2 minute read

Kababaihang Erans kinilala ang kontribusyon sa Distrito 6

“Don’t let your fear be bigger than your faith.”

Ito ang natutuhan ni Agatha Reign B. Atun, kasalukuyang Supreme Student Government (SSG) President ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) sa kaniyang nominasyon para sa “1st Gawad Marangal na Paglilingkod 2023: Natatanging Kababaihan sa Distrito 6” na nilahukan ng iba’t ibang personalidad sa larangan ng politika.

Advertisement

“Palagi natin uunahing isipin lahat ng kaya nating gawin, at palagi rin nating i-prioritize yung pananalig natin sa sarili nating kakayahan,” ani Agatha.

Katuwang ng mag-aaral sa baitang 10 ang iba pang mga nominado para sa “Gawad Hiraya for Academic Excellence” na nagmula sa iba’t ibang paaralang sakop ng Distrito 6.

Nominado naman para sa “Gawad Kalasag para sa Edukasyon” si Gng. Marecris G. Guerra at “Gawad Bagani for Community Based Organization” naman kay Gng. Cherrybeth G. Estabillo, mga guro sa asignaturang Araling Panlipunan (AP) ng nasabing paaralan.

Bagamat bigo nilang masungkit ang mga nabanggit na parangal, nagpapasalamat pa rin sila sa pagkakataong mapabilang sa kauna-unahang paglulunsad ng seremonya.

“I would like to thank all the teachers and schoolmates na tumulong sa’kin para mapatunayan lahat ng kagalingan ko hindi lang bilang isang mag-aaral, kundi bilang isang babae,” pahayag pa ni Atun.

Dinaluhan ng mga opisyales sa lungsod ng Quezon ang nasabing programa pati na rin ni Senator Risa Hontiveros, samantalang nagpa-abot naman ng virtual message si Bise-Presidente Sara Duterte. #

CONG. MARIVIC Co-pilar nanguna sa PSNE Mass Oath Taking

“Kapag pinagkatiwalaan ka, binigyan ka ng pagkakataong maglingkod, maglingkod tayo ng buong husay.”

Ito ang mga binitawang salita ni Quezon City District

6 Representative Marivic CoPilar matapos itong manguna sa isinagawang Mass Oath Taking ng mga kasapi ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) nitong ika17 ng Nobyembre, 2022 sa kanilang covered court.

Kabilang dito ang mga opisyales ng iba’t ibang klab, pati na rin ng Supreme Student Government (SSG) at ng School Parents-Teachers Association (SPTA).

Kasabay nito ang pangako ng congresswoman sa pagpapatayo ng ikalawang palapag ng nasabing covered court at P50,000

FSM students ng PSNE nagpasiklaban sa UGBO 2023

na donasyon para sa sound system ng paaralan.

Biro niya, dapat ay tapatan niya na din ang pagtulong ng kaniyang asawang si QC District 6 Councilor Banjo Pilar sa isang pasilidad ng kalapit na paaralan na Culiat High School.

Nagbigay naman ng kani-kanilang message of acceptance sina SSG President Agatha Reign Atun at Melanie Ranjo, SPTA President.

“Ang matatag na puso ng tao ang hihila sa kanya para bumangon at isakatuparan ang layunin para sa mga taong kaniyang pinahahalagahan o nasasakupan,” pahayag ni Agatha. #

Nagpasiklab sa ‘Urban Gardening and Bazaar Opening’ (UGBO) 2023 ang mga magaaral ng Food Service Management (FSM) mula sa baitang 10 nitong ika-22 ng Pebrero na ginanap sa Covered Court ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) na pinamunuan ng Technology and Livelihood Education (TLE) Club.

Nagpakita ang mga mag-aaral na kasapi ng FSM ng kani-kanilang galing sa pagluluto at paghahain ng pagkain sa mga estudyante na nakilahok sa pamamagitan ng pagbili sa bawat food stalls.

Umarangkada sa kalagitnaan ng pagdadaaos ang talento sa PSNE nang maghandog ng kani-kanilang intermission number ang ilang mga estudyante nito.

“Masaya ako as the President ng TLE Club dahil maraming sumuporta sa aktibidad namin, sana ay maipagpatuloy pa ito ng mga susunod na magiging leader ng club”, pahayag ni King Darrence Eliang, TLE Club President.

Ayon pa kay Eliang, siya ay labis na nagagalak sapagkat sa kabila raw ng kanyang kaunting karanasan at kasanayan sa pamumuno ay naging matagumpay pa rin ang nasabing aktibidad sa tulong ng kanyang mga kapwa mag-aaral at guro.

Tumagal ang buong programa nang mahigit anim na oras, kung saan ay ganap na natapos ito sa dakong ika-3 ng hapon. #

Agosto 2022

Hulyo 2023

erans, apektado ka rin ba?

78 sa 100 Erans ang nasabing apektado ng inflation na kasalukuyang nangyayari

This article is from: