
5 minute read
Hating kaalaman SA HATING SILID-ARALAN
Usap-usapan pa rin kung mas epektibo ba ang pagkakaroon ng set A at set B kumpara sa full face-to-face pagkatapos ng mahabang pag oonline class dulot ng pandemya. Samu’t-sari kasi ang mga opinyon ng mga magulang dahil nakakaapekto rin ito sa kakulangan ng kaalaman at kalusugan ng kanilang mga anak.
Kamakailan lamang, nadagdagan pa ng rason upang magpatuloy ang paghahati ng mga araw ng pagpasok sa paaralan. Tagiisang araw na lang ang bawat set at asynchronous na ang iba upang makabawas sa tagaktak na pawis na dulot pa ng pagbyabyahe at siksikan sa silid-aralan.
Advertisement
Pahinga o Akademya?
NI: JOSAN E. LEAL
Sa ating henerasyon, napakaraming mga kabataan ang nakararanas ng tinatawag na ‘academic burnout’ o ang stress na nararanasan sa pag-aaral. Kolehiyo man, sekondarya, at elementarya. Sa paglipas ng mga buwan, sumabay din ang pagbabago ng lipunan. Mabilis na pagtakbo ng oras, nagiging dahilan na rin ng kahirapang magbigay ng dagliang pansin sa mga bagay na dapat asikasuhin sapagkat ‘di alam kung paano at kailan magsisimula. Dahil sa ganitong problema, nagiging daan ito upang tayo’y pumalya sa ating mga academic performances. Ginagawa ng mundo ang pag-aaral dahil umaga’t hapon atensyon nati’y dito umiikot. Nalilipasan na rin ng gutom matapos lang ang mga gawain. Ngunit walang masisisi sapagkat may kaniya-kaniya tayong kadahilanan kung bakit ganon na lamang katindi ang pagpopokus sa akademikong gawain kahit pa ang pangkaisipan at pisikal na kalusugan ay nakasalalay.
Karamihan sa ating mga mag-aaral dulot ng pressure na natatanggap sa mga magulang, nagsusumikap tayo para maabot ang isang mithiin kahit pa utak at katawan ay pigang piga na ng mga gawaing karaniwang ‘di naman talaga magagamit para sa hinaharap.
Sa mapanghusgang lipunan ng mundo, ang balidasyon sa akademya na lamang ang tanging humihila sa atin upang magpatuloy.
Nasosobrahan na rin sa pagaalala kung naging sapat ba ang mga sakripisyong inialay upang makuha ang inaasam
Pinagkaitang Ugnayan
Naglunsad ng kautusan ang Department of Education (DepEd) ng pagbabawal ng interaksyon ng mga guro at magaaral sa labas ng paaralan noong Nobyembre. Ito ay naglalayong magsulong ng propesyonalismo at seguridad sa paghahatid ng mga pangunahing programa ng edukasyon. Sa likod ng butihing layunin, nakapaloob ang mga anomalya. Nagiging hadlang ito sa komunikasyong kinakailangang mamagitan. Sa kabilang banda, itinanggi DepEd na ang pagpapatupad nito ay lumalabag sa karapatan sa malayang pananalita. Sa katunayan, nagiging hakbang daw ito upang maiwasan ang krimen gaya na lamang ng naiulat na pananaksak sa isang guro sa kalagitnaan ng inuman kasama ang kanyang mga mag-aaral.
Sa isang press conference, sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na ang Deped Order 49 ay pag-uulit lamang ng Code of Conduct para sa na sertipiko’t medalyang binuo ng puyat, pagod, at pag-iyak sa gawaing parang wala nang katapusan.
Kung tutuusin kahit pa sabado’t linggo, imbes na naglalakbay ang ating katawan sa himbing ng pagtulog, nakipagtititigan na naman tayo sa kuwadernong may nilalamang takdangaralin o di kaya’y gumagawa ng proyekto. Dumarating na rin sa puntong kumakalabit na sa ating isipan ang mga katagang, ‘ayoko na.’, ‘bukas nalang.’, ‘tinatamad ako.’ subalit ito pa rin tayo nagpapatuloy.
Wala pa sa gitna ng paglalakbay ngunit katawan at isipa’y sumusuko na parang malabo nang makamtan pa ang dulo. Ito’y magiging daan na rin upang tuluyan nang bitawan ang binuong mithiin sapagkat gulong-gulo na ang utak sa lahat ng bagay. Ibigay ang pahingang kinakailangan ng katawan at tuluyang lumayo sa nakapanghihinang sigaw ng lipunan. Hindi parepareho ang estado ng ating pamumuhay kaya maging mahinahon tayo sa mga taong nakararanas nito. # mga tagapaglingkod sibil, na kinabibilangan ng mga guro sa pampublikong paaralan. Dapat na mas bigyang pansin ang pagsasagawa ng mga seminar na magpapabatid sa mga estudyante at kaguruan ng limitasyon at paraan ng pakikipagusap, hindi ang kumpletong pagbabawal ng interaksyon na natural na nagaganap. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagiging ‘counterproductive’.
Itinuturing na pangalawang magulang ng mga estudyante ang kanilang mga guro. Kung magkakaroon ng restriksyon, para na rin nilang hinadlangan ang koneksyon ng isang magulang sa kaniyang anak. #




NI: MACUZ MARIAN B. BAUTISTA mahirapan mag adjust ang bawat isa. Dumarami pa ang mga nagiging suliranin na hindi naman prinoproblema noon.
Kataka-taka lang, ano pa kaya ang matututunan ng mga mag-aaral kung tambak ng mga gawain na lamang ang ibibigay? Hindi natin maitatanggi na internet na ang gumagawa sa mga gawaing ibinibigay dahil sa kakulangan ng karunungan ng mga estudyante tungkol sa mga paksa.
Kung kaya noon, bakit hindi kayang maibalik ngayon?
Kung ako man ay tatanungin bilang isang estudyante, mas pabor ako na mabalik ang normal na iskedyul ng pagpasok upang hindi na
Financial Difficulties
Sinasabi ng ilang paaralan na ang mga uniporme sa paaralan ay mas mura para sa mga magulang; gayunpaman, ang mga uniporme sa paaralan sa pangkalahatan ay nangangahulugan ng karagdagang gastos para sa mga magulang.
Nawa’y mabigyan sana ng karapat-dapat na solusyon ito at hindi lang basta basta maisipan ang gagawin. Ang nais ko ay matuto ang bawat isa habang nag-aaral at hindi masayang ang pagod ng kapwa estudyante. Mabigyan sana ng karampatang pondo ang bawat pampublikong paaralan upang hindi na makasagabal ang mga ganitong problema habang tumutuklas ng kaalaman ang bawat isa. #
Individual Expression
Ang mga mag-aaral sa paaralan ay kailangang matutong ipahayag ang kanilang sarili, at ang kanilang mga pagpipilian sa kanilang mga susuotin ay isang paraan ng paggawa nito. Kapag ang bawat bata ay napipilitang magbihis, nawawalan siya ng kalayaang pumili kung paano niya gustong katawanin ang kanyang sarili.
Dress Code Problems
Ang pagbibigay ng mga uniporme ay hindi magwawakas sa mga paglabag sa dress code sa isang paaralan. Ang mga magaaral ay hahanap pa rin ng paraan upang magsuot ng uniporme nang hindi naaangkop.
Unipormidad Kontra Indibidwal
Sa kabila ng pagiging aprubado ng DepEd Order No. 065 issued in 2010, na nagpapahintulot ng hindi pagsusuot ng uniporme sa paaralan ay isa pa rin sa mga pinagdedebatihang isyu ang pagsusuot ng uniporme sa mga paaralan. Bawat panig ay may kani-kaniyang paliwanag patungkol rito. May mga nagsasabi na ito’y nagtuturo ng disiplina sa mga estudyante.
Ayon naman sa iba, tinatanggal nito ang kalayaan ng mga estudyante upang ipahayag ang kanilang sarili. Ngunit sa kabila ng mga puntong ito ay nananatili ang katanungan na epektibong paraan ba ang pagsusuot ng uniporme sa mga paaralan sa pagtataguyod ng disiplina sa mga estudyante?
Sinasabing ang pagsusuot ng uniporme ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga estudyante upang magkaisa at ipagmalaki ang kanilang paaralan. Tama kung iisipin, ngunit kung uniporme ang pagbabasehan ng pagkakaisa ay nagiging daan din ito para sa diskriminasyon sa mga walang kakayahang bumili ng uniporme.
Isa pa ay nililimitahan ng uniporme ang kalayaan ng mga estudyante upang ipahayag ang kanilang sarili. Ang pananamit ay isang anyo ng pagpapahayag ng ating sarili, kaya nararapat na may kalayaan tayo sa kung ano ang ating gustong suotin at kung paano natin ipapahayag ang ating sarili.
Bukod pa riyan, hindi naman kinakailangan ang uniporme upang maitaguyod ang disiplina sa loob ng paaralan. Walang katibayan na nagsasabi na nagpapatatag ng disiplina sa mga estudyante ang pagsusuot ng uniporme.
Naniniwala ako na hindi kinakailangan ang uniporme sa pagpapaigting ng disiplina o sa pagkakaroon ng pagkakaisa. Sa katunayan, ang pagsusuot ng uniporme ay nagdudulot pa ng kabaligtaran ng inaasahan. Kung nais natin ng disiplina’t pagkakaisa, bigyang pagkakataon ang mga estudyante na isuot kung ano ang nais nila at ipahayag kung sino sila, sa ganitong paraan ay mas makikilala natin ang bawat isa. #