
1 minute read
UGBOsog

Init ng hangin ang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lamang sa covered court ng aming paaralan. Ingay dito, ingay doon at siksikan ng mga estudyante ang masasaksihan mo sa paglilibot. Tila ba ay mahihilo ka dahil parang naging palengke na ang paligid mo. Ano ba ang kaganapan dito?
Advertisement
“Ate, bili ka na ng buko pandan sa’min para maubos na.” Isang pakiusap ng kamag-aral kong nakasuot ng apron. Kitang kita ang tagaktak ng pawis mula sa kaniyang noo papunta sa leeg dahil sa pagod. Ganon rin ang ginawa ng iba upang hatakin ang ibanga estudyante papunta sa kanikanilang booths.
Agad kong nilapitan ang mga kaklase kong nangunguna para sa aktibidad na isinasagawa upang kausapin. Tugon nila, isa itong programang tinatawag na Urban
Gardening & Bazaar Opening o UGBO na kung saan magiging kasanayan ito ng mga estudyante sa food and service na magamit ang kanilang mga natutunan. Tanging tango na lamang ang aking naibigay habang tumitingin tingin sa nakapalibot dito.
Iba iba ang mga uri ng pagkaing inihahain sa bawat booths, para bang mapapagastos ka sa sarap ng mga inaalok. Totoong nakakatuwa dahil makikita talaga ang tiyaga nila magluto habang magiliw na kinakausap ang mga mamimili. Nakakapagtaka lang kung pano nila ito napapagsabay lalo na kasama ang pagod at mainit na paligid.
Nakapanayam ko rin ang presidente sa TLE Club upang tanungin ang proseso sa pagsasagawa ng aktibidad, “Matagal at maraming paghahanda ang ginawa namin rito upang maging masaya yung UGBO, marami kasing kailangan asikasuhin.” Masasabi ko na nagtagumpay ito base sa ngiti at simot na mga paninda.
Malaking repleksyon sa akin na iba iba tayo ng hirap na kinakaharap sa ating mga asignatura. Katulad na lang ng UGBO na siyang nilaanan ng maraming pagsisikap upang mairaos ang aktibidad. Maging inspirasyon natin ang mga kasapi sa food and services na naging susi ang pagiging positibo sa kanilang pagtatagumpay. #