaka ay nagkukulang ang kanilang mga kagamitan gaya ng pataba, mga binhi, makinarya, at iba pa, na siyang nagpapabagal sa produksiyon ng mga pagkain gaya ng mga bigas, isda, at karne at siya ring tumutulak sa ating bansa upang dumepende sa pagaangkat at mas lalo pang mabaon sa utang.

Subalit kahit pa patuloy na nagaangkat ang ating bansa ay milyonmilyong pamilyang Pilipino pa rin ang walang sapat na pagkain sa kanilang hapag. Kaya naman, bakit hindi

nalang ilaan ang pondo rito para sa mga magsasaka upang mas bumilis ang produksiyon at kumita rin sila?

Sapagkat, kung magpapatuloy ang ganitong sistema ay tiyak na hindi lamang iisa o ang mga magsasaka ang kawawa kundi ang buong mamamayang Pilipino. Bukod diyan nililimitahan din ng kahirapan ang kakayahan ng mga mamamayan upang masustentuhan nila ang kanilang mga pangangailangan sa pagkain. Kung minsan naman, dahil sa kakulangan ng kita ay mas pinipili ng mga tao na bumili ng mga pagkaing mas mura ngunit kulang sa nutrisyon, na siyang nagreresulta ng malnutrisyon.

Ayon sa Unicef, 3.4 milyong kabataan ang nakararanas ng malnutrisyon at 300,000 rito ang kabilang sa ‘age group’ na lima hanggang pitong taong gulang. Kung ang isang bata ay ‘malnourished’ ay maaaring ang kaniyang bigat at tangkad ay hindi akma sa kaniyang edad, mas mahina rin ang resistensiya nila kumpara sa mga normal na bata.

Dahil dito ay direktang naaapektuhan ang edukasyon ng kabataan. Ang dapat sana’y masigla at masayang pagsalubong ng mga bata sa kanilang mga guro ay napapalitan ng kapanglawan at katamlayan dahil sa kakulangan nito sa pagkaing nagbibigay ng nutrisyon.

Kaya naman sanib-pwersa ang

Liham Para sa Patnugot

Unang-una po sa lahat, bilang boses ng isang kabataang naghahangad ng wala kundi pawang kabutihan para sa kaniyang paraalan at bayan sa kabuuan, nais ko po sanang magpasalamat sa inyong pagpapakita ng nag-aalab ninyong damdamin at determinasyon sa paglalahad ng katotohanan. Ang Paaralang Sekondarya po ng New Era ay naging tahanan ko na sa loob ng apat na taon. Gayunpaman, ngayong taon ko lamang po naranasan na tuwirang masaksihan ang pahayagang bunga ng dugo at pawis ng Ang Mandaragit sa kadahilanang ito’y nahinto bunsod ng dalawang taong epekto ng pandemya sa larangan ng edukasyon. Ito po ay talagang nagdulot sa akin ng labis na kasiyahan sapagkat pinatutunayan lamang po nito ang katotohanang ang kabutihan ay ‘di kailanman magagapi kung ang bawat isang indibidwal ay iiwasang maging bingi ang kanilang mga sarili mula sa sigaw ng katarungan. Ang tanging suhestiyon po na mayroon ako para sa inyo ay ang ipagpatuloy ang paggamit ng inyong kakayahan bilang isang instrumento sa pagpapakita sa lahat ng totoong diwa ng katotohanan. Kakayahan tungo sa kaayusan.

Gumagalang,

Cherrie Kim Sabornido X-Diamond

Department of Health (DOH), Food and Nutrition Research Institute-Department of Science and Technology (FNRI-DOST), at Department of Education (DepEd) sa pagtugon sa lumalalang isyu na ito. Sa parte ng DOH ay inilabas nila ang tinatawag nilang “Pinggang Pinoy” na naglalayong gabayan ang mga Pilipino upang mas lalo pa nilang maintindihan ang konsepto ng ‘balanced diet’.

Sa tulong naman ng International Institute of Rural Reconstruction (IIRR) kasama ang DepEd at FRNI ay inilunsad nila ang proyektong “Integrated School Nutrition Model in the Philippines”. Nilalayon nitong paunlarin ang nutrisyon sa loob ng paaralan sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan gaya ng ‘feeding programs’, at ‘bio-intensive gardening’ kung saan ay binibigyan ng pagkakataon ang mga bata na matutong magtanim ng iba’t-ibang mga gulay at prutas na siyang mayaman sa sustansiya. Sinisuguro ng proyektong ito na may sapat na akses ang mga estudyante sa mga pagkaing nutrisyunal na marahil ay hindi abotkaya para sa kanila.

Sa Paaralang Sekundarya ng New Era na kabilang sa “Green Schools” ng Quezon City ay iba’t-ibang mga proyekto rin ang inilulunsad upang maipalaganap ang ‘sustainability’ at mabigyan ng sapat kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa nutrisyon

at sa isyu ng ‘food insecurity’ sa bansa. Ilan na nga sa mga proyektong ito ay ang “Gulayan sa Paaralan” at “Hydroponics”

Subalit sa kabila ng mga hakbang na ito ay talagang hindi pa rin mapuksapuksa ang isyu ng ‘food insecurity’ sa ating bansa. Ngunit bakit? Bakit hindi pa rin sapat kahit pa anong hakbang ang gawin natin?

Huminto muna tayo at mag-isip, kung nais talaga nating mapuksa ang isyung ito ay kailangang gumawa tayo ng mga hakbang na hindi lamang lumalaban sa bunga nito kundi maging sa pinag-uugatan ng suliraning ito, walang iba kundi ang kahirapan. Subalit kung titignan ay isang malawak na suliranin ito at malayo pa sa katotohanan ang pagpuksa rito. Habang lumalala ang isyu ng ‘food insecurity’ sa ating bansa ay milyonmilyong mga Pinoy ang nagtitiis sa kakarampot na pagkain sa kanikanilang mga hapag.

Siguro nga’y ang masarap na almusal, tanghalian, at hapunan, o ang simpleng ideya ng pagiging busog ay hanggang imahinasyon na lamang ng maraming Pilipino at ang pagiging ‘solved’ ng isyung ito ay malayo pa sa katotohanang nais nating makamtan.

Liham Mula sa Patnugot

Kami sa Ang Mandaragit ay lubos na nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta at tiwala. Sa bawat hakbang na aming tinatahak, nakatuon kami sa pagbibigay ng makabuluhang impormasyon at katotohanan sa inyo. Ang inyong patuloy na pagtangkilik ay nagbibigay sa amin ng lakas at inspirasyon upang patuloy na magsilbi sa inyo.

Sa bawat araw na naglalakbay kami sa larangan ng pagsusulat, itinataguyod namin ang inyong karapatan na malaman ang katotohanan at maging mulat sa mga pangyayari

Kumpleto, malinis, ligtas, at masustansya ba ang pagkain ng ERANS ?

Oo Hindi Hindi sigurado

ANG MANDARAGIT 2023-2024

PAMATNUGUTAN

Punong Patnugot, Litralista

Lenze Daniel M. Calixterio

Kapatnugot, Editoryal

Mike Andrei D. Fariolan

Tagapangasiwang Patnugot

Fatima Claire Esgeurra

Balita

Angel Nica P. Lazaro

Isports

Heshane Allynah C.Tantay

Lathalain

Khurshanne Francisco

Agham

Latisha Lhorvin Soriano

Katunista

Clyde Niro L. Paragas

Tagapagwasto

Krischantel S. Ison

Sirkulasyon, Tagapaglapat

Julien Nerie V. Panganiban

Lahat ng mga mag-aaral na mamamahayag mula ika-7 hanggang ika-10 baitang.

Tagapayo

Gng. Ginalyn F. Abelo

Puno ng Kagawaran (OIC)

Eleonora C. Daproza

Punongguro

Dr. Ferdinand A. Fontillo

Tagamasid Pangsangay ng Pamahayagang Pangkampus

Mrs. Nimfa R. Gabertan

Tagapamanihala ng Lungsod

Quezon

Dr. Carleen S. Sedilla, CESO V

Opin+yon+ opinyon. MANDARAGIT 7
57.6% 13.9% 28.5%
Minamahal na Patnugot,
sa ating lipunan. Ipinapangako namin na magpapatuloy sa aming misyon na maging tagapagdala ng balita at impormasyon na may integridad at kredibilidad. Sa abot ng aming makakaya, patuloy kaming magsusulong ng pagbabago at pagpapalakas ng aming serbisyo para sa inyo. Hindi lamang kayo mga mambabasa sa amin, kundi kayo ang aming kasama sa pagtahak sa landas tungo sa mas magandang kinabukasan. Muli, maraming salamat sa inyong suporta at pananampalataya. Hinihiling namin ang inyong patuloy na pagtitiwala at pagtangkilik sa Ang Mandaragit. Nang buong pagmamahal, Ang Mandaragit
na
Mahal
Cherrie,
Guhit ni: Klein Era Pichay

Rehas ng Dinastiya

Ni: Josan Leal

Samga nagdaang taon, napansin niyo ba kung paano nagpapatuloy sa Pilipinas ang political dynasty? Yung tipong sunod-sunod na parehong apelyido ang nakikita nating nakaukit sa kasaysayan ng politika.

Mula sa Marcos, Macapagal-Arroyo, Aquino, Binay, Estrada, Cayetano, Revilla, Angara at Duterte.

Pare-parehong mga elitista, walang isang salita at may sanga-sangang dila ngunit diyan naman magaling ang ilang mga Pilipino, laging ibinabase sa dugong magkakadikit ang pagboto. Kahit pa sa kasaysayan ng mga manok nila, maraming nalalabag na karapatang pantao subalit patuloy pa rin nilang ginugusto. Halimbawa na lamang sa dating pangulo, Ferdinand Marcos Sr, Benigno Aquino lll at Rodrigo Roa Duterte kung saan ating natunghayan ang kabi-kabilaang extrajudicial killings.

Ngayon patuloy pa rin ang paglala ng krimeng panlipunan sa ilalim ng parehong angkan, subalit wala pa ring

solusyon sa pangambang nag-aabang. Ilang dugo pa ba ang hahayaan niyong dumanak sa kamay ng paulit-ulit na apelyido? Napakaraming hudyat ng bulok na sistema sa bawat dinastiya.

Awayan ng dalawang pamilyang nakaupo sa palasyo, partida presidente at bise-presidente pa ‘yan, ‘di ba’t napakahipokrito’t hipokrita naman kung nangako sila ng unity noong kanilang kampanya.

Sa kabila ng mga madidilim na nakaraang iniiwan ng bawat nauupo, nagagawa pa ring magpauto ng mga Pilipino para payagang mga lahi

Birador

Taympers muna sa Habulan

Ni: Mike Andrei Fariolan

Talaga nga namang nabulabog ang buong sektor ng edukasyon magmula nang mailabas ang nakakadismayang resulta ng Program for International Student Assessment (PISA) nitong buwan ng Disyembre. Kaya naman bilang pagtugon ay naisipan ng Department of Education (DepEd) na ipatupad ang Catch-Up

SaFridays upang maagapan ang ‘learning gap’. Pero subukan muna kaya nating mag “catch-up” sa katotohanan at isipin kung epektibo ba talaga ang programang ito.

Ipinatupad ng DepEd and programang Catch-Up Fridays sa layunin na maagapan ang lumalalang learning gap sa edukasyon. Subalit

Iboses mo

Anong masasabi mo, Paslit?

Ni: Josan Leal

kabila ng mga tinig na malambing nating naririnig, kailan kaya nila diringgin ang daing ng isang kabataang hangad ay pagbabago sa lipunan? Akala ko nga kami ang pag-asa ng bayan subalit kaunting pakikipaglaban lang para sa bayan, tinatawag ng terorista. Kung patuloy niyo lang kaming bubulungan ng mga nakapanghihinang salita, huwag niyo na kaming asahan. Hayaan ninyo kaming lumaban.

Wala naman sigurong masama kung minsan naming itutuon ang utak namin sa galaw ng buwayang ‘di na mapakawalan ng Pilipinas. Sa mga balitang gumigising sa diwa namin upang lalo pang makisangkot sa usaping panlipunan. Mga kabikabilaang kapalpakang iniiwan kada administrasyon na halos ‘di na magawan ng aksyon at sa kamaliang pilit itinatama ng mga utak niyong natutukso. Kay sarap damhin ng

nila’y muli na namang maupo. Sabihin nating walang perpektong pangulo at pamumuno subalit sa panahong ito, kailangan natin ‘yan.

Huwag na tayong magkunwari na ayos lang sa’tin ang patuloy na makulong sa dinastiyang wala namang pinagkaiba.

Kapag isa o dalawang miyembro ng pamilya ang nasa iisang pamahalaan, tinatawag natin itong fat political dynasty. Gusto mo man o ayaw dito, malinaw na ipinagbabawal ito sapagkat nakaukit sa ating konstitusyon na nakapaloob sa Article

kinakailangan ba talaga ng lahat na mag “catch-up”? Paano naman sa mga estudyanteng may sapat nang kaalaman? Imbes na mailaan pa ang isang araw para matuto ay ito sila ngayon at pinagkakaitan ng bagong kaalaman.

Isa pa, ay paano naman kasi makakahabol ang mga estudyanteng nangangailangan ng programang ito kung wala naman sila sa tuwing isinasagawa ito? At nasaan naman sila kung ganon? Ayun, nasa bahay at iniisip na ‘ok’ lang na umabsent ngayon dahil magbabasa lang naman.

Kung minsan pa ay ang mga guro ay pinagpapasa na lamang ng mga larawan ang mga estudyante na nagbabasa bilang patunay. Ngunit, anong nangyayari pagtapos kumuha

pagiging kabataan sa bansang unti-unti kang imumulat sa reyalidad. Siguro nga isang parusa at biyaya ang maging isang bata lang lalo na sa bansa natin. Parusa sapagkat tinig nami’y mahirap mapakinggan dahil sa tindi ng napag-iiwanang paniniwala nila na kulang pa ang aming nalalaman. Biyaya naman sa puntong tatanda kaming marunong manindigan at makipaglaban para sa bayan. Mas marami pa ngang kabataan ang mas maalam kaysa sa mga ninuno nilang itinatali sila sa mga lumang paniniwala.

Marahil naririnig ang aming mga nais iparating subalit pagtapos niyan, isa na naman kaming mga batang mahilig lang mangialam. Mas masarap pang masabihang pakialamera’t pakiealamero ng isang matandang

2, section 26 subalit malamang walang pirmadong batas na susuporta diyan. Bawat pwesto kasi sa gobyerno, may mga angkan na nagliliparan.

Subukan mong sunugin ang political dynasty, sino ang matitira sa posisyon? Marahil maraming nagsasabing nasa pamumunong demokrasya tayo kaya walang makapipigil sa kanila. Lagi naman talaga nilang gagamitin ang makapangyarihang salita na ‘yan kahit lantad na ang ibinoto nila’y walang ibang hangad kundi ang magpayaman.

ng mga mapagpanggap na larawan? Mahirap nang sabihin lalo pa’t kung katabi lang nila ang higaan at tinatawag na ng ‘gadget’ ang kanilang atensiyon. Wala ring mas igaganda ang sitwasyon ng mga kaguruan sa ilalim ng programang ito. Sa katotohanan umaaray na nga rin ang mga guro dahil dagdag na naman ito sa patongpatong nang gawain nila. Dahil imbes na nagagamit sana ang isa pang araw para magturo ay napipilitan sila na pagkasiyahin nalang ang dapat sana’y pang limang araw na ‘lesson plan’ sa apat na araw na lamang.

Malinaw na malinaw sa akin na hanggang ngayon ay hindi pa rin tunay na handa ang mga guro at estudyante, maging ang DepEd sa

kuda lang nang kuda kaysa malaman na ang mga kapwa nami’y napagiiwanan. Nawa’y mahikayat ang bawat isang mamulat at matuto. Tayo-tayo rin naman ang magkakaisa sa huli, hindi yung mga suportado niyong kandidato.

Sa huli, ang gising naming utak ay paniguradong lalong titibay dala ng ugaling ipinapamalas ng bawat namumuno. Isang bangungot na ituturing naming pagsubok na kailangang sugpuin at malagpasan. Tulad ng mga bidang lumalaban para sugpuin ang kasamaan, tiyak na boses namin ang gagamitin upang makamit ang pagbabagong mithiin. Ang kabataang lagi’t laging mamumulat para sa pakinabang ng lahat ay muling titindig.

At sa muling pagkilala sa tinig ng

Kung tunay ang ideolohiyang ‘yan, huwag sanang puro magkakamaganak ang kanilang isinasalpak lalo pa’t panay naman itong palpak. Taumbayan naman talaga ang mamimili sa estado ng pamumuno na makukuha ng bawat bansa. Subalit hahayaan pa ba nating lagi na lang sasakupin ng magkakadugo ang bansang pinadugo na rin ng kaparehong apelyido. Kailan ba matututong mamili ng tama ang mga Pilipino? Kapag magigising siguro na sila na ang apektado.

pagpapatupad ng Catch-Up Fridays. Sayang sapagkat maganda sana ang nilalayon ng nasabing programa kung naisagawa lamang ng may kaayusan at kahandaan.

Marahil ay masyado pa namang maaga upang husgahan ang patutunguhan ng programang ito. Subalit kung nais talaga nila itong ipagpatuloy at makakita ng magandang resulta ay subukan naman nilang umaksyon sa mga isyu patungkol dito dahil sa huli naman ay ang kanilang layon ay ang paunlarin ang estado ng ating edukasyon.

52% ng ERANS ang updated at may kamalayan sa mga isyung politikal at panlipunan

mga kabataan, subukan niyo nang sumigaw sa aming harapan. Sabihin niyo na ang inyong mga nais iparating at kung saan niyo kami gustong dalhin. Ito lang ang nais naming inyong dinggin, basura ang pag-iisip na kaming mga kabataan ay wala pang karapatang makisangkot sa anumang usaping pampolitika’t panlipunan. Kung kabataan ang pag-asa ng bayan, subukan niyo muna kaming pagkatiwalaan.

opinyon. 8 ANG MANDARAGIT Opin+yon+ KUKO NG MANDARAGIT
Guhit ni: Clyde Niro Paragas

TINDIG NG KABATAAN

Mag-ingat tayo sa Modernong

Panloloko

Ni: James Carl Garcia

Gaano kalaki ang ngiti sa labi ng iyong magulang sa tuwing makatatanggap sila ng tulong mula sa pamahalaan? Ang iba marahil ay nagsasabing “tama talaga ako ng binoto” at “hindi ako nagkamali sa kandidato ko!” Paano kaya kung ang kanilang pinaniniwalaang tulong ay isa pa lang patibong?

Muling nabuhay kamakailan ang usapin sa charter change (cha-cha). Tinatangka na naman ng pamahalaan na baguhin ang 1987 constitution. Ilang presidente na ang nagdaan sa trono, karamihan sa kanila’y

nagpumilit na isulong ang planong ito, ngunit wala ni-isa man ang nagtagumpay. Inakala ng karamihan na hindi na ito mabubuksan pa sa termino ng ating kasalukuyang pangulo, dahil matatandaang sinabi niya na wala raw sa kanyang plano ang cha-cha. Ngunit eto tayo ngayon, mga mamamayang muling nabilog ang isipan.

Isang nakakabahalang hakbang pa ang ginagawa ng pamahalaan, kung saan nangangalap sila ng lagda ng taumbayan upang masuportahan ang cha-cha. May mga usapin pa na

binabayaran umano ang mga Pilipino upang pumirma rito, ngunit ang masama, hindi nila pinapaunawang maigi sa mga mamamayan ang magiging katumbas ng kanilang lagda. Inimbestigahan naman ng senado ang kalokohang ito. Sinabi ni sen. Jinggoy Estrada, hindi ito makatuwiran dahil malinaw na paglabag ito sa demokrasiya ng bansa. Ayon naman kay VP Sara Duterte, pagsasamantala ito sa kahirapan ng mga mamamayan. Imbis na buong puso nilang tulungan ang mga Pilipino, nagbabalak pa talaga sila ng madilim na plano. Isa pa, maraming hindi sumasangayon sa cha-cha kaya bakit nila ito ipipilit? Unahin muna nilang ituwid ang baluktot na sistema sa bansa bago

pakielaman ang konstitusyon. Kulelat na sistema ng edukasyon, pangangalaga sa kalusugan ng taumbayan, maging ang pagkain ng mamamayang pilipino ang nararapat na pagtuunan ng pansin ngayon.

Walang malaking maitutulong ang chacha kung maraming Pilipino ang mananatili sa paghihikahos. Huwag niyo naman sanang dedmahin ang pangangailangan ng taumbayan.

Noong Enero 28, pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang bagong Pilipinas rally. Muli siyang nagbitiw ng matatayog na hangarin para sa bansa. Nakapagtataka lang na kung kailan naman mainit ang usapin sa cha-cha, bigla na lang silang nagbigay ng matatamis na pangako. Sinabi

niyang ang bagong Pilipinas daw ay may layuning maglatag ng mga mithiin para sa kinabukasan ng bayan. Marahil para sa iba’y kapanipaniwala ang mga pangakong ito, ngunit para kay sen. Risa Hontiveros, isa itong pang-uuto sa mamamayan. Sinabi niyang wala daw talaga itong kinalaman sa bagong Pilipinas, bagkus tinipon lang daw ang mga mamamayan para sa kanilang lagda sa petition sa cha-cha. Naglatag pa siya ng mga larawan bilang ebidensya. Maging aral na sana ito sa atin at lalo pang maging mapanuri. Alaming maigi kung ang suporta o pangakong galing sa gobyerno ay malaking tulong o isang malalim na patibong. Kakaiba na ang istilo ng kanilang panloloko kaya imulat nating maigi ang mga mata sa pang-uuto nila. Ngayong alam na nating hindi lahat ng plano nila’y maganda, papaloko pa rin ba tayo sa kanila?

Guhit ni: Angel Eunice Dino pulso

Pilipinas, Ano na?

tagtuyot. Matitinding problema ang kinakaharap ngayon ng ating bansa. Kung patuloy itong dededmahin ng pamahalaan, lalong magiging dehado ang ating kalagayan.

Bigyang-ilaw ang Pag-asa ng Bayan

Sa kabila ng tambakang gawaing ibinibigay sa mga estudyante, kulelat pa din tayo kung ang pag-uusapan ay sistema ng edukasyon. Ayon kasi sa Program for International Student Assessment (PISA), ang ating bansa ay ika-76 sa 81 na bansang nagsagot sa nasabing assessment. Pang-anim tayo sa pinaka mababa pagdating sa math and reading, habang pangatlo naman sa science. Aminin nating malaking kahihiyan ito sa bansa lalo’t alam naman nating maraming mag-aaral ang nagsisipag sa pag-aaral. Pero bakit kaya ganoon ang naging resulta? Nakakagulat lang dahil kung iisipin, wala namang estudyanteng mababa ang pag-iisip.

Ayon sa Department of Education,

hindi daw talaga nila inaasahang makakukuha tayo ng mataas na resulta sa PISA dahil nga galing pa raw tayo sa pandemya. Dama pa din naman natin ngayon ang epekto nito. Pero habang panahon na lang ba tayong mananatiling nakadapa?

Sa resulta na ito, nangangahulugan utak ng mga mag-aaral ay kulelat. Hanggang dito na nga lang ba ang utak ng mga estudyante? Sa PISA results tayo’y di maka-abante. Palagi nalang tayo nasa huli.

“Kabataan ang pag-asa ng bayan” ika nga ni Jose Rizal. Kung talagang sila ang pag-asa, nararapat lamang na bigyan sila ng walang humpay na suporta.

Magdadalawag taon na simula nang mailuklok sa puwesto ang namamahala sa’tin, ngunit pagdating sa usaping agrikultura ng bansa, bagsak at palpak pa rin ang kalagayan nito. Sa kabila ng napakaraming pangakong binitiwan ng pamahalaan na pauunlarin daw at pagtutuunan ng pansin ang sektor ng agrikultura, wala pa ring malaking pagbabagong nangyayari. Nakabaon pa rin ito sa hukay, at nananatiling sablay.

Mataas na presyo ng bigas, gulay at iba pang produktong pang-agrikultura ang nagpapasakit sa ulo ng mga Pilipino ngayon. Bilang mag-aaral, masasabi kong apektado rin ako sa suliraning ito ng bansa lalo na ‘pag nakikita ko ang mga gintong presyo sa pamilihan. Inakala ko pa naman,

magiging P20 na lang ang bigas kapag naupo na ang pangulo sa trono. Nasaan na kaya ang pangakong ito?

Nakapako na ata

Halos lahat tayo ngayon ay inaalipin ng kahirapan. Hindi na natin maabot pa ang mga nagtataasang presyo sa mga pamilihan. Sa ganitong sitwasyon, patunayan sana ng pamahalaan na hindi sila makupad sa serbisyo. Iabot sana nila ang kanilang kamay sa mga kawawang Pilipino.

Lalo pang nagpapahirap ang patuloy na paninikil ng El Niño sa kabuhayan ng mga magsasaka, ito ang isa dahilan bakit palpak ang ating agrikultura.

Nagbabala pa ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) na mas titindi pa ang init na siyang magiging dahilan ng

Sa panahong ito na malalang problema ang ating sinasagupa, nararapat lamang na nariyan lagi ang pamahalaan upang magbigaytulong sa mamamayan. Isa pa, ‘wag puro pangako at matatamis na salita ang ibigay nila sa atin. Dapat nilang gawin ay mabisang aksyon para sa sandamakmak na problema ng Pilipinas. Wala namang maitutulong ang pangako kung hindi nila ito maisasakatuparan. Tigilan na nila ang pang-uuto sa mga Pilipino.

Wala nang panahon pa para maging mabagal sila sa paggawa. Kung talagang gusto nilang mapaunlad ang bansa at makatulong sa mga Pilipino, dapat silang gumawa ng magagandang proyekto. Sa panahong ito, wala nang kalalagyan pa ang kapalpakang maibibigay nila. Dadagdag lang ‘yan sa ating problema at lalo lang magpapahirap sa atin. Hindi ba sila magsasawa riyan?

Kabatiran

Paos na Boses ng Pahayagan

Ni: Khloe Ann Culminas

Sa kabila ng walang humpay na serbisyo ng mga mamamahayag sa bayan. Bakit tila ito pa ang nagbuhat sa kanila patungong kamatayan. Walang nang magbibigay kamalayan sa bawat Indibiwal kung wala ang mga mamamahayag na pinagkakatiwalaan, ay tila ba blangko ang kanilang mga isipan sa nangyayari sa kanilang kapaligiran. Ngunit bakit parang nababalot ng karahasan ang buhay ng isang journalist? Dahil ba yan sa paglalathala ng katotohanan at takot ninyong harapin ang totoo. Patuloy na tayong nagpapabalot sa kasinungalingan dahil lang sa paghawak ng plumang inaasahan ng karamihan, ay bigla nalang mararansan ng isang mamamahayag ang mala-impyernong karanasan. Sobrang laking halaga ng mga mamamahayag sa buhay natin. Sila

ang dahilan kung bakit tayo alerto sa mga nangyayari sa ating paligid. Nalalaman natin ang mga dapat nating gawin.

Kaawa-awang mga mamamahayag na walang kaalam-alam na nagbibilang na lang sila ng mga araw nila. Di nyo ba sila bibigyan ng pagkakataong mabuhay ng mahaba kasama ang mga mahal sa buhay? Di na muling maibabalik pa ang buhay ng mga mamamahayag na namaalam na, tanging mga gamit nalang nila sa pamamayahag ang magsisilbing alaala. Sa nakikita ko, Tila wala silang kalayaan. Kanilang mga karapatan na huwag naman sanang mawala. Noong bata ako, akala ko ang dugo ng mga magigiting na mamamahayag ay tila bang maagimat. Ngunit ang inaakala kong maagimat na dugo, ay naging pananda para sa walang kalayaan na pahayagan.

Opin+yon+ opinyon. MANDARAGIT 9

Inday,

Bibisita ka ba sa Kulungan?

Ni: Khurshanne Francisco

Ingay ng madla at palakpakang hindi kumakawala ang nagsilbing musika ko sa araw-araw. Laging nasa entablado, kumakaway habang sinasabitan ng medalya at may hawak na tropeo sa kamay. Ganon naman siguro talaga ang buhay, kailangan lagi kang nangunguna sa lahat ng bagay. Ako naman ito, lagi nalang nagpapatangay.

Ngunit nang tanungin mo ako, “Paano mo natanto na hindi ka talaga matalino?” hindi ko inaakalang may maisasagot ako. Ako? Anak ni ina na hinasa mula pagkabata, may sagot sa tanong na iyan? Nakakapanibago. Pero unang-una sa lahat, anong nagbigay sayo ng dahilan para linyahan ako ng katanungang iyan. Ganoon na ba ako kapagod? Hindi ko na kaya linisin at ipagpatuloy ang nasimulang imahe sa mundo?

Lahat sa paaralan ninanais na makamtan ang pader na puno ng medalya at sertipiko. Habang ako unti-unti nang nakukulong. Sinasakal nang kung ano ang mayroon siya, at hindi na makahinga sa bawat litanyang naririnig na kulang pa. Sa Departamentong sumumpang tutulong sa akin, sa mga estudyante, pakawalan mo naman ako sa sistemang unti-unti nang nakakagulo. Inday, bisitahin mo naman ako sa kulungang ito.

Ngunit tama nga siguro ang iba, hindi na nga siguro ako matalino. Natanto ko lamang nang masimulan kong hagkan ang pagpapahinga, at nawala ako sa mga umaarangkada. Nawalan ako ng pag-asa. Dahil wala na rin namang saya sa edukasyong hindi ko mawari kung susi ba o kutsilyong kikitil sa bawat piraso ng pag-asa.

Subalit may awa nga siguro ang lahat, nakakaawa nga siguro kami rito sa loob ng paaralan. Dahil sa wakas may kilos na ring bumabalangkas. Sa wakas, gumawa na rin sila ng solusyon upang baguhin ang curriculum ng edukasyon. Sa wakas, may bumisita na rin sa apat na sulok ng kulungan. Tagubilin ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) sa nilabas na MATATAG Curriculum na pangalagaan ang mga estudyante at maging ang mga kaguruan. Bigyan ng mga kinakailangang kagamitan at proteksyonan sa mga bagay na hindi naman dapat maramdaman. Patatagin ang pundasyon ng susunod na henerasyon at gawing masaya ang sistema ng edukasyon.

Ito lang naman ang hinihintay namin, ang kumpirmasyong masasagip pa kami sa nakakapagod na ikot ng pag-aaral. Ito lang naman ang hinihintay namin, ang mabisita sa paaralang unti-unti na naming kinikilala bilang kulungan.

Kaya kahit sa susunod na taong panuruan pa iyan handa akong maghintay, maramdaman ko lang ang diwa na magpapakalma sa pagod kong kaluluwa. Handa akong maghintay, basta masagip lang. Kahit saglit, kahit isang sandali. Magpapakatatag ako, malasap lang ang pangakong pagbabago.

Hindi mo naman ako niloloko hindi ba? Tama naman ang pagkakaintindi ko hindi ba? Binisita na ako at binigyan ng pangalawang pagkakataon. Makakaarangkada nang muli, magkakaroon na ng saya sa edukasyong nilalakbay. Sa susunod na pagod, paaralan na ang kanlungan at hindi kulungan. Inday, muli akong magpapatangay sa pangako mong sinalaysay.

PSA

Ni: Khurshanne

ara sa mga taong nais matuto at makawala, ito na ang inyong pag-asa. Sakay na at huwag magpahuli, iisa-isahin natin ang bawat ruta. Namnamin ang pait sa bawat madadaanan at simoy ng kasiyahang mararamdaman. Sa paaralang ang kapalaran ay nakadepende sa bahaging napagbabaan, mag-ingat sa bawat daang masisilayan. Isang minuto matapos ang simula ng biyahe, ramdam ko ang pagkauhaw mo sa nakatagong katotohanan. Hindi nga lang alam kung handa ka ba sa masisilayan. Bukas na agad sa bawat tainga ang ingay na gagasgas sa pandinig. Ito ay hindi nagpapatinag at basta-basta na lang lumalabas mula sa daan-daang bibig. Magugulantang sa mga binabanggit, dahil sa totoo lang ay kahit hindi mo kilala, marahil ang pangalan mo’y bigla nalang masasama sa dinidikdik. Kahit ang mga guro ay hindi ligtas sa mga salitang bigla-biglang nagiging bida sa madla.

Ito ang unang ruta, bababa ka ba? Ingatan mo ang puso dahil ang mga estudyante rito ay walang pinipiling tao, ayaw nang mas mataas o mas mababa sa kanila. Kaya mo bang sumabay kung puro salita at maling balita ang gamit na sandata?

Huwag kang mag-alala, personal man o mula sa telepono hindi ka pa rin makakawala. Dahil bawat lingon madaming mensahero’t mensahera. Tatanggapin mo ba ang sulat para sayo? Tapat talaga ang mga estudyante sa kung ano man ang nararamdaman nila, ang tanong nga lang ay kaya mo bang tapatan ito?

Nakikita na ang takot sa iyong mga mata pero wala pa tayo sa gitna, kung nauuhaw, ito ang tubig at siguradong malalamigan ka. Bente pesos nga pala, sana ay mabayaran mo ako mamaya. Nasa pampubliko tayong paaralan, kaya siguro dapat mo nang tanggapin. Ang presyo ng mga pagkain dito tunay na ipararamdam sayo ang pagiging dukha sa gitna ng implasyon.

Kaso maliban sa bulsa, siguradong nanaisin mo ring ihanda ang mga mata. Hindi naman sa dapat kang magbulagbulagan sa paligid, pero ihanda ang pantakip kapag paparating na ang mga videong sobrang eskandalosa. Takpan mo ang mga mata, ineng at wag kalakihan ang ganitong kapaligiran. Isang pagkakamali lang ng mapusok na kabataan. Pangako, hindi naman ito palagi. Sadyang may mga bagay lang na kumakalat. Isa na doon ang mga ganitong kalat. Ngunit kung pagod ka na sa aking mga kwento at metaporikal na linyahan, pagmasdan mo nalang ang ating madadaanan. Tignan mo ang mga balat ng sitsirya, huwag nga lang matakam dahil wala na ‘yang laman. Basurang kahit sa tamang lalagyan ay walang lugar at puwang, kaya naman andiyan lang sa daan parang rebultong libre sa mga nais itong silayan.

Nagugulat ka ba at hindi sanay? Ito ang reyalidad namin, kababayan. At handa akong libutin muli ang lahat ng parte, malinawagan ka lang sa bawat sulok ng aming kaluluwa’t nakasanayan.

“Kuya, teka maaari po bang tumigil saglit? Nais ko lamang umihi” nako ineng, nais sana kitang pigilan kaso ay bawal namang sundan ang babae sa palikuran. Hindi ba? Siguro ay ipagdadasal ko na lang ang iyong ilong, na sana ay hindi bumara sa amoy ng lugar na kasuya-suya. Tiis-tiis na lang siguro upang mailabas ang kanina mo pa pinipigilan.

Nang bumalik ang pasahero ay sinimulan na rin ang tahimik na panalanging kukunin ng hangin ang di nakakatuwang amoy na kumapit sa damit ng dalagang sakay. Pinaghalong tumagal na panghi at di lumubog na dumi ang pabango nito ngayon. Hindi nababagay sa kanina niyang masayang pigura na ngayon ay nababahiran na ng pagkayamot.

Di bale tapos na ang paghihirap dahil bumabalangkas na tayo sa ruta ng tagumpay.

Gaano man kabaho o kadumi ang napagdaanan lagi tayong tatagos sa makintab na mga tropeong pwedeng pwede ka magsalamin, yun nga lang ay kung hindi ito nakakulong sa mga aparador. Sa totoo lang ay mahahagkan mo lang ang mga ito sa araw na napagtagumpayan, pagkatapos noon ay hindi mo na muli pang mahahawakan. Gayunpaman nakakakilig at nakakataas ng balahibong isipin ang lahat ng ito ay mula sa mga estudyanteng kanina pa natin kasama sa daan. Hindi man tayo pamilyar sa bawat mukhang nagdala ng mga medalya at tropeong ito mananatili parin sa dangal ng paaralan ang naging tagumpay nilang hindi matatapatan. Ito ang tanging pinagmamalaki. Ito ang tanging konsolasyon,

lathalain. 10 ANG MANDARAGIT
KATOTOHANAN NASISILAW SA AYAW
UHAW
lt+hlEn+

KATOTOHANAN

AYAW MALAMAN

ang mga estudyanteng isusugal ang lahat manguna lang sa lahat ng patimpalak.

Kaya huwag nating maliitin ang maliit na gusali,dahil wala tayong ideya kung anong klaseng baraha ang pinapalaki at hinahasa rito. Kaso sa sobrang hasa ata sa kanila, unti-unti nang naging dahilan upang makasakit ng iba.

“Hindi mo ba alam na ang kausap mo ay with high?” litanya ng isang mataas at nagmamataas na estudyante sa nanliliit na kaharap. Nais ko sanang tanungin kung alin ba sa dalawang ibig sabihin ng sinabi niya ang dapat na sagutin. Iyon bang may mataas na karangalan o yung angulo na high talaga.

Hindi iyon bago rito, maraming kaso ang hindi malulugmok at maililibing sa usap-usapan. Hindi rin bago ang mga naghahari-harian dahil sa mga titulong mayroon sila. Kung wala kang takot ngunit may utak, siguradong trono nalang at korona ang kulang dahil ang ugali’y namumuno at namumuro na.

Sa sobrang daming rutang napuntahan hindi ko alam kung may nakaligtaan pa ba, kaya naman “Neng saan mo ba nais pumunta?” sa unang pagkakataon ako ay nagsalita. Sa dulo ko lamang natanong kung ano ba ang gusto niya. “Maaari po ba akong bumaba?” dahan-dahan ang aking pagtango.

Siguro naman ay maalam na siya sa bawat sulok ng lupain at naririnig ang mga nangyayari sa paligid? Alam na niya ang lahat kaya tapos na ang trabaho ko rito. Nalinagawan na ang dalaga, iyon ang paniniwala ko.

Ngunit isang matinis na birit ang narinig, tila takot at hindi magkandamayaw sa pagkataranta. Ito na nga ba ang sinasabi ko. “Kuya.. Kuya bakit po iba ang gulong ng sasakyan ninyo?” Tinignan ako nito nang may takot at galit sa mga mata.

“Pagod na sila at nanghihina, kailangan nila ng tulong at gamot. Nasaan ang klinika ng paaralan? Bakit niyo ito ginawa?” Hindi ko alam kung maniniwala ba sa pinapakita ng dalaga, tunay ba na gagawa ito ng eskandalo ngayon sa gitna ng daanan? Hinampas ko ang nasa harapan upang paandarin ang karwaheng sinasakyan na mas lalong nagpatili sa babae.

“Pauuwiin lang sila ng klinika ineng, pagpapahingahin saglit at ipapadala sa kani-kanilang bahay. Iyon ang sistema dito, hayaan mo sila hangga’t hindi pa ninanais magsalita at umuwi.”

Hindi sila magagamot, ang mga mag-aaral na nagsilbing tagalakad para sa aking karwahe ay hindi maaaring manghina. Sila ang paa at direksyon ng paaralan. Sila ang susi upang palakarin ang sasakyang ito, nagsisilbing simbolo ng katotohanang dapat mailadlad patungkol sa paaralan. Pauuwiin lang sila at inaasahang babalik sa susunod na araw. Walang gamot, walang tulong. Uuwi lang sila pagkatapos ng pagod.

Iyon ang sistema ng tulong pangkalusugan, umuwi ka at magpahinga. Iyon lang at itong mga nasa harapan ko, hindi kailangan ng tulong na iyon.

“Atsaka neng, hindi mo ba narinig ang kanilang halinghing?” sa bawat rutang ating nadaanan, at kaalamang nadagdag sa iyong isipan sila ang naghatid sayo. Sila ang mga gumagapang sa bawat sakit na naramdaman, mahubad lang ang tunay na imahe ng paaralan. Ang halinghing nila na tanging sumisimbolo sa paghihinagpis na hindi pa rin pala rinig ng ninoman.

Para sa aking munting paaralan, mahal kita kaya sa kahit ano mang rutang aking iladlad tandaang matatapos ang araw na titingala pa rin gamit ang mga umaasang mata. Uulit sa parehas na ruta, hanggang sa wakas magbago ang imahe at maging maganda na para libutin sa bawat biyahe. Ang mga mata ay tuluyan nang magagamit upang pagmasdan ang tanawin, ang mga bibig ay nakangiti at hindi napapawi.

Sana nga ay matapos na ang halinghing ng bawat karwaheng lumilibot, na siyang tahimik na nagdadalamhati sa hubad na imahe ng paaralang hindi inaasahang ganito pala ang nangyayari.

Marami nang nauuhaw sa katotohanan, ngunit sa huli iiyak at masisilaw rin sa nasilayan. Marahil dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, ang hindi sila handang malaman ang tunay na diwa ng ating kinaroroonan.

Rampa , Kikay!

Ni: Khurshanne Francisco

Ingay ng madla at palakpakang hindi kumakawala ang nagsilbing musika ko sa araw-araw. Laging nasa entablado, kumakaway habang sinasabitan ng medalya at may hawak na tropeo sa kamay. Ganon naman siguro talaga ang buhay, kailangan lagi kang nangunguna sa lahat ng bagay. Ako naman ito, lagi nalang nagpapatangay. Ngunit nang tanungin mo ako, “Paano mo natanto na hindi ka talaga matalino?” hindi ko inaakalang may maisasagot ako. Ako? Anak ni ina na hinasa mula pagkabata, may sagot sa tanong na iyan? Nakakapanibago. Pero unang-una sa lahat, anong nagbigay sayo ng dahilan para linyahan ako ng katanungang iyan. Ganoon na ba ako kapagod? Hindi ko na kaya linisin at ipagpatuloy ang nasimulang imahe sa mundo?

Lahat sa paaralan ninanais na makamtan ang pader na puno ng medalya at sertipiko. Habang ako unti-unti nang nakukulong. Sinasakal nang kung ano ang mayroon siya, at hindi na makahinga sa bawat litanyang naririnig na kulang pa. Sa Departamentong sumumpang tutulong sa akin, sa mga estudyante, pakawalan mo naman ako sa sistemang unti-unti nang nakakagulo. Inday, bisitahin mo naman ako sa kulungang ito. Ngunit tama nga siguro ang iba, hindi na nga siguro ako matalino. Natanto ko lamang nang masimulan kong hagkan ang pagpapahinga, at nawala ako sa mga umaarangkada. Nawalan ako ng pag-asa. Dahil wala na rin namang saya sa edukasyong hindi ko mawari kung susi ba o kutsilyong kikitil sa bawat piraso ng pag-asa. Subalit may awa nga siguro ang lahat, nakakaawa nga siguro kami rito sa loob ng paaralan. Dahil sa wakas may kilos na ring bumabalangkas. Sa wakas, gumawa na rin sila ng solusyon upang baguhin ang curriculum ng edukasyon. Sa wakas, may bumisita na rin sa apat na sulok ng kulungan. Tagubilin ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) sa nilabas na MATATAG Curriculum na pangalagaan ang mga estudyante at maging ang mga kaguruan. Bigyan ng mga kinakailangang kagamitan at proteksyonan sa mga bagay na hindi naman dapat maramdaman. Patatagin ang pundasyon ng susunod na henerasyon at gawing masaya ang sistema ng edukasyon.

Ito lang naman ang hinihintay namin, ang kumpirmasyong masasagip pa kami sa nakakapagod na ikot ng pag-aaral. Ito lang naman ang hinihintay namin, ang mabisita sa paaralang unti-unti na naming kinikilala bilang kulungan.

Kaya kahit sa susunod na taong panuruan pa iyan handa akong maghintay, maramdaman ko lang ang diwa na magpapakalma sa pagod kong kaluluwa. Handa akong maghintay, basta masagip lang. Kahit saglit, kahit isang sandali. Magpapakatatag ako, malasap lang ang pangakong pagbabago.

Hindi mo naman ako niloloko hindi ba? Tama naman ang pagkakaintindi ko hindi ba? Binisita na ako at binigyan ng pangalawang pagkakataon. Makakaarangkada nang muli, magkakaroon na ng saya sa edukasyong nilalakbay. Sa susunod na pagod, paaralan na ang kanlungan at hindi kulungan. Inday, muli akong magpapatangay sa pangako mong sinalaysay.

lt+hlEn+ lathalain. 11 MANDARAGIT
Khurshanne Francisco

Dito Meron Kang Tahanan

(Kalingang Kailangan Sa Special Education Natagpuan)

Alam mo ba? Nakakatuwang makinig sa mga kwento ng matatanda. Ramdam mo ang bawat pangyayari na parang kasama ka nila, mulat ka sa mga aral dahil sisiguraduhin nilang maiintindihan mo. Hindi ko nga lang inaasahan na masasanay ako sa kuwentong panlipunan at iiyak kapag tungkol na ito sa mga batang winawaksi ng mapang-aping kaugalian. Matutuwa rin kaya ang iba, kung ang batang katulad ko na ang magkkwento sa katotohanang tila nililimot na?

Ayoko ng mga palasigaw, ayoko ng gulo at lalo na sa mga hindi kontrolado ang kanilang galaw. Ngunit nang simulan kong lakbayin ang kwento ng bakit nga ba ganoon ang pag-uugali nila, hindi ko maiwasang manghina. Dahil sa unang pagkakataon, handa akong isigaw lahat nang nalalaman, umalingawngaw lang at marinig ng lipunan.

Isang silid ang nakakubli’t nagtatago. Silid kung saan lahat ng mga kaguruan at estudyante ay nagkukumpulan maipagkasya lang. Silid kung saan ang lahat ng aktibidad at gawain ay nasa pinaghati-hating espasyo. Silid na tirahan ng mga estudyanteng nakikita lang sa mga patimpalak at paligsahan.

Noong taong 2009, inilunsad ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) ang SpEd Center na may layong turuan ang mga kabataan na mayroong disorders o impairment. Akala nga lang ng lahat, isa lang itong institusyon para turuan ang mga kabataang may kapansanan. Hindi nila alam, marami pang pahinang naghihintay para buksan. Ang mga mag-aaral na ito, hindi lang lipunan ang kalaban ngunit maging ang kani-kanilang kabahayan.

Iilan sa mga estudyante rito, tahimik na iniinda ang pagsisisi at galit mula sa mga magulang nila. Karamihan sa mga estudyante dito, hindi inosente sa kung paano ba sila tignan at tuksuhin ng iba. Kaya naman ang tanging kanlungan lang sa isang malaking paaralan, ay kakayahang manahimik at magtago sa apat na sulok ng silidaralan.

Isa sa mga guro ng center na si Binibining Graziel Aquino, inamin din na hindi ganoon kadali ang turuan ang mga estudyante rito. May mga pagkakataong dadamhin mo ang kurot at sabunot, may mga pagkakataong hindi mo inaasahang mamumura ka ng mga bata. Pero anong magagawa? Ito lang ang tahanan nila, at kirot sa puso ang kahit ito ipagkait pa.

“To teach them is to learn again what is love.”

litanya ng isang guro, na naging magulang na sa mga dapat ay estudyante niya lang. Habang nilalakbay ang silid na iyon, hindi ko maiwasang manghina. Bumalik sa kaisipan na maging ako ay bata pa. Kaya paanong nauna kong intindihin ang kalagayan nila kaysa sa iba na mas matanda? Sasapat kaya ang bawat salita para lang mahalin ang center na ‘to?

Ang ilan sa mga estudyante rito, takot gumawa ng ingay sa kani-kanilang kabahayan. Hindi alam kung paano ilabas ang nararamdaman. Ngunit tahan na, aking mga kamag-aral. Ligtas ka sa tahanan, walang

diskriminasyon at tuksuhan. Iyan ang pangako ng batang laging ikkwento ang iyong kalagayan. Hiraya manawari na handa na ang lipunan. Hiraya manawari na

Byahe Tungo sa Pagbabago

Sa kalagitnaan ng malalawak na kalsada sa Pilipinas, may isang tahimik na pagbabago na paparating, isang

pagbabagong magdudulot ng malalim na epekto sa ating pagkakakilanlan at kasaysayan bilang isang bansa. Ang papalapit na pagbabago, kahit walang tiyak na direksyon, ay naglalarawan ng isang yugto sa

kasaysayan kung saan

isang simbolo na mahalaga sa puso ng bawat Pilipino ay unti-unti nang mawawala.

Sa loob ng mga dekada, ang pampublikong transportasyon na ito ay hindi lamang nangangahulugan ng isang paraan ng kita, kundi pati na rin ng isang pinahahalagahang alaala na ipinamana mula sa mga nakaraang henerasyon. Ngunit, ang posibilidad ng pagpapakawala’y nagpapamana ng malalim na pagmimithi sa nakaraan.

Jeepney, yan ang may magarang disenyo at may masikip na looban, ito’y may espesyal na lugar sa puso naming mga Pilipino. Sa siksikang mga lansangan sa

Pilipinas, pumapagitna sa mga pangunahing kalye ang jeepney na matagal nang sumisimbolo sa kultura naming mga Pilipino.

Habang ang mga gulong ng pagbabago’y patuloy na umiikot, ang pagtamo ng isang delikadong balanse sa pagitan ng tradisyon at modernisasyon ay lumilitaw.

Bilang anak ng isang jeepney drayber, nasaksihan ko ang hirap at pagod, ang jeepney ay hindi lang basta basta jeepney, ito ang aming buhay, nag bigay saamin ng magandang kinabukasan, at higit sa lahat, dito nabuo ang aking mataas na pangarap, at hinding hindi mapapalitan ng kahit anong modernong transportasyon ang aming jeepney.

Sa kagustuhang magbago, pati ang pangarap naming mga anak ng drayber ay nagsisimulang maglaho, kung ang

lumilingon lingon na lamang, nawawalan ng inspirasyon at iniisip kung “kaya ko pa ba?” ang pangarap na iniaalay ko sa aking ama ng buong puso, ngayo’y hinaharap na lamang ang pangarap na walang pag-asa at walang katiyakang kinabukasan.

Ngunit, tuwing bumabalik sa aking isipan ang bawat ngalay ng kamay ng aking ama sa manibela ay nabubuo muli ang pag-asa at tiwala, hindi, hindi ako susuko, hindi ko hahayaan na masira ang aking kinabukasan dahil lamang sa hamon na ito, ganito ang buhay eh, parang gulong lang ng jeepney, patuloy na umiikot, kahit maflat, edi ayusin natin! Parte ‘yun ng buhay, ang magkaroon ng pagsubok, at alam ko na mayroon pa ring liwanag sa dulo ng aming byahe. Sa gitna ng mga alingasngas at mga ingay ng tradisyon at kultura, ang diwa ng espiritu nating Pilipino’y sumisiklab, ang pagiging matibay na malampasan ang mga pagsubok ng transisyon ay nagpapalakas ng pag-asa para sa isang mas maliwanag na bukas. Subalit, ang jeepney phase-out ay hindi lamang nangangahulugan ng wakas ng isang panahon, kundi ang pagsikat muli ng isang bagong kabanata. Habang ang mga Pilipino’y nagtutungo sa landas ng pagbabago, dala-dala nila ang di-magapihang espiritu ng jeepney, isang simbolo ng pagtitiis na patuloy na bumubuo sa tanawin ng pagbiyahe ng mga Pilipino, at ang kolektibong pagkakakilanlan ng isang bansang patuloy na naglalakbay. Sa bawat pagsubok at hamon, patuloy kong ipinagmamalaki ang aking ama at ang kanyang mahalagang papel bilang tagapagdala ng pangarap, hindi lamang sa kalsada, kundi maging sa buhay ko. Ang aming jeepney, na simbolo ng aming lakas at pag-asa, ay patuloy na magpapalakas saakin sa patuloy na pagtahak ng pagtatagumpay. Ako ay anak ng isang jeepney driver, at hindi ko hahayaang ako lang ang matirang may alam sa minsan niyang naging serbisyo sa bayan.

12 ANG MANDARAGIT lt+hlEn+
lathalain.
IPAGLALABAN ANG KABUHAYAN NAMING DRIVER AT OPERATOR! PUV MODERNIZATION PROGRAM, IBASURA! SAVE Our Jeepneys!

Baybayin ang Sulat

Ni: Khurshanne Francisco

Minamahal kong bayan,

Sa

totoo lamang ay hindi ko inaasahang aabot tayo sa ganito. Ang munti kong kapangyarihang makakita ng kinabukasan, hindi ito nasilayan. Paanong nagsusulat ako sa hindi pamilyar na papel gamit ang hindi gamay na panulat, gumagalaw ang kamay para itinta ang mga bagong letra. Ito ba ang kapalit pagkatapos nating makawala?

Ramdam ko pa ang simoy ng nakaraan, ako ang babaeng manghang-mangha sa magiting na datu ng bayan. Tuwang-tuwa sa paulit-ulit na panalong nakakamtan. Ito ang ating bayan, puno ng matagumpay na hangarin at magandang kasaysayan. Kaya naman nakakagulat na ngayon ay sumasayaw ka sa indak ng mga dayuhan.

Ang mga bago mong anak na tinatawanan ang aming alpabeto, at ginagamit lang para magpabango. Ang mga bago mong anak na tinitilian at inaalam ang panitikan ng ibang bansa habang walang kaalaman sa kaluluwa ng dati nating nakagisnan.

Gaano man kapait,mananatili ako sa pagmamasid. Tahimik na nagdadalamhati sapagkat mahal kong Pilipinas, kay hirap mo nang intindihin. Ang bawat sulat ay nakaw mula sa bansang hindi atin at minsan tayong inangkin.

Hirap nang nagmamahal,

Ang huling babaylan

Hindi ko inaasahan ang nilalaman ng sikat na liham, ito ay may kakaibang lakas upang makahatak ng mga mambabasa. Tumindig ang aking mga balahibo dahil sa nakapaloob na sakit at galit sa bawat letra. Marahil kung may nabubuhay nga sa kasalukuyan na mula sa nakaraan, tunay silang magugulat sa pagbabago ng ating kapalaran.

sana’y marinig. Pwede bang pakibilisan na lamang ang oras kung saan nasa pahina ako ng aking buhay na ako’y isang matagumpay na tao na? na kung saan ang propesyon na aking inaasam ay nakamit ko na. Sa pagabot sa aking pangarap, mapapaisip dahil sa dami ng gagawin, mga bayarin na hindi maalis-alis. Mga asignaturang sabay sabay kung magpapasa na siyang minsan nagiging

Ngunit hindi katulad ng nasa liham matindi ang aking paniniwala na may tiyansa pa upang hukayin ang matagal nang nilibing. Sa Paaralang Sekondarya ng New Era, may isang natatanging tila may special freebie sa bawat leksiyong ituturo. Ayaw niyong bigyan ng pansin ang baybayin? Pwes, siya na mismo ang gagawa ng paraan upang muli itong buhayin.

Sino ba ang nagsabi na porque wala sa curriculum ay bawal na? Wala mang aksyon ang Departamento ng Edukasyon patungkol sa baybayin, may kalayaan pa rin ang bawat guro na ito ay ituro. Kaya naman nakakatawa nalang muling bumalik sa alaala kung saan ako ay isang estudyanteng galit na galit dito.

Nakakintal pa rin sa aking isipan ang mga panahong miski sariling pangalan inaral ko paano sulatin. Hindi dahil sa nais ko, kundi dahil sabi ni Ma’am. Paanong kaming mga magkakaklase kabisado ang bawat letra ng baybayin, hindi dahil sa mahal namin ito kundi dahil sabi ni Ma’am. Hanggang sa untiunti kaming mapaniwala na marahil natural lang talaga sa pagiging Pilipino ang pagiging maalam sa dating alpabeto.

Gayunpaman, noong una kasama sa aking kinayayamutan ang bawat oras na kailangan kong isapuso ang bawat letrang iyon, nasa isip ko pa ang binabanggit na mga litanya sa kung gaano ito hindi kahalaga. Sa sobrang pagkayamot hindi ko inaasahan ang pagtawid sa pagmamahal, at naging parte na ng aking araw ang baybayin. Kung saan sa bawat kumpas ng mga daliri, nakakabuo ako ng mga salitang marahil ang iba ay hindi ito maiintindihan.

Gaano man kabighaning silayan ang mga letrang nakatitik sa kasalukuyan, hindi parin masamang ibigin ang orihinal na atin, ang natural sa atin. Hindi masamang muling buhayin ang baybayin. Sabi nga ng aming guro sa Filipino, “Nakakalungkot na ang ating nakagisnan ay mula sa mga dayuhan at hindi sa katutubong pinagmulan.” Kaya talaga bang iiwasan nalang ang ganitong usapin?

Sa bawat liham at bawat sulatin, hindi masamang alamin paano ba ito sulatin kung tayo ay nasa Pilipinas na hindi inangkin. Sa madaling salita, kakayanin kaya ng mga Pilipinong bumasa at gumawa kung baybayin ang sulat? Dahil kung ako ang sasagot, kaya ko. Kaya ng bawat estudyante ni Ginang Cherry Ugalde. Ikaw kaya mo ba?

Landas Tungo sa Pangarap

katapusan. Tila hindi magawang luksuhan ang mga problemang mala-butas ng karayom na kay

Minsan napapatanong sa sarili, tama pa ba ang landas na tinatahak ko? Tama bang sumabay na lang ako sa alon ng buhay? Ngunit ano ba talaga ang gusto ko? Paano ko masasagot ang mga katanungang hindi ko namang pinagsusumikapang sagutin.

Dumaan na ang senyales na pinakahihintay ko, binigyan na akong ng isang araw upang maranasan kung ano ba ang gusto ko. Isang araw na mararamdaman at maisasabuhay ang sarap ng ating pangarap na kahit sa kasuotan lamang ay ramdam na ang tagumpay. Dahilan na mapalitan ang pagdurusa

bumalik ang pakiramdam ko noong ako’y bata pa, ang lantang pag asa ay napalitan muli ng saya ng mayabong na. Biglang nabuhay ang pusong nangungulila sa inspirasyon sa buhay.

bumabagabag sa aking isipan, takot na gugulin ang lahat ng panahon sa pag aaral. Gusto ko maging doktor ngunit natatakot na tumanda ng hindi pa rin nakapagtapos. Paano na ang mga pangarap ko kung pinangungunahan ako ng takot?

Siguro tama ang mga matatanda, sundin ko kung ano ang nagpapasaya sa akin. Kakaibang aral ang nalanghap ko na tila tulad ng hangin ay siyang nagbibigay buhay din sa akin. Siguro ang tatapos sa walang katapusang katanungan ay harapin ang mga ito.

Magulo ang mundo. ‘yan ang katotohanang matagal ng itinatak sa atin mula pagkabata. sa kabila nito, nasa ‘atin kung paano tayo makikipagsabayan at malalampasan ang hamon nito. ituon ang oras sa mga

lt+hlEn+ lathalain. MANDARAGIT
13

New Era, handa ka ba?

Riiingggg, Riiingg, tunog ng ‘bell’ ang maririnig sa bawat pagtatapos ng klase pero maririnig din ito tuwing may sakuna, handa kaya ang ating paaralan para protektahan tayo?

“We serve fun while learning”, ‘yan ang slogan ng New Era High School (NEHS), tungkulin nilang protektahan at turuan tayo, kaya ating alamin kung paano nga ba sila naghahanda para sa sakuna. Lindol, bagyo at sunog, ito ang madalas na sakuna na nararanasan sa ating bansa, kaya ang ating paaralan ay naghahanda kung sakaling mangyari ito.

Isa na dito ang mga isinasagawang earthquake drill, mga gamit tulad ng first aid kit at fire extinguisher at mapa para alam natin kung saan pupunta sakaling magkaroon ng sakuna.

Upang higit pang mapalawak ang kaalaman ukol sa mga paghahanda sa sakuna ay lumahok ang Erans sa isinagawang seminar ng Bureau of Fire Protection (BFP) noong Marso 17 na ginanap sa Quezon City Memorial Circle.

Nakiisa dito ang Girl Scouts of the Philippines (GSP) sa ilalim ng

Vape: Kasiyahang NAKAMAMATAY

Ni: Latisha Lhorvin Soriano 40%

kanilang guro na si Bb. Levi Silao, Red Cross Youth (RCY) kasama si G. RM Dizon at Barkada Kontra Droga (BKD) kasama si Gng. Cherrie Orit. Itinuro sa kanila kung ano ang tamang gawin kapag may sunog o lindol at ipinakita din ang iba’t ibang kagamitan na ginagamit ng mga bumbero tuwing may kalamidad. Ipinaranas din sa mga magaaral kung paano gawin ang cardiopulmonary resuscitation (CPR) na kailangan gawin kapag tumigil ang pagtibok ng puso at paghinga ng tao, nagrappelling din sila, ito naman ang

Usok dito, ubo dito. Sa mga kanto makikita natin ang ilan nating kapitbahay na bumubuga ng usok

Kuhang larawan mula sa: MAPEH Department

tawag sa pag-akyat sa gusali gamit ang tali.

“Nakakatulong yung mga ganong event para maging aware yung mga students natin kung ano yung first thing na kailangang gawin kapag nangyari yung mga bagay na yun”, ito ang sinabi ni G. Dizon tungkol sa nangyaring seminar.

Ayon naman kay Gng. Orit, “It’s a plus for you” sa tanong na mahalaga

dahilan sa pagkaadik ng mga tao dito.

Cool daw! ‘Yan ang sabi ng gumagamit nito. Ayon sa Hopkins

bang malaman ng mga estudyante kung ano ang dapat gawin tuwing may sakuna at first aid.

Plano ng MAPEH Head Teacher na si Gng. Pamela Edangal na ipalaganap ng mga mag-aaral na nakadalo sa seminar ang kanilang natutunan sa kanilang kaibigan at sa iba pang organisasyon ng paaralan.

Hindi dapat tayo mataranta sakaling magkaroon ng sakuna, sa paghahandang ginagawa ng ating paaralan siguradong lahat tayo ay ligtas.

masama kung malalanghap. Ito ay maaaring magdulot ng sakit sa baga at kamatayan. Tunay nga na dapat ay gamitin natin sa tama ang mga bagay tulad ng bitamina E na mainam para protektahan ang katawan sa cancer at pagkabulag, pero kung mali ang paggamit ay maaaring ito pa ang maghatid sa atin sa pinto ni kamatayan.

Problema sa bahay, paaralan o trabaho, at impluwensiya ng kaibigan, ang mga dahilan kung bakit gumagamit ng vape ang mga tao ayon sa Hopskin Medicine. Pampagaan nila ito ng loob at upang matigilan na din ang paninigarilyo. Pero may iba pa namang paraan tulad na lamang ng pagpunta sa iba’t ibang lugar, ‘bonding’ kasama ang pamilya at kaibigan o kaya gawin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo na walang masamang epekto sa kalusugan.

Isang biyayang maituturing ang ating buhay kaya huwag natin itong sayangin dahil lang sa vape. Lulunurin ba natin ang sarili sa bagay na kikitil sa atin? Makakasama ito sa ating katawan at kalusugan kaya tigilan na ang paggamit nito. Madami pa tayong oras at taong nagmamahal sa atin, wag natin itong sayangin sa mga bagay na pansamantalang magbibigay ng kasiyahan ngunit habang buhay na pagsisi.

agham. 14 ANG MA Ag+hm+
ng
kabataang Pilipino edad 1315 ang lulong sa ‘vaping’ Mula sa: Philstar Global
mga

Tagong Repleksyon Tagong Repleksyon

Sa kabila ng marikit na imaheng ipinapakita ng magagandang dilag sa Pilipinas, nariyan pa rin ang katanungang sino sila sa likod ng porselanang kutis at makakapal na kolorete?

Bawat hakbang na ginagawa natin, unti-unti na tayong namumulat sa tinatawag nilang beauty standards at minsan pa’y dala ng mga tuksong natatanggap sa kani-kaniyang komunidad nais na lamang nilang

subukang makibagay sa lipunan. Beauty standards? ‘yan ay isang kwalipikasyon kung paano ka nila titignan bilang isang marilag na dilag, mula sa kulay ng iyong balat hanggang sa iyong itsura.

Sapat na ba ang perang sinasayang sa mga make-up cosmetics para lang makapasa bilang isang marahuyong binibini?

Make-up cosmetics tulad ng mga lipstick, blush, eyeshadows, at iba pa

ay isang produktong patok na patok sa mga kababaihan lalo na sa mga kabataan.

Taong 1930s, nang magpatuloy na maimpluwensiyahan ng American beauty ideals ang bansa kung saan natuto nang gumamit ng mga produktong pampaganda ang mga Pilipino at habang tumatagal lumago’t dumami pa ang mga ito.

Datapwat isa itong bagay na maaaring maging panakip sa ating

mga sugat na tanging sarili natin ang nakakikita, may masamang dulot pa rin ito sa ating katawan kapag napamalagihan. Tulad ng acne breakouts o ang pagdami ng tigyawat sa mukha, allergies na nag-iiwan ng mga mapupulang marka at pangangati, infections kung saan ‘di natin mamamalayang may mga bacteria na pa lang namumuo sa’ting balat. Halos mapuno na ng butil ang aking

mukha sa dami ng produktong aking naipapahid sa huwad kong katauhan, para na akong kandilang nalulusaw sa sariling apoy na nakakapaso. Sa isang mapanghusgang mundo na aking ginagalawan, talukap ng aking mga mata’y ipinipikit at dinadama ang mga luhang namumuo dahil sa itsurang aking dinadala, ano pa kaya ang ibubuhos ko sa kayumanggi kong kutis para lang maging mistisang kaakit-akit?

Paglaganap ng Respiratory Diseases:

HAMON SA KALUSUGAN NG MGA MAG-AARAL

Sa kasalukuyang panahon, patuloy ang pagtaas ng kaso ng respiratory disease sa mga paaralan sa buong bansa. Ito ay nagdudulot ng malaking hamon sa kalusugan ng mga estudyante at sa sistema ng edukasyon sa pangkalahatan. Ang mga respiratory disease tulad ng sipon, ubo, at trangkaso ay nagiging sanhi ng pagliban sa paaralan, pagbaba ng antas ng pag-aaral, at pangkalahatang pagkabahala sa kalusugan. Dahil sa malapitang pakikisalamuha ng mga estudyante sa loob ng mga silid-aralan, madaling kumalat ang mga mikrobyo at virus na sanhi ng respiratory disease.

Ang mga batang may mababang resistensiya o hindi sapat na kalusugan ay lalong nanganganib na mahawaan at magkaroon ng komplikasyon mula sa mga sakit na ito. Dahil dito, hindi lamang ang pisikal na kalusugan ng mga estudyante ang naaapektuhan, kundi pati na rin ang kanilang akademikong pag-unlad.

Pneumonia, Influenza at Walking Pneumonia ay halimbawa ng mga respiratory disease na nakakaapekto sa paghinga ng katawan. Ang pneumonia ay isang impeksyon sa baga na madalas sanhi ng bacteria, virus, o fungi. Ang influenza naman ay isang viral infection na kadalasang nagdudulot ng lagnat, ubo, sipon, at pangangawit ng katawan. Habang ang walking pneumonia, o Mycoplasma

pneumoniae, ay isang uri ng pneumonia na karaniwang mas mild ang mga sintomas at hindi kailangang ma-ospital ang pasyente.

Isa sa mga pangunahing hakbang upang labanan ang paglaganap ng respiratory disease sa mga paaralan ay ang pagpapatupad ng mga patakaran at pamamaraan sa kalinisan. Ang regular na paghuhugas ng kamay, pagpapanatili ng malinis na kapaligiran, at ang paggamit ng mga face mask sa mga lugar na may mataas na panganib ng pagkalat ng sakit ay ilan lamang sa mga paraan upang mapigilan ang pagkalat ng mga mikrobyo. Dagdag pa rito, mahalaga rin ang pagbibigay ng sapat na edukasyon sa mga estudyante tungkol sa

kahalagahan ng tamang pangangalaga sa kalusugan. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga pangunahing kaalaman sa pag-iingat at pag-iwas sa mga sakit, maaari nating mapababa ang bilang ng mga kaso ng respiratory disease sa mga paaralan. Sa kabila ng patuloy na paglaganap ng respiratory disease, mahalaga ang pagtutulungan ng mga paaralan, mga magulang, at buong komunidad upang matugunan ang hamon sa kalusugan ng mga estudyante. Sa pamamagitan ng pagiging maagap, maingat, at may sapat na kaalaman sa mga hakbang na dapat gawin, maaari nating protektahan ang kalusugan at kapakanan ng susunod na henerasyon ng mga mag-aaral.

Solar Storm Sanhi ng pagkawala ng internet

Ding! Ding! Tunog ng selpon at telebisyon ang maririnig sa bawat tahanan, nagbibigay ito sa atin ng saya at tulong, pero paano kung mawawala na lamang ang mga ito?

Sa tulong ng teknolohiya at elektrisidad napapadali ang ating buhay, isang tawag mo lang ay makakausap mo na ang kaibigan mong nasa ibang bansa.

Pero paano kung ang mga ito ay mawala? Babalik ba tayo sa nakaraan kung saan mano-manong ginagawa ang lahat?

Ayon sa mga eksperto, may papalapit na solar storm sa ating

mundo kung saan maaari itong magresulta sa pagkawala ng internet at kuryente.

Nagkakaroon ng solar storm kapag naglalabas ang araw ng solar flares at coronal mass ejection, mga enerhiya na nanggagaling sa araw at kapag tumama ito sa ating mundo maaaring

maapektuhan nito ang ating internet at supply ng kuryente.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA), magbibigay sila ng babala kapag malapit nang tumama ang solar storm sa ating mundo at pansamantalang papatayin ang supply ng

kuryente.

Pero bakit kailangan pang patayin ang kuryente? Dahil isang pindot lang natin sa mga kable at selpon maaari na tayong makuryente.

Malaking tulong para sa ating mga estudyante ang internet at gadyets, ito ay pampalipas oras natin at ang ating kaagapay sa tuwing may pinapagawang takdang-aralin ang ating mga guro.

Huwag sana tayong umasa sa internet at gadyet, upang kung mangyari ang solar storm, maipagpapatuloy pa rin natin ang ating buhay nang payapa.

Ag+hm+ agham. MANDARAGIT 15
Kuhang larawan ni: Fatima Claire Esguerra

Alaalang iniwan ng sakit na Kanser

“Ate, laro tayo!”

“Ate, laro tayo!” Ito ang tinig na palagi kong naririnig tuwing umuuwi kami sa probinsiya. Ito yung boses na gusto kong marinig ulit pero ngayon imposible na.

Simula pagkabata siya na ang kaibigan ko at ng aking kapatid. Siya ang pinsan namin at kalaro. Kahit dalawang beses sa isang taon lamang namin siya makita ay hindi parin nito mapipigilan ang sayang nararamdaman namin sa tuwing naglalaro kami.

Bahay-bahayan, taguan at habulan, ito ang mga nilalaro namin palagi. Pero nagbago ang lahat noong pitong taong gulang ako. Dahil sa cancer, hindi ko na siya nakakalaro.

Anim na taong gulang palang siya noong nagkasakit siya. Akala nila simpleng lagnat lamang ito at pasa dahil sa paglalaro. Pero leukemia na

pala ito o kanser sa dugo. Dahil sa leukemia, palagi siyang nasa kama. Labas-pasok sa ospital at madaming gamot ang kailangang inumin. Sa mga oras na iyon minsan ko na lamang makita ang kanyang ngiti. Hindi na siya puwedeng mapagod kaya limitado ang puwede naming gawin.

Sabi nila, lahat ng bagay may rason kung bakit nangyari. Ano kaya ang dahilan kung bakit siya kinuha ni kamatayan? Walong taong gulang pa lang siya, ang bata pa niya. Hinarap niya ang sakit niya ng matapang kaya bakit hindi niya nalagpasan?

Sabi ng nanay ko nagkasakit siya dahil hindi siya kumakain ng prutas at gulay. Kung makakagawa lang ako ng ‘time machine’, hihikayatin ko siyang kumain ng nito. Dahil ang pagkain nito at pag-ehehersisyo ang isa sa mga bagay na puwede nating gawin para makaiwas sa kanser at mga sakit.

3, 386 ang namatay dahil sa leukemia ayon sa National Nutrition Council (NNC) at 86, 337 ang kabuuang bilang ng namatay sa iba’t ibang uri ng cancer tulad ng lung cancer- sakit sa baga, at breast cancersakit sa suso.

Wala pa itong permanenteng gamot pero mayroong chemotherapy na tutulong upang mapigilan ang paglala nito.

Gusto ko ulit marinig ang tinig ng aking pinsan na nagyayayang maglaro. Pero dahil sa leukemia, hindi ko na ito maririnig pa. Dahil sa sakit na cancer maraming nawalan ng anak, kapatid at kaibigan, kaya alagaan natin ang kalusugan. Para hindi natin sila maiiwang luhaan.

Sarap na Hinahanap-hanap

Ni: Josan Leal

Kailan ko ba balak tigilan ang pagkonsumo sa isang koloradong tubig na lagi akong tinutukso? Halos ‘di na ko makapag-ipon sa dami ng perang aking naiwaldas sa pagbili ng nauusong iced coffee at milktea. Ngunit bakit ko naman pagkakaitan ang sarili ko kung deserve ko naman ‘to?

Uwian na, katatapos lang ng aming napakabigat na pagsusulit. Iniisip ko na naman paano ko iraraos ang isang linggong sakit sa ulo, pero buti na lang at nariyan ang mga kaibigan ko. “Tara milktea, libre ko” ika nila. Agad naman akong tumango at namuo na muli ang mga ngiti sa aking pisngi.

Nakatutuwa namang isipin na sa isang mabigat at ordinaryong araw, nagagawa pa rin naming makatakas sa reyalidad. ‘Di naman kami literal na tumatakas, yung tipong maghahanap lang ng aliw para mapawi ang mga hinanakit na sa ami’y nakaukit. Mas pipiliin ko na lamang lumunok ng maraming boba kaysa malunod sa napakaraming gawain sa paaralan.

Boba? ‘di ‘yan isang salitang maaaring sensitibo sa mga mambabasa. ‘Yan ay isang tila perlas na sahog sa

milktea na nagmula pa tapioca starch na mas kilala bilang katas ng kamoteng kahoy. Subalit maaari rin itong magdulot ng masamang epekto sa ating kalusugan kapag nasobrahan dahil ito’y ‘di mabilis matunaw.

Halos ‘di na ata makumpleto ang araw namin kapag wala ang aming comfort drinks, paano ba naman kada may suliranin ang sagot nila’y idaan na lang natin kapehan. Kay sarap namang damhin ng aming pagkakaibigan na kayang-kaya pa ring bitbitin ang pasan naming mga hikbi at may kasama pang napakalamig na kape. Ngunit sa likod nito, ano namang mangyayari kapag

agham. 16 ANG MA Ag+hm+

Ni: Zedrick Garganta

Isang Paglalakbay ng mga Atleta

samundong pampalakasan, hindi lamang ang kompetisyon sa loob ng entablado ang nagbibigay-buhay sa mga atleta. Sa kabilang banda ng ligawan at pagpapakadalubhasa, naranasan din ng mga manlalaro ang kakaibang pakikisalamuha sa kalikasan at kultura sa pamamagitan ng tinatawag na suroy-suroy Ang suroy-suroy ay hindi lamang simpleng paglalakbay. Ito ay paglalakbay na may layuning makinig sa tawag ng kalikasan, makipag-ugnayan sa mga lokal na kultura at tradisyon, at higit sa lahat, pagtibayin ang samahan ng mga kasama sa paglalaro. Sa pamamagitan ng suroysuroy, ang mga atleta ay hindi lamang nagiging mga kalahok sa kanilang larong paborito kundi nagiging tagapagtaguyod din ng pagpapahalaga sa kapaligiran at kultura

Isang magandang halimbawa ng karanasang ito ay ang paglalakbay ng mga atleta sa mga teritoryo ng mga katutubong tribo, Dito, sila ay maaring matuto ng mga tradisyonal na pamamaraan ng pangangaso,pangingisda, o pagsasaka mula sa mga katutubong eksperto. Sa pamamagitan ng ganitong karanasan, hindi lamang sila nakakakuha ng bagong kaalaman at kasanayan kundi nagiging bahagi rin sila ng pagsasalin at pagpapanatili ng kultura ng mga katutubo Bukod dito, ang suroy-suroy ay nagbibigay-daan din sa mga atleta na mas mapalalim ang kanilang pag-unawa sa kalikasan.Sa pamamagitan ng paglalakbay sa magagandang tanawin, mga bundok, Ilog at dagat, natututo silang respetuhin at pangalagaan ang likas na yaman sa mundo

Ang auroy-suroy ay higit sa pagiging isang simpleng bakasyon.Ito ay isang bahagi ng paglago at pagpapakadalubhasa ng mga atleta, hindi lamang sa larangan ng kanilang palakasan, kundi pati na rin sa pagiging mamamayan ng mundo. Sa bawat hakbang sa mga bagong lugar at bawat kwento na kanilang maririnig, ang mga atleta ay patuloy na nagiging mga tagapagtaguyod ng diwa ng pagkakaisa at pagmaamahal sa kalikasan at kultura

Pagtatagisan ng Husay at Pagkakaisa

Ni: Zedrick Garganta

sa tuwing sasapit ang buwan ng Pebrero, tila nabubuhay ang espiritu ng paligsahan sa Paaralang sekondarya ng New Era (PSNE). Ito ay ang panahon ng MAPEH Month at Intrams, isang pagdiriwang na puno ng kasiyahan, pagkakaibigan , at higit sa lahat, ng malalim na pagmamahal sa larangan ng palakasan. Sa PSNE Intrams 2024, ang mga magaaral ay nagtipon-tipom upang ipakita ang kanilang husay at kakayahan sa iba’t ibang disiplin ng palakasan. Ngunit bago pa man ang mismong pagdiriwang, isang proseso ng pagpili ang kinakailangan upang maging parte ng mga koponan ng paaralan. Para maging bahagi ng koponan, kinakailangan ng mga estudyante na dumaan sa isang masusing pagsasanay at pagsubok. Hindi sapat ang pagiging interesado lamang sa isang tiyak na laro; kailangan din ang dedikasyon, determinasyon, at disiplina upang mapabilang sa mga piling atleta ng PSNE. Sa pamamagitan ng mga pagsasanay na pinangunahan ng mga guro at mga beteranong manlalaro, hinahasa ang kakayahan ng bawat mag-aaral upang maging handa sa labanang kanilang sasalihan. Higit pa sa mga pisikal na kakayahan, hinahanap din ng paaralan ang mga mag-aaral na

mayroong mataas na antas ng pagmamalasakit sa kanilang koponan at paaralan. Ang pagiging responsableng lider, magandang ehemplo sa ibang mag-aaral, at pagiging disiplinado sa loob at labas ng laro ay ilan lamang sa mga katangiang kinakailangan upang maging tunay na bahagi ng PSNE Intrams 2024

Sa pagdating ng Pebrero, ang buong paaralan ay nababalot ng sigla at kasiyahan. Ang mga mag-aaral, kasama ang kanilang mga guro at ang buong komunidad, ay nagkakaisa upang suportahan ang bawat laban at patunayan ang kanilang kakayahan sa iba’t ibang larangan ng palakasan.

Sa PSNE Intrams 2024, hindi lamang ang pagkapanalo ang pangunahing layunin. Bawat sandali ng paligsahan ay pagkakataon upang magpakita ng husay, magbigay inspirasyon sa kapwa, at itaguyod ang diwa ng pagkakaisa at pagmamalasakit. ito ang tunay na diwa ng palakasan sa PSNE: hindi lamang ang laban para sa karangalan, kundi ang pagpapalakas ng samahan at pagpapahalaga sa bawat isa.

Naipapakita rin ang iba’t ibang klase ng pagsuporta mula sa kanilang kaniya-kaniyang seksyon at mga tagapayo.

Rhinos nagpasiklab sa Amoranto Sports Complex

Ni: Hershane Allynah Tantay

‘‘Puso lang sa bawat laro’’

Dinagit ng koponan ng Paaralang Sekondarya ng New Era Basketball Boys ‘Rhinos’ ang ika-3 pwesto sa Division Athletic Meet noong ika-17 ng Pebrero 2024 sa Amoranto Sports Complex.

Nakamit ng Rhinos ang kanilang unang panalo sa makitid na 62-56 na iskor sa Juan Sumulong High School.

Sa kabila ng mga hamon, ipinakita ng Rhinos ang kahusayan sa pagtutulungan at pagiging matatag, nagtakda para sa kanilang paglalakbay sa kompetisyon.

Sa kanilang pangalawang laro ay naging kapana-panabik ito dahil sa pinakita ni Jomar sa kaniyang buzzer beater na tres na bumasag sa pangarap ng Commonwealth High School na makatungtong sa third round, 47-46.

Kakaibang tapang at diskarte ang nilaro

nila sa kanilang second game, patunay sa kanilang kakayahan sa harapin ang kanilang pagsubok.

Binasag ng Ramon Magsaysay High School ang kanilang pangarap na makapasok sa finals na may lamang na 6 na puntos, 61-55.

Sa kabila ng resulta, ipinakita ng Rhinos ang walangpatid na determinasyon at pagiging mabuting kasangga sa buong laro.

Naging ehemplo ang pamumuno ni Coach Pjay Perez sa paggabay sa koponan, na binigyang-diin ang kahalagahan ng paglalaro ng pusong buo at pagbibigay ng lahat sa bawat laban.

Sa ilalim ng kanyang gabay, ipinakita ng Rhinos ang kahusayan at pagkakaisa, kumikilala ng respeto at paghanga mula sa kanilang mga kalaban at manonood.

18 isports. Is+por+t+s

Paghahanda ng Lady Rhinos

Women’s Basketball Team sa paggabay ni Coach Ruetas

Dugo’t pawis ang puhunan. Taong 1995 ay nabuo ang Basketball Team sa Paaralang Sekondarya ng New Era na hinawakan agad ni Victor Domingo Marcel Ruetas ngunit pa lamang koponan noon. Sa ikalawang taon pa lamang ng pagkakabuo ng basketball team nagkaroon ng pambabaeng koponan, simula

1996 hanggang sa kasalukuyan siya na ang may hawak nito.

28 taon na siyang humuhubog ng mga atleta sa PSNE, ayaw ni

Coach Ruetas na kumukuha ng mga malalakas na atleta bagkus mas gusto niyang kumuha ng mga atletang may mga potensyal na siya mismong

Paggamit ng court ang simula’t sapul ang naging problema ni Coach Ruetas at ng kaniyang koponan dahil sa mga iba’t ibang gumagamit ng court, sumunod na rito ang pahirapang mahiram ang mga atleta sa kanilang klase kaya ang naisip na solusyon ni Coach Ruetas ay magkaroon ng dalawang sesyon sa kanilang ensayo, ang mga pang-umaga

ay sa hapon ang ensayo at ang mga panghapon ay sa umaga ang ensayo.

“Strict si coach magturo” ani Rayven Baralleno Kapitana ng Lady Rhinos WBT.

Ayon naman kay Coach Ruetas ay talagang strikto talaga siya kapag oras na ng ensayo upang magkaroon ng disiplina ang koponan.

Ganunpaman, kahit komplikado ang kanilang ensayo ay naalagan pa rin ng Lady Rhinos Basketball Team ang three-time champion sa Division Athletic Meet noong ika-16 hanggang 17 ng Pebrero sa Judge Juan Luna High School.

Abangan ang kanilang

Regional Athletic Meet sa Ika- 21 ng Abril hanggang 26 na gaganapin sa Caloocan, wala pang nababanggit kung saang eksaktong lugar.

Mabigat ang kanilang isinasagawang pag-eensayo dahil ayon kay Coach Ruetas ay ang pinakamagagaling na mga koponan ang kanilang makakaharap na nagwagi

Wala na bang bago?

“Para sa mga lalaki lang ‘yan.” “Pambabae lang ang laro na ‘yan.” Ganito ang kadalasang linyahan ng mga taong ignorante.

‘Yung masaya at proud ka sa ginagawa mo, ngunit may mga taong kamalian ang napapansin. Ipagpalagay na nating may mga gan’yan talaga, ngunit hahayaan na lang ba natin na manatiling sarado ang kanilang isipan?

Bagamat noon pa mang lumang panahon ay malaki na ang gampanin ng larangang isports sa buhay ng mga tao, ‘di pa rin maikakaila na nagbabago at lumalawak ang mga aspeto nito. ‘Di tulad dati na ang karaniwang isports lang ang kilala

tulad ng basketball, volleyball, at badminton. Ngayon, nakikilala na rin ang sepak takraw, maging ang cycling. Sa pagbabagong ito, sana naman ay magbago na rin ang diwa ng lahat tungo sa tunay na gampanin ng isports; Na ang isports ay naglalarawan sa mga nagbabagong kaugalian at kultura ng lipunan, lalo na ang kaisipang ang isports ay para sa lahat.

Marami na ngayong dalubhasa at nagwawagi sa mga liga o olympics na malayo sa ekspektasyon ng mga tao sa kanila. Katulad na lamang ni Hidilyn Diaz na babaeng weightlifter na nag-uwi ng pinakaunang gintong

medalya para sa Pilipinas matapos ang 97 years, noong 2021 Summer Olympics sa Tokyo. Pati na rin si Carlos Yulo na isang lalaking gymnast na nagtagumpay sa international event na World Artistic Gymnastics Championship nang maiuwi ang dalawang gintong medalya noong 2019 at 2021. Kapuri-puri, ‘di ba? Hindi naman gano’n kahirap paniwalaan na nakamit nila ang mga karangalang ‘yan hindi dahil sa kanilang kasarian. Bukod sa pagdidikta kung ano ang nararapat na isports para sa lalaki at babae, mayroon ding iba, ‘yung tipong ‘di raw akma ang kakayahan

sa kani-kanilang division.

Noon ay nakakasali sila sa ligang Milo Basketball Women’s League ngunit namatay na ang magasawang humahawak nito kaya ang DepEd Palaro na lang ang kanilang nasasalihan na liga.

Laging itinuturo ni Coach Ruetas ang disiplina sa kanyang koponan na naging daan sa marami niyang naiuwing karangalan at kaniyang koponan sa paaralan.

“Hanggat hindi pa tapos ang oras, lumaban kayo” ayan ang laging pinapayo ni Coach Ruetas sa kaniyang koponan upang sila ay hilain pataas at imulat ang kanilang mga mata na hangga’t may oras pang natitira ay may pag-asa.

Ginamit din ni Coach Ruetas

mo sa isang isports dahil ganito o gan’yan ang kasarian mo; Talaga namang nakasasakal. Mapapaisip ka na lang kung anong ‘connect’ ng kasarian mo sa kakayahan mo o gusto mo. Bakit kaya ‘di na lang nila pagtuunan ng pansin ang sarili nila kaysa sa iba, ‘no? Sabagay, kahit naman anong gawin mo, may mapupuna at mapupuna pa rin ang mga tao. Sa katotohanan, ang gender stereotype ang nagiging dahilan ng pag-aalangan ng isa sa isports na gusto nito. Napakalaking epekto nito sa isang taong mataas ang lipad. May mga pagkakataon pa nga na napagkakaitan ng mga oportunidad dahil dito. Hindi dapat katwiran ang mga opinyon ng iba sa pagsasabi kung paano dapat maging, hanggang saan ang kakayahan at gusto ng isang tao. Lahat naman tayo ay ayaw na dinidiktahan kung ano dapat tayo,

na pang motibasyon ang maraming incentives na matatanggap ng mga atletang nakakatungtong ng Regionals kaya payo niya sa kaniyang mga alaga ay kung nais nila ito makamit ay kailangan nilang magsumikap.

Iniimbitahan ni Coach Ruetas ang kaniyang mga dating alaga upang magsalita sa mga kasalukuyan niyang hawak ngayon ng mga atleta upang ibahagi ang kanilang mga karanasan at makapagbigay payo kung paano pa nila mas mapapaunlad ang kanilang mga kakayahan at potensyal sa paglalaro ng basketball.

Bago umalis si Coach Ruetas ay tinitiyak niya muna na ang papalit sakaniya ay mamahalin at aalagaan ang kaniyang mga nasimulan.

Ayon kay Coach Ruetas ay meron siyang dating alaga na nag-aaral ngayon ng Physical Education na nakikita niyang may potensyal na papalit sakaniya at mabibigay ang kaniyang buong tiwala.

maging ang ating mga dapat gawin dahil alam na natin sa ating sarili kung sino talaga tayo. Sino nga naman ba ang susunod sa opinyon ng sinoman kung alam mo namang wala kang maling ginagawa, ‘di ba?

Marahil ang paglalahad ng opinyon o pamumuna sa iba ay nakapapawi ng iyong saloobin sa kagustuhang malaman nila ito, ngunit ‘di mo maibabaliktad ang mundo para lang magkaroon ito ng magandang dulot sa iyo. Luma at basura na ang pag-iisip na ang kasarian ng tao ang naglalarawan sa kaniyang kakayahan at ambag sa larangang isports. Ngayong nasa modernong panahon na tayo, imulat naman natin ang ating isipan at lawakan ang kaalaman sa bagay-bagay. Mainam pa nga na mangialam sa mga suliraning panlipunan kaysa mangialam sa buhay ng iba na ‘di mo naman ikauunlad.

PPG naghari sa ML Tournament ng PSNE

Namayani ang Please Play Gaw (PPG) G12-ICT A sa ginanap na Mobile Legends Tournament sa 4th floor Bautista Building ng Paaralang Sekondarya ng New Era noong ika-19 ng Enero.

Binakbak agad ng PPG ang kanilang kalaban sa umpisa palang ng laro at nagpamalas agad ito ng kanilang husay sa paglalaro ng ML.

Nilampaso nila ang kanilang dalawang kalaban sa Semi Finals na nagbigay daan sa kanila patungo sa

Finals. Ngunit hindi naging madali ang kanilang paglalakbay patungo sa kanilang inaasam. Dinaig lahat ng hamon at patuloy na ipinamalas ang kanilang kahusayan sa larangan ng paglalaro ng online games na ML. Sa bawat yugto ng paligsahan, nagpakita ang PPG team ng kahusayan sa paglalaro at diskarte sa laban. Sa pamamagitan ng kanilang dedikasyon at pagkakaisa,

napatunayan nila na sila ang pinakamahuhusay sa kompetisyon. Ang tagumpay ng koponan ng G12 ICT A ay nagpapakita ng kanilang determinasyon at kakayahan na umangat sa mga hamon. Sa huli, ito ay nagbunga ng korona bilang kampeon ng ML Tournament. Ang kanilang pagwawagi ay hindi lamang tagumpay para sa koponan, kundi pati na rin sa buong Senior High.

Nagbibigay ito ng inspirasyon sa kanilang mga kapwa mag-aaral na magsumikap para sa tagumpay.

19 isports. Is+por+t+s
Ni: Marc Henry Tanola Ni: Hershane Allynah Tantay

isports.

WOMEN’S VOLLEYBALL TEAM NG PSNE

NAMAYAGPAG SA DIVISION ATHLETIC

MEET

Malayo na pero kulang pa.

Nasungkit ng Women’s Volleyball

Team ‘Lady Rhinos’ ng Paaralang Sekondarya ng New Era ang ika-5 pwesto sa Division Athletic Meet kontra sa 38 na paaralan sa buong Division ng Quezon City na ginanap sa Judge Juan Luna High School noong ika-17 ng Pebrero 2024.

Bago makatungtong sa kanilang naiuwing karangalan ay kinalaban muna nila ang Novaliches High School nakakuha agad sila ng 2-0 sa kabilang koponan na may iskor na 2511 at 25-17.

Sa second round ay nakaharap na nila ang San Bartolome High

Ni: Hershane Allynah Tantay

School na nagkaroon ng matinding labanan ngunit mas nangibabaw ang determinasyon at ‘teamwork’ ng Lady Rhinos na nagresulta ng kanilang pagkapanalo na may iskor na 25-16 at 25-23.

“Mas maganda ang pinakita nila ngayon kumpara noong nakaraang taon kaya may improvement, noon kasi wala silang chemistry”

Lady Rhinos WBT itinaas muli ang bandera sa Division Athletic Meet

Ni: Hershane Allynah Tantay

Pagkakaisa ang daan patungo sa inaasam na pangarap.

Nangibabaw muli ang three-time champion ng Women’s Basketball Team (Lady Rhinos) sa Division Athletic Meet noong ika-17 ng Pebrero sa Quezon City Science High School.

Nagpasiklab agad ang Lady Rhinos kontra sa Carlos Albert High School at pinatunayan kung bakit sila ang nagkampyon noong nakaraang taon.

Sa kanilang pagtutulungan ay nalampaso nila ito sa iskor na 56-44.

Matapos maka-angat sa championship ay nakatapat ng Lady Rhinos ang Saint Patrick High School (St. Patrick)

Kitang-kita sa dalawang koponan ang pagiging uhaw na irepresenta ang Quezon City at makatungtong sa Regionals Athletic Meet.

“Palaging magtiwala sa sarili” sambit ni Lady Rhinos Coach Victor Ruetas matapos makitang tabla ang tapatan nila sa St. Patrick, 44-44.

Nanatiling matatag ang Lady Rhinos sa nalalabing 20 segundo.

19 isports.

Paghahanda ng Lady Rhinos Women’s Basketbal Team sa paggabay ni Coach Ruetas

Kumayod ang kanilang kapitana na si Rayven Barellano at binago ang kanilang kapalaran na maging pabor sakanila matapos mapasok ang buzzer beater na foul counted.

Naisara niya ang laban na may iskor na 46-44.

“Masaya kasi napanalo ko ang team” ani Barellano.

Dahil sa pinakitang

ayon kay Lady Rhinos WVT Coach Kenneth Manalili. Napawi ang lahat ng kanilang pagod matapos makasagupaan nila ang Quezon City High School (QCHS) sa third round na sumira sa kanilang pangarap na makatungtong sa SemiFinals.

Ganunpaman, maganda ang ipinakita ng Lady Rhinos sa kabilang koponan, pinakita talaga nila ang dugong Erans

sa pangunguna ng kanilang kapitana na si Hershane Tantay at pag-ariba nina Liane Manangkil at Ashley Capucao.

Nagsara ang laro na may iskor na 25-20 at 25-23 ngunit sa kabila ng kanilang pagkatalo sa QCHS ay nakapag-uwi pa rin ng karangalan sa paaralan ang Lady Rhinos ng ika-5 pwesto kontra sa 38 school ng Quezon City.

5 sa 10 Erans ang mas pinipiling maglaro ng volleyball

Atleta ng SPED nagpakitang-gilas sa Running Long Jump

Ni: Hershane Allynah Tantay

Sa isang pagtatanghal ng husay at determinasyon sa Paralympics, ang mga atleta mula sa Special Education (SPED) program ng Paaralang Sekondarya ng New Era ay namayagpag sa larangan ng Running Long Jump, na nagdulot ng labis na pagmamalaki sa paaralan at komunidad.

Sa pangunguna ng mga coach na sina Janice Apoloni, Cherries Orit, at Nerissa Berdin, ang mga atleta ng SPED ay handa at determinadong ipakita ang kanilang kakayahan sa paligsahan. Nangunguna sa larangan ng Running Long Jump ay si Julie Camat, na walang sawang nagpamalas ng kanyang galing at tiyaga. Sa kanyang matinding dedikasyon, siya ay naguwi ng gintong medalya para sa paaralan.

Sinundan siya ni Chloe Abogadie na

nagpakita rin ng husay at talino sa kanyang pagtatanghal, na nagbigay sa kanya ng pilak na medalya bilang pagkilala sa kanyang tagumpay. Hindi rin nagpatalo si Rhealyn Urbano na may tapang na ipinakita ang kanyang kahusayan sa larangan ng Running Long Jump, na nagkamit ng tansong medalya.

Sa pamamagitan ng kanilang tagumpay, ang mga atletang ito mula sa Special Education program ay hindi lamang nagpakita ng kanilang galing sa sports kundi pati na rin ang kanilang kakayahan na lampasan ang mga hamon at hadlang sa kanilang buhay. Ang kanilang mga tagumpay ay nagdulot ng inspirasyon at pagmamalaki na nagpapakita ng kahalagahan ng pagbibigay ng pagkakataon at suporta sa lahat ng uri ng mga atleta.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.