2 minute read

Sa’n po sila?

sa paglabas ng makabagong modelo ng isang jeep.

Dating “kuya, bayad po”, ngayo’y “mam, ser bayad nyo po?” Dating makulay at puno ng imahinasyon na panlabas na anyo sa kalsada, ngayo’y puti at walang buhay ang nakikita. Dating “ano ba yan, napaka-init” ngayo’y “lakas naman ng aircon, anlamig”. Ilan lamang yan sa mga bagay na nabago dahil sa paglabas ng tinatawag nating “E-Jeep”. Ngunit ano nga ba ang mas matimbang, makalumang kultura o makabagong makina?

Advertisement

Sa paglipas ng panahon unti-unti ng kinakain ng pagbabago ang ating mundo. Ito’y makikita natin kahit saan tayo mapatingin at alam nating ang lahat ng ito ay dahil sa inobasyong nais mangyari ng bawat tao para sa ating bansa. Isa sa mga pagbabagong lubos nating napansin ay ang pagbabago sa transportasyon dahil

Electronic Jeepneys o mas kilala bilang E-Jeep, ito ay isang makabagong modelo ng jeep na energy powered o pinapagana sa pamamagitan ng enerhiya kinukuha mula sa kuryente. Isa itong uri ng pampublikong sasakyan na hindi na ginagamitan ng

Fuel Diesel, isang likido na kinakailangan upang mapagana o mapa-andar ang anumang uri ng makina.

Ito rin ay mayroong refurbished engines o isang uri ng makina na kayang matukoy kung ano ang pinaka problema ng isang buong makinarya. Ang E-Jeep din ay may mas malaking kapasidad at mayroong maayos at gumaganang Air Conditioning Systems, ito ay mga makinarya na naka-kabit sa loob ng E-Jeep na may kakayahang magbigay ng malamig na hangin upang mas maging komportable ang pagsakay ng mga pasahero sa loob nito.

Kung ihahamabing ang E-Jeep sa isang tradisyonal na jeep, ito ay cost-effective o may mas mababang maintenance o mas tipid sa gastos. Dagdag pa rito, ito ay may 87% lower greenhouse gas emissions o halos hindi na naglalabas ng usok nga sa hindi nito paggamit ng langis o Diesel upang ito ay gumana.

Base rin sa impomasyong nakalap sa bawat mag-aaral ng PSNE, 52% nito ay sang-ayon o mas pabor sa paggamit ng E-Jeep dahil sa ito ay mayroong malaking kapasidad at mas komportable kaysa sa isang tradisyonal na jeep. At 48% naman ang nais pa rin tangkilikin ang tradisyonal na jeep dahil sa hangad na mapanatili iba at ibang uring problema sa mata. Gaya na lamang ng tinatawag nating “Dry Eye Syndrome” isang sakit nadulot ng matinding pagbababad sa gadget. Ito ay nakukuha dahil sa radiation, ito ay isang ilaw na nakasisira sa balanse ng linaw ng dalawang mata. Mayroon din tayong tinatawag na “Accommodative Spasm” ito ay isa pang epekto ng labis na paggamit ng gadget. Ito naman ay ang pagpilit ng ating mga mata na linawin ang ating paningin na maaaring maging sanhi ng “Migraine” o matindi at tuloy-tuloy na pagkirot ng ating ulo.

Oh ayan, inisa isa ko na yung mga pwedeng maging epekto ng kakaselpon mo ah. ‘Di sa tinatakot kita, inaalala ko lang pwedeng mangyari sayo. Walang masama sa paggamit ng gadget lalo sa ang kulturang bigay nito. Hindi maiiwasan ang pagbabago kung inobasyon ang pag-uusapan, kung nanaisin natin ang pag-unlad hindi mabilang na pagbabago ang ating mararanasan. Oo, importanteng mabigyang halaga ating ang bawat natatanging kultura, ngunit mahihirapan tayong paangatin ang ating sarili kung tayo ay mananatiling sarado sa reyalidad ng bansa. Kasama ang pag babago sa inobasyon, habang kasama naman ang inobasyon sa ating mundo. Atin ng unti-untiing tanggapin ang mga bagay na mas makakapag paunlad sa atin. Sabay-sabay nating salubungin ang hinaharap na may pagbabagong malalasap. Lagi nating tatandaan na “Ang Pag-unlad ay isa sa mga susi upang ang ating mga pangarap ay matupad”. Oh sya kaibigan, dito na pala ko “Manong para ho!”.

This article is from: