1 minute read

epekto ng inflation nadarama n erans, umaaray

Ramdam na ng mga mag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) ang problemang bitbit ng pabago-bagong inflation rate sa pagbalik nila sa face-to-face (F2F) learning ngayong pasukan.

Ayon sa survey na inilatag ng Ang Mandaragit, Opisyal na Pahayagang Filipino ng PSNE, 78 sa 100 na mag-aaral nito ang nagsasabing lubha silang nadamay ng inflation, 12 estudyante naman ang umano’y hindi gaanong nakararamdam ng pagbabago samantalang ang natitirang 10 ay nagsasabing hindi sila apektado sa binunga nito.

Advertisement

Batay sa datos ng PSNE Canteen, lahat ay nagtaasan katulad ng dating 20 pesos na combo meal na umabot na sa 35 pesos ang presyo sa kasalukuyan.

“Iyong mineral water din natin before nasa 6 hanggang 8 pesos yan pero ngayon 10 to 12 pesos na,” pahayag ni juanito santito, head ng canteen.

Kung ikukumpara ang presyo ng mga ito sa presyo noong panahon ng kasagsagan ng pagbubukas ng klase sa PSNE, tumugon na ang paaralan sa problemang ito ayon kay Ginang Szey Faustorilla, faculty president ng paaralan.

“Nung nakarating nga sa akin yung concern ng mga teachers at nung mga bata, dinulog ko agad siya sa principal’s office na ‘di nga nila kakayanin yung mga bilihin, nakinig naman sila sa hinaing kaya binabaan naman ng canteen so goods na ‘yon,” ani Gng. Szey. Sinisigurado rin naman ng Faculty club na kanilang nababantayan ang mga pagkain sa canteen para kahit may kamahalan ng kaunti ang mga ito, masusustansiya pa rin umano ang maihahain sa mga estudyante.

Sa kabilang panig, pansin rin ng mga mag-aaral ang tumaas na pamasahe sa mga to-face nila, 60 pesos yung binibigay ko pero dahil nga sa nagmamahal na lahat, naging 100 pesos na baon nya araw-araw,” daing ni Bhing Esteves, nanay ng isang mag-aaral sa ika-10 na baitang.

Mula 7.6% noong Marso, bumaba na sa 6.6% para sa buwan ng Abril ang inflation rate sa bansa ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) kaya inaasam ng paaralan ang magandang maidudulot nito sa pagpapababa ng halaga ng mga bilihin.

This article is from: