
2 minute read
TINAGPO NG PANAHON:
“Hay nako! Bakit naman kasi kailangan pa naming basahin ang akda na iyon’”
Ani ng isang dalaga sa problemadong tono. Ang kanilang guro kasi sa Filipino ay nagpapagawa ng aktibidad na gumawa ng buod at talasalitaan na mula sa nobelang “Noli Me Tangere” ngunit upang magawa ito ay kinakailangan nila itong basahin muna. At ang pagbabasa nito ay isang napakalaking balakid sa kaniya sapagkat napakahaba raw nito. Pero kung usapang babasahing nakakalibang ang pag-uusapan ay g na g at talagang pinagpupuyatan.
Advertisement
Pagkauwi naman ng dalaga ay saktong nakabukas ang telebisyon sa kanilang salas at ang palabas ay ang sikat na te- leserye ngayon na “Maria Clara at Ibarra”. Tinignan niya ang oras at naisipang marami pa namang panahon bago ang pasahan ng kanilang aktibidad kaya naisipan niyang manood muna at baka makatulong din ito sa kaniya sa paggawa. Hindi na napansin ng dalaga ang oras at tuluyan na siyang nalibang.
Kinabukasan ay nakakapanibago sapagkat nais na ng dalaga simulan ang pagbabasa ng nobela.
Lumipas naman ang ilang araw at tuluyan nang natapos basahin ng dalaga ang Noli Me Tangere, kaya naman sinimulan niya na ang aktibidad na kailangan nilang ipasa. Ngunit bago niya ito sinimulan ay nagsaliksik muna siya ng mga pagsusuri ukol sa palabas na kanyang pinanood.
“Matagal nang inilathala ito kaya naman marami ang nawindang at nasabik noong inanunsyo ng GMA Network na sila ay magkakaroon ng makasaysayang serye na tungkol dito at ito’y papamagatang Maria Clara at Ibarra. Ang rason sa likod ng paggawa ng teleseryeng ito ay dahil maaaring marami na raw sa ating henerasyon ngayon ang malabong nakakaalala sa kwento ng nobelang ito at marami na rin ang hindi interesadong mabasa ang nobela.” Basa niya at napatitig naman siya sa rason kung bakit nabuo ang palabas, saka lamang lumutang ang isipan na isa pala siya sa muntikan ng mawalan ng interes sa pagbabasa ng nobela.
Ipinaglaban ni Binibining Klay ang mga karapatan ng mga kababaihan kagaya na lamang ng walang ng mga kababaihan kagaya na lamang ng walang karapatan ang mga lalaki na patahimikin ang mga kababaihan, sinasabi niya rin na hindi dapat hinahayaan ang kanilang sarili na manahimik na lamang at huwag magsalita. Tunay na nakakabilib ang ipinakitang kalakasan ng loob ng modernong Maria Clara. Pagkabahagi ng dalaga ay bumalik na ito sa kanyang ginagawa ngunit napapaisip pa rin siya tungkol sa napanood na serye. Tunay na mahusay ang ginawang pag-remake ng GMA sa librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo ngunit aking naisip din na maaaring magdulot ito ng kalituhan lalo na sa mga kabataan na hindi pa nalalaman ang buong tunay na kwento. Gayunpaman, hindi na rin naging masama ang pagdagdag ng iilang pangyayari at tauhan gaya na lamang nina Klay at Fidel dahil nagbigay buhay din naman sila sa kwento.

Sa eskwelahan marami tayong matututuhan na patungkol sa ating nasyonalismo at kasaysayan ng ating bansa. Subalit sa pamamagitan ng ginawang pag-remake ng GMA sa dalawang akda ng ating Bayani ay ipinabatid din nito sa atin kung paano maging kutsero ng sarili nating buhay at kung paano tayo makatutulong na mabago o mapaunlad ang buhay. #d