
2 minute read
MAKAKAMUra MAPAPAMURA? O


Advertisement

Nagsisitaasan nanaman ang presyo ng mga bilihin. Pagkain, petrolyo, tubig, matrikula, kuryente at iba pa. Mahirap nanamang pagkasyahin ang kakarampot na sinusweldo ni nanay at tatay. Sa mga establisiyimento, tataas nanaman ang mga bayarin. May solusyon pa kaya ang Patuloy na pagtaas ng mga bilihing ito? May m gagawa pa kaya tayo?
Sa paaralan, sa tingin ko ay oo. Isa sa pinakamalaing pinagkakagastusanng pamahalaan ay ang mga pampublikong paaralan. Kabilang naman sa pinopondohan sa paaralan ay ang pang operasyong gastusin, isa na rito ay ang kuryente.
Dahil dito, isang paaralan sa NCR ang nakaisip ng isang matalinong hakbang upang mabawasan ang kanilang gastusin sa kuryente. Ito ang Sitero Francisco Memorial National High School sa barangay Ugong, Lungsod ng Valenzuela. Kanilang inilunsad ang paggamit ng Solar energy upang ilawan ang siyam na silid aralan sa paaralang ito. Ang nasabing proyektong ay isa sa mga pangunahing proyektong inilunsad ng kanilang punongguro na si ginoong Cesar Villareal at ang pinuno ng departamento sa agham na si ginoong Jameson Tan. Ang solar panel ay isang kagamitan na kung saan ay isinasalin nito ang enerhiyang nakukuha sa araw upang maging kuryente. Ito ay binubuo ng mga partikel na tinatawag na photons na siyang nagpapagana at nagsusuplay ng kuryente sa daluyan nito. Maraming magandang dulot hindi lamang sa paaralan kundi sa ano mang establisimyento ang paggamit ng solar panel. Una na rito ay makakabuti ito sa kalikasan sapagkat ito ay hindi gumagamit ng nuclear power na nagreresulta sa pagkakaroon ng nuclear waste na siyang masama sa kalusugan at kalikasan. Isa pa rito ay mas makakamura ang mga gumagamit nito sapagkat ito ay gumagamit lamang na natural na yaman ng kalikasan, na kungsaan ay mula sa pangalan nito na solar o ibig sabihin ay araw. Ayon din sa datos na nakalap sa loob ng paaralan, 67% sa kabuoang populasyon ng mga estudyante ang pabor sa pagkakaroon ng solar panel appliances dahil sa laki ng maaaring maging tipid ng paaralan sa nasabing proyekto. Habang ang natitirang 33% naman ay hindi sangayon sa programang ito dahil tinatayang laki ng gagamiting pondo para sa pagtatayo ng ganitong makinarya sa loob ng ating campus. Isa sa kuryenteng nakukuha sa paggamit ng solar power o energy ay tinatawag narenewable energy. Ito ay mas mura kumpara sa nakasanayan nating pinagkukunan ng kuryente. Ayon sa pag-aaral, sa paggamit ng solar panels maaari tayong makatipid ng mahigit kumulang sa 8,000 piso kada buwan o 100,000 sa loob ng isang taon. Ang karaniwang bilang ng taon na itinatagal ng mga solar panel ay 25 taon ayon sa pag-aaral. Kung iisipin na lamang natin kung gaano kalaki ang matitipid natin sa paggamit nito ay sana noon pa lamang ay naimbento na ito. Kaya’t hindi ka talaga magdadalawang isip sa tipid na makukuha mo sa paggamit ng solar panels. Marapat lamang na ito ay gam tin sa mga establisimyento kagaya na lamang ng paaralan. Tayo man ang bumubuo ng buwis na siyang ginagamit ng gobyerno upang tustusan ang mga pampublikong sangay, responsibilidad pa rin nating magtipid upang mas mailaan ang sumusobra sa mas importanteng bagay. Gawin nating normal ang enobasyon, maging
