
2 minute read
MAGTANIM AY ‘DI BIRO, 13 AGHAM
Nakapagtanim ka na ba nang walang ginagamit na lupa? Isang katanungang nakakapagtaka, ‘di ba? Dahil kapag naririnig natin ang salitang
“pagtatanim”, ang mga salitang pumapasok sa utak natin ay “lupa” at “taba”. Karaniwang problema na ng mga nakatira sa lungsod ang pagkakaro’n ng interes sa pagtatanim dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ngunit wala silang sapat na lugar taniman o kaya naman ay wala silang mahanap na magandang klase ng lupa.
Advertisement
Narinig niyo na ba? Ang isa sa makabagong paraan ng pagtatanim?
“Hydroponics” kung ito’y tawagin. Bilang isang normal na mamamayang nakatira sa siyudad, at nakakalap naman ang pangangailangan sa mga lokal na pamilihan, malaking tulong nga ba ito?
Hydroponic


Gardening ang tawag sa isang paraan ng pagtatanim ng mga halaman na walang ginagamit na lupa. Upang lumaki at mamunga ng masagana ang isang tanim sa ating kinasanayang paraang ng paghahalaman, kinakailangan itong gamitan ng tubig, carbon dioxide, at sikat ng araw. Sa Hydroponics ay hindi na kinakailangang gumamit ng lupa sapagkat ang mga sustansya ay tinunaw na sa tubig na nakapalibot sa ugat, kaya ang mga halaman ay mas mabilis na nasisipsip ang nutrisyong kinakailangan nila.
Kaya naman noong ika-17 ng Marso, 2023, ay isinagawa ang “Gulayan sa Paaralan: Hydroponics & Aquaponics Turn-Over Ceremony”, na ipinatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon upang itaguyod ang seguridad ng pagkain sa mga pampublikong paaralan at komunidad sa pamamagitan ng mga aktibidad sa paggawa ng pagkain at pagpapaunlad ng pagpapahalaga sa agrikultura bilang isang sistema ng suporta sa buhay. Nagbigay ng mensahe ang Regional Director ng Bureau of Fishes and Aquatic Resources - National Capital Region (BFARNCR) na si Dr. Noemi SB. Lanzuela, D.F Tech, kung saan kaniyang ipinahayag ang pagpapasalamat sa naturang paaralan sa pagpapahalaga ng pagunlad ng teknolohiya.
Pinangunahan din nito ang ribbon cutting, harvest at fish feeding, katuwang ng punongguro ng paaralan na si Dr. Ferdinand A. Fontillo. Isa sa mga pinakamadaling itanim na gulay sa paraang ito ay ang lettuce, kamatis, at mga halamang gamo tulad ng oregano.
Maraming pakinabang ang Hydroponics, lalong lalo na sa tahanan. Maaaring itanim ang mga halaman kahit sa loob ng bahay. Hindi na kakailanganin ng mas malaking espasyo dahil maaaring pagtabitabihin ang mga pananim. Ngunit, sa kabilang banda, mayroon din itong mga hindi magandang resulta.
Kung abala ka sa maraming bagay, hindi maipapayo ang ganitong uri ng pagtatanim sa’yo. Kinakailangan nito ng regular na pagsubaybay upang matiyak na maayos ang paglaki at pagtubo ng halaman. Ito rin ay madaling kapitan ng mga sakit na dalang tubig, na maaaring maging dahilan ng pagkamatay ng halaman. Kung kayo ang papipiliin, anong klaseng paraan ng pagtatanim ang inyong gagamitin? Iyong kinasanayan o ang makabago at hindi pangkaraniwan? Kahit alin pa man diyan, mas mainam na ating makasanayan ang pagtatanim sa mga bakanteng espasyo sa ating tahanan o pamayanan, upang mabawasan ang ating paghihirap lalo na’t sunod-sunod ang pagtaas ng mga bilihin sa pamilihan. Ika nga ni Winnie Cordero, “Sa tamang diskarte, make every moment your winning moment.” #