3 minute read

“Oks daw ako”

Next Article
Pamamanglaw

Pamamanglaw

Nakakakaba!

Hindi ako makahinga

Advertisement

Baka kunin nanaman Bente Pesos kong dala

Aray! Kuya tama na please?

‘Di ko naman intensyon na kayo ay mainis

‘di ko naman sadya na mabangga kayo

Pero labis naman tong ginagawa ninyo;

Hiyain sa maraming tao kanilang kasiyahan dignidad at tiwala sa sarili akin nang tinatalikuran

Sanay naman akong mabatuk-batukan pero mas masakit parin ang gawin kang katatawanan

‘Di mapalagay sa paligid baka mamaya, saki’y may bubble gum na nakadikit patuloy na nawawalan ng gamit pano, pilit niyong hinihigit tila’ lahat ay akin nang kalaban may saysay pa bang mabuhay? sa pambubulas ba dapat masanay

Sinong dapat lapitan?

Mahigpit, ang aking pagkakapit sa pangarap kong nais ngunit, masakit dahil sa inyong pagmamalabis

Lagi niyong sinasabi, “oks lang yan” pero ‘di niyo alam aking tunay na nararamdaman

Tao rin lang naman ako may pakiramdam kung sa inyo oks lang buhay ko, kunin na lamang ayoko na, hindi ko na kaya pa tila ba’y lahat kayo’y kalaban ko na ayoko na, kakayanin ko pa ba? dahil sa bigat ng dinadala, parang hindi na

“oks daw ako” pambubulas ay kasiyahan niyo dito ko na tatapusin matatapos nga ba ito? #

Isa ba akong bida sa pangmalakasang pelikula, para bigyan ng mga pagdudusa na tila bigay ng pinakamasamang kontrabida? Patuloy nalang ba akong magiging pagasa ng bayang minulat ako simula pagkabata, mananatili nalang ba akong estudyanteng puno ng lungkot ang mata at pagod ang mga kamay di mawari kung may buhay pa ba?

"Uuwi ka na?" tanong ng kaklase kong nakahawak lang sa dustpan habang ako ay nagwawalis, kami ang naatasang maglinis ng makipot na silid-aralan ngayong araw. Tumango lang ako, walang dahilan para bosesan ang sagot na maikli lang naman.

"Pero kakatapos lang ng Periodical Tests, tara 7/11 libre ko." tinitigan ko siya at pagkuway bahagya ding natawa. Kilala siya sa classroom namin bilang makulit at masiyahin, pero napapansin kong hindi niya kayang maging mag-isa.

"Hindi ako pwede, hindi din ako sigurado kung pasado kaya siguro ay pass muna ako." aaminin ko gusto kong sumama sakanya, gusto kong maging masaya. Tutal kakatapos lang ng mga pagsusulit na halos patayin ako, siguro naman ay deserving ako sa ganon diba?

Pero hindi lang naman sa paaralan umiikot ang buhay ko, dahil paglabas sa eskwelahan may responsibilidad din ako saaming tahanan.

Bago maging estudyante isa akong anak, kaya normal lang na tumulong sa mga gawaing bahay. Normal na tapusin ang mga takdang aralin tuwing recess para sa bahay 'di na ito sagabal sa aking tungkulin. Normal lang na maging maaga sa paggawa ng mga aktibidad, dahil marami akong gawain para magahol sa paggawa.

Masayang Barkada

Mula nang ako ay maghayskul, naging masaya ako sa piling ng aking mga barkada. Prinsesa ang turing nila sa akin dahil ako lang ang babae sa aming magkakaibigan. Maraming pagdiriwang na ng kaarawan ng aking mga tropa ang may inuman, kung kaya't natuto akong magtimpla ng sorbesa. Sa bawat aya nila ay siyang pagkagusto kong magsinungaling kay ama at ina na sa eskwela ang aking punta. Masaya kaming magkakaibigan sa aming ginagawa. Naisip kong maganda itong panimula ng matatag na pagsasamahan.

Hanggang sa isang madilim na gabi ang hindi ko malimutan. Nagising akong nakataklob ng kumot ang aking katawan sa isang pamilyar na kama. Naalimpungatan ako at napasigaw sa aking nakita; ang aking sarili na hubo't hubad sa higaan ng isa sa aking mga tropa. Pagkalipas ng ilang buwan, nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan at pagsusuka. Buong akala'y napasobra sa gin ang itinimpla. Ngunit pagdating sa ospital ay buntis pala. Naalala ko, labing-anim lamang ako nito.

"Oh siya, napahaba ang ating kwentuhan. Matulog na tayo, anak." tapik ni mama sa aking hita. Kanina pa pala ako tulala dahil sabik akong malaman ang istorya niya. #

Normal naman na ang lahat, isa na itong pamilyar na siklo sa buhay ko. Ngunit hanggang dito na nga lang ba ako? Isang estudyante na may mga problema sa buhay, takot ilathala pero maari padin bang matawag na pagdurusa?

Akala ko sa pagtatapos ng pandemya, magiging masaya na ang buhay estudyante ko. Akala ko. Mahabang panahon na nalimutang estudyante ako na kailangan maging maganda ang class record, estudyanteng nabubuhay sa mga papuri kahit ang kapalit ay malimutan ang kalusugang pansarili.

Ang mga pagsusulit na kail- angan kong makakuha ng mata- as na marka para maging kasiya-siya sa kanilang mga mata, at pag-susulit ng ating buhay na nakikita ko lang sa masa na patuloy kong minamata.

Kailan ko po sa masusulit ang

Abrigo

Unang kita palang ay nahulog na, kagandahang hindi makukumpara Nahuhumaling na nga sa ‘yong bait at ganda kahit kaibigan ko'y paulit-ulit nang nagbabala

"Wag siya dahil gagamitin ka lang niya"

Panakip butas sa sakit na kaniyang nadarama kaya't ‘wag maghumaling sa mabulaklak na salita Kamandag niya'y kakaiba

Ngunit ako nga'y natukso

Ilang buwan akong nagpakasintu-sinto buhay na inaasam? Payapa at masaya. Ilang pagsusulit pa kaya mabigay lang saakin ang papremyo at pabuya. # ngunit ilang beses ko ring sinubukang tumakbo, ilang beses ko nang inisip na lumayo ngunit kung sa sariling paa ko lang ay 'di ako makatayo 'kala ko'y malabo nang makawala sa iyong laro

Kaya kung ikaw na lang ang nagmamahal sa inyong relasyon ‘Di makabitaw dahil ‘pag wala siya'y 'di mo kaya ang mga paparating na hamon ‘Wag kang tumulad kay Ash na nastuck sa iisang Pikachu Maraming tao sa mundo kaya ‘wag palaging "I choose you" #

This article is from: