4 minute read

OPINYON balat ahas

NAAPEKTUHAN

HINDI MASYADO

Advertisement

78% 12% 10%

HINDI NAAPEKTUHAN

Mandaragit Ang

Pamatnugutan

SHARLAINE KATE J. GUMAYAT

PUNONG PATNUGOT

AGATHA REIGN B. ATUN

KAPATNUGOT

MICHELLE G. PANCHO

TAGAPANGASIWANG PATNUGOT

VALKAIMER M. DELOS SANTOS

PATNUGOT NG BALITA

PAULINE E. CABARLES

PATNUGOT NG EDITORYAL

IRISH JEAN S. ESTEVES

PATNUGOT NG LATHALAIN

SHYRA MAE T. REYES

PATNUGOT NG ISPORTS

PAULENE H. DELA LUNA

PATNUGOT NG AGHAM

RALPH KEVIN E. FLORENDO

PATNUGOT NG PANITIKAN

JARED XEREX O. MASIGLAT

KARTUNISTA

LEI KATHRYN D. EBIO LITRATISTA

KATHLEEN ANNE D. MAXIMO TAGAPAGWASTO

MARK ANGELO R. RICO

SIRKULASYON

MACUZ MARIAN B. BAUTISTA

JOSHUA G. ALCAYDE

VALKAIMER M. DELOS SANTOS

ANDREI JAYSON V. MORA

TAGAPAGLAPAT AT TAGAPAGDISENYO

GINALYN F FLORES

TAGAPAYO ANG MANDARAGIT

ROSARIO S. DELA CRUZ

PUNO NG KAGAWARAN, FILIPINO

DR. FERDINAND A. FONTILLO PUNONGGURO

Isang combo meal at limang pisong panulak, solb ka na tuwing recess. Ngayon, saan aabot ang bente pesos mo? Sabi niya, sabay-sabay daw babangon matapos manggulantang ng nakamamatay na sakit. Subalit hindi pa talaga patapos ang laban, nag ibang anyo lang ang kalaban.

Tinatawag na inflation rate ang sukat ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa isang bansa sa loob ng isang panahon. Inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa kasalukuyang taon na umabot ito sa 7.6% noong Marso, 8.6% noong Pebrero, at 8.7% noong Enero sa bansa. Sa isinagawang survey, may iilang tugon mula sa mga mag- aaral ng Paaralang Sekundarya ng New Era (PSNE) na hindi raw sila naapektuhan o hindi masyadong naramdaman ang pagtaas ng bilihin. Gayunpaman, makikita na malaking bahagdan nito ay apektado. Ganito na ba ang bagong mukha ng edukasyon?

Istress na mga estudyante sa mga sangkatutak na gawain, isabay pa kung paano hahatiin ang kapiranggot na baon. Nagpahayag naman ang National Nutrition Council na upang ganap na matugunan ang mga isyu sa kagutuman at access sa pagkain, dapat tugunan ng gobyerno ang mga sistema ng pagkain ng bansa at ang pagbilis ng implasyon. Kasabay din nito ang paglobo ng kritikal na bilang ng bawat estudyante at kaguruan na hirap sabayan ang agos ng tuloy-tuloy na pagmahal ng presyo. Apektado rin ang mga magulang na nagpapa-aral, ang mga tindera sa canteen, at ang mga pumapasada. Sa madaling salita, walang ligtas sa dulot nito. Mahirap maging mahirap. Buti sana kung kikita rin ng malaki ang mga manggagawa upang magkaroon naman ng paliwanag ang ‘cost of living’

NI: PAULINE E. CABARLES — IBOSES MO — balita ng mga nakaluklok sa pwesto. Lulong na nga sa hirap, pagagapangin pa sa utang na hindi naman nila ginusto. ng bansa. Ngunit, ang lahat ba ay may maayos na trabaho?

Kaya kahit sa pampublikong paaralan pa ang iyong diretso, hindi masasabing wala kang gastos at madalian lang.

Hindi rin masisisi ang mga kabataan kung pangarap nilang makaalis sa Pilipinas.

Sa sobrang haba ng kailangan pagdaanan, papayag ba silang maulit muli ang siklo kapag nagkaroon na ng sariling pamilya? Kapag pumalya ang gobyerno sa pagresolba ng mga ganitong usapin, susunod na rin ang pagbagsak ng ibang isyu na magreresulta sa anomalya.

Nakatatak na ang inflation sa ating pamumuhay ngunit hindi ito dahilan na dapat tayong masanay sa karalitaan. Hindi ba dapat gumagawa ng paraan ang gobyerno na pataasin ang pasahod ng mga manggagawa kasabay ng pagbagal ng inflation rate? Nakadaragdag lamang ito ng pahirap sa gastusin ng mga estudyante dahil sa kahirapan. Magkakaroon din ito ng epekto sa kakayahang magbayad para sa iba pang pangangailangan tulad ng mga matrikula na dapat tustusan. Hangad ng mga estudyante ang abot kayang bilihin lalo’t wala pang kakayahang suportahan ang sarili. Hindi dapat kaugnay ng salitang ‘hirap’ ang edukasyon, sapagkat ito ay isang karapatan. Kung ang sitwasyon man ay lumala sa hinaharap ay hindi lamang ekonomikong sektor ang babagsak, pati ang sinilangang bayan ay iiyak sa malaking kasiraan ng kaniyang anak. Kailan kaya tatahan ang Pilipinas kung hindi natatapos ang laban, at nagbabalat anyo lang ang kalaban? #

Dugo’t pawis ang inilaan ng mga tsuper upang maipakita ang pagtutol sa Jeepney Phaseout na isinampal ng gobyerno. Paano naman kasi sila matutuwa? Imbes na benepisyo, sakit sa ulo ang

Hindi lamang sila ang mawawalan ng trabaho sa sapilitang pagbabago. Damay na rin dito ay ang pamilyang Pilipino, mag-aaral, at maliliit na PUJ operators. Mahigit 330,000 drivers

LIHAM

Mahal na Patnugot, Naging mag-aaral po ako rito sa Paaralang Sekundarya ng New Era noong ika-8 baitang. Sa bawat taon, aking napag-alaman na may pahayagang ibinebenta ang paaralan, Ako’y natuwa dahil oras na iyon ay pinag-aaralan namin ang bahagi ng pahayagan. Talagang nakatutuwa at nakamamangha ang paraan ninyo ng paghahayag, hindi lamang isang payak na dyaryo dahil ang gaganda ng mga disenyo.

Bilang hindi ako kasapi ng pamahayagan, nais ko po sanang mag suhestiyon na isulong ang pagtangkilik sa ating dyaryo bilang pagpapakita ng suporta sa ating nakagawiang kultura’t mapag-alaman din namin ang mga importanteng balitang naganap sa naturang taon at mabalikan ang mga ito. Salamat po! Gumagalang, Allen Floyd Dela Peña X-Diamond ang mamumulubi kung nagkataon na mawala nga ang tradisyonal na jeepney. Kaunti na nga lang ang natitirang kita sa pamamasada, mapupunta pa sa bulsa ng iba.

Bentag-benta ang usaping ito para sa aming mga magaaral, ang tradisyonal na mga jeepney ay sikat at mas abot-kayang mode para sa transportasyon. Kung sila ay aalisin, maaari itong magresulta sa limitadong mga opsyon, lalo na para sa mga umaasa sa amin na magcommute papu1`nta at pabalik

Mula Sa Patnugot

Allen Floyd, Kami ay nagagalak sa iyong positibong puna sa ating pahayagan. Gayundin sa pagpapakita mo ng iyong suporta. Nais lamang namin ipaalam na ang pagbili sa pahayagan ay boluntaryo. May mga aktibidad na isinasagawa ang ‘ANG MANDARAGIT upang sa gayon ay magkaroon kayo ng kaalaman kung paano binubuo ng mga mamamahayag ang ating latha. Taon-taon ay nagsasagawa ng school- based presscon at pupwede kayong sumali sa patimpalak. Salamat sa iyong pagpuna at kami’y nangangako na mas pag-iigihan pa namin ang pagsusulat ng mga artikulo upang maging kaaya-aya ito sa inyong panlasa. Hanggang sa muli!

lubos na gumagalang, ANG MANDARAGIT ng paaralan, na sa kalaunan ay maaaring humantong sa ilang mga paghihirap sa pag-access sa edukasyon.

Isa pa, para sa mga may limitadong badyet, ang ay pagpapalit sa modernong jeep ay maaaring may mas mataas na pamasahe na maaaring magdulot ng pinansiyal na pasanin sa amin. Makakaapekto pa ito sa kakayahang tustusan ang iba pang mahahalagang pangangailangan tulad sa ekstrakurikular at aktibidad.

Hari man kung ituring sa daan, sa kabilang dako naman ay labis na pinagsamantalahan. Sanlibutan man ay punong-puno ng ng ‘di pwagkakapantay-pantay sa karapatan, mas lamang ang may malinis na paggamit ng kakayahan kaysa sa isang edukado na ang serbisyo ay para lamang sa may mataas na kinalalagyan.

Maging kritikal sa lipunang ginagalawan, dahil ang iyong pag-aaral, ay para sa sintang bayan. Ngunit ang tanong, sasakay ka pa ba? #

This article is from: