

ANG MANDARAGIT
‘Pagaspas ng Kabataan, Pugad ng Katotohanan’
Tomo XL | Blg. l | Hulyo 2024 - Enero 2025


BAWASAN ANG PLASTIK!
HULOG MO BOTE MO! - Buwan-buwan, ang Yes-O Club ay nagsasagawa ng Eco-Saver na kung saan iniipon ang mga nakolektang plastic bottles at ibinibigay sa assigned junkshop sa QC kapalit ng Yes-O funds na naging daan upang maging Best Green School sa Lungsod Quezon. (larawan mula sa: NEHS Yes-O Club)

Plastic-free Mondays Project Wagi sa QC Green Awards
Upang masolusyonan ang lumalalang suliranin sa Climate Change at maengganyo ang mga mamamayan ng Lungsod Quezon na gumawa ng aksyon para pangalagaan ang kalikasan, inilunsad ang programang QC Green Awards mula pa noong taong 2023.
Kaugnay nito, tumugon ang Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) sa pamamagitan ng programang ‘Plastic-free Mondays’ na kung saan nakamit ang parangal sa isinagawang Quezon City (QC) Green Awards 2024 nitong ika-28 ng Nobyembre sa Meeting, Incentives, Conference & Exhibits (M.I.C.E.) Center ng Lungsod




Quezon.
Kasamang tinanggap ng PSNE sa pagkapanalo ang tsekeng nagkakahalaga ng 300,000 pesos mula sa lokal na pamahalaan ng QC.
Sa proyektong ito hinihikayat ang lahat ng mag-aaral na gumamit at magdala ng mga reusable tumblers, lunch boxes at utensils tuwing araw ng lunes.
Pinangunahan ng mga guro sa Agham na sina Christine Mae P. Cadiz (Club Adviser), Alwin Alfaro (Co-adviser) at Cecilia Canezo (Former Adviser) at ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) Club ng nasabing paaralan.
‘Waste-to-energy Bill’ Solusyon sa Flood Control -PBBM
Malaking tulong ang ginagampanan ng Waste-to-energy bill sa flood control ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 6th Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa Malacanang Palace noong Setyembre 25.
Mahalaga ang proyektong ito upang makontrol ang baha sa bansa dahil nababawasan nito ang mga basura na bumabara sa mga kanal at nagdudulot ng baha tuwing may bagyo.
Ayon kay Marcos, nabawasan ng 40% ang pagbaha dahil sa proyektong ito kaya dapat na ipatupad ito sa mga Local Government Unit (LGU).
Sinisiguro naman ng Department of Energy (DoE) na makokontrol nila ang emission levels nito gamit ang mga makabagong teknolohiya upang masigurong hindi ito makasisira sa kalikasan.
Samantala, nakiisa ang Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) sa pagbabawas ng mga negatibong salik na naka-aapekto sa pagbaha sa pangunguna ni Dr. Anita Bohol, punongguro ng nasabing paaralan. Ipinapatupad niya ang tamang pagtatapon ng basura sa mga mag-aaral na siyang palagi nitong pinapaalala tuwing Flag Raising Ceremony.
Malaki din ang tulong ng proyekto ng YES-O club na Plastic-Free Monday sa pagbabawas ng basura kaya plano niya na dapat araw-araw nang magdala ng sariling baunan ang mga mag-aaral.

Nasa 79% ang mga estudyanteng aktibong nakikilahok sa nasabing proyekto na nagresulta sa pagbaba ng plastic waste ng nasabing paaralan sa kabuoan.
Kasamang pinarangalan sa ‘school category’ ang St. Theresa’s College Quezon City, Commonwealth High School at Jose P. Laurel Senior High School.
Kabilang din ang iba’t ibang piling baranggay, negosyo, ospital at mga organisasyon sa mga nakatanggap ng parangal para sa mga proyektong nakatutulong sa pagpapababa ng negatibong mga epekto sa kalikasan at pagsugpo sa climate change.
PAGTULONG SA KAPUWA - Nagpakita ng pagmamalasakit ang SSLG sa PSNE sa mga residenteng nasalanta ng Bagyong Pepito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga relief goods.

Sa pag-alis ng Bagyong Pepito nitong ika-18 ng Nobyembre, naiwan ang mga anino ng pananalasa—mga naguhong tahanan, putik sa paligid ng mga kalye’t lansangan, at puso ng mga mamamayang puno ng pag-asa.
Upang makatulong, naglunsad ng isang donation drive ang Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) upang mabigyan ng tulong ang mga nasalanta ng nasabing bagyo.
Hinihikayat ang lahat na magkaisa at magbigay ng donasyon tulad ng pagkain, tubig, damit, kumot, hygiene kits, o pinansyal na suporta.
Maaaring makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng mag-aaral, magulang, at guro para sa detalye ng pagbibigay ng donasyon:
- Allyson Ashley Campano o Mr. Genesis Ian Fernandez (para sa mga mag-aaral)
- Ms. Aileen Bernal (para sa mga magulang)
- Ms. Nedie Bataller (para sa mga guro)
Ipinapaalala sa atin na sa ganitong panahon ng pagsubok, makapagbibigay ng pag-asa at lakas ang bawat tulong, gaano man kaliit o kalaki.
ni: Aeona Andaya
ni: Latisha Soriano
larawan: SSLG
ni: Genika Quilana
ANG MANDARAGIT

Matapos ang tatlong linggong pagtitiyaga, mahusay na naipasa nina Ralp B. Dimasilan at Daphny Joy B. Tumala ang Goethe-Zertifikat A2 Exam sa Munich, Germany.
Mental Health ng Erans Tututukan
ni: Genika Quilana
Para matulungan ang mga mag-aaral sa Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) laban sa posibleng mga problema sa pagkalusugang mental, napili ang Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) na magsagawa ng Children and Adolescents Risk Screener (CARS) Project na isang sarbey upang masuri ang mental health ng mga mag-aaral sa nasabing mataas na paaralan.
”We’re very lucky na napili tayo kasi ngayon pa lang, maiimplement na natin, mase-secure na natin yung mental health ng mga bata natin.” Saad ni Gng. Pamela Edangal, head teacher.
Mas maiintindihan ng bawat teacher kung anong pinadadaanan ng bata base sa magiging resulta ng CARS at matulungan sila, ayon muli kay Gng.
Edangal.
Nasa adviser ng isang klase ang pasya kung kailan pasasagutan ang sarbey depende sa ‘mood’ ng mga estudyante.
“Hindi kasi ito bastabasta, hindi pwedeng ipa-test [sa mag-aaral] nang gutom, hindi rin pwedeng uwian dahil baka lokolokohin ang sagot.” Ani Gng. Edangal.
Katuwang ng PSNE ang
UNILAB, UNICEF, DOH at Bayanihan for Well-being sa ‘on-going’ na proyekto. Napamahagian na ng waiver ang mga magaaral kung saan nakasaad kung payag ba o hindi ang magulang na sumailalim sa CARS ang kanilang mga anak.
Ayon kay Gng. Edangal, wala pa namang magulang ang hindi sumang-ayon dito.
Interact Club Kinumusta ng DIR
Binisita ng District Interact Representative (DIR) ang
Paaralang
Sekondarya ng New Era (PSNE) noong Disyembre 11, 2024. Nilalayon nila sa kanilang pagbisita ay masiyasat ang iba’t ibang proyektong ginawa at patuloy na ginagawa ng Interact Club (IAC) sa ating paaralan.
Kinumusta rin nila ang kalagayan ng mga miyem- bro ng IAC na naging daan naman upang makita rin ang kabuuang estado ng paaralan. Puspusan na ang naging pagha- handa ng IAC bago pa man ganapin ang nasabing programa.
Pinangunahan ito nina District Interact Repre-
sentative Ivan Jae Villasis, Magical Interact President Sabrynna Fiona Limbaga, at Gng. Cherrybeth Estabillo bilang
kanilang guro tagapayo.
Ayon kay District Interact Secretary Joshua Enriquez, mahalaga ang ganitong uri ng proyekto upang matiyak na magkakaroon ng kabuluhan ang mga proyektong isinasagawa ng IAC.
‘Deutsch Geniuses’: 2 Erans nakapag-uwi ng Sertipiko mula sa Germany
ni: Khurshanne Francisco
Matagumpay na naipasa nina
Daphny Joy B. Tumala at Ralp B. Dimasilan mula sa ika-10 na baitang ang Goethe-Zertifikat A2 Exam ng Goethe-Institut matapos ang maikling panahon ng pag-aaral sa Munich, Germany.
Namalagi ang dalawang Erans sa ibang bansa sa loob ng tatlong linggo at nang tuluyang nakauwi sa Pilipinas ay dala-dala nila ang sertipiko na simbolo ng kanilang pagpasa sa kinuhang eksamen.
Isa sa dahilan ng kanilang tagumpay ay ang masigasig na pagtuturo ni G. Jose Antonio Gumabay na siyang may hawak sa German Language Program ng paaralan at naging guro nila sa pag-aaral ng Deutsch. Nagsilbing kaagapay naman ng dalawang
estudyante si Maam Fionah Abanilla nang sila ay saglit na namalagi sa ibang bansa. Taon-taong ginaganap ang pagpapadala ng mga estudyante mula sa PSNE patungo sa Germany, ito ay dahil sa suporta ng GoetheInstitut Philippinen na siyang umaagapay sa Deutsch Class na isang ganap na asignatura sa nasabing mataas na paaralan.
Hinahasa muna nila ang mga ito sa kakayahan ng pagsasalita, pakikinig at pagsusulat sa lenggwaheng Deutsch, bago tuluyang ipadala at mag-aral sa ibang bansa.
Dagdag pa dito, matapos ang matagumpay na pangunguna nina Tumala at Dimasilan sa pagkuha ng A2 Exam, napagtagumpayan din ng 11 pang Deutsch Students mula sa PSNE ang kani-kanilang A1 Exam noong Oktubre 14.

ang 'Soroptimist International of Commonwealth'
para sa mga kababaihan sa pangunguna ni Dr. Zenaida Perico Friolo noong Ika-21 ng Nobyembre sa PSNE.
Soroptimist International Commonwealth Bumisita
ni: Ashley Cortes
Bumisita ang

Soroptimist Internatinal commonwealth sa Paaralang
Sekundarya ng New Era (PSNE) para sa kanilang Dream it, Be it Program na idinaos sa AudioVisual Room (AVR) ng paaralan noong ika-21 ng Nobyembre.
Isinagawa sa kanilang programa ang seminar para sa Girl’s Empowerement: Comprehensive
Sexuality Education at Mental Health Awareness, free eye check-ups, at namahagi ng foods at learning kits para sa mga mag-aaral.
Isinagawa ang programa ito bilang parte ng National Children’s Month Celebration kabilang na ang diskusyon patungkol sa Teenage Pregnancy at ang pagsasagawa ng mabuting pagdesesisyon at magandang leksyon patungkol sa magbuo ng pangarap, napuno ang AVR ng

kasiyahan dahil sa mga palaro, sayawan at tawanan. Dinaluhan ito ng 150 kababaihang mag-aaral ng Grade 9 pati na rin ang volunteers at mga guro. Ayon kay Gng. Villate ang presidente ng organisasyon ang kanilang organisasyon ay talagang naghahangad na makatulong lalo na sa mga kababaihan at kabataan na matulungan sila sa pagkamit ng magandang
kinabukasan.
“Talagang ginawa ang klab na ito para sa kababaihan, halos lahat ng members puro babae, gusto naming makatulong lalo na sa pagaaral at pagbuo ng mga pangarap ng kabataan,” ani Gng. Villate Sa kabila ng pagod dahil sa pakikilahok, ang programang ito ay tiyak na nagbigay ng magandang karanasan sa bawat mag-aaral at inspirasyon para ipagpatuloy ang pangarap.

ni: James Garcia
PAG-AALAGA SA PANINGIN. Nagbibigay
ng libreng checkup
larawan: Marc Banag
larawan: Sir JA Gumabay
KUMUSTA
ANG MANDARAGIT

Batang Erans tunay na maipagmamalaki!
ni: Jerleen Bernal
KLARONG MATEMATIKA. Masayang nakiisa ang mga estudyante sa idinaos na 'Math Fair' na pinangunahan ng Departamento ng Math sa PSNE sa Cover Court noong ika-24 ng Enero.
Erans idinaos ang Math Fair
ni: Genika Quilana
Matapos ang matagal na paghahanda, matagumpay na idinaos ng mga magaaral ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) ang ‘Math Fair’ na inorganisa ng Math Department noong ika-24 ng Enero.
Konsepto nitong palawakin ang utak ng mga estudyante at linangin ang kani-kanilang kaalaman sa Sipnayan sa pamamagitan ng mga booths na inihanda ng baitang 8-10, seksyon 1 at 2. Nagsilbing facilitator ng program ang Math Club kaagapay ang mga estudyante mula sa mga baitang 10, 9, at 8 mula sa pangkat Newton at Boyle upang mas maging organisado at kaaliw-aliw ang naturang event.
Aminado naman ang mga facilitators ng mga booth na labis na nakakapagod ang naging event ngunit hindi maitatago ang kasiyahang nadama nila habang nangunguna sa pamamahagi ng kaaliwan sa Erans.
“Grabe, totoong nakakapagod talagang mag-entertain at magpalaro sa booth na ginawa namin pero nakakawala rin ng pagod pag naiisip namin na dahil dito, nawawala ng kahit kaunti yung stress ng mga school mates namin,” saad ni Samantha Sabido, Grade 10.

PABONGGAHAN! Iba't Ibang kasuotan ang pinasiklab ng mga kalahok na esudyante sa PSNE sa isinagawang 'Mr. and Ms. United Nation' na pinangunahan ng Departamento ng AP sa PSNE noong Ika-30 ng Oktubre.
Erans Nagpasiklaban sa Mr. and
Ms. UN
ni: Nashruddin Mangorobong
Ibinida ng top 30 contestants ang kanilang mga kasuotang gawa sa recycled materials sa paligsahang Mr. and Ms. United Nations na isa sa aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Araling Panlipunan sa Covered Court Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) noong Oktubre 30.
Naging hurado ng paligsahan sina Gng.
Nedie Bataller, MAPEH Teacher; G. June B. de Guzman, Administrative Officer IV; at Edna O. Moralejo, Culiat High School Master Teacher I.
Naging basehan ng hukuman sa pagpili ng magwawagi ang kanilang mga kasuotan at mga kasabihan.
Sinimulan ang programa sa makabayang awit na pinangunahan ni Gng. Margie F. Ruetas at panalanging pinangunahan ni Gng. Florence Ellen Rose Mercado. Sinundan naman ito ng tulang
prinesenta ni Akiko Armenia mula sa 8-Newton at paunang pananalita ni Dr. Anita Bohol, punongguro ng PSNE. Naunang pinarangalang wagi sa Best in Costume base sa audience sina Mr. Philippines at Ms. Thailand.
Limang pares naman ang itinanghal na Top 5, samantalang grand winner sina Mr. South Africa at Ms. Thailand. Pinangunahan ng mga tagagdaloy na sina John Kenneth del Rosario at Khurshanne Francisco ang buong palatuntunan.
abilang sa mga nakasali bilang top 10 finalist sa Quezon City Council for the Protection of Children (QCCPC) si Briana Kate Z. Nuique, isang magaaral ng New Era High School na dumalo nitong ika-25 ng Nobyembre, 2024.
Layunin ng programang ipinatupad ni QC Mayor Joy Belmonte na mapahalagahan ang boses at karapatan ng kabataan.
Nilahukan ito ng mga estudyanteng child representative na may edad 10-15 mula unang distrito hanggang ikaanim na distrito na nasa 142 baranggay.
Lahat sila ay may naipakitang dedikasyon na kaya nilang maging isang kinatawan sa boses ng kabataan.
Nakapasok si Briana sa shortlisted, dumaan sa pasahan ng files, videos, at interviews hanggang sa makuha siya bilang isa sa

mga top 10 finalist.
Ayon kay Briana Kate Z. Nuique, hangarin niya na maiharap ang adhikain ng bawat bata para sa mas matatag na hinaharap.
“Maipakita ko ang tunay na malasakit ng mga bata para maging mabuting batang QC para sa mas maganda at maunlad na bukas,” aniya.
Ilan pa sa kaniyang adhikain ay marinig ang kanilang suliranin lalo na ang “Best Interest of a Child” at ibigay ang apat na karapatan ng bata na may kaakibat na resposibilidad.

ni: Chliz Lucilla
IPAGLABAN PARA SA KAMALAYAN. Nagsamasama ang mga erans sa program para mabigyan ng kaalaman ang kapwang estudyante tungkol sa Anti-Bullying, noong Desyembre 3, 2024 sa pamamagitang paglibot sa buong paaralan.
Pni: Khurshanne Francisco
angatlong taon nang isinasagawa ang pagsigaw at paghiling ng mga mag-aaral sa PSNE, taon-taong pangako tuwing Disyembre na makikibaka para mawakasan ang pambubulas. Naglalakihang mga poster at slogan ang ipinarada ng mga estudyante mula sa ika-8 at ika-10 na Baitang upang suportahan ang kampanya na tumutuligsa rito.
Pormal na nagsimula ang paglalakad sa buong paaralan matapos magkaroon ng isang maliit na programa, kalakip na ang pagkanta
sa opisyal na Anti-Bullying Song ng mataas na paaralan.
“Ang daming kaso sa Guidance, lalo na ang maliliit na Grade 7, kaya nakakatuwa na marami tayo ngayon. Ipakita nating hindi bully ang mga taga-New Era.” ani ni Dr. Bohol Sa kabila ng kaliwa’t kanang gulo at away, pati na rin ng mga kaso sa pagitan ng mga mag-aaral, mas pinagtibay pa ng programang ito, ang values na dapat at nais iparating. Umabot sa mahigit isang oras ang naging parada, sapat upang idiin sa mga estudyante ng New Era ang isinisigaw ng mga kapwa magaaral.
larawan
larawan: Christine Galam
larawan: Marc Banag
larawan: Brianna Nuique
ANG MANDARAGIT
Para sayo po, titser!
Paggawa ng Vegetable Bouquet tampok na gawain sa pagsalubong
Dumating na naman ang araw na pinakahihintay ng mga kaguruan, ang araw kung saan halos matambakan ang kanilang mga lamesa ng mga bulaklak at malapit nang mabingi sa kakarinig ng mga sopresang pagbati mula sa kanilang mga pangalawang anak.
Upang maparanglan ang mga guro at mapakita ng mga magaaral ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) ang kanilang
pagkamalikhain, nagsagawa ng patimpalak ang TLE Club na ‘Vegetable Bouquet Making’. Ginanap ito noong Oktubre 1 kung saan hinikayat ang mga mag-aaral na gumamit ng sariwang gulay bilang likas na materyales sa paggawa.
Ang bawat bouquet na nilikha ay sumunod sa temang “Pagpupugay sa mga Guro,” na nagsusulong ng malikhain at epektibong paggamit ng mga gulay.
ng Teacher’s Day
Nilahukan ito ng bawat grupo ng tig-limang miyembro kung saan sila’y nagkaroon ng P500 na badyet para sa paggawa at pinapayuhan din na magdala ng dagdag na gulay o dekorasyon.
Nauna nang nagdaos ng pagsasanay online noong Setyembre 21 upang magbigay ng gabay sa paggawa ng mga bouquet ang mga kasali at itinakdang pasahan ang ika-30 ng Setyembre. Nagbigay naman ito mga ngiting abot

larawan: Rya Sophia Soyosa
IPAMALAS ANG KATAPATAN. Dalawang mag-aaral ang bumibili sa Honesty Store o mini store kung saan may mga produkto rito at susuri sa intergridad ng mga mag-aaral sa PSNE
Honesty Store bukas sa Erans
ni: Angel Cavile
Inilunsad sa Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) ang Honesty Store noong huling linggo ng Setyembre kung saan hindi na kinakailangan ng kahera upang makabili ng produkto.
Kinakailangan lamang ang pagpili ng iyong nais na bilhin at mag bayad ng sapat sa nakasaad na presyo sa nakatalagang kahon, kasunod ang paglista nito sa purchase log. Mabibili sa nabanggit na pamilihan ang mga pagkain, accessories at iba't ibang uri ng hygiene products.
Nagsagawa ang kongresista na si
Marivic Co-Pilar (MCP) sa pamimigay ng libreng P.E uniform nitong ika-16 ng Setyembre, 2024 sa covered court ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE).
Ayon kay Congresswoman Marivic Co-Pilar (MCP) ang kanyang layunin ay hindi
Pinangunahan ng Campus Integrity Crusaders Club (CICC) ang pagpapatayo ng Honesty Store kung saan sinusubok ang katapatan ng mga mag-aaral upang makatulong sa paghubog nito sa kanila.
"This is actually one of many projects ng CIC to investigate if the students of New Era High School has integrity and honesty by buying in the Honesty Store." saad ni Leenixia Estaquio, pangulo ng nasabing club.
Naniniwala ang CICC na ang integridad ang pundasyon ng buong paaralan.
ni: Phoebe Tapanan
lamang para sa kanyang posisyon kundi upang makapagbigay ng suporta at serbisyo para sa mga mag-aaral ng Quezon City. Nagpahayag ng kanilang taus-pusong paswasalamat ang mga mag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) matapos makatanggap ng libreng P.E uniform. “Masaya at ikinatutuwa ko

hanggang tainga sa mga guro nang ibigay bilang sorpresa pagkaraan ng Oktubre 1. Tumanggap ng sertipiko at mga ‘school supplies’ ang mga nagwagi bilang gantimpala at binahagi ang ginanap na aktibidad sa social media upang ipakita ang talento ng Erans na mga nagsilahok sa patimpalak.
ni: Rainzel Gabriel



Erans Pinaghahandaan ang ‘The Big One’
Kaalaman ang natatanging sandata na ating magagamit upang malabanan ang mga kalamidad na hindi natin inaasahan, ayon kay G. Christian Alanico mula sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMO).
Upang matulungan ang mga mag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) sa posibleng pagdating ng ‘The Big One’, itinuro sa kanila ang first aid at basic life support sa isang seminar na siyang pinangunahan ni G. Alanico noong ika-10 ng Enero.
Sinimulan ang programa sa pagpapakilala sa mga layunin ng magiging seminar sa covered court ng nasabing paaralan.
Ipinaliwanag sa mga estudyante ang mga depinisyon na mahalagang malaman, tulad ng hazard, disaster, at mitigation bago tinalakay ang mga sanhi ng mga kalamidad at kung paano ito haharapin.
“Mahalaga ang first aid orientation, basic life support, at kaalaman sa ‘The Big One’ para sa mga estudyante dahil tumutulong ito sa pagliligtas ng buhay, pagpapalakas ng kahandaan sa sakuna, pagpapababa ng panganib, at pagbuo ng responsableng komunidad.” saad ni G. Alanico.
Kasama ang ilang tagubilin na dapat laging may naka handang Go Bags at first aid kit kung sakaling magkaroon ng anumang sakuna.
Kasama ring nanguna sina G. Ricardo Castillo at mga guro mula sa A.P. Department habang dinaluhan naman ito ng mga pangulo ng bawat klasrum, GSP, BSP, SSLG, at CIC-YIA club members.
Garcia wagi
sa Sulat-Bigkas Talumpati
ni: Genika Quilana
Nag-uwi ng gintong medalya si James Carl Garcia, mag-aaral mula PSNE sa pandistritong patimpalak na Sulat-bigkas Talumpati na ginanap nitong ika-16 ng Oktubre sa mataas na paaralan ng Culiat.
Naging paksa ng nasabing patimpalak ang “Galing, Talino at Husay ng mga Kabataang Makabayan sa Diwang Matatag na Adhikain” na naglalayong patatagin ang nasyonalismo ng bawat kabataang Filipino.
ang isinagawang programa na ito dahil lubusan itong nakatulong sa mga mag-aaral na mabawasan ang kanilang mga gagastusin sa paaralan.” Ani Kaitlyn Ebio, mag-aaral. Pinangunahan ito ng mga guro at opisyal sa paaralan kaya’t matagumpay na isinagawa ang kaganapang ito.
Sa kabila ng pagkapanalo, aminado si Garcia na hindi naging madali sa kaniya ang paligsahang kaniyang sinalihan.
“Nahirapan [ako] pero nilakasan ko yung loob ko para makapag-uwi ng karangalan sa paaralan” pahayag ni Garcia.
Naglaban-laban sa nabanggit na paligsahan ang pitong paaralan na nagmula sa ika-anim na distrito.
“Ugat ng kalusugan, bunga ng kaunlaran” yan ang mga katagang iniwan ng TLE club sa kanilang isinagawang proyketong
“Pagtatanim at pag sasaayos ng gulayan sa paaralan” noong ika- 16 at 17 ng disyembre.
Sa pangunguna at pagsasanib-pwersa ng TLE club at ng TLE department
matagumpay na naisagawa ang proyektong ito na isinagawa sa roof top ng Bautista building kung saan ang gulayan ng paaralan.
Isinagawa ang proyekto para sa patuloy pag papalaganap ng kamalayan para sa mga
hamon sa ating kapalagiran at kalikasan. Isa ang proyektong ito sa mga programa sa ating paaralan na patunay na ang New Era High School ay isang environmental at green school sa ating bansa. Ayon sa mga nakilahok sa patimpalak na iyon ay nahirapan sila dahil sa tirik ng araw sa gulayan, dag-dag pa rito ang mataas na palapag ng gulayan kaya’t nahirapan na mag angat at mag baba ng gamit ang mga nakilahok dito. Gayunpaman ay hindi masyadong

ni: Justine Aldeguer
ni: Genika Quilana
larawan ni: Justine Aldeguer

Latisha Soriano
Isang Pananaw
SuspenDedma
Walang pasok! Kalat ang ganitong mga post sa social media tuwing may bagyo, minsan nga kahit malakas lang ang hangin ay ‘suspension of classes’ na agad ang nasa isip ng mga mag-aaral ngayon. Paano ba naman kasi, halos 20 bagyo ang tumatama sa Pilipinas na dahilan ng madalas na pagsuspinde ng pasok ng mga paaralan. Pero kung madalas na walang pasok, may matutunan pa ba kaya ang mga mag-aaral?
Ito ang naging reaksiyon ng mga matatanda sa palaging pagsuspinde ng gobyerno sa pasok ng mga estudyante. Giit nila na noong panahon nila ay hindi naman ganito at tuloy pa rin ang pag-aaral nila kahit bumabagyo na. Pero nagbago na ang panahon, iba na ang lakas ng bagyo ngayon. Kahit nga ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) #1 ay nagdudulot na kaagad ng pagbaha na dahilan para mahirapan ang karamihang sa mga mag-aaral sa kanilang pagpasok sa paaralan. Huwag naman nating ikumpara ang mga bagyo noon sa ngayon dahil iba na ang intensidad na dala nito. Pinatunayan ito ng ng Unibersidad ng Pilipinas sa kanilang pag-aaral tungkol sa mga bagyo na pinangunahan ni Dr. Gerry Bagtasa. Ayon sa kanila dahil sa mas mainit na ang mundo ngayon, nagiging dahilan ito upang mas lumakas ang dalang tubig ng mga ulap na nagiging dahilan sa mga mas malakas na bagyo. Ito ang dahilan kung bakit ang mga bagyong tumatama sa Pilipinas ay palaging nagiging dahilan sa pagkasira ng mga ari-arian natin. Hindi rin dapat maging dahilan ang mga walang pasok sa paaralan para hindi sila matuto, noong pandemya nga sa Covid-19 ay natuto sila ng hindi pumupunta sa paaralan.

Maaari naman na magsagawa ng online class ang mga paaralan para kahit hindi makapasok ang mga mag-aaral ay hindi masasayang ang kanilang oras at may matutunan pa rin sila kahit nasa bahay lang. Maaari ding magsend na lang ang kanilang guro ng kanilang mga gagawin online.
“Kulang sa sapat na rason na dahil sa ‘suspended’ na klase ay walang matutunan ang mga mag-aaral. Mas mabuti nang manatili sila sa kanilang mga tahanan kung saan ligtas sila sa mga kapahamakan. Sabi nga nila kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan
Nasa desisyon na ng mag-aaral kung gusto nilang matuto at hindi maging tamad dahil sa mga class suspension.

PABAGO-BAGONG KLIMA: DAPAT MAIBSAN NA!
Araw-araw nating kinahaharap ang isa sa pangunahing kalaban nating mga Pilipino. Sumasabak tayo sa nakapapasong init ng araw, at kung hindi taginit, malamang pagkalunod sa baha. Ang lahat ng ‘yan ay dahil sa lumalalang climate change.
Sa paglubha nito, maraming mga Pilipino ang tunay na apektado. May ibang dinadapuan pa ng mga sakit, gaya ng mga heat-ralated illness. Noong buwan ng Mayo, iniulat ng Department of Health (DOH) na tinatayang 77 ang dinapuan nang matinding karamdaman dahil sa init mula noong Enero hanggang huling linggo ng Abril. Pito sa bilang na ito ang nasawi bunsod ng matinding init ng panahon na naging sanhi ng heatstroke at pagka-atake sa puso.
Sa taon ding ito, nasaksihan ang hindi pangkaraniwang lakas ng mga bagyong tumama sa ating bansa. May pagkakataon pa ngang hindi pa lubos na humuhupa ang baha, may panibagong bagyo na namang papasok. Dahil dito, maraming ari-arian at buhay na nasawi.
Sa kabila ng mga negatibong epekto sa atin ng climate change, hindi pa rin nakikita ng gobyerno ang pinakamabisang solusyon para ibsan ang paglubha nito. May ilang
proyekto silang inilunsad gaya ng ‘Flood Control Project’. Layunin nitong ma-kontrol ang pagtaas ng baha na dulot ng mga bagyo. Nakita naman nating hindi ito lubos na napakikinabangan. Kung talagang may bisa ‘yan hindi malulunod sa baha ang ating mga kababayan.
Isa rin sa naunang solusyon na nakita nila noon ay ang ‘Jeepney Phase-out’. Kinatuwiran nila na sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga lumang jeepney, mababawasan ang polusyon na maaaring magpalala sa pagbabago ng klima. Isa na namang kalokohan! Parang hindi naman naibsan ang polusyon, sumablay na naman ang kanilang aksyon.
Maaari pang lumubha ang climate change ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA). Ibig sabihin, ang sitwasyon natin ngayon ay katiting pa lang sa maaari nating harapin sa mga susunod na taon. Kung ngayon pa lang taob na ang bansa,
LihamparasaPatnugot
MagandangMahalkongpatnugot, Araw! Akopoaysumulatsainyodahilnaiskopong sapurihinanginyongkasipaganatkontribusyon serbisyoatingpaaralan.Anginyongmganaging aynagbigayngmagandangresultasamasa.Nawa’ypatuloypo kayongmagsilbingmagandang ehemplosabayan. Nagmamalasakit, HeavenQuinto


TP 2024-2025
Josan E. Leal
Kapatnugot/Tagapaglapat
Latisha Lhorvin S. Soriano Tagapangasiwa/Agham
Khloe Ann J. Culminas Sirkulasyon
James Carl O. Garcia Patnugot ng Editoryal
Jayvee Bryan M. Tamayo Tagapaglapat/Panitikan
Genika B. Quilana Patnugot ng Balita
Nickalyn Dhenice C. Naive Patnugot ng Isports
Rya Sophia H. Soyosa Litratista/Tagapaglapat
Janine Aira V. Nicor Kartunista
‘di malayong lalo pa tayong masadlak sa hinaharap. Nararapat lamang na magawan na ito ng mabisang aksyon. Hindi mawawala ang climate change ngunit mapipigilan natin ang paglubha nito, at nararapat lamang na pangunahan ito ng pamahalaan.
Magpatupad ng mga batas upang pangalagaan ang ating kapaligiran lalo na ang ating kalikasan, gawing makatotohanan ang flood control project. At maganda ring mapangaralan ang bawat Pilipino ukol sa paglubha ng climate change at maituro ang mabibisang paraan upang mapigilan ang labis na epekto nito.
Buhay at kinabukasan ng bansa ang nakataya rito. Hindi tayo maaaring maging mabagal, bagkus dapat tayong maging maagap. Pagandahin ang sistema sa bansa para walang maging kawawa.
Maree Sandra Loreen P. Castillo Tagapaglapat at Tagapag-anyo ng pahina
lahat ng mag-aaral sa Ang Mandaragit mula ika-7 hanggang ika-10 baitang.
Gng. Ginalyn F. Abelo Gurong Tagapayo
Gng. Eleonora C. Daproza Puno, Kagawaran ng Filipino (OIC)
Dr. Anita S. Bohol Punongguro IV

MagandangnamingHeaven.
MahalLihammulasaPatnugot
Araw!
Nakaratingsaaminangiyongpapuriatlubos angkamingnagpapasalamatdahilnaalalamo aming nagingkontribusyonparasa sainyo.Makaaasakanghindikamititigil gingpaglalathalangmgabalitaatpagiAngNagmamalasakit,magandangehemplosamasa. Mandaragit


kartun ni: Janine Aira Nicor
Pamatnugutan
Khurshanne S. Francisco Punong Patnugot/Lathalain
ANG MANDARAGIT
Pagbabago
Wala na Siguro Silang Pakialam
Walang araw na hindi ko naaamoy ang masangsang na paligid, sa sobrang baho, tanging panakip sa ilong ang kailangan para makaligtas. Ano bang nangyayari sa bansa?
Maganda naman dati, pero ngayon talagang untiunti nang naluluma.
Lalo pang nalulugmok ang kalagayan nito dahil sa rami ng pinagdaraanang delubyo. Mababagsik na bagyo ang humagupit at patuloy na humahagupit sa bansa. Kaya naman, kung paguusapan ang lagay ng kalikasan, nakakaawa na lang talagang pagmasdan.
Napakalaki ng pakinabang ng kalikasan sa atin, lalo na sa bansa. Maraming Pilipino ang naghihirap ngayon, at kalikasan ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan. Nagbibigay hanap-buhay sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pa. Nakatatakot namang isipin na dahil sa kapabayaan, tuluyan na itong mawawala sa atin.
Napakarami kasing Pilipino ngayon na para bang ayaw
pangalagaan ang kalikasan. Tapon doon, kalat dito. Walang pakialam sa maaaring kahantungan ng kanilang kalokohan. Welcome sa Pilipinas! Ang bansang walang pangangalaga sa pinagkukunang-yaman. Partida, hindi mayaman ang bansa, pero ano bang pakialam diyan ng mga Pilipinong gusto lang itong sirain?
Nais po naming tawagan ng pansin ang mga ahensyang nangangalaga at namamahala sa kalikasan. Mukhang hindi na madadala ang mga Pilipino sa simpleng paalala na kalikasan, dapat pinangangalagaan. Tingin ko, ito na yung panahon kung saan dapat nang higpitan ang batas maging ang mga parusang ipapataw sa sinumang mahuhuling sumisira dito.
Puwede po ba na patunayan natin ang pagmamahal sa bansa sa paraang minamahal natin ang inang kalikasan? Maganda ang Pilipinas, at kung tutuusin, nais kong ipagmalaki sa mundo ang kagandahan nito. I guess totoo ang sabi-sabi, tayong mga Pilipino ang dahilan kung bakit pangit ang ating bansa.


“Nasa ating National Motto ang dapat na pagiging makakalikasan subalit anong nangyari? Tila baga wala nang pakialam ang mga Pilipino sa ating inang kalikasan. Sana naman ho kung kaya niyong magpost sa facebook ng kesyo igalang ang kalikasan lapatan po natin ng gawa at nang sa gayon ay magkaambag pa tayo.
Baradong Pangako
Danas ang Dumi sa Pinas

Sanay naman na tayo sa mga baradong pangako at napakong proyekto ng pamahalaan, ang kaso sana naman ay hindi kami minumulto sa sariling pamamahay, hindi ba? Yung tipong huwag naman sanang ang bumungad sa umaga, ay mga basurang dala-dala ng bahang pinabayaan nalang tumambay sa aming kabahayan.
Sunod-sunod na ang bagyong tumama sa aming bubong, ilang beses na ring nilikas ang mga gamit para lang ‘di maabutan ng maruming tubig. Madalas na ring napapaisip at kinakabahang baka masyado nang malakas ang ihip ng hangin at ang bahay ay maging panibagong arkipelago. Pero sino nga ba ang niloloko ko? Normal na tagpo nalang ito sa mga Pilipino.
Taon-taon nalang nagmimistulang Chocolate Factory ni Willie Wonka ang bawat baranggay, eh kung simulan na kayang i-boycott ang ganitong pangyayari at huwag magpadala sa matatamis nilang salita? Asan na ba ang mga propaganda para linisan ang mga kanal at magtatag nang malakas na Flood Control sa Pilipinas?
Idagdag pa ang pagmamayabang ni PBBM sa ginawang paghahanda sa limang libong lugar sa bansa ngayong taon, ngunit isang buong araw lang ng Bagyong Carina nawalang parang bula ang ipinagmamalaki niya. Umabot pa sa dalawampu’t isa ang namatay at ilang barangay na halos lumubog at kaya nang itangay ng baha. Aba, nasaan na ang trilyones na pondo para rito? Inanod na rin ba ng baha at sa ibang mga bulsa dumiretso? Siyam na taon na nang pasimulan ang paggawa ng napakaraming pumping station sa iba’t ibang parte ng Metro Manila lalo na sa Marikina City. Ngunit hanggang ngayon wala pa sa kalahati ng mga pinangakong resulta ang
nagpapakita sa mga kabahayang naninirahan dito. Pinirmahan pa ni Quirino ang proyektong ayusin ang mga daungan para ang mga tubig-ulan ay hindi maipon. Nagsilabasan pa ang nagpapalakas na mga Alkalde para ipangako ang mga pumping station sa kani-kanilang nasasakupan. Ngunit nagsasayang lang ata ng papel at tinta, dahil wala namang natapos ni isa sa mga pinanata. Ilan na ba ang mga naging tagapagmana pagkatapos ng termino nila? Lahat pa ay walang nagawa at ginagawa.
Sa ganitong panahon, ang tanging ligtas na lamang ay ang mga private subdivision. Samantalang kaming mga mahihirap na umaasa sa aksyon, unti-unti nang nasasanay sa ganitong sitwasyon. Tutal wala pa namang matagumpay na plano mula sa gobyerno, ito nanaman tayo at dustpan ang ginagamit para mapigilan lang ang patuloy na pagpasok ng basura at tubig sa kani-kaniyang tahanan. Hanggang kailan magiging tradisyon ang pagtitiis sa baha kung mag-iisang dekada na ang pinangakong solusyon at patuloy pa ring nakabara, hindi pa magawa-gawa? Hanggang kailan dadanasin ang mga duming tila hindi mawala-wala? Gumising na ho tayo sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa jingle nilang nagsilbi niyong lullaby. Kung ayaw niyong magdanas ay huwag niyong iparanas sa mga buwaya ang maupo sa puwesto.
kartun ni: Angel Eunice Dino
Kontra Buwaya
Bagong taon, papalapit na naman ang eleksyon—naisabuhay na ba ang mga leksyon?
Usap-usapan na naman ang papalapit na botohan, iniisip kung sino nga ba ang dapat na manalo’t uuwing luhaan. Ang tanging hiling ko lamang ay sana mahalal ang karapat-dapat na mangangalaga sa ating bayan. Pagboto; ito’y isang karapatan ng bawat mamamayan, karapatan na sana ay huwag ipagpalit sa isang kabang bigas o sa perang daan-daan.
Ngunit mayroon pa rin kasing mga tao na aakalain mong maganda ang intensyon sa iyo subalit ang totoo ay nais niya lamang na makuha ang boto mo. Karamihan sa mga nabibiktima nito ay ang mga mamamayang

Pumili ng Karapat-dapat
Pilipino na halos wala nang makain sa higit pa isang linggo.
May isa ngang Congressman, sinabi niya na may ibibigay siyang tulong pinansyal para sa mga tao, ngunit may kapalit pala na pagboto? Dagdag pa niya rito na kapag binoto mo rin ang kaniyang mga kaalyado ay triple na ang ibibigay niyang pera sa iyo.
Batay sa Comelec, maaaring i-report ng isang tao ang mga insidente ng vote-buying sa pamamagitan ng email, Facebook, Instagram, TikTok, at Twitter. Gayon pa man ay tunay na mahirap itong gawin dahil sino nga ba ang magsusuplong sa isang tatakbo kung siya naman ay may ibibigay na tulong?
Subalit sinasabi rin sa post ng ABS-CBN sa Facebook noong halalan 2022, hindi na raw
bago ang isyu na vote-buying na nangyayari dito sa Pilipinas.
Binubulag sa pamamamagitan ng pera ang mga taong halos tubig at asin na lamang ang makain at dahil sa hirap ng buhay at mga gastusin. Mga taong hirap na sa buhay ngunit sinong mag-aakala na ito ang gagamitin ng mga tatakbo upang manalo?
“Mahal kong Pilipinas, mahal mo ba ako? Malapit nang mabutas ang tsinelas, mahirap pa rin tayo.” Ito ang kanta na tila sapol sa ating mga Pilipino. Kahirapan ang kadalasan na nag-uudyok sa atin na pilit na iboto ang isang tumatakbo. Inaakalang makatutulong ito upang mabago ang ikot ng ating mundo.
“Pasensya na, kailangan na kailangan ko eh” Ito ang kadalasan na sinasabi ng ating mga

mamamayan na hindi naman natin masisi dahil na rin sa kahirapan.
Nais ko man na magkaroon ng magandang kinabukasan ang ating minamahal na bayan ay tila hindi na ito maisasakatuparan pa sa kasalukuyan.
“Sabay-sabay nating wakasan ang kahirapan!” Mga pangakong tila hindi natutupad, mga winikang kung saan-saan na napadpad.
Kaya sa nalalapit na pagboto sa mga gobernador at senador, piliin ang karapatdapat—hindi ang mga traydor. Huwag magpabulag sa mga binibitawan nilang pangarap, baka naman ang tiwala ay mauwi sa paghihirap.
Princess Valles
Lianne Sunga, 10 Newton
Ms. Raga Agatep, MAPEH
Bb. Janela Leal, FILIPINO
Napakahina po ng security sa ating paaralan kasi kahit nasa loob
- Sandra Castillo, 10 Darwin
Khurshanne Francisco
James Garcia
ANG MANDARAGIT

Huwag kang Huwad Bulgaran
Sobrang
malas talaga sa pakiramdam na may gustong-gusto kang malaman subalit wala kang ideya kung ano at sino ito. Mayroon bang kahit isa sa inyo na nakakakilala kay Mary Grace Piattos? Hinahanap kasi siya sa kongreso. Baka lang naman maalala at malaman niyo kung sino siya, nagmamaang-maangan kasi yung isa diyan. Sino kaya?
Kamakailan lang nang muli na namang mahalungkat ang isyu ng bise-presidente ukol sa kaniyang confidential funds. Inilabas na kasi ng Commission on Audit (COA) ang mga resibo na nagpapakita kung paano ginastos ang 125 milyong pondo sa loob ng 11 na araw. Naging agaw-pansin naman ang pirma ni Piattos sa ilang mga kongresista. Mukhang nag-aalinlangan pa nga si Rep. Romeo Acop kung totoong tao ba itong si Piattos. Isiningit niya kasing maaaring ito ay pangalan ng isang restaurant at brand ng potato chips. Aminin niyo, naisip niyo rin ‘yan. Ngunit akalain niyo ‘yon, pati sa mga dokumento ay no comment si VP. Partida siya ang puno’t dulo

na namemeke lang sila ng mga pangalan.
Nabuking din ang Chief of Staff ng OVP na si Atty.
Zulhueika Lopez matapos umano sumulat ng kahilingan sa COA na huwag maglabas ng report sa komite patungkol sa pondo. Inamin niya ring ang lahat ng ito ay alam ni VP. Dahil nga bistado si Atty, na-cite in contempt siya at nahulog sa detensyon ng House Of Representatives.
Masiyado nilang inaabuso ang kapangyarihang nakuha nila, alam kasi nilang bigating tao sila kaya todong-todo sa paggawa ng kababuyan.
Nagkakabukingan na talaga sila ng baho subalit wala pa ring nangyayari. Pwede bang pamahalaan na mismo ang
“The name is Mary Grace Piattos... Sa tingin mo, totoong tao ‘yan? Would you know na may restaurant na Mary Grace ang pangalan? At mayroon ding Piattos na brand ng potato chips” - Acop
ng pondong ‘yan tapos noong tatanungin siya ng mga reporter ukol dito ay bigla niyang sasabihin na wala siyang alam kung sino ang nag-asikaso at paano ang naging proseso ng pagpapasa nito sa COA. Hindi ba dapat siya ang mas may alam kung ano-ano ang mga nakapaloob dito. Minsan talaga mapapaisip ka nalang kung may problema na ba talaga siya sa utak. At talaga namang grabe ang pagiging VIP ni Inday sapagkat nag-ambagan na ang mga kongresista sa isang milyon bilang pabuya kung sino ang makapagtuturo kay Piattos. Kung tutuusin siya naman dapat ang makakasagot kung sino ‘yan, huwag niyo namang ipangalandakan sa publiko kung gaano kayo kasinungaling at kahina-hinala. Ani nga ng mga kritiko, may posibilidad


Sino sa inyo yung katulad kong naiirita na sa kasalukuyang pamahalaan? Yung tipong wala pa nga silang magandang napatutunayan, kapal pa ng mukha para makipag-away.
Parang si Vice President Sara Duterte na sukdulang ipinahahayag sa publiko ang kaniyang galit sa ating pangulo. Nang magsagawa siya ng press conference, lantaran niyang sinabi na talunan daw si Pangulong Bongbong Marcos Jr. Sandali nga… parang mali, wala pa naman siyang napatutunayan sa bansa, kung kaya’t saan siya kumukuha ng lakas ng loob para sabihin ‘yan?
Idinagdag pa niya ang kagustuhang pugutan ng ulo ang presidente dahil hindi umano nito binigay ang relo sa isang PMA cadette. Ang hilig namang makiepal ng VP sa mga problemang hindi naman siya kasali.
Nito namang nakaraang araw, kahit ako nagulat sa biglaang pagputok nang labis na galit ng bise. Pinagmumura niya ang pangulo at napakaraming pagbabantang sinabi. Nakalimutan na ata niya ang kaniyang posisyon.
Sa ginagawa niya, nagmumukha

gumawa ng paraan at tuluyan nang patalsikin ang mga kagaya ni bise. Problema lang kasi ang tanging ambag nila sa Pilipinas, habang parami nang parami ang atensyon na naibibigay sa kanila. Nagkakaroon sila ng pagkakataon para magkaroon ng maraming kuda at pangmamanipula. Kaya nga para sana tuluyan na silang maiwaksi, pare-pareho niyo na lang silang ipakulong.
May natitira pa ho ba kayong kahit kaunting hiya sa mga estudyanteng nanonood sa inyo? Sila ang mga susunod sa yapak niyo, pakiayos naman ang pag-uugali. Ang taas taas ng nakuha niyong ranggo sa gobyerno at dapat patunayan niyong kayo ay karapat-dapat. Huwag niyo namang takutin at impluwensiyahan ang mga kabataang naghahangad na mamuno sa bayan.
siyang tsismosang may napakagaspang na dila. Pinapaalala lang po namin na bise kayo at hindi isang siraulo. Huwag niyo namang patunayang nasisiraan na kayo ng bait.
Halos lahat maaaring mapanood ang video na ‘yon. Kung kayo ang pangalawang pangulo, hindi dapat ganyan ang makitang ugali sa inyo. Puno ng kalokohan! Galit kayo sa pangulo pero dapat na maging huwaran pa rin kayo.
Sino ba kasi ang walang utak na makikipagkampihan sa kaaway mo naman pala? Sa susunod na tatakbo kayo, talasan niyo sana mga isip niyo.
Sa ginagawa ng bise, binibigyan niya lang tayo ng dahilan para huwag nang pagkatiwalaan pa ang mga Duterte. Tatak na sa apelyidong ‘yan ang isang magaspang at walang kuwentang pinuno.
Andami-dami na ngang problema ngayon sa bansa. Palibhasa ‘di naman
Para kay Juan
niya nararanasan ‘yon kasi tuwing dumaraan diyan ang Pilipinas, nangingibang bansa siya para takasan ang kaniyang responsibilad. Mga Pilipino pa ang naagrabyado sa pagboto sa inyo.
VP Sara, kung talagang ayaw mo na sa administrasyon, libre namang magbitiw sa puwesto. Kung ganiyan lang naman yung mangunguna sa amin, ‘di na kami aasa na gaganda pa ang bansa.
Unti-unti nang naaayos ang sistema sa Kagawaran ng Edukasyon magmula noong umalis ka, at hindi malayong maging mapayapa rin ang bansa kung tatalikod ka na sa pagkabise presidente.
Huwag niyo nang balaking tapusin ang nalalabing taon ng inyong termino. Wala naman kayong napapatunayan kaya hindi na namin kayo kailangan. Ipagpatuloy niyo ang galit niyo sa pangulo, pero bitiwan niyo muna ang puwesto, period!
Buwaya sa Sakahan
Nagmistulang walang sariling taniman ang Pilipinas dahil sa walang katapusang pagpasok ng imported na bigas sa bansa. Maipagmamalaki pa ba nating isa tayong ‘agricultural country’ kung mismong sakahan nati’y hindi mapunan? Palibhasa kasi walang natupad sa bente pesos na pangako ng pangulo kaya nandito na naman tayo naiipit sa nakakaaray na presyo.
Sa rekomendasyon ng National Price Coordinating Council, idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang Food Security Emergency sa kondisyong mayroon nang kakaibang pagtaas sa presyo ng bigas. Kung tutuusin matagal nang iniinda ng mga Pilipino ‘yan ngunit hindi mapakinggan ang sigaw ng taumbayan. Kasi nga halos kung sino pa yung inaasahang kasangga natin, sila pa yung nagbibingi-bingihan.
Masiyado kasi nilang inuuna yung mga planong nakatarget lang sa kakaunting mamamayan. Gaya ng pangungurakot sa mga pinipirmahang pondo na galing sa kaban ng bayan. Kung ako ang tatanungin, mas mainam na unahin muna nilang isipin ang kapakanan ng mga nagugutom sa laylayan. Masasanay kana lang talaga sa kakarampot na suporta kahit pa sa mga susunod na araw, butas na naman ang bulsa.
Palibhasa kasi wala silang sapat na pagpaplano kung paano mapapalago
Huwag sa Buwaya
Halalan o Katuwaan?
Nalalapit na naman ang eleksyon. Maririndi na tayo ulit sa mga pangakong paulitulit na lang naririnig pero hindi naman natutupad. Paniguradong marami na namang Pilipinong mabilis na magpapauto. Lalo ngayon na maraming sikat na personalidad ang nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) sa
Commission on Election (COMELEC). Isa na rito si Rosmar Tan na tatakbo sa pagiging konsehal. Kahit nga ang may-ari ng diwata pares na si diwata ay tatakbo rin. Sa napakababang standard ng COMELEC, ang isang seryosong eleksyon ay tila nagiging komedya na. Gustuhin man ng iba na iboto yung kandidatong sa tingin nila’y maaasahan, mas pipiliin
naman ng iba na magpauto sa kandidatong tanyag ang pangalan.
Isa sa pamantayan ng COMELEC para makatakbo ka sa halalan, ay dapat marunong sumulat at bumasa. Kung titignan natin yung mga nag-file ng COC, pasok naman na sila sa banga. Pero paano yung kakayahan nila sa pamumuno? Kakasa rin kaya? Iyan ang dahilan bakit
ang sarili nating ani. Asa nalang nang asa sa ibabagsak ng kalapit na bansa. Wala nga tayong kakulangan sa bigas. Mabubulok naman ito sa mga sako kasi walang pwersa ang lokal na produksiyon. Hindi rin kasi naiintindihan ng ibang ordinaryong mamamayan ang proseso kaya nasasanay na lang sa itinatakdang presyo.
Mas mura nga naman kasi kung sa world market sila bibili at syempre may mga swapang na mamanipulahin ang halaga nito at ibebentang napakataas ang presyo. Hindi ko na rin talaga maintindihan kung may kakampi pa ba ang mga magsasaka sa bansa. Wala ngang ahensiya sa gobyerno na pwedeng lapitan kasi pare-pareho lang naman silang kurakot.
Kahit may naisip na silang solusyon, hindi maikakailang pansamantala lamang ito. Malulugi pa rin ang mga magsasaka at mapipilitang babaan din ang presyo ng palay para kumita. Kung maayos lang sanang tinutukan
dapat itaas ng COMELEC ang kanilang standard. Bakit niyo naman hahayaang tumakbo ang isang taong wala namang kaalaman sa pamumuno? Hindi ko naman sinasabing walang kakayahang mamuno ang mga nag-file ng COC, ang gusto ko lang sabihin, kapag nanatiling mababa ang kanilang pamantayan, ‘di maglalao’y ang halalan ay magiging isa nang kalokohan. Gusto niyo bang mapamunuan ng mangmang? Kinatuwiran naman ng COMELEC na karapatan ito ng mga tatakbo, at isa pa, tayo
ang problema sa agrikultura, walang maiiwang luhaan sa mga bukiran. Masiyado nang maraming nailuklok na gahaman sa pamahalaan kaya nahihirapan tayong ipaglaban ang ating mga karapatan. Kahit nga yung pangunahing pangangailangan natin hirap na ring abutin. Imbes na ‘yan ang dapat maging abot-kaya, mapapamura kana lang talaga kasi hindi na rin kinakaya. Lilinawin lang ho namin. Mura po hindi mapapamura. Nasaan na yung ‘critical driver’ ng ekonomiya na sinasabi ng pangulong Ferdinand Marcos Jr. (PBBM)? Nalipasan na po ng gutom ang mga estudyanteng kagaya ko. Sana naman isaalang-alang niyo yung kapakanan ng lahat. Huwag yung kayo-kayo lang sa puwesto ang nakikinabang. Tigilan niyo na ang mga pondong bulsa niyo lang ang mabubusog. Ilaan niyo ito sa mga magsasakang nangangailangan ng inyong suporta!
ang mamimili ng magiging pinuno. Mukhang hindi pa rin ata kilala ng ahensyang ito ang mindset ng mga Pilipino. Ipinaaalala lang po naming marami ang madaling mauto dito sa bansa.
Tuloy-tuloy ang pagdating ng mga problema sa Pilipinas, kaya mas kailangan natin ng maaasahang pinuno. Nananawagan kami sa COMELEC na magsiyasat pang maigi sa mga kandidatong tatakbo, para pagtapos ng halalan, walang

Josan Leal
James Garcia
James Garcia
Josan Leal
ANG MANDARAGIT
Tamang Panahon Para sa mga Hamon
Masasabi nating isang matapang na hakbang ang ginawa ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) matapos mapagpasiyahang ibalik ang lumang kalendaryo ng klase para sa taong panuruan 2025-2026. Isa sa layunin nitong maihanda tayo sa mga hamon ng sistema ng edukasyon sa ating bansa. Bagama’t nagdulot ito ng iba’t ibang reaksyon, ang pagbabagong ito ay naglalayong maibalik ang tamang pakikiayon ng ating kalendaryo sa klima at kulturang Pilipino.
Sinimulang ilipat ang pagsisimula ng klase taong 2020; ito’y upang umangkop tayo sa pandemyang nararanasan at maihanay ang bansa sa pandaigdigang kalendayo ng akademya. Gayunpaman, nagdulot ito ng mga hamon, tulad ng pagtitiis ng mga mag-aaral at guro sa matinding init ng panahon tuwing tag-init habang nasa loob ng kulang sa bentilasyong mga silidaralan. Bukod pa rito, ang mga buwang Hulyo at Agosto, na madalas tinatamaan ng bagyo, ay naging sanhi ng mga pagkansela ng klase at hadlang sa tuloy-tuloy na pagkatuto.
Ang lumang kalendaryo, na matagal nang sinusunod bago
ang pagbabago, ay may lohikal na pundasyon. Sa pag-aayos ng mga klase mula Hunyo hanggang Marso, naiiwasan ang pinakamainit na mga buwan ng taon at naitatapat ang bakasyon sa panahon ng ani at pista, mahalaga para sa mga pamayanang nakasalalay sa agrikultura. Ang pagbabalik sa kalendaryong ito ay makapagbabawas ng mga abala dulot ng klima, magpapabuti sa pokus ng mga mag-aaral sa silid-aralan, at magpapahusay ng kalusugan at kaginhawaan ng lahat. Ayon sa mga kritiko, ang desisyong ito ay madalas tumutukoy sa pandaigdigang kompetisyon, na sinasabing ang kalendaryong akademiko ng Agosto ay nagtataguyod ng mga exchange program at pandaigdigang ugnayan. Bagamat mahalaga ang mga layuning ito, hindi dapat nakabatay ang tagumpay ng ating sistema ng edukasyon sa simpleng pag-angkop sa mga banyagang iskedyul. Ang tagumpay ng edukasyon ay dapat nakatuon sa kapakanan ng mga magaaral at guro. Bukod dito, maraming matagumpay na bansa tulad ng Japan at South Korea ang gumagamit ng mga kalendaryong naaayon sa kanilang sariling mga panahon nang hindi nawawalan ng pandaigdigang integrasyon.
Gayunpaman, ang pagbabalik sa lumang kalendaryo ay may kaakibat
ding hamon. Kailangang maayos ang paghahanda at koordinasyon para sa pagbabagong ito. Dapat magbigay ang DepEd ng malinaw na komunikasyon sa mga paaralan, magulang, at komunidad upang maiwasan ang kalituhan. Bukod dito, kailangang tugunan ang mga pangmatagalang suliranin tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan, mga lumang pasilidad, at labis na trabaho ng mga guro upang matiyak na may positibong resulta ang pagbabagong ito.
Sa huli, hindi lamang tungkol sa mga petsa sa kalendaryo ang edukasyon, kundi tungkol sa paghubog ng mga mag-aaral sa isang kapaligirang sumusuporta sa kanilang pag-unlad. Ang hakbang ng DepEd ay pagkakataon upang itama hindi lamang ang iskedyul kundi pati ang pokus ng ating sistema ng edukasyon—ilagay ang kapakanan ng mga mag-aaral sa sentro ng bawat patakaran.
Sa pagbabalik ng kalendaryong naaayon sa ating klima at kultura, pinapahalagahan natin ang natatanging realidad ng pagiging Pilipino. Magsilbi sanang paalala ang desisyong ito na ang tunay na reporma sa edukasyon ay hindi natatapos sa kalendaryo—ito ay tungkol sa pagbuo ng kinabukasang kung saan ang bawat bata ay may pagkakataong magtagumpay


uNOporme
Bawat umaga tuwing papasok ako ay lagi kong nakikita ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa guard house. Lahat sila ay ibaiba ang suot, may nakasuot ng puting t-shirt, may naka-maong, at may nakasuot ng P.E uniform kahit hindi naman araw ng pagsuot nito. Hindi ba alam ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng “no civilian policy” at ang ipinatupad na P.E schedule ng paaralan kung hanggang ngayon ay may mga hindi pa rin sumusunod dito?
Ang P. E uniform schedule na ipinatutupad ng paaralan ay nagsasaad na lahat ng mag-aaral ng Baitang 7 at 8 ay sa Miyerkules magsusuot ng P. E at Huwebes naman sa mga mag-aaral ng Baitang 9 at 10. Sa simula pa lang din ng taon ay sinabi na ng punong-guro na si Dr. Anita Bohol na bawal ang pagsuot ng ‘civilian’ sa araw ng klase. Ang mga hindi sumunod dito ay makakatanggap ng discipline card at kailangan sunduin ng kanilang adviser sa guard house.
Noong Pangalawang Markahan ay naitala ng paaralan na halos bawat seksiyon sa ika-sampung baitang ay may limang estudyante na nakatanggap ng 4 o higit pa na discipline card dahil sa hindi nila pagsuot ng tamang uniporme o pagsuot ng P. E uniform kahit hindi naman araw ng Huwebes. Sa isang markahan pa lang ay nasa 134 estudyante na ang ilang beses na lumabag sa ‘no civilian policy’ ng paaralan. Ilang discipline card pa ba ang kailangan nilang matanggap para lang magsuot sila ng tamang uniporme?
Nilalabhan, walang pera pambili, iyan ang mga dahilan ng mga mag-aaral na palaging nabibigyan ng discipline card dahil sa hindi pagsuot ng tamang uniporme sa pagpasok sa paaralan. Kaya nga nagkaroon ng programa ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) kung saan namigay sila ng mga libreng uniporme para sa mga mag-aaral.Ang P. E uniform naman ay libreng binigay ng Congresswoman Marivic Co-Pilar. Ginawa na ng paaralan ang makakaya nila para lahat ng mag-aaral ay magkaroon ng uniporme, nasa estudyante na lang ang tiyaga na araw-araw niya itong labhan para maisuot niya ito sa pagpasok niya bukas.
Napakahalaga ng pagsuot ng uniporme para masigurado na pantay-pantay ang mga mag-aaral at hindi magiging dahilan ang damit na sinusuot para ma-bully siya. Ayon din sa mga pagsusuri na isinagawa ay mas mataas ang pagiging atentibo ng mga magaaral kung lahat ay nakasuot ng tamang uniporme. Kung walang ‘no civilian policy’ ay baka maging fashion show na ang paaralan dahil sa dami nang mga magpapagandahan ng kanilang suot na siyang dahilan para mabaling sa ibang bagay ang atensiyon ng mga mag-aaral na dapat ituon nila sa pag-aaral nila.
Nasa paaralan tayo para matuto at para masigurado na nakapokus ang buong atensiyon natin dito ay dapat nakasuot ang mga mag-aaral ng maayos na uniporme. Pinatupad din ang P.E uniform schedule para maiwasan ang kalituhan kung anong baitang ang mga mag-aaral dahil pare-parehas ang binigay na P.E uniform. Sa mga mag-aaral na palaging nasa guard hose at nabibigyan ng discipline ticket sana sumunod na sila dahil para din naman sa kanilang ikabubuti ang mga alituntunin na ito.
Wastong Gamit
Saan mo Gustong Gamitin ang Tuldok?
Akala ko ba ikalawang tahanan ang paaralan? Hindi maituturing na parang magkakapamilya ang mga mag-aaral kung sila mismo ang nagbibigay tuldok sa pangarap ng bawat isa. Lumalala na naman ang kaso ng karahasan sa lipunan at sa nakalulungkot na katotohanan ay mga kabataan pa ang nangunguna.
Kamakailan lang sa ulat ng GMA NEWS, nagkaroon ng isang away ang mga estudyante sa isang paaralan na nauwi sa pananaksak dahil lang umano sa electric fan. Sa kasamaang palad, may isang nasawi at tatlong sugatan. Ani naman ng suspect, nagawa niyang magdala ng patalim para protektahan ang sarili niya sa mga nambubulas.
Malinaw na ipinapahiwatig ng insidenteng ito ang mahinang pag-implementa ng seguridad sa loob at labas ng paaralan. Kung tutuusin, hindi lang ‘yan ang kaso sa Pilipinas. Ayon sa Programme for International Students Assessment (PISA) 2022, isa sa tatlong estudyante sa bansa ay nakararanas ng pambubulas isang beses sa isang linggo. Hindi sapat ang guidance counselor sa bawat paaralan dahil sa panahon natin ngayon kahit ilang beses mong pagsabihan ang isang bata, lalabas pa rin ‘yan sa kabila niyang tainga. Kailangan natin ng mas matibay na pagbabantay sa mga estudyante, pagpasok man o paglabas. Dapat maging mas mahigpit pa sila sa pagpapatupad ng mga panuntunan para maiwasan ang karahasan.
Sa ulat kasi ng mga kawani ng Department of Education (DepEd) sa nakaraang pagdinig
sa House of Representatives, 10,018 na pampublikong paaralan ang walang localized anti-bullying policy kahit na kinakailangan ito sa ilalim ng Republic Act 10627. Nawawalan ng saysay ang mga batas na nabubuo kung marami pa rin ang hindi nadidisiplina nang maayos, sinasamantala nilang ulit-ulitin ang mga maling gawain sapagkat alam nilang wala namang mangyayari sa kanila. Masiyado kasing mahina ang paraan ng pagreresolba nila sa mga kaso.
Kapag ang pambubulas ay nangyari sa paraang pasalita, pinapalampas pa nila ito dahil nga wala namang pisikalang naganap. Dahil nabalewala ito, magiging isang salik ‘yan kung bakit maiisipan nilang umulit. Bilang resulta, ang biktima’y araw-araw mababalot sa takot at posibleng maapektuhan ang kaniyang mental na kalagayan at pagkatuto.
Kung ako ang tatanungin, bilang estudyante ay huwag na sanang hayaan na lumaki pa ang maliliit na isyu. Diyan kasi nagsisimula ang lahat. Saka lang naman sila gagalaw kapag sobrang lala na ng mga nangyayari o ‘di kaya’y may napapahamak na. Kulang na kulang ang pagbibigay ng advice at pagpapaalala sa mga batang nagkakasala. Hindi rin naman natin
alam kung nakikinig ba talaga sila. Tuldukan niyo na po ang walang katapusang karahasan sa loob ng paaralan.
Nawa’y sa mga susunod na pagbalik namin sa kani-kaniyang tahanan, iiwan namin ang silid nang may natutunan.
Gamitin po natin sa tama ang tuldok. Tuldukan ang karahasan para hindi kami uuwing luhaan at sugatan.


Latisha Soriano
Tagapagleksyon
Josan Leal
kartun ni: Janine Aira

“Unos sa buhay natin, ‘di ko papansinin” - Ikaw at Ako, Tj Monterde
Gaano nga ba kamanhid ang mga Pilipino para paulitulit na damhin ang hinagpit ng isang bagay na natutunan nalang tanggapin dahil nakasanayan na?
Simula pagkabata, nasa ganito nang sistema at sa kahit anong pangyayaring natatamasa, iisa lang naman ang may sala— tayong mga naging pabaya.
Naging hele na sa aking pagtulog ang isinisigaw ng mga aktibista, nakikipaglaban para sa kalikasang mahal nila. Gayunpaman, kahit gaano kaingay, isa lang ang tunay na pumaibabaw— ang kulog at kidlat, hinagpis ng kalangitang naglalangitngit sa kadiliman.
Akala ko ay isang beses lamang, tipong saglit na hinahaplos ang kalupaan ngunit umulit nang umulit at sa bawat pagbisitang muli, mga buhay rin ang natatanging ipinalit. Ilang tanong ang namayani, bakit ganitong sakuna ang lagi nalang nilulunok ng mga Pilipino? Wala bang solusyon o ‘di kaya magagawa upang mabawasan o mapahinto ito?
Marahil kami na ang huling henerasyon na puno ng inosenteng
kalokohan. Mga batang hindi na umuuwi sa bahay dahil puro lakwatsa at laro sa lansangan ang alam. Ang pinakamasidhing kalungkutan lang noon ay ang maglaro ng patintero’t makita itong unti-unting nabubura sa lupa dahil sa patak ng ulan. Lugmok at bagsak ang balikat na tutungo sa bahay upang manatili roon at patilain muna ang pagiyak ng mga ulap.
Kung sana’y maaaring bumalik na lang sa ganoong senaryo, tipong hindi pa bukas sa isip ang mga tunay na epekto’t pinagmulan ng ulang ito. Kung sana’y bata nalang ulit ako. Ngunit ngayon ay sinabay ng ihip ng hangin ang layuning gisingin ako’t tanggaping tapos na ang paglalaro ngayong matanda na’t

alinsunod sa mga letra ng alpabeto. Upang masundan kung ilan na nga ba silang humagupit sa bansa. Nakakatakot nga lang, dahil imbes na mamangha sa katalinuhang taglay nila upang maisip ang bagay na ito, napuno ako ng pagkabalisa.
Nananatiling mahina ang kalikasan, hindi natin ginagawan ng paraan ang mga sakunang nararanasan. Hinihintay nalang natin ito at ‘di na pinipigilan. Aabot kaya sa puntong maubos na ang mga letra at ‘di pa rin natatapos ang
Kaya sa pag-ingay ng mga paputok sa labas at pagpasok ng panibagong taon. Pinapanalangin kong hindi magamit ang kalahati sa mga pangalang inihanda para sa mga bagyong hahagupit. Pinalangin kong muling malasap ang natural na lamig at ulan— hindi galit ng
Gabi-gabing bangungot sa akin ang bawat kurba at katauhan ng mga letra, may mukha at Dinadalaw ako at bumubulong sa paralisadong katawan. Kailan daw ba sila papansinin? Wala akong maibuka at mailabas sa mga bibig, kundi ang kaisipang ang delubyo at ako, baka talagang hanggang dulo.
Panangga sa bagyong pumapagitna
Sa bawat isang linggo na dumaraos, ilang bagyo ang kumakatok sa bansa at gustong pumasok. Tila walang tigil na pagbabanta ng bagyong maya’t maya may bagong maririnig na may pananalasa na naman ito. Kumpol-kumpol na bahay na ang nawawarak at ilang buhay na rin ang muntikang matapos sa walang tigil na pag-ulan na patuloy na umaagos.
Kahit pa man matitindi ang pagsubok na ibinigay ng nagdaang ilang bagyo sa ating bansa, bakit heto tayo matibay kahit dire-diretso ang pag-ulan?
Tila para bang may makapangyarihang ‘armor’ ang nakapalibot sa atin, kahit gaano pa man kalakas ang tama at sipa ng kalaban ay hindi tayo tumutumba, imbes ay tila may tumatayo pa sa sariling paa bilang depensa. Tulad ng ating Sierra Madre—ang malakas na kalaban ng bagyo. Sobrang lakas man ang ihip ng bagyong sakuna patuloy niya itong pinahihina.
Dahil sa likod ng mga sakunang bumabatingaw, mga mapagpinsalang bagyo nitong kaulayaw, Sierra Madre nandyan nakalitaw gamit ang matindig na sandatang katawan na kilala bilang mountain ranges, siyang nagsisilbing panangga sa mga bagyong tumatama sa ating bansa. Sierra Madre ang sagot sa bagyong mapagsamantala. Ito ang tanging harang oA pader ng Pilipinas sa bagyong nabubuo sa Pasipiko at lumalapit sa bansa. Dahil sa taas nito napapahupa ng Sierra Madre ang hangin na dulot ng bagyo na nagpapabagal sa pagdaloy ng ulan kaya mas mahina na ito kumpara sa orihinal na lakas.
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay aplikado ito. Depende pa rin ito sa kung gaano kalakas ang magiging ihip ng hangin, tagabawas lamang ito sa mga sakunang komplikado, subalit may malaki pa rin namang benepisyo.
Kaya gaya ng Sierra Madre na pinoprotektahan tayo sa hagupit ng ulan na pumapatak mahigpit din natin itong protektahan sa kung sinumang may masamang balak.
ang sandigan, sa agos ng mga sakuna B A Y A N I H A N
ni: Kaitlyn Noelle Ebio
Madaling bigkasin ngunit mahirap kaharapin. Ang salitang “bayanihan” ay tila pamilyar na sa ating mga tainga, ngunit patuloy itong nabubuhay sa ating puso bilang mga Pilipino. Lalo na sa gitna ng mga pagsubok na hatid ng mga kalamidad, kung saan nasusubok ang ating lakas at katatagan.
Matapos ang mga bagyo na nagdulot ng matinding pinsala, maraming komunidad sa Pilipinas ang nagsisikap bumangon mula sa pagkawasak. Ang mga bagyo ay repleksyon ng luha ng mga mamamayan. Nagdulot ito ng kahinaan, pag-aalala, at pagkabagabag sa mga Pilipino, na
umabot sa punto na ang tanging hiling na lamang ay “Sana matapos na ito.”
Maraming tahanan ang lubos na nasira dahil sa malakas na ulan, matinding pagbaha, at malakas na simoy ng hangin na bitbit nito. Dagdag pa rito ang mga paaralang sunod-sunod ang pagsuspendido para sa kaligtasan ng bawat isa. Mga magsasakang umaasa sa kanilang mga ani ay naglalakad ngayon sa putikang lupa, nagtatanong sa kanilang sarili kung paano nila ito muling maitataguyod. Ang mga pamilyang puno ng pangarap ay nakatingin na lamang sa langit, umaasa na muling makabangon.
Ngunit sa kabila ng mga hamon na ito, ang diwa ng bayanihan ay nananatiling matatag sa ating mga puso. Sa mga mata ng bawat Pilipino, makikita ang hindi matitinag na pag-asa. Ang mga kamay ay nagkakapit-bisig, nagbibigay ng tulong sa isa’t isa, nagbabahagi ng lakas at pagmamahal.
Mula sa simpleng pagbibigay ng relief goods hanggang sa mga proyekto para sa muling pagtatayo, kitang-kita na hindi nagpapadaig ang mga Pilipino sa trahedya. Ang mga paaralang dating nalubog sa baha ay unti-unting nagiging sentro ng inspirasyon. Ang mga
mamamayang nagtutulungan ay naglilinis ng mga baradong kanal upang maiwasan ang matitinding pagbaha na nagdudulot ng hirap. Dito, muling nabubuhay ang pag-asa ng mga mamamayan na makabangon muli at mabuo ang kanilang mga pangarap.
Hindi lamang tulong at proyekto ang nilalaman ng bayanihan, kundi pati na rin ang pagmamalasakit, pagkakaisa, at pananampalataya. Sa bawat dilim ng unos, naroon ang liwanag ng diwang Pilipino, na nagbibigay lakas at pagasa sa bawat hamon na ating pinagdaraanan.
Kahit sa lakas at hina ng bawat buhos ng ulan, kailangan ating maunawaan ang ginagawang pagprotekta ng ating kalikasan bagkus ang Sierra Madre ang ating naging kanlungan laban sa bagyo na ating tinatakasan.

ni: Ayeshia Jewel Diwa
Opisyal na Pamahayagang Pangkampus

ERANS PRIDE





ng makasaksi ng 3-chair turner ay tunay na nakakapanindig balahibo, mas malala nga lang ang pagkabilib gayong kapwa Eran ang nakapagkamit nito. Si Reynan Dal-Anay, na alumnus ng PSNE sa edad na labing-isang taong gulang ang naitanghal First Runner Up sa The Voice Kids Season 2. Bagamat isa na itong parte ng kaniyang nakaraan, di maitatangging bagong daan ang nabuksan dahil sa tinig niyang muntikan nang manalo sa paligsahan.

HARANA NG SOPRANONG SI NERISSA


ahat tayo ay may sariling bibig, ngunit may iba na biniyayaan ng ginintuang tinig. Mataas na boses na tila normal lang na nilalabas, at mga parangal na patunay sa kumikislap na karera.Hinaharana ang mga nasa harapan gamit ang istilo ng pagkantang hindi ganoon kakilala, siguradong sa oras na bumuka ang bibig ay mapapabilib at mapapanganga sa maririnig. Sa oras ng kuryusidad, susubukan mo rin bang pakinggan ang alumni na nagmula sa mundo ng musikang hindi pa sikat sa madla? Tara at subukang makinig ng Orchestra! Pakinggan si Nerissa de Juan, ang dating mag-aaral ng New Era.

Amakabogerang Kakaibabe
ni: Khurshanne Francisco
Gusto ko rin maging Prinsesa, Tipong may Prinsipeng magaalaga.
Ang kaso hindi ko naman nagagawa, Dahil maliban sa kaya ko mag-isa.
Takot ding umasa sa iba, Tignan mo nga’t heto na naman si ganda, Patuloy na kinakabog ang mga problema, Kahit gusto ko ring magpahinga.
Sapagkat kasalanan na ata, Dahil ang Kakaibabe ay dapat laging kabogera. Hindi pa puwede maging Prinsesa, Kailangan muna maging Reyna nang mag-isa.
SENYAS SA BAWAT KUMPAS
ni: Khurshanne Francisco
Sino ang susubukang dinggin ang mga hindi makapagsalita? Sinong titingin para maintindihan ang nais nilang sabihin? Sino ang mananatili para isa-isahin sa kanila ang mga dapat intindihin?
Sa bawat gusali, napakaraming kuwento ang nakakubli. Mga sapatos na may iba’t ibang pinagdadaanan at mga estudyanteng iba-iba ang nararanasan sa araw-araw na pakikipagsapalaran. Buti na nga lang dahil sa dami ng problemang niloloob natin, hindi tayo nilalamon dahil nasisigaw naman sa hangin. Nailalabas sa mga kaibigang nariyan at naririnig din natin ang suporta nilang ‘di mapapalitan.
Subalit paano ang mga taong hindi makarinig at makapagsalita? Paano nila nailalabas ang lahat ng sakit at puot na nadarama? Pano nila naiintindihan ang mga itinuturo sa kanila?
puno ng awa at negatibong damdamin ang naiisip natin?
Bakit kapag sila ang kinekwento parang pinarusahan sila ng mundo?
Sumasaya rin naman sila, may sarili ding lenggwahe at nakapaglalabas ng damdamin. Hindi dapat idikdik, idiin at gawing buong pagkatao — ang mga bagay na wala sakanila.
Isa pa ay alam niyo ba? Sabi ni Sir Jeffrey Shahdadpuri likas na sa mga batang hindi nakakapagsalita ang matuto ng sign language. Ito ang mother tongue nila. Hindi ABAKADA o Bahay Kubo ang una nilang kinabisado, maaga nilang
ibang seminar upang mapanatiling updated ang signs na ginagamit nila sa pagtuturo at masiguradong angkop ito sa kahulugang alam ng mga estudyante.
Akala natin noon, ang mga estudyanteng may kapansanan sa pandinig ay sa paaralan pa nalalaman ang FSL o Filipino Sign Language. Ngunit hindi, karamihan sa kanila ito na ang ginagamit hindi pa man tumutuntong sa silid-aralan. Dahil bata pa lang at nasa bahay nais na nilang maunawaan.
Kaya naman nagkakamali ang kung sinomang nag-aakalang walang-wala sila. Dahil kinulang man sa boses, maniwala kayong sa bawat kumpas ng kamay

Katulad ng mga musikang pinakikinggan na may kaakibat ding kumpas, ang mga salita natin ay may kakambal din na


Alam niyo ba yung pakiramdam na mayroon kang tinatangi sa school? Tipong nagiging dahilan ng lagi mong pagpasok.
Sinisipat-sipat mo siya saan mang sulok ng paaralan, maging sa kanilang silid at talagang ‘di ka titigil hanggang magkita kayo.
Sabi ko pa sa sarili ko noon ‘di muna ako magmamahal pero nung nakita kita natawa na lang dahil biro lang pala. Sino ba namang ‘di mapupukaw ang atensyon sa isang dalagitang mala-anghel ang personalidad?
Kahit na ang pagsasama natin sa paaralan ay segundo lamang, hinahangad ko na sana balang araw ay umabot tayo sa kasalan. Nahihiya sa iyo kaya naman titibayan na lamang ang loob, malabanan lang ‘tong kahihiyan ko. Tatanggapin mo kaya ako bilang taong magmamahal sa’yo nang totoo? 'Di ka iiwan at sasaktan gaya ng ginugusto mo? Wala tayong pakielam sa sasabihin ng iba, ang mahalaga ay mahal natin ang isa’t isa.
Sa kabila ng mga pagpupursige mapasakin ka lang, hindi ko na maintindihan ang sarili, kung crush pa ba ‘to? Bakit ako nasasaktan sa tuwing nakikita kitang may kasamang iba? Kahit alam ko namang wala akong karapatan sayo.
Sa totoo lang, natatakot pa ako magkaroon ng crush, dahil ang sabi sa akin— ang pagkakaroon ng love life lalo na sa high-school ay isang sagabal sa aking pag-aaral. Isang napakalaking distraksyon kaya naman hindi inaasahang sa
ni: Jana Athea Diaz
ni: Kim Cloe Sulatan
Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng Paaralang Sekondarya

MATA SA LIKOD NG KAMERA
ni: Jana Athea Diaz
i Kenneth Cabalan ay isang Digital Content Specialist na nag-aral sa Far Eastern University (FEU). Kasama niya ang Underground Studios sa pagtanggap ng parangal na Sinepiyu Best Music at Sinepiyu Best Cinematography mula sa kanilang pelikula na “palagi nating tandaan na gaya ng dagat, malawak ang pag-ibig.” Mayroon din siyang page na Kinetic_Films kung saan tumatanggap sila ng photography job, shortfilms, and pre-debut making. Nakakahalinang alamin ang ating talento ay pwede rin gawing trabaho. Siguradong puno ng saya ang mga matang sumisilip sa kamera.




WAGI SA HATAW AT GALAW
ni: Kim Cloe Sulatan


adalasan sa mga bata ngayon ay tinatago ang kanilang mga talento, ngunit ibahin mo ang isang ito. Sa New Era High School matatagpuan ang hatawera na Grade 7 Student na si Arlhei Janmira C. Dapilos. Sa bawat programa siya ang laging nangunguna. Sa una aakalain mo na isa lamang siyang normal na estudyante na may pangkaraniwang galing, ngunit nakapagtanghal siya sa iba’t ibang lugar tulad na lang ng at It’s Showtime habang puno ng tropeo ang kamay. Dagdag pa ay sa murang edad kasama na rin siya saisang grupo ng mga mananayaw na tinatawag na Electro Groovers PH. Standing ovation talaga para kay
ERANS PRIDE



OKAY LANG BA?

pagtagal ng panahon naging inspirasyon pa kita.

larawan ni: Franz German
Laking pasasalamat kong nakilala ka, natauhan ako sa anong maipagmamalaki ko. Dahil noon may mga bagay ako na di ko kayang gawin, ngunit nariyan ka para ang loob ko’y palakasin. Salamat dahil nariyan ka palagi para ang araw ko’y buoin.
Sa likod ng mga parangal na aking natatanggap, ikaw ang nasa likod at pumapalakpak. Bahagi ka ng mga tagumpay ko, lakas ng tama ko sayo ‘no? Literal na pumasa ako pero bumagsak lang sa’yo.
Kung isang araw lalakas ang loob, ay gusto kong tanungin sayo kung may pagtingin ka rin ba sa akin sa kabila ng paglalambing ko at pagsusumikap upang mapansin mo.
Oo gusto kita, okay lang ba?


Macho, Gwapito (lang) Raw Ako
ni: Khurshanne Francisco
Lagi akong nabibingi sa mga papuri, Sigaw ng lahat na nakasisilaw ang pagiging pogi. Sanay na ang machong ito sa ganyang atensyon, Isang hawi sa buhok lahat ng tao napapatingin sa’king direksyon.
Kapag kapogian, laging ako ang tinutulak, Pero ‘pag talino ang usapan lagi lang humahalakhak. Kaso kahit masarap maging pogi, Ayokong sa ganito lang manatili.
Tristan, Ang Macho Gwapito ng Paaralan.
MULA SA PANGARAP PATUNGO SA REYALIDAD
“Sa dulo mo makikita ang tagumpay ng iyong pagsisikap.”
Ang buhay ko ay parang isang banda, puno ng musika na paiba-iba ang tono. Minsan malakas, minsa’y mahina, minsa’y maingay, minsay tahimik. Paiba-iba man, mananatili itong maganda kapag sarili na ang bumuo.
Ang bilis ng takbo ng panahon, may mga bagay na nagbago. Kasabay nito ang pag unlad ng aking pagkatao at mga oportunidad na hinagkan ko.
Isa ako sa mga kalahok ng Quezon City Council For The Protection Of Children (QCCPC) mula sa Barangay Culiat bilang kanilang Child Representative. Ito ang nagbukas sa akin ng maraming oportunidad na makasalamuha ang iba’t ibang tao na dati ay ‘di ko naman kilala at gawin ang mga gawaing iba sa aking nakagawian bilang bata. Ika nga nila iba na ang mundo ko ngayon sa nakasanayan noon.
Dati’y pangarap kong mapansin, makilala, makita, at mahalin— ngayon ay unti-unti na itong naisasakatuparan dahil maraming nagbukas na oportunidad para sa akin, maraming nakilala, maraming natutunan, natutong tumayo sa sariling mga paa, at higit sa lahat patuloy na umuunlad
Narating ko ang Top 10 ng QCCPC, maraming schools ang sumali mula
sa anim na distrito, idagdag pa ang 142 Barangay sa ating munisipalidad. Dahil doon maraming bagay akong ipagpapasalamat, sapagkat habang umuusad ang kompetisyon ay talagang ‘di ako iniwan ng aming barangay, ng aking magulang, paaralan, kaibigan, at ang Panginoon na laging nasa aking tabi.
inspirasyon ng mga bata sa kasalukuyan na maliban sa pagaaral ay may mga bagay na dapat pa nating tuklasin para tayo ay mas magiging progresibo at aktibo. Wala namang limitasyon ang tono ng ritmo ng buhay mo, nasa iyo na kung paano mo ito itotono.
ng Nobyembre, sa San Francisco High School ginanap ang botohan sa pagtakbo sa QCCPC. Hindi man ako pinalad na manalo, ngunit nakita ko at alam ko na sa susunod
ang pwede kong gawin. Kahit ganun pa man ang nangyari, nagpapasalamat pa rin ako sa lahat ng tumulong at sinuportahan ako sa pagtakbo.
Aking natutunan na ang pagiging batang kontesera ay dapat may tibay ng dibdib at lakas ng loob sa bawat hamon, kumbaga ay “be matured enough for all

Mangarap para sa sarili at para sa mga taong tunay na minamahal. Ito si Briana, ang batang umaasa na sa bawat hakbang ng aking tagumpay ay mananatili pa rin ang mga taong naging kasama ko mula sa umpisa hanggang
Dahil makakaasa ang lahat, na si Briana Kate Nuique, bagama’t nasa unang taon palang ng Junior High School, lagi nang tatapusin ang bawat laban at laging makikita sa dulo at likod ng finish line.
ni: Brianna Kate Nuique
Gusto ko ring maging katulad ng iba, Hindi lang sa mukha hinahangaan at kilala. Ako nga pala si
kartun ni:
Janine Aira Nicor

Natatanaw na Nakaraan, Layon ng Pulang Araw


Ang Pulang Araw ay nagsasabuhay ng makatotohanang nakaraan kung paano inalipin at binaboy ang mga kababaihang comfort women noong tayo’y sinakop ng mga Hapones, ang iba pa nga ay binebenta ng sariling ina o di kaya’y sapilitang dinudukot mula sa pamilya.
Nakakatakot, at nakakapanindig balahibo. Dahil hanggang ngayo’y nangyayari pa rin ito, sa kamay na nga lang ng mga kapwa Pilipino. Ngunit ang malamang mga banyaga ang unang gumawa satin nito, paanong tila hindi tayo nagpapaapekto at patuloy silang iniidolo?
Sa unang limang yugto ng kwento, ang serye ay nakatuon sa pagkabata ng magkapatid na sina Adelina at Eduardo, at kung paano sila naghiwalay pagkatapos ng pagkamatay ng kanilang ina si Fina. Hindi parehas ang ama,
ring
ngunit patuloy na kasangga ang bawat isa.
Sa oras na kunin siya ng ama, napalapit sa mga kaibigang banyaga. Bagamat mabait silang tunay, hindi inakalang sila ang tulay para sa masalimuot na buhay.
Ang mga kwento sa likod ng mga pangunahing karakter ay makakasama sa kasalukuyang oras ng kwento, na itinakda sa pagsalakay ng Hapon sa Pilipinas, kung saan ang may sapat na gulang na si Eduardo ay sumulat ng isang sulat kay Adelina tungkol sa kanyang mga laban sa mga sundalong hapon.
Kinakailangan ni Eduardo maging sundalo upang maligtas nya ang mga inaapi ng mga Hapones, ngunit sa gusto niyang ipaglaban ang bandila ng Pilipinas ay unti-unti rin nawawala ang

Imahinasyong Nais Maging Destinasyon
ng mga kababayan.

Baka Bukas

Sa mga kahangahangang tanawin na hindi ko inaasahang aking mararating, sa klimang unang beses pa lamang nadama ng aking balat, pangarap na minsa’y pinagpantasiyahan ng isang batang mayroong mapaglarong isipan, ngayo’y malaya ko nang nararanasan. Nasa destinasyon na akong inaasam noon pa man.
Pagtungtong sa hinahangad kong katiwasayan, dama ko ang gaan sa puso’t isipan na para bang wala ni isang babagabag. Dala ang bagaheng puno ng pagpupunyagi at pagpapasalamat sa mga taong sa akin ay sumuporta. Sa paglalakbay, na bitbit ang kulay,
husay at buhay na marapat mong ingatan para sa iba mo pang mapupuntahan.
Hanggang sa bagahe ko’y nawala, tila naging bula. mga kasuotang pang-Europa, sa saglit ay naging Kamiseta. Pares ng bota biglang naging hubad na paa. Lamig ng panahon naging init na dahilan nang pagkagising ko sa reyalidad — na sa aking pagkauntog, ako pa rin pala ay nasa loob ng aking paaralan, nangangarap at patuloy sa paglaban para sa aking inaasam na magandang kinabukasan.
Sa gitna ng hirap at patuloy na pagsusumikap na nais ko na sanang iwanan, naging lubid ang isang exhibit na tila

“Bata ka pa, wala kang alam sa mga bagay-bagay.” Ilang beses ko na narinig ang linyang ito mula sa matatanda. Madalas itong sambitin tuwing naglalakas-loob ang kabataan na magtanong, magbigay ng opinyon, o magkuwento ng sariling pananaw. Isang tila simpleng pangungusap, ngunit napupuno ng bigat na pasanin bilang mag-aaral. Para bang tinatanggalan ng karapatan ang kabataan na makialam, magtanong, o maglahad ng opinyon tungkol sa masalimuot na mundo.
ako’y binabalik sa ninanais magpakailanman.
Nang dahil sa Dream Edit to Display (DED) na ito, mga kapwa ko mag-aaral ay napukaw ang pagpapahalaga sa pangarap na nagsisilbing dugo na dumadaloy sa atin upang ipaalala ang bunga ng bawat pagsisikap. Ang gurong si Sir Ian ng Araling Panlipunan, ang siyang nagpasimula, at nagbukas sa isipang may dahilan pa upang magtiis sa mga bagay na kay hirap pagtagumpayan.
Sa susunod ang destinasyon ko ay mararating, at ang imahinasyon ay totoong malalasap na rin.
Buhay pa ba tayo kung ang lahat ay lunod na sa praktikal na pamumuhay? Hindi masaya, hindi malaya. Bakit nga ba sa lahat ng bansa, naging mamamayan pang matiyagang hinahanap ang perlas sa sinilangang nagsusumigaw ng kahirapan?
Patuloy akong binabangungot ng pilit na tinatakbuhan. Bawat pikit ng mga mata at pagod na unti-unting nadadama, pumapasok sa isipan ang desisyong dapat matagal ko nang binigyang kasiguraduhan. Ano nga ba ang plano ko sa hinaharap? Anong uri ng trabaho ang minamata? Anong kukuning strand? Anong pagsisikapang kurso?
Paunti-unti’y nalunod ako sa lahat ng tanong, dahil maging ako ay naguluhan sa sariling gusto. Ano nga ba ang kaya ko? Hindi naman ako matalino. Ayaw ko lang na ituring na bobo. Kaya kong sagutin ang mga tanong, isulat ang nasa isip at magsalita sa harap ng maraming tao. Pero sa oras ng pagsusulit, tila nabblangko na ako. Parang batang nakatayo’t walang alam sa mundo.
Sabi pa nila may iba’t ibang uri ng talino, kaya ‘di dapat natin maliitin ang kung sino. Tama naman, ‘di dapat ganon. Maliban na lamang kung ang nasa harap ng salamin ay sariling pagkatao.
Ilang buwan na lang at kailangan ko nang siguraduhin ang bagong paaralang papasukan, kailangan ko nang hanapin ang strand na para
sa akin. Dapat ng asikasuhin ang mga bagay na kakailanganin. Ngunit heto pa rin, yakap ang unan kong puno ng luha’t sipon. Sa totoo lang ay gusto ko na lang maging bata muli, nang sa gayon maintindihan nilang hindi pa ako handang solusyonan ang suliranin.
Pangako hindi naman ako tamad, sa katunayan ay marami ring hinahangad. Sadya nga lang na nandito pa rin ang batang ako na natatakot sa mabilis na galaw ng mundo.
Kasabay ng pag-ingay ng mga paputok mula sa labas at pagliwanag ng kadiliman mula sa kulay nito, hindi napigilan ang maingay na paghalinghing ng bawat hagulgol ko. Kung susundin ang pangarap, may laman pa ba ang tiyan at hindi mabubutas ang bulsa? Kung pera ang prayoridad, sasaya pa kaya ako o malilimutan nang tumawa? Panginoon, kapag ba tinamaan ako ng boga matatakbuhan ang problemang lagi akong hinahabol at pinapakaba?
Kahit minsa’y nais ko nalang tumakas, lagi akong binabalik sa pwestong dapat ngayon alam ko na ang tatahaking landas. Sana bukas, sa muling pagbubukas ng mga mata magkasundo na ang praktikalan at kakayahan— tutulungan akong mabalanse ang pangarap at kailangan.
Baka bukas, may sagot na sa mga tanong. Baka bumungad sa akin ang sagot sa pagpatak ng manigong bagong taon.

Subalit, paano nga ba mapapabago ang ganitong pananaw? Paano nagiging daan ang pamamahayag upang bigyang boses ang mga itinuturing na “walang alam”?
Sa kabila ng mga pagsubok, hindi ko natiis na tumigil. Sa journalism ko natagpuan ang paraan upang maipahayag ang mga nais kong sabihin. Mula sa simpleng pagsulat ng artikulo para sa paaralan, napagtanto kong kaya kong gawing makapangyarihan ang aking panulat. May mga pangyayari na tinawanan ako o hindi pinansin. Pero sa tuwing may isang taong
lalapit at magsasabing, “Salamat sa artikulo mo” naramdaman kong may halaga ang ginagawa ko. Dahil dito, unti-unting nabuwag ang kasabihan na ang kabataan ay “walang alam.” Sa halip, napapatunayan naming may kakayahan kaming magtanong at magmungkahi. Ngayon, hindi na bastabasta nasasabi sa akin ang “bata ka pa.” Kapag may isyu, ako na mismo ang nilalapitan ng mga kapwa ko estudyante para magtanong kung puwede ko bang isulat ang kanilang kwento. Ang dating “walang alam” ay ngayo’y nakikilala bilang isang tagapaghatid ng
boses ng marami. Ngayon, tinitingnan ko ang sarili ko bilang bahagi ng mas malaking pagbabago. Ang lungkot na dulot
larawan ni: Sir Ian Fernandez
ni: Khurshanne Francisco
Maliban sa kawalan ng karapatan, minsan na
ginawang basahan ang kababaihan, hinubaran ng dignidad at ginamit ang katawan. Pangyayaring inililibing ng mga dayuhan ngunit ngayo’y muling imumulat sa mata
isinulat ni: Chliz Lucilla
ni: Jayvee Tamayo
kartun ni: Luke Robles

HAKBANG PARA SA BERDENG PILIPINAS

Damit, pagkain, tirahan, hindi ba't lahat ng ito ay sa kalikasan natin kinukuha, kaya bakit pinapabayaan nalang natin ito na para bang nakalimutan na natin ang lahat ng bagay na natanggap natin sa kanya?
Dahil sa patuloy na pagpuputol ng puno at usok na bumabalot sa mundo ay unti-unti nang namamatay ang kalikasan at lumalala ang pabago-bago ng panahon o climate change.
Buti na lang ay hindi ito hinayaan ng
ni: Latisha Soriano
ating gobyerno na lumalala dito sa ating bansa, gumagawa na ang Pilipinas ng mga hakbang para mapigilan ang paglala nito.
Sa katunayan nga ay nasa bansa ang solar project na siyang tinaguriang pinakamalaki sa buong mundo, sa tulong nito ay mababawasan ang mga greenhouse gases na nagpapalala sa climate change.
Pagmamay-ari ng Terra Solar Philippines ang proyektong ito at co-
owner naman ang Meralco, kapag na tapos na ang proyekto ay dito kukuha ang bansa ng kuryente gamit ang mga renewable energy tulad ng solar panels. Napakahalaga ng mga puno para sa kalikasan kaya ipinanukala ni Department of Environment (DENR) Secretary Loyzaga na gumamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagmimina at palitan ang mga pinutol na puno, nitong May 2024 halos 55 milyong mga puno na ang naitanim.
Hakbang tungo sa Luntiang Lungsod
“Champion of the Earth award goes to Mayor Joy Belmonte!” Ito ang pagkilala para sa mga nagawa niya sa Quezon City upang bumaba ang polusyon dito, pinarangalan din siya ng Forbes Award. Pagpapatayo ng mga solar panels, mga gusaling ‘environment-friendly’, pagpapatayo ng mga bike lanes at halos 40 Air Quality Monitoring System ang nailagay niya sa lungsod, ito ang mga dahilan upang igawad sa kanya ang
Hagupit ng kalikasan, panganib ang dulot sa karamihan
ni: Audrey Tugade
Alam mo ba? Ang Pilipinas ay tinatamaan
imprastruktura tulad ng mga gusali at kalsada.

Ayon din kay Dr. Gerry Bagtasa mula sa UP Diliman College of Science Institute of Environmental Science and Meteorology (IESM), "Typhoons get their energy from evaporating water", paliwanag nya, “When water evaporates from the sea, it forms clouds, and when the temperature is warmer, the evaporation is faster and much more water gets evaporated".

parangal na ito. Nagpatayo ng halos 1,000 na solar panels si Belmonte sa mga pampublikong ospital at paaralan, kasama na dito ang Rosario Maclang Bautista General Hospital, Novaliches District Hospital, and Quezon City General Hospital.
Planong patayuan din ang mga paaralan kabilang ang New Era High School, Culiat Elementary School, Judge
Panalo ang Luntiang Paaralan
Paano naman sa mga paaralan?
Natutupad ba ang mga pangangalaga sa kalikasan sa lugar na puno ng makukulit na bata?
Hindi papayag ang New Era High School na pabayaan ang ating paligid kaya nagpapatupad sila ng mga programa na tiyak na makakatulong para hindi na lumala ang climate change.
Isa na diyan ang programa ng Youth for Environment in Schools
Organization (YES-O) Club na Plastic Free Monday, kung saan kailangan magdala ng mga estudyante ng sarili nilang baunan para hindi na sila gumamit ng plastic sa canteen. Mahigpit din na pinapaalalahanan ng punongguro ng paaralan na si Dr.
Anita Bohol ang tamang pagtatapon ng basura, Nitong Nobyembre 23, nagsagawa ng paglilinis sa buong paaralan ang mga magulang at estudyante sa pangunguna ng Interact Club.
Bawat silid-aralan ay kinakailangan ding itapon ang papel nila sa kahon at hindi kasama ng ibang basura, mahalaga ito dahil maaari pang i-recycle ang mga lumang papel, lalo na daan-daang mga puno ang pinuputol para lang magkaroon ng papel.
Sa pagdiriwang ng Mr. at Ms. United Nations, para makasali sa top 30 ang mga kandidato ay kailangan nilang makakalap ng madaming plastic bottles, sa kagustuhang manalo ng bawat pangkat ay ilang kilo ng bote ang
Feliciano Belmonte Senior High School, Culiat High School, at Tandang Sora Elementary School.
Ipinanukala din niya na ang mga ginagawang gusali ay dapat may energyefficient designs at water conservation measures, para bumaba ang polusyon ay hinikayat niya ang paggamit ng mga bisikleta sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga bike lanes na may 217 kilometro.
nakalap nila, ihalimbawa nalang natin ang pangkat 10-Newton na nakakolekta ng halos sampung kilo ng bote. Napakadaling alagaan ang kalikasan, sadyang tamad lang tayo at inuuna ang ibang bagay, ang simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lugar at hindi paggamit ng plastic ay malaking tulong na.
“Prevention is better than cure,” sabi nga nila, huwag nating hayaang lumalala pa ang climate change at makiisa tayo sa mga programa ng gobyerno ukol dito.
Ang kalikasan ang siyang nagbibigay ng mga pangangailangan natin at dito tayo nakatira, hindi naman siguro natin gustong sirain ito, hindi ba? Lalo’t na wala itong ibang ginawa kundi ibigay ang mga bagay na nagpapasaya sa atin.
Dahil dito, ang mga ulan na dulot ng bagyo ang nagiging dahilan ng pagtaas ng lebel ng tubig tulad ng mga ilog at karagatan na nagreresulta sa matinding pagbaha lalo na sa mga mabababang lugar, batay sa sarbey na isinagawa sa 9-Bequerel at 9-Newton ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE), 40% ng mga estudyante ay nakararanas ng pagbaha tuwing may malakas na bagyo, samantalang ang natitirang 60% naman ay hindi direktang naaapektuhan ng pagbaha sa kanilang lugar.
Bukod sa mga bagyo, isang malaking isyu din ang flood control sa bansa ang land conversion isang sistema ng pagpapalit ng gamit ng lupa kung saan ang mga bundok o mga lugar na maburol ay pinapatag upang pagtayuan ng iba’t ibang imprastraktura na diumano’y kapakipakinabang sa mga tao, kaya naman maraming kagubatan, agricultural lands ang napapalitan ng mga konkretong
ng climate change at land conversion, isa na rito ang pagpapatibay sa proyektong National Greening Program (NGP), kung saan naglalayong magtanim ng 1.50 bilyong puno sa buong bansa upang maibalik ang mga kagubatan at makatulong sa pagbabawas ng mga emisyon ng greenhouse gas, makakatulong din ito sa pag-iwas sa pagbaha sa pamamagitan ng natural na pagsipsip ng tubig ulan sa lupa.
Dapat isulong ng gobyerno at mga environmental groups ang rehabilitasyon ng mga nasirang wetlands at mangroves, at pigilan ang land conversion sa mga lugar dahil nakatutulong ito sa pag-absorb ng tubig ulan at sa pagbawas ng epekto ng malalakas na bagyo.
Nangangailangan ng pagkakaisa sa paglutas sa isyung ito, hindi lamang ang gobyerno ang may responsibilidad na lutasin ito, kundi pati na rin tayong mga mamamayan ang dapat tumugon sa mga ganitong problema , ang isyu ng climate change ay dapat seryosohin at huwag balewalain dahil hindi birong pinsala ang maaaring idulot nito sa mamamayan kapag hindi ito nabigyan ng tamang katugunan at pag-iingat, sa pamamagitan ng pangangalaga natin sa kalikasan maiiwasan natin ang mga hagupit ng matitinding kalamidad at masisiguro natin ang kaayusan at kaligtasan ng lahat.
Bahagdan ng mga basurang nakokolekta sa Paaralang Sekondarya ng New Era noong Enero-Mayo 2024

larawan ni: Rya Sophia Soyosa
PAGDILIM NG MGA BITUIN
“Twinkle, twinkle, little star, oh I wonder where you are?”
Patuloy ang pag-unlad ng teknolohiyang tumutulong sa atin, ang dating madilim na gabi ay ngayon napakaliwanag na dahil sa mga artificial lights na gawa ng tao. Pero sa pagliwanag ng mundo ay siyang pagdilim ng kalangitan tuwing gabi, tanging buwan nalang ang ating nakikita. Nasaan na kaya ang makikinang na liwanag ng mga bituin?
Light pollution, isang polusyon na madalas na nababalewala ng karamihan. Ito ay ang paggamit ng madaming artificial lights na maaaring makaapekto sa ating kalusugan.
Bukod sa hindi na natin nakikita ang mga bituin tuwing gabi ay maaari pa itong maging dahilan sa kakulangan natin sa tulog.
Bumabase ang ating katawan sa liwanag kung kailan dapat tayo matulog kaya kapag dumating ang nakakasilaw na araw ay gising tayo at sa madilim na gabi ay tulog tayo. Kaso nga lang dahil sa light pollution ay naggagambala ang siklo ng ating pagtulog kaya ang iba ay nagkakaroon ng insomia o kahirapan sa pagtulog. Ito ang pinatunayan ng pagaaral ng Southern University of Science and Technology (SUSTech).
ni: Latisha Soriano

sa kanilang paglalakbay tuwing taglamig para pumunta sa mga maiinit na lugar. Minsan ay naliligaw sila dahil sa mga nakakalat at napakaliwanag na artificial lights sa lupa.
Napakahalaga ng bituin sa ating kalangitan. Hindi lang dahil sa ganda nitong taglay pati na rin dahil naging gabay na ito ng ating mga ninuno noon at ng mga hayop. Ihalimbawa nalang natin ang North Star na siyang naging gabay ng mga manlalayag sa kanilang paglalakbay sa dagat. Nakakatulong din ang mga bituwin sa paggawa ng mga teorya na siyang dahilan sa pag-unlad ng ating kaalaman sa kalawakan at
Kumpara sa polusyon sa hangin at tubig, mas madaling bigyan ng solusyon ang light pollution. Ang simpleng pagpatay ng ilaw sa labas tuwing gabi at pagpapalit ng ilaw ay malaki na ang maiitutulong, mapapababa ang kuryente natin, makakakuha pa tayo ng magandang tulog.
Dati, ang buwan at mga bituin ang nagiging gabay natin sa gabi, pero dahil sa mga artificial lights ay nakakalimutan na natin ang kahalagahan nito. Sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya ang gabi ay lumiliwanag at ang liwanag ng mga bituin sa kalangitan ay nawawala nang parang bula.

Sa survey na isinagawa sa mga mag-aaral sa
Makabagong teknolohiya ng bagong henerasyon
Sa kabila ng mga hamon dulot ng kahirapan, patuloy na pinapakita ng mga batang Pilipino ang kanilang pagkamalikhain at determinasyon sa pag-aaral. Maraming mag-aaral ang naka-imbento ng mga makabagong kagamitan at praktikal na solusyon upang matulungan ang ating mga kapwa Pilipino.
Isa sa mga halimbawa ay si George Lizan Tizon isang grade 11 student na kasama sa Taguig Robotics Team, at siya ay nakabuo ng isang gadget na ikinakabit sa tungkod para mapadali ang pag-akyat sa hagdan, ito ay kanyang binuo para sa mga matatanda na nahihirapan sa pag-akyat sa hagdan, ito raw ay sinasabing user-friendly at magaan sa bulsa dahil nagkakahalaga lamang ito ng 3,000 Pesos.
Samantala, sa Cagayan, si Diosdado Banatao ay nakapagtapos ng Electrical Engineering Sa Mapua Institute Of
Technology sa Manila, siya ay nakapag-ambag ng walong kontribusyon sa Information Technology.
Si Banatao ay mas kilala sa pagpapalabas ng pinaka-unang single chip graphical user interface accelerator na nagpabilis ng mga kompyuter, ang chip graphical ay isang integrated circuit na idinesenyo upang pabilisin ang progreso ng mga device tulad ng smartphones, tablets, at iba pang embedded systems.
Ngunit, sa kabila ng mga tagumpay ng mga mag-aaral na ito, kailangan nating aminin na hindi lahat ng kabataang Pilipino ay nagkakaroon ng parehong oportunidad, maraming batang may potensyal ang hindi nakatatanggap ng sapat na suporta mula sa ating gobyerno o pamahalaan, paaralan, at lipunan upang mahasa ang kanilang kakayahan.
Sa bawat batang Pilipino na lumalaban sa hamon ng kahirapan, sana’y magsilbing liwanag ang mga kuwentong ito upang muling magising ang kanilang pag-asa at pangarap. Ang mga imbensyon ng batang Pilipino ay hindi lamang nagsisilbing solusyon sa kanilang mga problema kundi nagiging simbolo ng pag-asa at determinasyon. Sa kanilang mga kamay, ang mga simpleng ideya ay nagiging makapangyarihang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
Sa kabuuan, ang kwento ng mga batang Pilipino ay isang paalala na sa kabila ng mga hamon mayroong pag-asa at posibilidad. Ang kanilang mga imbensiyon ay dapat ipagmalaki at ipakalat, upang magsilbing inspirasyon sa iba pang kabataan na patuloy na mangarap at lumikha kahit sa kabila ng mga pagsubok.

Gadgets, Kaagapay o Balakid sa Pag-unlad ng Bata?
“Kaseselpon mo ‘yan”, sigurado akong pamilyar ka sa mga linyahang ito, sapagkat ito ang madalas na bukambibig ng ating mga magulang. Sa panahon ngayon, tila binago ng teknolohiya ang ating paraan ng pamumuhay. Mas napapadali ng teknolohiya ang ating pang-araw-araw na pamumuhay kung kaya't naging bahagi na ng ating buhay ang paggamit ng gadgets tulad ng smartphones, computer at tablet lalo na sa mga kabataan. Sa henerasyon ng Gen Z, maagang nagiging bahagi ng kanilang mundo ang mga modernong teknolohiyang ito.
Karamihan sa mga kabataan ang napagagalitan ng kanilang mga magulang sa lubos na pagtutok sa kanilang mga gadyets, sa kabilang banda, nalilinang ng mga bata ang pagiging malikhain, problem-solving skills sa pamamagitan ng mga laro at programang pangedukasyon. Ngunit sa tingin niyo dapat bang pagamitin ng gadyet ang mga bata?
Ayon kay Cleoffe Torres, isang mag-aaral mula sa New Era High School, "Oo, pero sa tamang edad at oras lamang. Dapat itong gamitin bilang isang kasangkapan
sa edukasyon at libangan ngunit may gabay ng magulang upang maiwasan ang sobrang paggamit at masigurong natututo ang bata.”
ni: Audrey Tugade
Nagbibigay-aliw sa mga bata ang mga gadgets lalo na't sa mga panahon na sila'y nag-iisa at nagiging paraan ito ng kanilang pampalipas oras. Kayraming mga aplikasyon na naglalaman ng mga nakakatuwang laro, kuwento at videos na nagdudulot ng kasiyahan sa mga bata. Natututo naman ng mga bagong kaalaman at nahuhubog ang kanilang kakayahan sa mga panonood ng mga educational videos at mga aplikasyon sa kanilang mga gadgets.
Sa kabila ng benepisyong dulot ng gadgets, hindi rin maiiwasan ang masamang epekto na nararanasan ng mga bata. Ayon sa isang eksperto na si Dr. Michelle Sy mula sa Child Neurology Society of the Philippines, ang sobrang screentime ay puwedeng magdulot ng mabagal na brain development na maaaring maging sanhi ng developmental disability gaya ng intellectual disability.
Maaaring maabala ang pagpapaunlad sa memorya at sa kakayahang magplano at magpokus ng mga bata, dulot
ito ng kawalan ng panahon na matuto pa ng ibang bagay. Maaari rin maapektuhan ang kakayahang makipag-usap at maging bihasa sa paggamit ng wika. Ilan sa mga bata ang nagiging balisa kapag sila'y hindi nakahahawak ng gadgets o kaya naman kapag hawak na ito ay tila hindi na mabitawan.
Ayon sa child psychologist na si Dra. Rizason TianNg, hindi dapat masanay ang mga bata sa "digital world" na "instant" ang lahat. Ito rin ang nagiging dahilan ng pagkalabo ng kanilang mga mata.
Nagtataglay ng positibo at negatibong epekto sa mga bata ang paggamit ng mga gadyets sa murang edad. Hindi mainam na gamitin ang teknolohiya upang mapatahimik ang bata. Kaya naman mahalaga ang tamang gabay ng magulang sa pagkontrol sa mga bata ng paggamit ng mga gadyets. Mainam na bigyan ng ibang aktibidad na ipapalit dito, tulad ng paglalaro ng isports o kaya nama'y hikayatin ang batang magbasa at matuto sa sining gaya ng pagguhit o pagpinta, importanteng magkaroon ng pisikal na aktibidad ang mga bata. Mahalaga ang pagtatakda ng limitasyon sa paggamit ng mga gadyets upang mapanatili
Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE),
ni: Melvien Taytayon
kartun ni: Janine Aira Nicor
kartun ni: Janine Aira Nicor

ISANG SAKRIPISYO
O PAGPAPABAYA SA KALUSUGAN?
Sa panahon ngayon, maraming mag-aaral ang nakararanas ng matinding ‘pressure’ sa kanilang pagaaral. Isang halimbawa nito ang kakulangan sa tulog na nagiging normal na bahagi ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Ngunit gaano nga ba kalaki ang epekto ng pagpupuyat sa kanilang kalusugan at kakayahang magtagumpay sa akademya?
Isinagawa namin ang isang interbyu sa halos 50 estudyante mula sa Baitang 7 hanggang 10 sa Paaralang Sekondarya ng New Era. Karamihan sa kanila ay sumagot ng “oo” nang itanong namin kung sila ay nagpupuyat upang matapos ang kanilang mga homework o proyekto. Kasunod nito, tinanong din namin kung naging madalas ba ang pagkakaroon nila ng sakit bilang resulta ng madalas na pagpupuyat.
Ayon sa mga eksperto sa kalusugan, tulad nina Dr. Matthew Walker, isang kilalang propesor ng neuroscience, at Dr. Michael Breus, isang sleep specialist, may masamang dulot
sa pisikal at mental na kalusugan ng mga mag-aaral ang regular na pagpupuyat. Nauugnay ito sa pagbaba ng immune system, na nagiging sanhi ng madaling pagkakasakit ang kakulangan sa tulog. Bukod dito, maaari rin itong magdulot ng pagtaas ng stress hormone na cortisol, na nagiging dahilan ng kawalan ng pokus at emosyonal na kawalangtatag.
Sa isang pag-aaral na isinagawa ng Sleep Research Society, napatunayan na ang mga mag-aaral na kulang sa walong oras ang tulog bawat gabi ay nagkakaroon ng mas mababang grado kumpara sa mga nakakakuha ng sapat na pahinga. Nakakaapekto ito sa kanilang memorya, konsentrasyon, at kakayahang magdesisyon na mahalaga para sa pag-aaral at pagsusulit. Sa ganitong kalagayan, maaaring bumaba ang grado ng isang mag-aaral dahil sa kawalan ng sapat na pokus.
Dagdag pa rito, ang pagpupuyat ay maaaring magdulot ng kahirapan sa pagtulog o insomia at mga sakit sa mental health tulad ng anxiety at depression na


maaaring nakakaapekto sa ating pisikal na kalusugan. Mas mataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga ganitong sakit ang mga mag-aaral na madalas magpuyat na maaaring makaapekto hindi lamang sa kanilang pag-aaral pati na rin sa kanilang kabuuang kalidad ng pamumuhay.
Sa kabila ng mga panganib na ito, marami pa rin ang naniniwalang isang sakripisyong kailangan ang pagpupuyat upang matapos ang mga proyekto, papel, at mga pagsusulit. Upang maiwasan ang mga negatibong epekto ng pagpupuyat, inirerekomenda ng mga eksperto tulad nina Dr. Walker at Dr. Breus ang tamang time management. Sa pamamagitan nito, maaaring magkaroon ng sapat na oras ang isang mag-aaral para magpahinga at matulog nang maaga.
Ayon sa mga espesyalista, hindi lamang magpapabuti sa kalusugan ang pagpapatupad ng tamang tulog kundi magpapalakas din sa kakayahan ng utak. Mahalaga ang paglalaan ng oras para sa tulog at pahinga upang maabot ang pinakamataas
na produktibidad sa pag-aaral. Ang sapat na pagtulog ang pangunahing nagiging daan para sa mas mabilis na pagkatuto at mas mataas na antas ng pagunawa.
Tila bahagi na ng kultura ng mga mag-aaral ang pagpupuyat, ngunit hindi dapat isantabi ang epekto nito sa kalusugan. Mahalaga ang balanseng pamumuhay para sa isang mag-aaral. Bagama’t mahalaga ang akademikong tagumpay, hindi dapat kalimutan ang pangangalaga sa sariling kalusugan.
Kung patuloy na babalewalain ang pagpupuyat, maaaring magdulot ito ng pangmatagalang problema. Tandaan, kayamanan ang kalusugan na hindi dapat ipagpalit sa kahit na anong pangarap. Kaya’t sa bawat oras na pipiliin ng isang mag-aaral na magpuyat, kailangang tanungin ang sarili: Sulit ba ang kapalit nito sa aking kalusugan?
Siyensiya

Siyensya at Suporta
Sasobrang matipirin ng bansa natin pagdating sa mga sektor na nagsasagawa ng pananaliksik, manggagawa na mismo ang gumagawa ng paraan para makatakas sa bansang wala silang mapapala. Isa sa pangunahing pinagkukunan ng kaalaman ng mga importanteng impormasyon ukol sa partikular na bagay ay ang research findings at pagbuo ng research trials. Subalit kaakibat nito ang pagkalap muna ng badyet at suporta para sa mga kagamitan na kakailanganin.
Ayon sa datos ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ang pangunahing prayoridad ng pamahalaan sa usaping pagbabadyet at investments ay ang pagbuo ng oportunidad sa trabaho. Mahihinuha nating kulang talaga ng atensiyon ang Research and Development (R&D). Taliwas nga naman ito sa nais nilang unahin sapagkat mawawalan din naman ng trabaho ang mga nasa larangan ng R&D.
Bilang resulta, nababawasan ang mga manggagawa sa bansa na humihila sa pagpapalakas ng sektor ng paggawa at ekonomiya. Nawawalan din ng pagkakataong makabuo ng panibagong imbensyon sa agham at teknolohiya na nagiging dahilan upang tayo ay manatili sa makaluma at hango pa sa ibang bansa na mga produkto. Gustonggusto talaga nilang ipamukha sa iba na bagay sa atin ang
sertipikong third world country. Mahirap makipagsabayan sa mga mayayamang bansa subalit tignan niyo naman kung bakit sila umuunlad. Kumpleto at matibay ang kanilang mga kagamitang pang-medikal at umuusbong ang teknolohiya sa kanila. Sinusubukan kasi nilang umahon kaya marami silang solusyon. Sa Pilipinas kaya, kailan nila maiisipang ang paglago ng siyensya ay isang malaking tulong para mapalakas ang ekonomiya?
Para sa akin, kung mapagtutuunan ito ng pansin at maisasama sa plataporma ng mga mambabatas ay paniguradong kahit papaano magkakaroon ng pagbabago. Mahihikayat din ang mga manggagawa na manatili sa bansa at huwag nang maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Ang suporta ay isang malaking salik kung bakit nagkakaroon ng rason upang sila ay manatili. Kapag wala sila, wala rin tayong masisimulan. Hindi ko naman sinasabing mababa ang standard natin subalit parang ganoon na nga.
Samahan niyo akong isigaw sa kasalukuyang administrasyon na huwag silang magsayang ng oras para isama sa kanilang plano ang R&D. Napakaraming ahensiya na maaaring magtulongtulong, ‘wag na ho kayong magkahiyaan. Kulang ang libo-libong mabubulaklak na salita kung yung mga research findings ay unti-unti nang nalalanta.
Usaping sekswal–bastos nga ba talaga o sabi-sabi lamang ng mga matatanda?
Karamihan sa ating mga Pilipino, ang usaping sekswal ay tinuturing na “bastos” ng maraming mga Pilipino.
Lalo na kung pag-uusapan ito sa harap ng mga kabataan. Ang mga magulang ay kadalasang nagdadalawang-isip talakayin o pag-usapan ang mga isyu ng sex dahil sa takot na baka sakaling maimplusensyahan ang kanilang mga anak o ang mga kabataan.
Dapat nga bang ituro sa mga kabataan ang sex education?
Batay sa survey ng Paaralang
Sekondarya ng New Era (PSNE) sa pangkat Becquerel, hindi bastos ang usapin na ito at kailangan itong bigyang-pansin upang maiwasan ang maling impormasyon at mapag-ingat ang mga kabataan.
Ayon sa mga ulat, tumaas ang bilang ng mga kaso ng Human Immunodeficiency o HIV at Acquired Immunodeficiency syndrome o mas kilala bilang AIDS at iba pang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Mayroong 1,200 na bagong kaso ng HIV na naitatala kada buwan at tumataas din ang kaso ng syphilis at gonorrhea sa mga nakaraang taon. Isang pangunahing dahilan ng problemang ito ay ang kakulangan ng wastong sex education sa ating mga paaralan at komunidad. Sa kabila ng pagiging conservative ng mga Pilipino.
Ang syphilis ay dulot ng treponema pallidum, isang uri ng bacteria na naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik at sa Quezon City lamang, naitala ang 349 na kaso ng syphilis mula
Enero hanggang Nobyembre 2022, ang gonorrhea naman ay dulot ng neisseria gonorrhoeae at naipapasa rin sa pamamagitan ng vaginal, anal, o oral sex at sa parehong panahon noong 2022, naitala ang 1,057 na kaso ng gonorrhea, na may 52.75% pagtaas kumpara sa nakaraang taon.
Maraming kabataan ang hindi nakakalaam kung paano protektahan ang kanilang sarili mula sa mga sakit na ito. Karamihan sa mga kabataan ay natututo lamang sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan o gamit ang teknolohiya kaya dahil dito, marami sa kanila ang hindi alam ang paggamit ng proteksyon tulad ng condom, na isa sa pinakaimportanteng paraan upang maiwasan ang pagkalat ng Sex Transmitted Diseases (STDs).
Upang masolusyunan ito, mahalagang isulong ang
mga programa tungkol sa sex education sa mga paaralan at komunidad, upang maging bahagi ng kurikulum at maipaliwanag ang mga aspeto ng sekswalidad. Dapat ituro sa mga mag-aaral ang tamang impormasyon tungkol sa sekswalidad, responsibilad, at kalusugan ng bawat kabataan. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagtaas ng kaso ng mga STDs.
Sa kabila ng mga negatibong pananaw ng ilan sa sex education, dapat nating maunawaan na hindi ito bastos kundi isang mahalagang bahagi ng ating edukasyon at kalusugan. Ang pagbibigay ng wastong sex education ay hindi lamang naglalayong ituwid ang mga maling kaisipan kundi nagaambag din sa pagbuo ng mas ligtas at mas malusog na komunidad.
ni: Eirol Torres
larawan ni: Rya Sophia Soyosa
Melvien Taytayon
Josan Leal
ANG MANDARAGIT
MABAHONG KATAWAN, ISYUNG DAPAT PAGTUUNAN NG PANSIN


HIMIG
"I don't need anything to make me satisfied. 'Cause the music fills me good and it gets me every time,” ayon sa kantang ito ni G-Easy na “Me, Myself and I” ang pakikinig sa musika ay isa sa mga bagay na ating kinahihiligan at libangan ng nakararami, ngunit ang musika ay isa rin sa mga bagay na may malalim na epekto sa ating emosyon at pag-iisip. Mula sa mga iba't ibang genre ng kanta gaya ng pop, jazz, classical at marami pang iba–ang mga himig na ating pinapakinggan ay may kakayahang baguhin ang ating nararamdaman.
Ayon sa Tallahassee Memorial Healthcare, ang musika ay may mga iba't ibang epekto sa ating pag-iisip at nararamdaman. Kagaya ng pakikinig sa mga
masigla at masayang kanta ay maaaring magdulot ng kasiyahan habang ang pakikinig naman sa mga classical music ay makakatulong sa pagpapababa ng ating stress or anxiety. Kapag ang musika ay akma sa ating nararamdaman, ito'y maaaring maging isang instrumento upang maipahayag ang ating damdamin at naiisip.
Sa pahayag din ni Andrew Budson, MD ’93, chief ng cognitive at behavioral neurology at the Veterans Affairs Boston Healthcare System "Ang musika ay nagpapagana ng halos lahat ng bahagi ng utak, kabilang ang hippocampus para sa memorya, amygdala para sa emosyon, at limbic system para sa kasiyahan, pagganyak, at gantimpala. Pinapagana din nito ang limbic system dahilan kung bakit
LUNTIANG LUNES
Maraming problema ang hinaharap ng ating planeta tulad ng global warming, land pollution, at iba pa. Ano nga ba ang mga ito?
Ang global warming at land pollution ay isa sa pangunahing problema ng ating kalikasan. Ang global warming ay ang pag-init ng ibabaw ng Earth dulot ng mga aktibidad ng tao, partikular sa pagsunog ng fossil fuel, na nagdudulot ng pagtaas ng greenhouse gas at pag-init ng kapaligiran, at ang land pollution ay ang pagkasira ng lupa dulot ng mga aktibidad ng tao.
Sa tingin nyo ba sa susunod na henerasyon mayroon pang malinis na kalikasan na madadatnan ang ating mga mata?
O baka naman puno na lang ng mga pira-pirasong basurang di maitanim?
ni: Melvien Taytayon
aging sakit sa ulo ang problema ng mabahong katawan o body odor, ito ay lumalabas hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang
Isang isyung pangkalusugan ito na hindi lang nakakaapekto sa ating kalinisan kundi pati na rin sa ibang tao. Ang amoy na ito ay maaaring dulot ng natural na proseso ng ating katawan, ngunit ang ating kinakain at kapaligiran ay may malaking papel din dito.
Ayon kay Doc. Willie Ong, isa sa pangunahing dahilan ng mabahong katawan ay ang hindi tamang pag-aalaga sa
natural tayong sumasabay sa ritmo.”
Ayon sa survey na isinagawa sa pangkat Boyle, malinaw na ang interes ng mga mag-aaral pagdating sa musika ay nakatuon sa dalawang pangunahing genre. Humigit-kumulang 70% ng klase ang mas pinipiling makinig sa mga pop songs, na kilala para sa kanilang maka ‘Gen Z’ na himig at liriko. Samantala, ang natitirang 30% ay tinatangkilik ang sariling atin sa pamamagitan ng pakikinig sa OPM o Original Pinoy Music, na sumasalamin sa kultura at damdaming Pilipino.
Musika rin ang kadalasang ginagamit ng kabataan bilang isang solusyon sa pagtakas sa mga problemang kinakaharap nila sa kanilang buhay. Sa mga kabataang may pinagdaanan,
ni: Vincent Lopez
"I believe that the real problem in this world is not climate change; the real problem is us because of our ignorance and apathy. What we have to do is to start recalibrating our minds, and redirecting our steps because together as a global community, our micro efforts will have a macro effect to help save our home, our planet." – Ayon sa sagot ni Ms. Earth 2017 Karen Ibasco sa tanong na “Who or what do you think is the biggest enemy of Mother Earth and why?”
Tuwing may pagsusulit tayong sasagutan, kapag mayroong tanong na "Ano ang pangunahing problema ng ating lipunan?" malamang sasagutin nyo ay plastik. O kapag mayroong tanong na "Kung mayroong pagkakataon, aalagaan mo ba ang kalikasan?" Siguradong umo-oo ka at pinaplastik ang kasagutan!
Pwes, tuwing Lunes, bawal ang plastik dito!
Dito papasok ang makabuluhang proyekto ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) na ang tawag ay “Plastic-Free Mondays.” Ang tungkulin nito ay mabawasan ang paggamit ng plastic tuwing Lunes at nakakasabik pa— nakakatulong ito! Base sa datos ng paaralan, nababawasan na ang nakokolektang plastic tuwing Lunes.
May isang kapanapanabik na bahagi! May scoring system ito at nakakataas pa ng inyong grado! Limang puntos kapag may dalang reusable water tumbler at lunchbox, tatlong puntos naman kapag water tumbler o kaya lunchbox lamang ang dinala, at panghuli, walang puntos naman kapag hindi nakilahok. Nakakatulong ito sa
sarili, hindi regular na pagligo, hindi paggamit ng deodorant, at hindi maayos na pag-aalaga sa mga damit ay maaaring magdulot ng hindi kaaya-ayang amoy. Maaari rin itong maging sanhi ng mga sakit tulad ng problema sa atay o diabetes, na dulot ng mataas na asukal sa katawan.
Dahil sa pagkakaroon ng mabahong katawan, karamihan sa mga mag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng New Era ( PSNE) sa pangkat Newton kapag nakakaamoy sila ng mabahong amoy ay nahihirapan silang magpokus sa klase.
Kaya naman, dapat nating alagan ang ating katawan dahil ito ang nagbibigay sa atin ng tiwala sa sarili, dagdag pa rito, ang mabahong katawan ay maaaring magdulot ng mababang kumpiyansa at distansya sa iba, kabilang na sa mga romantikong relasyon.
ang mga himig sa musika ay nagiging isang instrumento na nagpapatahan sa kanilang sarili, ngunit may mga pagkakataon din na ang musika ay nagdudulot nang lalong pagkalugmok ng tao, lalo na kung ang kanta ay naglalaman ng mga malulungkot at negatibong mensahe.
Sa tulong ng musika tayo ay nagkakaroon ng mga makabagong pananaw at kaisipan. Kung ito ay magagamit nang tama, ito'y magiging isang daan sa pagbuti ng ating kalusugan hindi lamang ang mental health pati na rin sa ating pisikal na kalusugan, dahil ito ay may malaking epekto sa ating pagdedesisyon sa ating pamumuhay.
mga estudyante dahil nagaganyak silang gumamit ng lunchbox at tumbler. Nagbibigay ng sertipiko noong unang markahan sa pangkat na lubusang nakikilahok tuwing Lunes, to the next level!
Kaya, kung gusto natin ng malinis na kinabukasan, simulan natin sa ating mga sarili. Ang “Plastic-Free Mondays” ng PSNE ay hindi lang isang proyekto; ito'y isang hakbang tungo sa mas malinis na planeta. Ipakita natin na kaya nating gumawa ng pagbabago—isang maliit na hakbang na may malaking epekto. Tandaan, ang bawat bote at supot na hindi natin ginamit ay isang tagumpay para sa ating kalikasan. At wag kalimutan, ang mga "micro efforts" ay magkakaroon ng "macro effects" para iligtas ang ating tahanan, ang ating planeta.
May ilang paraan upang maiwasan ang mabahong katawan, una,maligo araw-araw, gumamit ng antibacterial na sabon, at deodorant upang matulungan ang amoy, mahalaga ring panatilihin ang tamang diet at kumain ng masustansya tulad ng prutas at gulay at panghuli, mahalagang kumunsulta sa doktor upang masuri ang mga medikal na sanhi.
Sa huli, ang mabahong katawan ay hindi lamang personal na isyu kundi isang pangkalusugang usapin na dapat bigyang-pansin, ang kaalaman dito ay mahalaga upang mapanatili ang kalinisan at tiwala sa sarili, ang pag-unawa sa mga kondisyon tulad ng diabetes ay makakatulong sa atin na mas mapangalagaan ang ating kalusugan at maiwasan ang mga hindi kanais-nais na epekto nito.
Iba’t ibang uri ng talino ni Juan
Lahat ng tao ay may sariling opinyon at hilig. Lahat tayo ay may bagay kung saan tayo magaling, ang iba ay mahilig kumanta, habang ang iba naman ay mahilig sa mga lohikal at matematika. Pero pansin niyo ba na karamihan sa mga estudyante sa star section ay magagaling sa mga subject na Mathemathics at Science?
Ayon sa teorya ni Howard Gardner isang tanyag na sikolihista, mayroong pitong klase ng intelligence o talino ito ay ang; linguistic, logicalmathematical, bodily-kinesthetic, musical, spatial, interpersonal, intrapersonal, at naturalistic intelligence. Ibig sabihin nito na bawat tao ay may bagay na kung saan siya matalino at magaling. Kung madali para sayong matuto ng bagong wika ay may linguistics intelligence ka, kung magaling ka naman sa paglalaro ng isports o pagsayaw ay may bodily-kinesthetic intelligence ka. Musical intelligence naman kung madali sa iyong

matuto gamit
tulad ng graphs. Kung magaling ka sa mga kaalaman na may kinalaman sa kalikasan ay may naturalistic intelligence ka.

Iba’t ibang intelligence ang mayroon sa tao pero nakakalimutan ito ng nakararami at ang mga numero na lamang sa report card ang basehan para masabi kung matalino ka ba. Dahil dito ay may ilang mga kabataan ang natutukso dahil sa kanilang grado at palaging napapagalitan ng kanilang mga magulang. Nalulugmok tuloy sila sa lungkot at stress, dahil dito ay nagkakaroon sila ng depression.

Mahalaga na bata palang ay maintindihan na ng lahat na hindi basehan ang report card sa pagiging matalino.
intelligence ka pero kung ikaw ay isang introvert ay intrapersonal intelligence. Mayroon kang spatial intelligence kung naiintindihan mo kaagad ang impormasyon na ipinapakita sa iyo gamit ang mga visual aid
Naniniwala ako na bawat bata ay may kanya-kanyang talento at talino na dapat paghusayin at paunlarin “ - Ginang Ginalyn F. Abelo

larawan ni: Rhein Ibanez
ni: Latisha Soriano ni: Justine Aldeguer

PSNE MINTONETTE SINUWAG ANG IMSHS SA VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP GAME
Sinungaban ng Paaralang Sekondarya ng New Era (Mintonette) ang Ismael Mathay Senior High School matapos makamit ang kampeonato sa ginanap na Women's Volleyball Congressional District 6 Meet Championship Game sa Culiat High School Covered Court noong ika-lima ng Oktubre, Sabado.
Humugot ng pinakamaraming puntos si Liane Baldomar sa koponan ng Mintonette bunga ng

kanilang tagumpay.
Simula pa lang ng laban agad na nagpasikat ang mga manlalaro ng Mintonette para tuluyang maagaw ang unang bahagi ng laro, 25-19.
Makikita sa mga manlalaro ng New Era na matagal na nila itong pinaghahandaan para magkaroon ng panibagong kabanata ang PSNE.
Pagsapit ng ikalawang kwarter, mainit ang naging labanan sa pagitan ng koponan at inungusan ng
PAHINGA NG MGA LADY RHINOS
LATHALAING ISPORTS
Sa ibang mga magaaral, sabado na ata ang natitirang pag-asa. Araw na kaya nilang magpahinga, lalo na kung ang pagod ay ‘di kinakaya. Pero sa mga atletang tulad nila Anycah, sabado ang araw upang mahasa sa langaran ng Basketball.
Sabi nga ng iba, sa oras na mahalin mo ang isang bagay titiisin mo ang lahat para rito. Kahit anong maging kapalit, kahit anong mangyari.
Ganyan ang pinatunayan ng mga manlalaro ng NEHS Basketball Girls Rhinos nang patuloy na makasanayan ang walang humpay na Saturday Trainings. Ito ay mula sa tulong at pamumuno ng kanilang coach na si Sir Victor Ruetas. Sabaysabay na nag-iingay ang kanilang mga sapatos sa tahimik at walang katao-taong
paaralan. Sa gitna ng pahinga ng iilan, nananatili ang pagpupursigi ng mga natatanging atleta. Nang magkaroon naman ng maikling panayam kasama si Anycah Fajardo, ang Point Guard ng team, kaniyang isiniwalat kung bakit nga ba nangyayari ito? Bakit tila wala na silang pahinga?
Hindi na lingid sa kaalaman ng mga mag-aaral sa New Era, ang mga tagumpay, tropeyo at titulo na ipinagkakaloob ng iba’t ibang isports sa paaralan. Kumbaga ay sa oras na magkaroon ng mga paligsahan, sigurado at kampante nang may maiuuwing karangalan. Ito ay dahil maliban sa pahirapang try-out at paghahasa sa mga napiling mga magiging miyembro, naging tradisyon na rin ng Girls Rhinos na magkaroon ng istriktong pagsasanay para sa laro. Kaya nga ay
mabilis nilang nahakot ang tropeo ng pagiging kampeon sa CD6 Sports Meet nitong Oktubre.
Nakatutuwa lang ding isipin na sa kabila ng kanilang mga tagumpay, kailanman ay hindi naging kampante ang team. Patuloy silang naghahangad nang mas ikagagaling at ikalalakas ng kanilang kakayahan. Kaya nga ng tanungin namin si Anycah, ang naging sagot ay repleksyon ng determinasyon ng isang tunay na atleta.
“Hindi ako papayag, gusto kong lumakas at lumawak ang kakayahan kaya mag-eensayo ako. Wala namang pasok tuwing sabado.”
Mas malawak na espasyo, mas mahabang oras na pageensayo. Walang mga klaseng masasagasaan, at higit sa lahat, sa kanila ang buong covered court ng paaralan. Ilan lang ‘yan sa mga kabutihang dulot ng Saturday Trainings ngunit baka nga tama ang sinasabi ng iba, kawawa na ang mga atleta. Biruin mo tuwing sabado imbes na magpahinga patuloy lang silang nagsasanay at hinahasa. Kaso, ano nga bang magagawa? Paano kung dito talaga sila masaya?

Lalo pa at may mga bagay tayong kinakaya lalo na kung gustong-gusto talaga. Ang Basketball pa nga marahil ang gulong na naghahatid sakanila para sa mas produktibong pamumuhay. Dahil dito sila magaling, ito ang kanilang pahinga.
Ismael Mathay ang Mintonette sa pagpapakita ng , 25-27.
Laking tuwa ni Coach Maria Eloisa Ruiz sa koponan ng New Era sa mga girls sa ipinamalas na mala-bulkang mayon na toss na nag-angat sa kanila papuntang Division.
Hindi naman nagpahuli ang New Era sa pagpapakita ng mala-bulkang pinatubo na spike at
tuluyang dinagit ang ikatlong set sa iskor na 25-21.
Sa huli, winakasan ng pag-asa ng New Era ang kabilang koponan matapos lampasuhin at tuluyang sinungkit ang kampeonato, 25-14.
Puspusan pa rin ang pag-eensayo ng mga Girls para sa darating na laban nila sa Division, Disyembre 7, 8 at 14.
Maraña hinugot ang gintong medalya sa Badminton Tournament

Matagumpay na inuwi ni Emerald James "EJ" Maraña ang gintong medalya matapos malampaso ang kalaban sa naganap na Men's Badminton Singles District VI Athletic Meet na ginanap sa Emilio Jacinto National HS noong ika-12 ng Oktubre, Umaga.
Laking tuwa naman ni Coach Gerald Antonio sa ipinamalas ni Maraña sa loob ng court.
Pagdating ng unang laro, pinaluhod ni Maraña ang kaniyang kalaban mula sa Sauyo HS.
Pinayuko ni Maraña ang kaniyang sunod na kalaban mula Culiat HS ng walang alilangan. Pasapit ng finals, nagtayuan ang balahibo ng mga manonood sa ipinakita ni Maraña matapos pabagsakin ang kalaban na si Ivan Villanueva ng Ismael Mathay matapos makamit ang kampeonato.
Laking tuwa naman ni Coach Gerald Antonio sa ipinamalas ni Maraña sa loob ng court.
Masikap pa rin ang pag-eensayo na ginagawa ni EJ Maraña para mapasakamay ang susunod na kampeonato.
"Talent wins games, but teamwork and intelligence win championships."
Pahayag ito mula sa dating basketball star na si Michael Jordan, na siya ring pahayag na ipinost sa facebook ni G. Levie Advincula, coach ng New Era High School Chess Club.
Ito ay matapos itanghal na kampeon si Rae Anthony Antiquin, Grade 9 sa sinalihang District Meet 20242025 Chess Contest na ginanap nitong ika-12 ng Oktubre sa Mataas na Paaralan ng Culiat.
Samantala, nanalo rin sa nasabing patimpalak si Zygian Paguinto, Grade 8 bilang 1st runner-up. Naging puspusan ang kanilang ginawang pagsasanay kung saan nakakalaban nila ang mga datihang chess players ng kaparehong paaralan.
Naglaban-laban sa nabanggit na paligsahan ang mga paaralan na
nagmula sa ika-anim na distrito.
ni: Nickalyn Naive
ni: Khurshanne Francisco ni: Nickalyn Naive ni: Genika Quilana
larawan: MAPEH Department
larawan: MAPEH Department
larawan ni: Franz German
HAMPAS ANG ARMAS. Nasungkit ng Emerald James "EJ" Maraña ang gintong medalya matapos nitong pabagsakin ang kaniyang kalaban sa ginanap na Men's Badminton Singles District VI Athletic Meet sa Emilio Jacinto National High School
HUSAY, ENSAYO, PALO, PANALO! Wagi ang Mintonette ng PSNE laban sa koponan ng IMSHS matapos makamit ang pagiging kampeon sa larangan ng Women's Volleyball, sa ginanap na District 6 Meet Championship Game.
SABADO PARA MALINANG LALO. Bagamat pahinga dapat ang araw ng sabado, para sa Lady Rhinos ito ay araw upang magensayo at mahasa ang kahusayan sa kanilang larangan.
ni: Josan Leal
Alas dose na nang gabi subalit mulat na mulat pa rin ang aking mata. Wala akong ibang maisip na gawin kundi pakinggan ang halo-halong boses sa aking utak na ‘di ako magawang patulugin. Gabi-gabi na lang ganito ang senaryo sa aking kwarto, lagi na lang akong nagmukmok kasama ang mga maiingay na lamok na umiikot sa aking tainga.
Sirang-sira na ang aking body clock simula nang pasukin tayo ng pandemya. Napakaraming pagbabagong naganap at hindi ko na mawari kung maibabalik pa ba ito sa dati. Nawala na rin ang dati kong sigla sa mga larong pampalakasan sapagkat dumadapo sa isip kong wala na ang dati kong tikas sa paglalaro. Walang-wala na talagang natira para sa aking sarili dahil nga ibinuhos ko ang lahat sa takot at pag-aalinlangan.
Dumating sa puntong pinagtatabuyan ko na ang aking mga kaibigan para lang magkaroon ng oras sa aking sarili. Isa pa naman sa paborito naming gawi ay ang paglalaro ng volleyball tuwing hapon sa bukid ni lolo. Naging parte na ‘yan ng aking pagkabata at ng aming pagsasama bilang magkakaibigan. Ngunit sa isang iglap, nagkaroon ng problema sa aking mental na kalagayan kaya itinigil ko muna ang lahat ng gawaing may kinalaman sa pakikisalamuha.
Bumalik ang umagang kay sarap damhin sapagkat napakaaliwalas ng sinag ng araw. Pinuntahan ko ang aking mga lumang kagamitan at nakita ko ang bolang minsan nang naging parte ng aking kasiyahan. Sinubukan ko muling ibalik ang aking sarili sa paglalaro. Lumipas ang mga araw, masayang-masaya akong nakikipaglaro sa aking mga kaibigan.
Napagtanto kong kaya minsan akong nabalot ng kalungkutan marahil dahil hindi ko sinubukang balikan ang nagbibigay sa akin ng saya. Kalakip ng mga tamis ng aming pagsasama ang mahiwagang bola na dahilan ng aming komportableng pagkakaisa. Tinulungan ako nitong ibalik ang dati kong tindig, walang pag-aalinlangan. Walang takot.
Sa tuwing ako’y kinakain na ng negatibong kaisipan, sinasamahan ako nitong takbuhan ang lahat. Sa bawat paghampas sa bola, isang pagwawaksi sa mga pagdadalamhati. Bawat larong nagaganap ay siya ring pahiwatig na purong aliw na lamang. Dahil dito, pansamantala kong nalilimutan ang mga pait ng reyalidad kahit na sa gabi’y dadalawin na naman ako.
Kahit papaano’y nakahanap ako ng paraan para muling manumbalik ang dati kong sigla. Dahil sa larong ito nagkakaroon ako ng rason para gumising nang may pananabik. Kaya kung dumating man uli sa puntong ayaw ko na sa mundo, aalalahanin kong may mga bagay pang makapagpapasaya sa akin at hindi pa huli ang lahat.
ANG MANDARAGIT
LADY RHINOS AARANGKADA TUNGO DIVISION
ni: Charie Mante
Di luluhod at mandudurog!
Tila sigaw ng Basketball Girls Lady Rhinos matapos ipakita ang galing at sungkitin ang kampeon nito lamang Congressional District 6 Athletic Meet sa Ismael Mathay Senior High School nakaraang sabado, ika-5 ng Oktubre.
Maingat na isinalubong ng Lady Rhinos ang Do-or-Die game laban sa Culiat High School Girls Basketball Team dahilan ng tila pag-init ng bawat manlalaro kasabay ang nasabing anunsyo.
Binomba ng Lady Rhinos ang CHS Basketball Team dahil sa unang quarter pa lang ay agarang pinaluhod na ng koponan ang CHS na may iskor na 19-0.
Nagpakitang-gilas ang Lady Rhinos laban sa CHS Team sa pamamagitan paggamit ng pressure laban sa koponan at ilang beses na passing na naghatid sa kanila upang mabalanse ang ikot ng bola.
“Matik ‘yan pag tu-tulungan, at ginagawa lang namin kung ano yung dapat naming gawin (bilang manlalaro), katulad niya (Malaicah Arabani) Point Guard sya kaya sya yung nag d-dikta, kaya yun ang susundin namin” ani ni Queen Macatigbac, miyembro ng koponang nanalo, ukol sa team play at

paano nasungkit ng grupo ang kampeonato.
Sa pangalawang quarter ay tila hindi pa rin nakatayo ang CHS Team sa laro dahil sa magka sunod na bagsik ng Lady Rhinos, 47-4. Nasungkit ang titulong MVP, ni Glory Pearl Dato mula sa 8-Einstein kaya napanatiling malaki ang lamang sa pangatlong quarter laban sa CHS Basketball Team na may iskor na 58-9.
“Actually kasi ang paglalaro parang evaluation na ng natutunan.. dito hindi mo kalaban ang sarili mo e, yung mga skills dapat mag b-blend yan sa mga kasama (grupo)” ani ng Lady Rhinos Coach Victor Ruetas.
Sa huling quarter ng laro ay tuluyan nang hindi nagpapigil ang Lady Rhinos upang ipakita ang katas ng bawat pagod at training, nagresulta ito ng iskor na 89-13.
Kasalakuyang puspusan na sa ensayo ang Basketball Girls Lady Rhinos upang paghandaan ang paparating na Division Meet, ika 7, 8 at 14 ng Disyembre, halos isa at kalahating buwan ang ibinigay na araw upang mapaghandaan ang tatlong araw na laban.

SIPA NG TAGUMPAY. Nag-uwi ng karangalan ang mga atleta ng New Era matapos madagit ang iba't ibang medalya sa idinaraos na Taekwondo District 6 sa Covered Court ng PSNE.
Sumipa agad ang atleta ng New Era ng apat na ginto, isang pilak at isang tansong medalya sa District 6 Meet, Men's Kyuguri Taekwondo sa New Era High School Covered Court noong ika-12 ng Oktubre, araw ng Sabado
Tampok rito ang ibinulsang gintong medalya nila Alkhaber Talib sa Fin Weight, Clint Zarie Fajardo sa Fly Weight, Kenneth Mallari sa Lightweight at Fritz Vincent Junio sa Welter Weight.
Samantala, nasungkit ni Jazver Lee Mosqueda ang pilak at Anjur Canillo ang medalya.

ni: Geancel Sevilla
Naging mahirap ang tinahak ng mga atleta upang makamit ang panalo.
"Dahil sa palarong tagisan ng lakas ay dapat hindi lang puro lakas" anang ni Mosqueda.
"Kinakailangan mo din mag isip ng mabilis at mahusay sa diskarte at maging obserbado sa galaw ng kalaban mo" dagdag pa niya.
Mabisa at masigasig ang naging paghahanda na ginawa nila at sa ilalim ng pamumuno ng kanilang

tagagabay na sina Maricel Jose at Archie Gapio, bunga nito nakamit nila ang kanilang inaasam na tagumpay. Nagpakita ang bawat atleta ng New Era ng kanilang lakas, bilis at disiplina sa bawat laban na nagpapatunay sa kanilang husay at dedikasyon sa nasabing isport.
Isang patunay na ang atleta ng New Era High School ay may malalim na talento at potensyal.
Kasalukuyang naghahanda na ang mga atleta para sa paparating na Athletic Division Meet.

larawan ni: Franz German
larawan ni: Klein Pichay
ANG MANDARAGIT

Saipinakikitang lakas ng mga atleta dito sa Paaralang Sekundarya ng New Era (PSNE), tunay na hindi natin maikakailang karangalan ang lagi nilang iniuuwi sa ating paaralan. Hindi nasasayang ang kanilang pagpapagal sa mga pagsasanay dahil talaga namang nagbubunga ito ng tagumpay.
Ngayong taong ito, sunod-sunod na panalo ang nasungkit ng ating mga manlalaro. Nagwagi tayo sa larangan ng volleyball, basketball, sa taekwondo, at maging sa iba pang isports ng ating paaralan.
Gayunman, ang buhay ng isang atleta ay talagang hindi madali lalo kung kakarampot ang pondong nakalaan para sa kanila. Umaabot pa nga sa puntong sariling gugol na ng mga tagapagsanay at mga manlalaro ang ginagamit upang mapunan lang ang kanilang kailangan sa paglalaro.
BUHAY ATLETA NGA NAMAN


Nang aming kapanayamin ang Head Teacher ng MAPEH na si Gng. Phame Edangal, sinabi niyang kulang na kulang ang pondong natatanggap ng ating mga atleta, at tunay na hindi ito nakasasapat para suportahan sila sa mga darating pa nilang laban. Dagdag pa niya, mga tagapagsanay ang isa sa mga tuwirang nagpopondo para sa kani-kanilang manlalaro.
Kinakailangan din aniya ng mga atleta na mag-solicit para mapunan ang iba pa nilang pangangailangan tulad na lamang ng uniporme ng mga ito sa kanilang paglalaro. Hindi kasi kakayanin ng ating paaralan na pondohan ang mga ito dahil marami rin ang bilang ng mga atleta sa ating paaralan.
Nakalulungkot lamang isipin na sa likod ng mga iniiwang tagumpay ng ating matatapang na manlalaro, ang suporta sa kanila’y nananatiling salat. Dedikasyon at pagmamahal sa bagay na kanilang ginagawa ang bumubuhay sa damdamin nila upang
magpatuloy pa rin sa paglalaro.
Dugo’t pawis ang kanilang ibinibigay sa bawat laban na kanilang pinagdaraanan. Katunayan lamang ito ng kanilang lubos na pagnanais na makapag-uwi ng karangalan at maningning na tagumpay sa ating paaralan.
Sa puntong ito, walang dapat na naiiwan. Nararapat lamang na ang bawat manlalaro ay buong pusong nabibigyan ng suportang kanilang kailangan.
Makapaglaan sana ng pondo ang bawat lokal na pamahalaan sa mga manlalaro sa lahat ng paaralan. Balang araw, may iba sa kanila'y magbibigay din ng malaking karangalan sa ating bansa, kung kaya’t nararapat lamang na suporta sa kanila ang maibigay upang magpatuloy pa ang parada ng tagumpay.
DIPENSA NI PLACENCIA
Magaling siyang dumepensa, laging nasa likod ng mga kasama. Tagaagapay at ang tao na laging humahabol sa bola. Pero kailanman ay ‘di ka ba napapatanong at napapaisip? Sino itong manlalarong naiiba ang damit?
Kung ang basketball ay tumatanggap na ng mga kababaihan, hindi naman magpapahuli ang volleyball na kaya nang harian ng ibang kasarian. Kumbaga’y ilang taon na rin simula nang mawala ang limitasyon at tuluyang mabuksan ang pinto para sa mag-aaral na ikkwento ko sainyo ngayon.
Paano nga ba ang buhay bilang isang libero? Paano ito nagsimula at patuloy na lumalago?
Malaki ang impluwensya ng isang nakatatanda sa inosente niyang kapatid, katulad nalang kung paano nakaapekto ang pamamayagpag ng kaniyang kuya upang maging siya ay kahumalingan na rin ang Volleyball. Kung paanong ang simpleng pagsunod sa yapak, naging dahilan para maging siya ay magkaroon ng sariling
ni: Khurshanne Francisco
pangalan sa larong nag-uugnay sa kanilang kakayahan.
Naging kabilang sa mga kampeon na hinasa ni Sir Kenneth D. Manalili, at parte ng NEHS Voleyball Rhinos, na patuloy na nagbibigay karangalan sa paaralan. Anim na taong pagpupursigi, at lahat ng ‘yun masaganang inaani at patuloy na lumalago hanggang ngayon. Si Aldwin A. Placencia Jr., unti-unting gumagawa ng sariling karera at patuloy na nagiging kabogera.
Agaw-pansin parati, sa loob o labas man ng court. Ngunit ang lahat ng ito ay depensa niya sa mga taong laging may sinasabi. Ang atletang sumasagip sa laro minsan na ring biktima ng pambubuyo, na naging dahilan para ang salitang pagsuko muntikang magpakilala sa natatanging libero.
Gaano man kapursigidong maging pinakamagaling, lagi’t laging may magbibigay ng kritiko. Isang kritiko na hindi kayang tanggapin sapagkat hatid lamang ay pait at sakit. Buti nalang, may kaibigang matatakbuhan. Isa sa mga naging susi upang
ipagpatuloy niya ang paglalaro ay dahil sa teammate at kaibigang si Andrei, isang Open Spiker ng team. Ayon kay Placencia, siya ang tanging nakakaintindi ng mga bagay na tila hindi kayang maintindihan ng iba.
Ngunit maliban sa kaniyang kaibigan, kailan nga ba magiging bukas sa lahat na ang pagiging atleta ay hindi katumbas ng pagiging perpekto? Kailan natin sila papalakpakan, manalo man o matalo? Na bagamat seryoso sa loob ng court, may mga pagkakataong magiingay ang sapatos at bibigay ang kamay. Hindi laging maganda ang laban, pero sinubukan naman.
Pakatatandaan na ang libero ng ating paaralan ay hindi man kasing sikat ni Detdet Pepito ng UST, parehas naman silang may kakayahang paikutin ang laro’t ipanalo. Sapagkat ang trabaho ay ang walang hanggang depensa mula sa mga binabatong bola ng kalaban. Kaya’t huwag mag-alala, dahil kung pakabugan ng libero, handang dumepensa ang lahat para kay Placencia, ang pambato ng New Era.
o akadEmya?
Biyaya ba ang pagkakaroon ng dobleng kakayahan sa partikular na larangan? Para sa akin ang isang mabigat na salik na nakaaapekto sa pag-aaral ng isang bata ay ang nagsasabay-sabay na gawain. Tulad na lamang ng pakikibahagi sa mga larong pampalakasan ng paaralan at pagkakaroon ng responsibilidad sa pang-akademikong gawain.
Kumbaga, sa dami ng gawain ay hindi mo na alam kung ano ang uunahin. May mga guro pa namang mahirap pakiusapan kung sakaling late ka nagpasa. Wala ka namang magagawa kasi desisyon nila yun at pinili mo ring gampanan ang papel mo sa isports. Ngunit sa kabilang banda, nakalulungkot pa ring isipin na sa kabila ng mga pagsusumikap mo ay kailangang may isang mabitawan.
Hindi rin namang madali na basta-basta ka nalang sumuko at mamili ng isa para lang wala ka nang isasakripisyo. Marahil para sa iba, mahalaga sa kanila ang dalawa. Ang problema nga lang, hirap silang asikasuhin ang mga dapat bawiin sa bawat isa. Halimbawa na lamang ay lumiban ka sa isang training dahil nga may quiz kayo sa isang subject. O ‘di naman kaya’y wala kang naipasang performance task sapagkat sunod-sunod ang practice niyo sa basketball, badminton, volleyball at iba pa.
Isa pa rito ay ang stress at pressure na maaari nilang makuha dahil gulong-gulo na ang isip kung ano ba dapat ang mas inaatupag nila. Baka nga umabot na sa puntong pati tulog at kain nila’y kayang-kaya na nilang ipagsantabi para lang makahabol. Sa mga ganitong sitwasyon, sana lang ay magkaroon din sila ng sapat na pagtrato para masuklian ang pagod nila sa pagsasanay para lang mairepresenta ang sintang paaralan.
Kahit simpleng espesyal na gawain lang na makatutulong sa kanila para kahit papaano mabawasan ang kanilang iisipin. Pagkatapos naman siguro ng mga paligsahan ay tiyak na babawi sila sa mga paksang hindi nila nasundan. Hindi ko naman nilalahat kasi baka may ibang sasamantalahin ito at biglang sumali dahil nga exempted na sila sa activities. Para lamang sa mga nakararanas na talaga ng kahirapang pagsabayin ang mga gawain. Kawawa rin kasi silang nag-aalay ng oras para lumaban tapos mapapalitan din pala ng itlog na iskor sa mga written works pagbalik sa akademiko.
Siguro nga ay mayroon talaga silang dalawang pagpipilian, bitawan ang isa o magpatuloy kahit na nahihirapan. Hindi naman dahilan na sila ang namili ng kanilang desisyon sapagkat kitang-kita kung kanino nakaalay ang kanilang pagpili. Sabihin man nila o hindi, hawak nila ang pangalan ng kani-kaniyang paaralan. Kaya sana, maiintindihan sila ng ibang mga guro kung minsan man silang nagkukulang. Malinaw namang magkaiba ang atleta at akademya datapwat pareho naman silang mahalaga sa bawat batang nangangarap.
Mahirap sabihing dapat magkaroon ng patakaran para sa mga student-athlete ngunit sana nga. Kahit insentibo na lang siguro at pagbibigay pagkakataong ihabol at ipasa ang mga kulang nila. Suporta rin ng paaralan at mga guro para alam nila na sa tuwing mapanghihinaan sila, may mga tao pa ring naniniwala sa kanila. Walang masama kung ‘yan talaga ang nais nila, ang mahalaga’y kaya nila itong pangunahan at paunlarin.
Erans nakibahagi sa Hataw Sayaw Year 2 Competition
ni: Arlhei Dapilos
estudyante. Ginawan ito ng choreography ng isang estudyante sa ika-7 baitang na si Arlhei Janmira C. Dapilos sa tulong ng MAPEH teacher na si Gng. Princess Jona Bolinao.
"Nakakataba ng puso na makitang sumasayaw at gumagalaw ang
Josan Leal
ISPORTS
20
ANG MANDARAGIT

NGITING TAGUMPAY. Bakas sa ngiti ng mga estudyante at kanilang mga guro na nagsilbing kanilang gabay para maging kampeon sa ginanap na District 6 Damath Competition sa IMSHS noong ika-10 ng Enero.
PSNE Kampeon sa District
Damath Competition
Humugot ng dalawang gintong medalya ang Paaralang Sekondarya ng New Era sa larangan ng Damath Grade 9 level sa ginanap na District 6 Damath Competion noong ika10 ng Enero upang makibahagi sa Math Month.
Galak na tinanggap ni Joshdane Gabriel Nicanor mula sa ika-9 na baitang ang kampeon sa Math Expo nito lamang biyernes na ginanap sa Ismael Mathay Senior High School.
Naging mainit ang laban sa pagitan ni Nicanor laban kay Edison James Peguia pambato ng Tandang Sora National
BASAHIN PA

High School (TSNHS), ngunit hindi ito naging hadlang upang makamit ng Tandang Sora ang panalo.
Tinangka ni Peguia na lamangan ng isang puntos si Nicanor na siyang naghatid sa kanila sa pinaka-huling round ng laro, 3-3.
Samantala, dinaluhan ng anim na eskwelahan mula sa District 6 ang nasabing programa, ang Ismael Mathay Senior High School, Tandang Sora National High School, Culiat High School, Emilio Jacinto High School, Melchora Aquino High School at New Era
High School.
Puspusan ang naging training ni Nicanor bilang paghahanda sa laban na siyang nag resulta ng kampeon kaagapay ang kanyang Coach na si Sir Danilo Nicanor.
Bagama’t pursigidong manalo at atentibo ang kaharap sa damath game, malinis paring nailatag ni Nicanor ang kabuuang iskor sa 6 rounds na may 4 puntos.
Tagumpay na naibulsa ni Peguia na may 3 puntos ang pangalawang pwesto at Yunah Pablo mula sa IMSHS na may 2 puntos ang huling pwesto sa
“Naging advantage ko yung first move dahil do’n nakita ko yung kahinaan nila, naging strategy ko rin ay to find the best move talaga and not make mistakes as much as possible” saad ni Nicanor matapos ang laban.
Mula sa Damath Team ng PSNE hindi lang si Nicanor ang naka-kawit ng kampeon sa nasabing Damath Competition, binigyang-pugay din si Kashia Gala mula sa ika-10 baitang na nagkamit ng kampeon.
Men’s Volleyball Team winakasan ng pag-asa ang IMSHS

LATHALAING EDITORYAL
PAHINGA NG MGA LADY RHINOS
Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng Paaralang Sekondarya ng New Era Tomo XL | Blg. l | Hulyo 2024 - Enero 2025 ISPORTS BALITA 17 18 19
LATHALAING ISPORTS
Distraksyon na yan ‘di na inspirasyon
ni: Khloe Culminas
“Nariyan naman si love, lalakas na loob ko niyan” we, ‘di nga? Hirap ka ngang maka-focuskapag pinapanood ka niya, kaya tignan mo score ninyo sa laro, bokya.
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang pagkakaroon ng inspirasyon o motibasyon ay tila bamakapagpapalakas ng loob natin, ngunit paano kung sa isang pagkakataon ito rin angmakapagpababa sa atin?
Isang malaking kapanghinayangan ang hindi mapagtagumpayan ang laban na iyong pinaghandaan sa loob ng mahabang panahon.
Nasayang ang pagkakataon na sana ikaw ay nakaranas ng selebrasyon sa iyong pagkapanalo.
Pag-ibig o tagumpay? O ‘di kaya naman pagmamahal ba o parangal. Sa tinagal-tagal ng iyong pagpapagal ‘di pa’rin pinalad ng maykapal. Dahil sa love life mong sa laro mo’y sagabal. Kinaya naman mo na eh, nagpadala ka lang sa mga ngiti niya.
Sa simpleng pag-shoot ng bola, eh kaso nakita mo siya kaya ayun na blanko ka na. Nawala kana sa isipan mo kaya pati yung pag focus sa laro nalimutan mo na.
Nakakawala naman kasi talaga sa konsentrasyon pag tinignan ka sa mata ng mahal mo eh. ‘Di mo alam kung ano ang bigyang pansin mo, laro ba o nobya. Pero kasi ‘di sa lahat ng oras puso ang masusunod. Nasunod nga ang puso mo, eh ung pangarap mo?
Minsan mas mainam na rin kung titignan mo ang magiging resulta ng mga aksyon mo. Na kung wala bang naapektuhan sa iyong paligid. Paano ung coach mo na nagpursige manalo lang kayo? Nabalewala ang paghihirap niya kung ganon.
‘Di sa lahat ng oras puso ang mananaig. Kailangan minsan ginagamitan ng isip para maiwasan ang nga kapalpakan na pangyayari. ‘yang love life na ’yan, makakapag-antay naman yan, pero ang opurtinidad, hindi na.
Sabi nga nila, ‘focus lang sa goal”. Pero pre sino ba talaga ang goal mo? Maka-puntos sa laro o maka-score sa girlfriend mo? Sayang panalo na nana naging bato, tama na muna kasi ‘yang shota mo. Nagiging distraksyon na siya ‘di na inspirasyon.

Nagbukas ng panibagong pahina ang

Erans sinungkit ang 3 medalya sa Men’s Boxing
Pinabagsak ng tatlong manlalaro ng New Era High School ang kalaban sa ipinamalas malakas na suntok matapos madagit ang 3 medalya sa ginanap na Men’s Boxing Division Athletic Meet sa Victoria Sports Tower noong ika-pito at ika-walo ng Disyembre.
Ibinida ni Mark Catacutan ang gintong medalya na nagdala sa kaniya tungo sa regional na magrerepresenta ng Quezon City Team.

LADY RHINOS AARANGKADA TUNGO DIVISION BUHAY ATLETA
Men’s Voleyball Team ng New Era High School matapos pataobin ang Ismael Mathay Senior High School sa Championship Game.
Dala na rin ng pagiging agresibo sa laro kaya’t tuluyang inagaw ang kampeonato sa naganap na Men’s Volleyball Congressional District 6 Athletic Meet sa Culiat High School Covered Court.
Maganda ang simula ng pag-ikot ng bola sa koponan ng New Era at nagpamalas ng malabulkang pinatubo na nagtapos sa iskor na 25-14.
Naglista ng pinakamaraming puntos si Alex Louis Baldomar sa koponan ng New Era para makamit ang inaasam nilang matamis na tagumpay.
Muling nilampaso ng New Era ang kabilang koponan sa ikalawang set dahil na rin sa malakas na depensa at pagpapaulan ng malakas na paghampas sa bola, 25-17.
Laking gulat ni Coach Kenneth Manalili mula sa koponan ng New Era sa ipinakita ng kanyang manlalaro na mala-kidlat na spike
Pagsapit ng huling bahagi ng laro, hindi na pinayagan ng New Era na maungusan sila kaya’t pinabagsak nila ang kalaban at tinapos na ang laban na nagtapos sa iskor na 25-12.
Umuwi ng may sigla sa mukha ang mga manlalaro ng New Era matapos nilang makamit ang kampeonato na kanilang inaasam.
Makisig na pag-eensayo pa rin ang ginagawa ng mga New Era Volleyball Team para sa paghahanda sa laban ng Division.
Bumuo din ng pahina si Jhone Romas Victoria matapos masungkit ang tansong medalya mula sa malakas ng pagsuntok.
Nag-uwi rin tansong medalya si Cienwen Xander Juaini at hindi rin nagpahuling magpasikat sa mga manonood.
Umuwi si Catacutan ng may baon na gintong medalya upang ipagmalaki sa kaniyang pamilya at kaibigan na naghihintay sa resulta ng kaniyang naging laro.
Ikinagagalak ni Coach Jeffrey Shahdadpuri mula sa koponan ng New Era ang pagkapanalo ng kaniyang mga manlalaro at pagbibigay puri kay Catacutan na nagkamit ng ginto matapos patumbahin ang kalaban.
Ang pagpapamalas ng matigas na kamao ni Catacutan ang nagdala sa kanya tungo sa Regional at naging parte na ng Quezon City Team.
laro.
ni: Charie Mante
ni: Nickalyn Naive
ni: Nickalyn Naive
larawan: MAPEH Department
larawan: MATH Department