
3 minute read
Sarap
rin. Kahit ito ay putaheng banyaga, halos kahit saang mall sa bansa ay hindi ito mawawala. In demand talaga!
Unlimited ang karneng inihahain dito, ngunit tila limited naman ang nalalaman ng mga Pinoy tungkol dito. Ano nga ba ang putaheng banyagang ito? Ang ‘Samgyeopsal’ na nangangahulugang “threelayer meat” ay nagmula sa bansang Korea, inihahain ito ng hilaw at marinated dahil ang mismong costumer ang mag-iihaw nito. Hindi lang unlimited na karne kundi ang mga sari-saring korean side dishes and sauce ang ihahain sa’yo, tulad ng kimchi, gyeran-mari, gochujang, kongnamul-muchim, eomuk bokkum at iba pa.
Advertisement
Isa ito sa tanyag na putahe sa Korea, mayroon silang tinatawag na
“Samgyeopsal Day” kung saan ipinagdiriwang nila tuwing ika-3 ng Marso.
Isa ka rin ba sa mga naadik o na-crave sa samgyeopsal? Ang matikman ito’y isang parangap para sa isang batang paslit na si Jeffrey, mula sa Bulacan. Siya’y naitampok sa isang TV show na may pamatag na “Rated K”. Palaboylaboy man ay nagpursiging mag-ipon ng mga baryabaryang nakukuha sa pagiging parking boy upang makaipon ng 375 pesos matupad lang ang kaniyang munting pangarap na makakain sa isang unlimited samgyeopsal restawran na matagal na niyang pinagmamasdan, naging pala-isipan sa kanya ang lasa nito dahil sa pagdagsa ng mga tao.
Nang makamit ni Jeffrey ang kanyang parangap na makakain ng samgyeopsal, sa apat na sulok ng restawran kung saan dinadagsa ng mga tao, hindi kung gaano kasarap ang sampyeopsal ang kanyang napagtanto, kundi kung gaano kasaya ang kumain ng hindi tahimik at hindi nag-iisa.
Putaheng banyaga man ay malaki ang naging epekto nito sa ating mga Pilipino. Talagang swak na swak ito sa ating panlasa, shempre!
Sino nga bang makatatanggi sa karne. Isa rin ito sa naging isang instrumento upang magkasama-sama ang mga pamilya, kaibigan o katrabaho sa isang hapag habang masayang nagsasalosalo. Ano man ang pagkaing mapusuan natin, putaheng Pinoy o banyaga man, ika nga nila “satisfy your cravings” dahil ang tanging mahalaga ay ang kasiyahang natatamo ng iyong tiyan at puso. # tao ngunit ito’y kabaligtaran para sa akin. Ako ‘yong tipo ng tao na magpapakapuyat at magpapakahirap para lang magawa ang isang gawain. Mas nanaisin kong umakyat ng hagdanan kaysa gumamit ng elevator na makakarating agad sa piwnaroroonan. Pero hanggang kailan ako magiging ganito? Higit sa lahat, magbubunga ba ang mga paghihirapan ko?
Sikat ngayong panahon ang paggamit ng mga online tools o ang mga tinatawag nating “Al tools” hindi lamang sa mga estudyante, gayundin sa mga taong may trabaho na. Ngunit ano nga ba ang mga ito? Ito ay isang serbisyong pang teknolohiya na nakapagpapadali ng isang gawain ng isang tao. Mapa-essay man ‘yan, pagpapaunlad man ng komunikasyon sa paraang pagsusulat, paggawa man ng mga disenyo o presentasyon, at atbp. Kebs na kebs ng Al tools ‘yan.
Ngunit palagi na lamang bang aasahan ang mga ito?
Matututo pa kaya sa tradisyonal na paraan ang mga taong gumagamit nito?
Sa tuwing nakikita ko ang masasaya nilang mukha dahil mataas ang nakuha nilang marka sa gawaing ‘yon, hindi ko maiwasang isipin kung paano nila ito nakuha. Nakuha ba nila ito mula sa pag-akyat sa hagdan wo mula sa pagsakay ng elevator? Ngunit hindi naman na mahalaga pang malaman kung paano nila ito nakuha kung gayong lahat ng tao ay may rason kung bakit nila ito ginagawa o ginagamit.
Iilan sa kanila ay tinatamad o sadyang hindi lang talaga alam paano simulan ang isang gawain kaya hindi maiwasang umasa sa mga kagamitang pang teknolohiya. Meron din namang mga tao na gumagamit nito upang masiguro na ang kanilang ginagawa ay tama. At syempre hindi mawawala ang mga nais lamang mapaunlad ang kanilang mga kakayahan kaya gumagamit nito.




Habang tumatagal, kulang nalang na iuntog ang ulo ko sa pader para matauhan na hindi naman din gano’n kasama ang minsang pagsandal o paghingi ng gabay mula sa mga al tools na ito. Tunay na malaki ang magiging tulong nito sa atin upang hindi masyadong mahapo ang ating sarili. Sa kabilang banda, sa tingin ko ay hindi pa rin angkop na masyado tayong d umepende sa mga ganito dahil maaaring i-ghost din tayo ng mga ito balang araw.
Talaga namang “Al Tools is all around us”, pero huwag tayo masyadong dumepende at magtiwala. Mas mainam pa rin na kumilos tayo sa sarili nating kakayahan. Bago tayo kumilos ng mas matalino, tiyakin na alam natin sa ating sarili na kumilos tayo ng maigi.
Saka tayo kumilos ng matalino para makamit ang ninanais nating mga bunga. #