
3 minute read
BFAR-NCR, PSNE sanib pwersa para sa ‘Gulayan sa Paaralan’
Katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-National Capital Region (BFAR-NCR) ng
Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) sa pagbubukas ng Gulayan sa Paaralan nitong ika-17 ng Marso, Biyernes.
Advertisement
Binisita ni BFAR-NCR Regional Director Dr. Noemi SB Lanzeula ang paaralan para manguna sa turn-over ceremony ng aktibidad kung saan nagbahagi ito ng salita sa mga dumalo sa programa.
Aksyon
“This is for food security and sustainability. Sa mga cities like this, sa mga urban areas, we don’t have the backyard o kaya yung malaking space kaya tamang tama lang ito,” ani Dr. Lanzuela.
Bago ang naturang pagdalaw, nagbahagi ang BFAR-NCR ng isang unit ng aquaphonics setup kasama ang 2,000 tilapia fingerlings, dalawang supot ng feeds, 100 styro-cup ng kangkong seedlings at anim na kilo ng fry mash bilang donasyon sa paaralan.
Kontra Polusyon
isinusulong

ng YES-O
Naglatag ng aktibidad ang Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) na tinawag na ‘Plastic Free-Days’ sa Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) nitong buwan ng Pebrero, taong kasalukuyan.
Isa ito sa mga tugon ng YES-O sa lumalalang problema ng paaralan patungkol sa pagdami ng gumagamit ng single-use plastics.
Sa nasabing aktibidad, kinakailangan lamang ng bawat baitang sa Grade 7 hanggang Grade 10 ng PSNE na magdala ng kani-kanilang lunchbox at water bottle kada Lunes at Martes linggo-linggo at kumuha ng larawan na hawak ang mga ito.
“We’re very grateful to those students who are actively participating in this activity kasi nakakatulong sila sa pagreduce ng plastic waste in our school, everytime na nag momonitor kami nakikita ko ang efforts ng mga co-students ko na magdala ng kanilang baunan para sumali sa activity na ito,” ani Gabrielle Rhean Batulan, Business Manager ng YES-O Club.
Bilang pasasalamat, binibigyang-parangal ng samahan ang isang seksyon sa bawat baitang na pinakaaktibong nakilahok kada buwan base sa ibinahaging “monitoring sheet” sa bawat silid-aralan.
Nitong buwan lamang ng
Pebrero, ginawaran bilang “Best Implementer” ang Grade 7 Felicitous, Gr. 8 Dagohoy, Gr. 9 Avogadro at Diamond ng Baitang 10 para sa kanilang walang humpay na pakikiisa programa.
“Sa ngayon wala pa naman kaming napaguusapan patungkol sa mga future activities connected sa dito pero kung gusto niyong maging updated ay maaaring i-like ang aming facebook page (NEHS Youth for Environment in Schools Organization),” dagdag pa ni Rhean. #
Ika pa ni Dr. Lanzeula, magandang lugar ang mga paaralang tulad ng PSNE dahil isa umano itong “safe place for human consumption” at hindi na kailangan pa ng pesticides at ferilizations para mapanatili ang mga tanim dito.
Pinangunahan ng Gulayan sa Paaralan Team ang pagbuo ng proyektong ito kung saan kabilang sina Gng. Elena G. Estabillio, coordinator ng programa, Gng. Ma. Eva P. Sabado bilang Hydrophonics Chairman si Gng. Marecris G.

Geurra, siyang nangunguna sa Urban Gardening pati na rin sina Gng. Cherrybeth

G. Estabillo, G. Fernando
M. Uy at Bb. Charmaine M. Quirante, mga guro ng PSNE.
Ayon kay Gng. Elena, nagsimula ito noon pang buwan ng Abril 2022 at pinalawig lamang noong Pebrero 2023 upang mapangalagaan pa at masuportahan ang proyekto.
Nangako naman ang
BFAR-NCR na bibisitang muli at patuloy na susuportahan ito upang mas lumaki pa ang sinimulang hakbangin.
“You also have to take care of the plants and the fish and you can get money from that and if you engage on aquarium fish then you can have more more money,” pahayag ni Lanzeula sa pagkukunan ng pagpapanatili ng Gulayan sa Paaralan.
Pursigido naman ang PSNE sa pagpapaunlad pa nito at patuloy na nakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang grupo para sa mga kagamitan, pagkain, at pagbebentahan ng magiging produkto ng proyekto. #
Kaalaman Sa Teenage Pregnancy Pinalawig Ng
Soroptimist Intl. sa EranS
Nagbahagi ng kaalaman ang Soroptimist International of Commonwealth sa mga kababaihang mag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng New Era (PSNE) patungkol sa usaping ‘teenage pregnancy’ nitong ika-17 ng Marso sa Audio Visual Room (AVR) bilang bahagi ng National Women’s Month Celebration na may temang ‘We for Gender Equality and Inclusive Society.’

Nagbahagi ng pambungad na pananalita ni Gng.
Marecris G. Guerra mula sa Araling Panlipunan (AP) Department at ang mahalagang mensahe ni Dr. Ferdinand Fontillo, Principal IV at Dr. Claire Raymundo, President of Soroptimist International of Commonwealth.

Ipinakilala nila Gng. Cherrybeth G. Estabillo (Teacher II) at G. Genesis Ian J. Fernandez (Teacher II) ng
AP Department ang resource speakers sa dalawang bahagi ng talakayan; para sa unang bahaging pinamagatang “The Love You Deserve” ay pinangunahan ni Bb. Carmela Vertudo, at ang ikalawang bahagi naman na pinamagatang “Unity of Life” ay pinangunahan ni Gng. Mildred Espinosa. “There’s nothing wrong with getting pregnant, it’s a fulfillment, but not in your age”, ani Dr. Claire Raymundo. “Walang mali sa pagdadalang-tao, isa itong katuparan, ngunit hindi sa inyong edad”.
Bago tuluyang magtapos ay iginawad ang mga sertipiko ng pagkilala sa lahat ng mga guro, Soroptimist International of Commonwealth, at lahat ng mga naging bahagi ng matagumpay na programa. #
Proyektong FHM ‘empowerment’ sa kababaihan ang hatid
Nag-organisa ang Interact Club ng proyektong Feminine Hygiene Management (FHM) na naglalayong talakayin ang reproductive health at antisexual exploitation noong Pebrero 3, 2023 sa New Era High School (NEHS) Audio Visual Room (AVR).
Naging kaisa ang Rotary Club of Midtown Quezon City bilang isponsor na pinangunahan naman ng founder at direktor ng The Gabriella Collective na si Graciella Moises.
Binigyang linaw sa nasabing proyekto ang konsepto ng ‘choice and autonomy’ at ang tanong na “who gets to decide who decides?” sa mahigit isang daang tagapakinig mula sa ika-siyam na baitang.

Tinalakay din ang Pressure, Patriarchy,
Practices, Power, at Policies (5Ps) na mga pangunahing hadlang sa kalayaan at pagdedesisyon ng kababaihan na nilapatan din ng limang solusyon.
Bilang pagsuporta, namahagi ng chemicalfree at cost-effective na reusable menstrual pads ang Haliya Cup na alternatibo sa pangkaraniwang disposable sanitary pads. #