
2 minute read
UKB: Unlimited Kuryente ng Bayan
Lahat ng bagay ay may hangganan, ika nga ng karamihan. Sa patuloy na pagdami ng tao sa lipunan, palaki rin nang palaki ang kakailanganing ibuhos ng mundo para sumagana ang bawat isa. Sa unti-unting pagkaubos ng mapagkukunan ng enerhiya, nariyan ang renewable resources para puksain ang problema.
Renewable? Ano yan unlimited? Renewable Energy Resources ay mga likas na pinagmumulan ng enerhiya na maaaring palitan o muling pausbungin sa loob ng partikular na panahon. “Environmentally friendly” rin kung ituring dahil nagpo-produce sila ng kaunting greenhouse gas o mga kemikal na siyang nagpapanatili ng temperatura ng mundo sa normal nitong kalagayan. May iba’t ibang uri ang naturang resources, katulad na lamang ng solar energy o enerhiyang makukuha mula sa sikat ng araw na ginagamitan ng solar panels upang makalikha ng kuryente. Nariyan din ang wind energy kung saan ang mga wind turbines o yung ika nga nila ay malalaking electric fans, ang may responsibilidad upang maproseso ang enerhiya at maging kuryente. Wave Power Devices naman ang may kakayahan sa pagsasalin ng kinetik na enerhiya ng wave energy tungo sa kuryenteng ginagamit ng ilan sa atin.
Advertisement

Ayon sa International Trade Administration, ang dating 30% ng kabuuang energy consumption ng pulo ng Luzon na siyang nagmumula sa Malampaya gas feilds, ay inaasahang bababa para sa taong 2024. Lumalala na rin ang krisis na kinakaharap ng Pilipinas pagdating sa laki ng pagkukunan ng nonrenewable resources tulad na lamang ng fossil fuels na nagmumula sa labi ng mga sinaunang halaman at hayop. Kabilang din dito ang oil, coal at natural gas. Sa Paaralang Sekundarya ng New Era (PSNE), 7 sa 10 kawani ng paaralan ang sang-ayon sa paggamit ng renewable resources sa kani-kanilang pamumuhay. Paraan ito upang makatulong sa pagpapababa ng konsumo ng kuryente mula sa nonrenewable energy. Ngunit, nangangamba ang lahat sa ‘di hamak na mas mahal na gastusin na kahaharapin kung lilipat sa naturang alternatibo. Paano ka namann makatutulong sa pagdami ng tatangkilik sa bagong alternatibo at makabawas naman sa paggamit ng nonrenewable araw-araw?
Maaari tayong magpreserba ng kuryente sa pamamagitan ng pagpapatay ng ilaw, pagbunot ng charger na wala namang selpon na malawak ang ating isipan sa mga bagong imbensiyon, palagi nating tingnan ang mas magandang bahagi ng buhay. Sabayan natin ang globalisasyon at patuloy na pag-usad ng ekonomiya’t mundo. Ngunit matuto pa rin tayongpangalagaan ang ating kalikasan. Tiyak, sa paggamit ng solar panel, makakamura ka. # nakasaksak, pati na rin ng mga appliances na hindi naman ginagamit. Sa pamamagitan nito, direkta kang makatutulong sa pagbaba ng demand sa fossil fuel-based energy.
Imbes na puro share ka lang ng memes ay ibaling mo ang atensyon mo sa isulong ang renewable energy use sa iyong social media platforms. Mas malawak ang maaabot ng impormasyong ito dahil sa tulong ng umuusbong na teknolohiya sa kasalukuyan. Maaari rin ang bawat tao na makiisa sa mga aktibidad at hakbangin ng kani-kanilang komunidad na nagtuturo sa tamang paggamit ng renewable energy.
Sa kabila ng mga mamamahaling kagamitan na siyang kailangan para sa pagbuo ng kuryenteng tila ba ay ‘unlimited’, may kakayahan ang isang normal na tao upang makatulong sa pagpapalawig nito. Sa bawat maliliit na hakbang, may malaking pagbabago. Ang relasyon ng lipunan sa mundo ay isang ‘two-way street’, hindi p’wedeng bigay lang nang bigay ang inang kalikasan, kailangan mo ring kumilos upang siya ay mapangalagaan. #