
4 minute read
BENTE PESOS NA
“Pa, baon ko po sa eskwela”, tangan ang bag sa aking likuran at handa nang maglakad papuntang eskwelahan, bukas ang dalawa kong palad na naghihintay sa salaping ibibigay ng aking tatay. Dilaw na perang papel ang aking nadatnan habang sinisilayan ang malungkot na ngiti ng aking tatay, bakas sa kanyang mga mata ang puyat at pagal, “Pasensya ka na ‘nak, ‘yan lang muna ang maibibigay ko sa’yo, hayaan mo sa susunod gigising ako ng mas maaga para mamasada”
Iyan ang aking tatay, isa siya sa libo-libong Pilipinong tsuper na marangal at buong sikap na kumakayod para sa mga minamahal. Alas-tres pa lang ng umaga ay bukas na ang kanyang diwa at gayak na para sa maghapong pamamasada sa mala-impyernong kalsada. Nagtitiis sa mainit at maingay na paligid upang makabuo ng salaping sasapat pantustos sa pang arawaraw na gastusin ng aming pamilya.
Advertisement
Bente, maliit mang halaga para sa mundong puno ng karangyaan, sa akin ay salamin ito ng lahat ng paghihirap ni papa sa araw-araw na pamamasada.
Labis man ang bilib ko sa halos walang pagod niyang paggawa, higit kong hinahangaang kahit pawis at pagod man ang araw-araw na puhunan, hinding-hindi mawawala ang mga ngiti sa kanyang mga labi at mata, tila baga’y walang bigat na iniinda.
Ngunit hindi nagtagal, isang araw ay naglaho ang kurba sa kanyang labi’t mga mata, halakhak ay napalitan ng takot at pangamba dahil sa bali-balitang ang tanging ikinabubuhay ay nakaambang mawala dahil lamang sa programang walang habag na idineklara ng pamahalaan, Jeepney Modernization Program?
Ang Jeepney Modernization Program ay mula sa Department of Transportation na layuning puksain kuno ang kakarag-karag na mga jeep na naglalabas ng mga makakapal na usok sa kalsada, sinasabing hangad nilang mapangalagaan ang ating kapaligiran mula sa ganitong polusyon kung kaya’t naisipan nilang i-modernisa at palitan na ang mga luma at tradisyunal na jeepney. Ngunit paano na ang kabuhayan ng mga Pilipinong tsuper? Paano na ang kabuhayan ng aking tatay? Paano na kami?
Ilang oras at pagod ang ginugugol ni papa sa arawaraw para lang makabuo ng isang libong ipantutustos sa kumakalam naming tiyan, dadagdagan pa ang libolibong halaga ng modernized na jeepney na inaasahang mabibili naming mga dukha upang ipagpatuloy ang kabuhayan.
Talagang kapag nasa tuktok kana mahirap nang tanawin ang nasa ibaba, “Kasalanan ba ang maing isang jeepney driver?” Tanong ni papa sa amin, parang isang parusang habangbuhay na pagkakakulong sa bigat ng hirap at responsililidad. Isa lang ang istorya ni papa sa libolibong Pilipinong tsuper na tanging hangad ay ang kaginhawaan ng buhay ng kanilang pamilya. Hangad natin ang maunlad at mabuting pagbabago hindi lang para sa ating kapaligiran, may kapangyarihan, kundi sa ating lipunan, pag-
WONDER WO-MA’AM

ni Kathleen Anne D. Maximo
Isang guro at isang tagapagtaguyod, iyan si Ma’am Elena Estabillo. Hindi lamang niya tinuturuan ang kaniyang mga estudyante, kung ‘di binibigyan niya rin ng inspirasyon na magmalasakit sa kapwa.
Si Ma’am Elena ay isang guro sa Araling Panlipunan sa Paaralang Sekundarya ng New Era at miyembro ng Rotary Club of Midtown-QC, isang organisasyon kung saan ang layon ay makapaglingkod sa taumbayan.
Ilan sa mga matagumpay na proyektong naisagawa ni Ma’am Elena ay ang “Your Vision is our Mission” kung saan nakapagpasalamin sila ng 500 estudyante upang makakita sila ng maayos.
Nagbigay rin sila ng bond paper at printer sa mga taga-probinsya upang mai-print ang kanilang mga modyul, at nagbibigay din ng sapatos, bag, at school supplies kada taon sa probinsya ng Rizal at Quezon. Ngunit, para kay Ma’am
Elena ang pinaka-nagbigay ng tulong at inspirasyon na proyektong kanilang ginawa ay ang Erans Helping Hands. Bukod sa ito’y nakakapagbigay ng tulong hindi lang sa mga estudyante ng PSNE kundi pati sa ibang lugar tulad ng Quezon at Rizal, nagbibigay rin ito ng aral sa atin maging sa kanila na nagtaguyod ng proyekto na maging mapagpahalaga sa anumang bagay, maliit man ito o malaki. “...May mga bagay na akala natin hindi importante ngunit napakahalaga pala sa iba,” ani Ma’am Elena.
Mayroong apat na prinsipyong sinusunod ang Rotary. Una ay ang “is it the TRUTH?” (ito ba ang katotohanan?), “is it FAIR to all concerned?” (patas ba ito sa lahat?), “will it build GOODWILL and BETTER friendships?” (makakabuo ba ito ng mabuting pagkakaibigan?), at “will it be BENEFICIAL to all concerned?” (makabubuti ba ito sa lahat?). Iyan ang dapat isaalang-alang sa pagtulong sa ibang tao.




“I see problems in the society, so I want to be a part of the solution even in a small way,” ani ni Ma’am Elena sa dahilan ng kaniyang pagiging tagapagtaguyod.
Layunin niya na magdala ng pagbabago, at nais niya iyong ipadala sa ibang tao. Sinabi rin niya na hindi pwedeng isang tao lang ang nais magbago, dapat ibahagi rin niya ang kagustuhang iyon sa iba.
Naiisip mo ba kung anong mga mabuti at masamang dulot ng pagiging isang lingkod-bayan?
Nakasisiguro akong marami kang mabubuting dulot na naiisip, isa na riyan ang kaginhawaan sa pakiramdam dahil nakatulong ka sa kapwa. Pero mayroon bang masama? Ayon kay Ma’am Elena, nagdudulot ito ng pag-iisip na nais mong ganoon rin ang isipin at saloobin ng iba. Lahat ng tao ay may iba’t ibang pananaw sa buhay, at ang iba’y pagbabagong nais nila, hangad namin ang pagbabagong pakinabang ng pangkalahatan. # maaaring hindi maniwala o sumang-ayon sa iyong opinyon.
“Just have a heart,” payo ni Ma’am sa mga nais ring maging katulad niya, nagbibigay ng inspirasyon sa kapwa sa pamamagitan ng pagmamalasakit. Dapat na maging sinsero ang ating intensyon at ang tanging layunin lamang natin ay ang tumulong sa ating kapwa. Sa pagdamay sa ating kapwa, hindi kinakailangang malaki ang gawing pagtulong. Sa pamamagitan ng maliliit na bagay— katulad ng pag-alalay sa isang matanda na tumawid sa kalsada, o paggawa ng mga gawaing-bahay upang makatulong sa magulang— isa na rin itong pagtulong sa kapwa. Kinakailangan lamang ng integridad at kabutihan ng puso. Ika nga ni Ma’am Elena, kung naglilingkod ka sa para sa kapwa, hindi ka man yayaman pagdating sa pera, ngunit mayaman ka naman sa kaligayahan.
Agosto 2022 Hulyo 2023

