1 minute read

SUSI SA TAGUMPAY: HAGDAN ELEVATOR PANGAMBANG MAY PAKINABANG SA HULI

Sa loob ng apat na sulok ng silidaralan, pangamba ang nangingibabaw sa ilang estudyanteng may isang kung anong kinatatakutan. Hindi ito tao, hindi rin bagay ni hayop. Lalong higit na hindi lugar o pagkain. Isa itong asignaturang, madalas pagkamalang mas mabangis pa sa mga tigre sa gubat. Ito ang matematika.

Bilang isang magaaral, hindi mawawala sa ating pang-arawaraw na pamumuhay ang pakikipagsapalaran sa asignaturang ito. Madalas nga ay pagbungad pa lamang ng umaga ay unang-unang aralin na tatalakayin sa buong maghapon ay tungkol sa mga polynomial, at kung ano pa mang terminong ginagamit sa matematika. Kung kaya’t hindi nakapagtataka na isa ito sa mga pinangangambahan ng mga estudyante. Ang pangamba sa matematika marahil ay dulot ng pangambang baka magkamali ang estudyante sa kanyang kasagutan. Hindi rin naman natin mapagkakailang, ang tunay at nag-iisang tamang sagot lamang ang ibinabahagi ng matematika. Kung mali, ay baka may pagkakamali sa kung paano ito nakuha, maging sa pag-aanalisa ng mga katanungan, pati na rin ang obserbasyon sa mga nangyayari. Sa maraming bagay na kailangang pagtuonan ng pansin sa tuwing sasagot ng isang problemang pangmatematika, ay mas pipiliin ng mga estudyante ang magsulat ng kung anoano sa likod ng kanilang kwaderno o ang maglabasmasok sa silid papuntang palikuran. Lahat ng ito, upang maiwasan lamang ang makasagot ng mali. Totoo ito para sa lahat, dahil hindi ito katulad ng ibang asignaturang maaring tanggapin ang ibang resulta sa mga katanungan. Kakaiba ito sa paraang, nakatutulong ito para makita kung saan nagkulang, sumobra, o nakagawa ng tamang desisyon ang isang tao. Hindi man natin pansin, ay nasa paligid lang natin ang matematika. Ito ay nasa atin kahit saan, maging sa labas ng ating mga silid-aralan. Piliin nating yakapin ito, magimbak pa ng mas mahabang pasensya at determinasyong makaunawa, dahil sa huli tayo pa rin ang makikinabang sa mga ito. Ang pangamba sa asignaturang matematika ay tulad ng pagtanggap mo sa iyong sarili. Sa mga pagkakataong hirap ka na at hindi maintindihan ang mga kaganapan, simulan mo muli sa umpisa at baka sa puntong iyon ay makita mo kung saan nagkaroon ng pagpihit sa mga pangyayari. Yamang ang matematika’y higit sa numero lamang. Ito ay ang pag-intindi, pagaanalisa, at paggamit ng naturang kaalaman sa pagresolba ng ating mga problema sa arawaraw.

Advertisement

This article is from: