SHS FESTIVAL: DUMADAGUNDONG SA TMENHS
Nabalot ng hiyaw, ingay, kalampagan, at tagisan ng talento ang matagumpay na nailunsad ng mga guro at Senior High School (SHS) students ng Tabon M. Estrella National High School ang 2023 Seniors Festival na sinimulan noong Abril 28 hanggang Mayo 4, 2023. Sa unang araw palang ay nagpasiklab agad ng mga natatanging talento tulad ng
pagsayaw, na dinaluhan ni SHS EPS Dr. Nonita Patalinghug.
“Masaya ako dahil naibalik na ang pagdiriwang na ito, isa sa pinakamagandang aktibidad ng Senior High School” ayon kay Khim na isang mag-aaral ng Science Technology Engineering and Mathematics (STEM).
Dagdag pa nito na grabeng paghahanda ang kanilang ginawa kasama ang mga guro
para sa isang malaking pasabog. Sa sumunod na araw ay nagpakitang gilas naman sila sa galing ng spelling bee, pageant, spoken poetry at iba pa. Hindi rin nawala ang kantahan at sayawan.
Matatandaang noong taong 2019 ang huling pagdiriwang ng SHS Festival matapos maudlot ng dahil sa pandemya.
TMENHS humakot ng 3 bronze medals
Nasungkit ng mga mag-aaral ng Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) ang tatlong medalyang bronze sa Thailand
International Mathematical Olympiad
(TIMO) 2022 Heat Round nitong Oktubre 23, 2022. Mula sa iba’t-ibang kategoriya, sina Alexa Kyle Dollete sa Secondary II, King Jefirstson Tanzo sa Secondary III, at si Jeremiah Ampon sa Senior Secondary, isa-isa nilang napanalunan ang bronze medals.
Sa kasagsagan ng pandemya, ginanap ang online contest at bawat isa sa kanila ay gumamit ng gadyet upang makapag eksam na dapat ay naka on-cam at onmic. Kinakailangan din na ikaw ay nasa isang silid na mag-isa, upang maiwasan ang dayaan.
Naging hadlang ang no disruption of classes
ng DepEd sa pagrerepaso nila kasama ang coach, sapagkat nabigyan lamang sila ng isang buwan na preperasyon. Sila ay sumali at nakilala rin na nagwagi sa mga ganitong patimpalak sa Sipnayan katulad ng
Philippine International Math Olympiad (PHIMO) at Macao Greater Bay Area Mathematical Olympiad mula pa noong 2020. Inanunsyo ang mga nanalo noong Nobyembre 5 sa pamamagitan ng isang google drive file, dagdag pa ng isang Merit Award ni Francis Mae Abao, at ng tatlong Participation Awards na natanggap nila Noahlester Pareja, Kennu Andrei Cullamar, at Lorenzo Narisma.
:
05 EDITORYAL 12 lathalain
agham at teknolohiya
pampal-
AGOSTO 2022 - MAYO 2023 TOMO XX | BLG 1 | Bislig City, Region XIII
JOSHUA G. DAYUNO
14
19
akasan
: JEREMIAH S. AMPON
AY ... SOAR HIGH TABON HIGH @thetabonian.suhay @thetabonian.suhay @thetabonian.tmenhs@gmail.com
ALAY NA TAGUMPAY Nakabibinging palakpakan para sa mga kalahok ng TIMO bitbit ang ngiting may TAGUMP-
YOUniporme
P ANGARA P SA KAMAY NI KAMATAYAN
Isang Sindi, Isang Buhay
HIYAWAN NG KASIYAHAN Abot tenga na mga ngiti ang masisilayan sa SHS students ng buksan ang kanilang programang Senior’s Festival na ginaganap ngayong ika-28 ng Abril sa TMENHS Sugala Campus.
BALITA PAMPALAKASAN
SPTA funds, nagbunga ng sound system
Naisakatuparan ang proyekto ng mga SPTA Officers na makabili ng sound system para sa Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) sa pamamagitan ng pagkalap ng pondo na umabot sa humigit-kumulang P80,000, na binili sa Indian Palace Store Davao City na isa sa dinadagsang equipment store sa Davao at ito ay sa pangunguna ni PTA President Pastor Marvin J. Montaño, noong ika5 ng Enero, 2023.
“Satisfied at masaya ako dahil sa wakas natupad na ang
hinahangad na maayos at malinaw na sound system ng paaralan kung saan pwedeng-pwede natin magamit sa mga paparating na school events,” ani ni Pastor Montaño.
Kabuuang halaga nito ay P77,660 na may de kalidad aniya, kung saan ito ay unang nagamit sa Family Day noong ika-14 ng Enero, 2023. Malaki naman ang pasasalamat ng PTA Officers ni Joenelou Lumpas na isang magulang mula sa ikawalong baitang na may ginintoang puso na boluntaryong naghatid sa kanila sa Davao City.
Oil Spill sa Mindoro kumalat, 150K apektado
Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Umabot
na sa 150,000 katao ang
apektado sa oil spill sa Oriental Mindoro, ayon sa tala ng
Sa panayam ng ABSCBN News kay DSWD Assistant Bureau of Director
Micramel Laxa na aabot sa 32,661 pamilya o 151,463 indibidwal ang nakaranas ng epekto ng oil spill na sanhi
Oriental Mindoro, Palawan and Antique province” saad ni Laxa. Dagdag ni Laxa na marami nang mga barangay ang naapektuhan, at mga kabuhayan na nasira lalong-lalo na ang pangingisda. Nagbigay naman ang DSWD ng agarang tulong na tinatawag na “cash for work” na nagkakahalaga ng 116 milyon pesos sa mga apektadong mangingisda.
7.8 Lindol yumanig sa Turkey: 248 Pilipino apektado
Isang 7.8
magnitude na lindol ang tumama sa timog kanluran ng Turkey at hilagang Syria noong Pebrero 6, 2023, dahilan ng pagguho ng mga tahanan at gusali na kumitil sa buhay ng mahigit 55,000 katao kasama na rito ang dalawang Pinoy. Ayon sa mga eksperto, kakulangan sa matatag na pundasyon ng mga gusali ang isa sa mga nakikitang sanhi ng biglaang pagguho at pagbagsak ng mga imprastraktura sa kasagsagan ng lindol sa Turkey, tinatayang umabot na sa 34.2 bilyong dolyar ang pinsalang dulot ng lindol sa nasabing bansa. Dagdag pa nila, ang mga pangyayari ay sulyap lamang kung ano ang pwedeng maganap sa Istanbul.
“What we see today in Southeastern Turkey is just a preview of what will happen in Istanbul,” paliwanag ni Ihsan Engin Bal, isang propesor ng Research Group on Earthquake Resistant Structures sa Hanze University of Applied Sciences sa Netherlands.
Sa kabilang banda, ang paaralang Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) naman na isa sa pinakamatanda na paaralan na itinayo noong 1981 ang may matibay na pundasyon ng mga gusali at hindi madaling maguho.
Sa ngayon ay patuloy ang paghahanda at pagbibigay ng mga pagsasanay ang mga kinauukulan sa mga mag-aaral kung sakaling mayroong malakas na lindol na tatama.
Matagumpay na idinaos ang Soiree 2023 ng
TMENHS SHS nitong sabado Mayo
6, 2023 matapos ang isang linggong Senior High Festival, mahigit dalawang taon na nanahimik ang buong paaralan sa mga pagdiriwang, dulot ng Covid 19.
Ginaganap ito taon taon upang hayaan ang mga mag-aaral na maranasan ang once in a lifetime event na mahubog ang kanilang buhay sa pakikitungo at pakikisama. Kasama na rito ang Bequeathal
Ceremony sa mga gamit katulad ng Bible, Key of Responsibility, Gift of Love, Book of Knowledge, Crown of Beauty, Candle of Life, Last will and Testaments, Baton of skills and talents.
Bakas sa mga mata ng magaaral ang kasiyahan na dulot ng pagtitipon na ito na hindi nila naranasan noong silay nasa junior high school. Di matatawaran ang ngiti ng mga magulang na makita ang kanilang mga anak na nakasuot ng magagarbong kasuotan.
: JOSHUA G. DAYUNO
: JOSHUA G. DAYUNO
: SHANNON D. HANDUGAN cnbc.com
LIBRO NG KAALAMAN Magarbong selebrasyon ang naganap sa SHS ball na kung saan nagbigay si Ishah Bautista ng talumpati para sa Bequeathal ceremony na isinagawa ng ika-6 ng Mayo sa Bislig Cultural and Sports Center.
: JEREMIAH S. AMPON
Post Valentine Special: Isang pagpupugay para sa mga magulang
Ipinagdiwang ng Tabon M. Estrella
National High School ang isang Post Valentine Special na ginanap sa Food and Beverage Services (FBS) Shop noong Marso 3, 2023 bandang alas 10 ng umaga hanggang alas-singko ng hapon. Sa pakikipagtulungan ng mga Technical and Vocational Education (TVE) majors, ipinakita ng mga mag-aaral mula sa FBS, Cookery, Beauty Care, at Visual Graphics Design ang kanilang mga natutunan mula sa pangunahing markahan hanggang ikatatlo sa pamamagitan ng pagluluto ng iba’t
ibang course meal, pagsisilbi sa mga bisita, pagbibigay sa kanila ng facial treatment, at paglalagay ng mga booth upang makakuha sila ng mga litrato.
Pinangunahan
ito ng mga guro sa FBS na sina Jeffrey Bertulfo at Milanie Bacones kung saan ang mga pangunahing panauhin ay ang mismong mga magulang ng mga magaaral na mala five-star hotel ang serbisyong natanggap.
Nagpaabot
naman ng pasasalamat si Esmael P. Endaya Senior Educational Specialist (EPS) sa mga magulang sa kanilang suporta at kooperasyon
upang matagumpay na maisakatuparan ang aktibidad sa kanyang talumpati.
Hinaharanahan habang kumakain ang mga bisita, nina Jason Carubio sa ika
Asia’s PINNACLE Award nakamit ng TASETEMCO
Nabigyang
parangal ang Tabon
Secondary Teachers and Employees Multipurpose
Cooperative (TASETEMCO) bilang
‘Most Resilient and Outstanding Academe
Cooperative of the Year’ na dinaluhan ni Chairman of the Board
Virginia Lacuna na ginanap sa Hokada Hotel
Parañaque City, Manila noong ika-20 ng Oktubre, taon 2022.
Isa sa mga
proyektong nabigyang papuri ay ang feeding program ng TASETEMCO sa paaralan na nagpapatuloy parin hanggang sa ngayon,
kabilang narin dito ang Siklistang Interesado sa Kaugmaon sa Kabataan sa atong Dakbayan (SIKKAD) na naglalayong suportahan ang mga
kabataan sa kalagitnaan ng pandemya na nag
drop-out o di kaya mga
napabilang sa StudentAt-Risk of Dropping Out (SARDO).
Ilan pa sa mga
natanggap na parangal ay
‘Gawad Parangal’ mula sa Cooperative Development Authority (CDA) noong
ika-28 ng Oktrubre at ang
‘Bulawanong Sulo’ noong
ika-3 ng Desyembre, 2022 para sa mga
natatanging kooperatiba na nangunguna sa
bansa. Kasalukuyang naghahanda na naman ang TASETEMCO para sa paparating na Asia’s Icon.
sampung baitang at Zyrene Florentino sa ika-walong baitang. Ang mga bisita ay hinainan din ng limang course meal, may sabaw, salad, main course, at dessert.
Nagbigay daan
ang kaganapan na ito para lalong maipakita ang pag-unlad ng mga kasanayan at mahimok ang mga mag-aaral na magsumikap maging ang mga guro.
FORDA MATH, pinalawig sa TMENHS
Inilunsad ang isang programang tinatawag na Flexible Objectives for the Remedial and Direct Aid in Math (FORDA Math) sa paaralang Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) para sa mga mag-aaral, nitong ika-3 ng Oktubre taong 2022.
Sa pangunguna ng kanilang tagapayo na si Gng. Analou A. Dollete at ng mga guro na nagtuturo sa baitang pito hanggang sampu na humawak ng asignaturang Matematika, ay naglalayong makataas ang antas ng libel ng numerasiya at makatulong sa mga mag-aaral, ito ay parte ng Learning Recovery Program (LRP) para sa mga mag-aaral na nangangailangan ng intervention, matagumpay itong naisagawa ng bawat guro ng TMENHS, muling naibalik ang mga natutunan ng bawat mag-aaral sa tulong ng programang ito.
Ayon sa isang estudyanteng galing sa
baitang sampu, “Marami akong natutunan, mahirap siya pero kinaya naman, at nag-improve rin ako ng kaunti,” hindi naging madali ang mga pinagdaanan ng mga kabataan ngunit sa tulong nito ay unti-unti nilang naibabalik ang kanilang kumpyansa sa Matematika.
“I’m satisfied, happy ug contented nga naka help mi sa learning gap, dili na sila blangko, na refresh or na regain ang mga basic sa mathematics,” aniya ng isang tagapamahala ng FORDA Math na si Ginang Dollete na nagtuturo sa ikasampung baitang.
Ginawa ang programang ito upang lubos na matulungan ang mga kabataan sa kanilang gawain sa matematika. Tumaas ang porsyento ng mga batang kumuha ng Pre Assessment hanggang sa Mid Assessment ibig sabihin ay may pagbabago ang kanilang performance sa Matematika, ito’y patuloy na pinapatupad para sa bata at para sa bayan.
: ELAIZA Q. VIRTUDAZO
: JEREMIAH S. AMPON
FBS mala FIVE STAR HOTEL ang datingan ng mga mag-aaral ipinaramdam ang pasasalamat sa kani-kanilang mga magulang sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang mga natutunang kaalaman sa kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga puso, TMENHS Waray Campus.
: SHANNON D. HANDUGAN
PSDS Tolang, inilahad ang RSVP Model
Inilunsad ng
ikasiyam na Distrito ang proyektong DRILL-T sa lahat ng antas, upang isulong at pagtibayin ang Reading Program, Project THRIVE ng Bislig City Division, itinalaga ng Public School District Supervisor Monalisa G. Tolang ang RSVP Model (Read-Share-ValueProduce) sa kalagitnaan ng In-Servise Training ng Tabon M. Estrella National High School at Plaza Central Elementary School noong ikaanim ng Pebrero ,2023. Isa sa mga itinampok sa proyektong ito ay ang pag-unlad sa mga gagamiting material gamit ang RSVP model na maisama sa batayang nilalaman ng pagtuturo (Content Based Instruction) at Bridging Program para
sa mga papasok sa grade 1, grade 7 at grade 11.
Idiniin ni PSDS Tolang na ang modelo ay magsisilbing gabay upang umunlad ang Content-Based Materials upang pagyamanin at bihasain pa ang kasanayan ng mga estudyante sa larangan ng pakikipag talastasan at komunikasyon sa kabila ng kurikulum sa teaching and learning na sektor.
Paniniwala din niyang ang mga mag-aaral ay mas magkakaroon at mapapahalagahan ang importansya ng pagbabasa sa pamamagitan ng pagsama ng larangang saklaw sa pagbabasa sa lahat ng asignatura na magpapasigla sa kanila na umapila. Unang
responsebilidad din ng mga guro na hikayatin ang mga mag-aaral upang MAGBASA (Read) ng tahimik, pagkatapos ay tanungin sila ng hindi bababa sa tatlong mga katanungan kaugnay sa kanilang mga binasa; IBAHAGI (Share) ang kanilang mga kaisipan at puna sa kapuwa nila mag-aaral; GUMAWA (Produce) ng mga aktibidad base sa kanilang nabasa. Samakatuwid, ipinakita ni Liza G. Lumingkit, Master Teacher I ng PCES Reading Coordinator ang kaniyang sigasig sa pagpayag na tulungan ang kaniyang mga kasamahan sa pagbuo ng RSVP Model sa pamamagitan ng pagsasagawa ng regular na SLAC sessions.
Sa kaunaunahang pagkakataon ang Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) ay nagkakaisang maisagawa ang huling lamay ng kanilang kapwang guro at alumni na si Ronaldo F. Paloma at maipakita ang kanilang pagmamahal nitong ika-14 ng Mayo 2023 at sa hiling ng pamunuan ng paaralan. Punong-puno ang TMENHS-Waray Campus ng mga tao na dinaluhan ng maraming mga mag-aaral, guro, at kasamahan sa serbisyo. Ilan sa mga malapit sa buhay ay nagbigay ng mensahe na hindi rin napigilan ang mga luha ng mga tao sa biglaang pagkawala nito. Di makapaniwala ang karamihan matapos ipinahayag ng pamilya na sumakabilang buhay
na si Paloma sa umaga noong ikaanim ng Mayo 2023. Nalungkot din ang TASETEMCO dahil isa siya sa mga dahilan ng pag-angat ng kooperatiba bilang Board of Directors at nakitaan ng angking galing at pagmamahal sa serbisyo para maging Chairman of the Board.
Naka halfmast ang watawat ng Pilipinas sa paaralan dahil naniniwala ang punong guro na si Edna B. Delos Santos na bayani kung ituring ng TMENHS si Paloma. Sa kabila ng kaniyang kapansanan sa paa di matatawaran ang galing at husay niya sa paglaro ng volleyball at naging coach ng chess, hindi naging hadlang sa kaniyang trabaho at sa kaniyang pagaaral dahil sa pagiging class valedictorian sa TMENHS batch 1996 nabantog na abot ilong ang mga medalyang natanggap.
Puno ng pangamba ang karamihan sa mga Pilipinong may kapamilyang nagtatrabaho sa ibang bansa, matapos pumotok ang balita ng karumaldumal na pagpatay sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait na si Jullebee Ranara noong Enero 22,2023
Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isipan ng iba ang sinapit ni Ranara na ginahasa, sinagasaan at sinunog ng anak ng kanyang amo ang patay na katawan. Kilala ang Middle East kung saan may pinakamaraming naitalang pang aabuso sa mga Pilipino.
Ayon naman kay Jirah Tabornal isang mag aaral sa ika siyam na baitang ng Tabon M. Estrella National High School na mismo siya ay kinakabahan rin
para sa kanyang ina na nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia.
“Yes of course, sino bang hindi mag-alala kung alam mo yung mga magulang mo ay nasa ibang bansa para lamang matustusan ang mga pangangailangan natin. Hindi natin hawak ang kapalaran ng mga mahal natin sa buhay kaya normal nalang siguro na mag-alala sa kanila.” pahayag ni Jirah.
Base sa tala ng
Philippine Statistic Authority (PSA) noong
Desyembre 2, 2022, na
mayroong 1.83 milyong
Pinoy ang nagtatrabaho sa Middle East. Saudi Arabia naman ang may pinakamataas na bilang na umabot sa 1. 3 milyong OFW, sumunod ang
United Arab Emirates at Kuwait. Na di maiwasang mangamba dahil kilala ito pagdating sa pangaabuso.
maibahagi ang pinakamahusay na kagawian na patuloy na pina-uusbong ng Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) bukas sa puso na tinanggap ng paaralan ang pagbisita ng Regional Management (MANCOM) na naglalayong hikayatin ang mga napiling eskwelahan na isulong
ni Assistant Schools Division Superintendent (ASDS)
Jasmine R. Lacuna noong ika-11 ng
Nobyembre, 2022. Dinaluhan ng mga excecutive officers (EXI- COM) mula sa 12 dibisyon sa loob ng
CARAGA Region kung
saan isa sa mga ibinida ng TMENHS ay ang natanggap
Tinanggap ng TMENHS ang Regional MANCOM na mga bisita upang ipagmalaki ang produkto ng paaralan sa buong taon, na nagpapakita ng mga kakayahan ng mga mag-aaral nila.
sinundan ng aksyon sa pagsuporta sa Learning Recovery Program (LRP), Continous Improvement para sa mga Intervention Project SIKKAD, mga parangal ng paaralan at ang mga produktong ginawa mula sa mula sa TVE students tulad ng cupcakes, brownies, organic drinks, tarpaulin, at services.
: JOSHUA G. DAYUNO
: JEREMIAH S. AMPON
: SHANNON D. HANDUGAN
: SHANNON D. HANDUGAN
PATNUGUTAN
YOUniporme
Isa sa mga pagkakakilanlan ng mga mag-aaral ay ang pagsusuot ng uniporme, subalit dala ng matinding krisis na dulot ng pandemya idineklara ng Ikalawang Pangulo na si Sara Duterte na hindi sapilitan ang pagsusuot ng uniporme nitong taon 2022 hanggang 2023.
Maraming
natuwa sa anunsyo nito subalit may mga ibat-ibang opinyon naman ang karamihan.
Isa sa mga natuwa ay ang grupo ng mga LGBT dahil magkakaroon na sila ng kalayaang maipakita at masuot ang gusto nilang damit sa loob ng paaralan na minsan naman ay napapasobra sa kalayaan na nakapagdudulot ng karahasan.
Ilan sa mga epekto nito ay, una ang pagkakaroon ng karahasan dahil sa pangaggaya ng mga mag-aaral sa kanilang idolo. Pangalawa, magkakaroon ng pagkakataon ang mga masasamang tao na gumawa ng krimen lalo na sa mga kabataan dahil hindi sila madaling matukoy. Pangatlo, madali na sa mga magaaral na makaliban, makagala at makaalis sa kahit anong oras ng klase dahil hindi sila makikilala at panghuli, masarap pa rin sa pakiramdam na meron kang pagkakakilanlan kung anong paaralan ka napabilang. Meron kang tinatawag na sense of belongingness na kahit sa uniporme ay maipagmamalaki mo ang iyong tahanan. Maganda naman ang hangarin ni
Sara dahil sa malaking krisis na
mabawasan ang dagdag na gastusin ng mga magulang sa pamilya lalo na sa maraming mga anak. Subalit sa iilang mga magulang at mga dating mag-aaral ay tila mas magandang nakasuot ng uniporme sapagkat maliban sa maaliwas sa mata ay maiiwasan ang mabilisang paghuhusga sa mga kabataan lalo na sa mga kapos sa pera dahil minsan pinagbabatayan ang kalagayan ng buhay sa pananamit na naging sanhi minsan ng pambubulas. Hanggang kailan muli makapagsusuot ng uniporme ang ating mga mag-aaral.
naganap sa buong mundo. Para
Bilang isang institusyong humuhubog ng mga kinabukasan ay dapat maging patas para sa pagpapatupad ng umiiral na mga batas tulad ng SOGIE Bill upang maging ang mga miyembro ng LGBTQ+ ay maging panatag at komportable sa kanilang ipinapalagay na kasarian. Kung patuloy na ididiskrimina sila, imposibleng maipahayag nila ang kanilang sarili.
S.Y. 2022-2023 Jeremiah S. Ampon PUNONG PATNUGOT Shannon D. Handugan PANGALAWANG PATNUGOT Joshua G. Dayuno BALITA Kris Yezha Y. Roxas EDITORYAL Ren Mark L. Teves KARTUNG EDITORYAL Jirah Rhea M. Taburnal LATHALAIN Crystal B. Espada AGHAM AT TEKNOLOHIYA Nigel Mark Quejada PAMPALAKASAN Shyna Cabichuelas PAGKUHA NG LARAWAN Karen M. Fernandez TAGAPAYO MGA TAGAPAG-AMBAG: Samantha Carmen | Elaiza Virtudazo | Vellia Torreon | Erica Acero | G.H. Villagracia | Atasha Besande | Marriane Amoguis | Halley Fernandez | Jossein Estebat | Alexa Dollete | Angelica Silaya | Laurence Ochanas | Philip Labide | Atasha Besande KONSULTANT: Edna B. Delos Santos PUNONG GURO Monalisa G. Tolang PSDS Joel L. Yparraguire Medelina G.
“
Tubo
Opinyon ng Patnugot
Kasabay ng init ng panahon tila nag aalab din ang eksena sa National Basketball Association (NBA) na kung saan ay pinaglaban ng Golden States Warriors at Los Angeles Lakers na nagaganap sa California. Sa kasalukuyan ay nangunguna ang Lakers at talaga namang may malaking puwang sa pagitan ng kanilang standing at baon na baon ang Golden States Warriors.
Hindi maipagkakaila na sa lararangang sports ang basketball ay may maraming tagasuporta. May tinatayang 8.5 milyon na mga manonood sa Game 3 at patuloy pa itong tumataas. Dala ng malakas na palakpakan, hiyawan at dala ng tensyon ang mga tao
Respeto’t limitasyon, Limot na kamalayan
Sa labis na pagkahanga natin sa artista o atleta, binibigay natin lahat ng ating suporta at ipinaglalaban minsan sa mga maling issue o fake news. Subalit, kailangan ba talagang humantong sa punto na kung saan ay minamaliit na ang pisikal na kaanyoan ng isang tao. Kaya marami ang galit ngayon dahil sa ang Golden States Warriors ay malayo pa sa sikat ng araw na makahabol dahil mahina ang kanilang laro ngayon. Na naging dahilan ng panlalait sa Golden States Warriors, biruan man o hindi, maarapat na huwag natin dinadamay ang pisikal na kaanyoan ng isang tao. May mga nagsasabi na ‘di bale na talo, ang importante maputi
Karapatan ng kabataan, isang gasgas na linyang di napuputol sa bansang Pinas. Pero bakit nakakalimutan, nakakaligtaan o pinapabayaan ang isa sa mga pangunahing suliranin ng sektor ng edukasyon ang pagkaroon ng silid aralan? Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), mayroong mahigit sa 66,000 na paaralan sa buong bansa na walang sapat na silid-aralan para sa kanilang mga mag-aaral. Ito ay nagdudulot ng isang malaking suliranin sa pagtuturo at pag-aaral na naging sanhi ng hindi magandang epekto sa kalidad ng edukasyon.
Kaya, para matugunan ang problemang ito bumuo ng isang proyekto ang DepEd na naglalayong magbigay ng solusyon sa pamamagitan ng tulong ng mga pribadong sektor. Project Matatag kung tawagin, isang programa na naglalayong magbigay ng mga sapat na silid-aralan sa mga paaralan sa buong bansa. Tutugon sa kakulangan ng mga classroom kits na naglalaman ng mga upuan, mesa, at iba pang kagamitan na kinakailangan para sa pag-aaral, tulay ito para pag ugnayin ang paaralan at mga pribadong sektor para sa kapakanan ng mag-aaral.
Dahil sa mga donasyon na mula sa iba’t ibang organisasyon, napupunan ang kailangan maging sa pangkalusugan sa mga paaralan sa panahon ng pandemya. Mas mababawasan ang bilang ng mga mag-
yung balat at hindi malauling ang kulay. Tugon naman ng mga panatiko ng Lakers fans ay pandak ang mga manlalaro ng Golden States Warriors. Nadadamay na ang racism, cyber bullying at discrimination sa away-away ng mga taga hanga. Maging sa facebook at twitter ay malakas na ang laitan at alitan na hindi napapansin na lumalampas na sila sa mga limit at hangganan ng isang tao. Ikaw? Magagawa mo rin ba na manlait sa ibang grupo, kahit na wala naman itong magagawa sa standing ng scores para lang hindi masaktan ang iyong dignidad bilang taga hanga?
Dapat, alam ng bawat tagahanga ang kanilang limitasyon. Hindi panlalait ang dapat ipakita na imahe sa kompetisyon ng sinusuportahan. Dapat tayong
aaral na nagkukumpulan sa isang silidaralan, napababa ang panganib ng pagkalat ng COVID-19. Kaya bilang mga mamamayan, mahalagang suportahan natin ang mga proyekto tulad ng Project Matatag.
Sa ganitong paraan, magkakaroon ng pag-asa ang mga mag-aaral na matuto sa silid-aralan na maaliwas at magandang kinabukasan para sa bata. Sa pagtitiwala nating ito sa mga organisasyon na naglalayong magbigay ng solusyon sa mga suliranin sa edukasyon sa ating bansa, mas mapapadali ang pag-abot sa pangarap na mas mataas na kalidad ng edukasyon para sa bawat Pilipino.
Ang bawat isa sa atin ay may magagawa upang suportahan at palakasin pa ang proyektong ito. Isang maliit na tulong ay malaki na para sa pangangailangan at malampasan ang mga suliranin sa edukasyon. Kaya’t sa proyektong matatag, hindi lamang nagbabago ang buhay ng mga kabataan, kundi pati na rin ang kinabukasan ng buong bayan. Tunay na magiging matatag ang tulay patungo sa mga pangarap ng kabataang Pinoy.
maging responsable sa social media at huwag mag pa dalos dalos sa mga sasabihin dahil maari na itong makasakit sa konsensya ng isang tao. Kailangan nating isulong ang maunlad na pamayanan na kung saan bawat tao ay magbibigay ng respeto sa isa’t isa kahit na hindi magkakaparehas ng opinyon dahil sa simpleng respeto ay makakamit natin ang tunay na kapayapaan at katagumpayan.
MATATAG: Tulay sa Pangarap ng Kabataang
Proyektong
Pinoy
ITIGIL NA ANG PATAYNITY
Sa mga nakalipas na taon, ang patuloy na pagdami ng mga insidente ng karahasan at pagpatay sa iba’t ibang fraternity sa bansa ay nakakabahala. Kadalasang nangyayari ito dahil sa isang gawain na tinatawag na hazing, kung saan ang mga bagong miyembro ng fraternity ay pinapagawa ng iba’t-ibang uri ng mga pagsusubok at pagpapahirap upang masubukan ang kanilang tapang at dedikasyon sa organisasyon.
Kahit na may mga batas at babala ang gobyerno at mga paaralan laban sa hazing, patuloy pa rin itong nagaganap sa loob ng mga fraternity. Ito ay hindi lamang nakakapinsala sa kalusugan at buhay ng mga miyembro ng fraternity, kundi maaari rin itong magdulot ng trauma sa mga taong nakapaligid sa kanila.
Ang hazing ay hindi dapat maging bahagi ng kultura ng fraternity. Dapat ituring ito bilang isang uri ng karahasan, at walang lugar sa loob ng mga paaralan. Kaya naman, ang mga paaralang may fraternity ay
may responsibilidad na magpatupad ng mahigpit na patakaran upang masiguro na ang kanilang mga miyembro ay hindi sangkot sa anumang uri ng karahasan. Dapat ito’y maging bahagi ng kanilang mga polisiya upang maprotektahan ang kaligtasan ng kanilang mga magaaral. Sa ilalim ng batas, lahat mga paaralan ay dapat magtakda ng kanilang ‘peace zones’. Ito ay mga lugar loob ng paaralan kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang lahat ng uri ng karahasan. Ngunit kung mayroong fraternity sa loob ng isang peace zone, hindi ba nito isinasapanganib ang seguridad ng ibang mag-aaral?
Dapat isaalang-alang na hindi lahat ay sangkot sa hazing at karahasan. Mayroong mga fraternity na nakatuon sa pagtulong sa komunidad at pagpapalawak ng kaalaman sa loob ng campus. Ngunit dahil sa mga insidente ng karahasan na
mga magulang at mag-aaral Sa ganitong kalagayan, kailangan nating magkaroon ng mas malawak na pagtalakay sa usapin ng fraternity at hazing. Dapat nating isaalang-alang ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ang mga posibleng
kanilang mga tahanan sa pagaaral.
Ang pagkakaroon ng fraternity sa loob ng isang peace zone ay dapat maging isang mahalagang usapin. Dapat itong isaalang-alang sa pagbuo ng mga patakaran at regulasyon sa paaralan upang
masiguro na hindi mapanganib ang
kaligtasan ng ibang magaaral sa loob ng
nangyayari sa ibang fraternity, hindi maaaring hindi magduda ang
kahihinatnan ng mga insidente ng karahasan sa loob ng mga paaralan. Mahalagang magkaroon ng malinaw at epektibong mga
campus. Sa huli, mahalagang magkaroon ng kooperasyon mula sa lahat ng sangkot sa usapin na ito upang mapangalagaan ang
kapakanan ng lahat ng magaaral at ng paaralan bilang isang lugar ng pagkatuto at pag-unlad.
patakaran sa paaralan upang
Unfriend ko si Mam at Sir
Bawal makipagkaibigan o
I add sa kahit anong social media platform ang mga mag-aaral ng kanilang mga guro para maiwasan ang ugnayan lalo na sa labas ng klase. Ilan lamang ito sa mga nakasaad ngayon sa bagong nilagdaan na Deped Order 49 sa kautusan ng Department of Education (DepEd). Mahigpit na pinapatupad ito upang malimitahan at maiwasan ang pagkawalang galang at respeto ng mga kabataan dala ng pagiging malapit sa mga guro, di na maiwasan na itinuturing na rin nilang parang mga kaedad ang mga guro. Mga guro ang tumatayong pangalawang magulang at nagtuturo, gumagabay habang ito’y nasa paaralan subalit nawawalan na minsan ng respeto at paggalang ang mga ito. Sa kabilang dako naman, isa sa mga layunin ng Deped ay magkaroon ng pagitan ang mga guro at magaaral upang maiwasan ang pagiging malapit
nahahantong sa sexual harassment. Ilan din ito sa mga kaso ng mga guro na patuloy na hinaharap.
Huwag kalimutan ang tungkulin na huhubog sa sangkatauhan hindi ang mga papalubog sa mga munting pangarap ng kabataan. Upang dignidad ng mga guro di matapakan at maging huwaran sa mata ng mga magulang at ng mga kabataan.
Kakulangan sa paggabay at pagmamahal minsan ang dahilan kung bakit napapalapit ang bawat isa. Social media ang tanging ugnayan na kung saan kahit pribadong buhay ay nalalaman. Para maiwasan ay pinatupad ang kautusan na ito at pairalin ang pagkapropesyonalismo ng mga guro. Maaring hindi sa lahat ng mga pagkakataon ay maiiwasan ang pagkakaroon ng mga ganitong pangyayari, walang problema kung magiging “friends” ang estudyante sa mga guro kung ito ay may limitasyon. Upang
Dala ng pandemya nitong nagdaang dalawang taon, ang Department of Education (DepEd) ay naglabas ng DepEd Order No. 34, s. 2022 na isinasaad ang kautusan kung saan lahat ng klase sa mga pampublikong elementarya at sekondarya ay magpapatuloy sa Agosto 22, 2022 at magtatapos sa Hulyo 7, 2023. Kasabay nito ang paninibago ng mga nararamdaman ng mga tao, dahil gaano ba ito kaepektibo kumpara sa nakasanayan at nakabihasnang panahon? Kung ipagpapatuloy ang batas na ito para sa S.Y. 2023-2024, parang wala ng bakasyon na magaganap dahil konti lamang ang isang buwan at 15 araw na bakasyon para sa mag-aaral.
Apektado rin pati ang mga magulang at guro na nagseserbisyo sa paaralan dahil sa maraming bagay na ikonsidera. Nababawasan din ang kanilang araw upang makapagpahinga dahil sa mga summer class na kinakailangan nilang daluhan para sa mga transferees sa kani-kanilang paaralan. Maari pa bang maibalik ang klase na magsisimula sa Hunyo at magtatapos sa Marso?
Isa ito sa mga umuusbong na isyu ngayon sa Tabon M. Estrella National High (TMENHS) School sapagkat maraming mga estyudyante ang nagrereklamo dahil sa maiksing bakasyon. Isa pa, dapat konsiderahin na ang buwan ng Marso hanggang Hunyo ay araw ng tag-init. Kung lahat lang sana ng klasrum ay may aircon at di siksikan sa loob baka pwede pa, ngunit kahit nga bentilador ay nahihirapan pa ang paaralan.
Subalit walang magagawa ang lahat dahil ngayong Hulyo pa magtatapos ang klase, kung kaya’t maraming nakararanas ng sakit ng ulo at hirap sa paghinga. Lalo na ngayon na tumataas na ang heat index sa Pilipinas na nagpapadagdag sa epekto nito sa Bislig City. May mga pagdurugo ng ilong, nawawalan ng malay na nakapagdudulot ng matinding stress, na nagiging sanhi sa pagbagal ng utak habang may klase.
Ayon sa mga mananaliksik, nakakadagdag ang pagbabakasyon sa pagiging produktibo ng isang
indibidwal. Kaya marami sa mga mag-aaral ang isip ay nasa bakasyon na subalit paano matutapad ang mga ito? Nawawalan ng interes ang ilan dahil sa hindi sapat na pagpapahinga lalo na sa mga guro, na sumasalungat sa adhikaing magkaroon ng magandang kalidad sa larangan ng edukasyon.
Dagdag pa, siyam sa 10 estudyante sa Bislig City ay sang-ayon sa pagbalik ng klase sa dati sapagkat labis silang nangangailangan ng mahabang bakasyon sa panahon na punong puno ng stress, pressure, at depresyon.
Ngunit ang DepEd Order No. 34, s. 2022 ay nakatutok sa kampanyang pang-impormasyon, paghahanda, at pagpapalakas ng pakikipagtulungan na umakma sa pagsisikap ng Departamento na tiyakin ang kalidad ng batayang edukasyon.
Paano naman natin matitiyak ang kalidad ng edukasyon ng kabataan kung ang utak nila’y nababawasan ng kagustuhan at interes? Sa tingin ko ay mas lalaong di magtatagumpay ang Departamentong ito kung ipagpatuloy ito. Hindi ba pwedeng simulan ang s.y 2023-2024 sa Agosto at magtatapos ito ng Marso 2024? Sa paraang ito, maiibsan ang problema na hinaharap ng mga estudyante at guro sapagkat nararapat din silang bigyan ng mahabang bakasyon dahil sila ay tao lang din naman.
IBAliK Ang klaSe sa na aaYOn na panahoN
“
Nagbabadyang Liwanag | Zedrick Torrecampo
Linis doon. Linis dito. Hugas doon, hugas dito. Walis doon, walis dito. Tila walang katapusang pagpapanatili sa kalinisan ng ating paaralan, mula sa banyo, sa hardin o kahit saang kasulok-sulokan man. Isa lamang ito sa araw-araw niyang ginagawa.
Kasawian sa
Buwan ng Marso 2023, isang balita ang gumulantang sa bawat sulok aaral ng Adamson University na kinilala bilang si John Matthew Salilig. taon. Nagsisilbi nga ba ang pangyayaring ito upang muling usisain nararapat nga ‘bang tawagin Nasa ikatlong taon ng Engineering si Salilig. Mapagmahal, mapagbiro, Ngunit paano nga ba nahantong ang binata sa ganoong sitwasyon? kaso kung saan ang mga miyembro ay nagawang pumalo ng mahigit sa Imus, Cavite. Natagpuan ang labi ni Salilig sa isang masukal, ito matapos makaramdam ng konsensiya
Ani naman ng Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida biktima ng hazing. Kabilang sa listahan ang Marine Engineering Ronnel M.
Paglilinis at pagpupulot ng mga basurang ating tinatapon kahit saan. May taong nasasaktan sa likod ng ating pagsasawalang bahala at siya si Abundia Edar “Nang Edar” kung tawagin, 69 na taong gulang, may asawa at dalawang anak na sina Mark Lester at Hasenly. “Sa 11 taon kong pagtatrabaho bilang utility worker ay dito ako naging masaya”, saad niya.
Nangungulubot na tila nalipasan na ng panahon ang kaniyang balat sa paglilingkod at pagsesirbisyo sa Tabon M. Estrella National High School (TMENHS). Hangad niya ang kalinisan at kaayusan sa paligid ng buong paaralan na itinuring niyang ikalawang tahanan.
Sa kabila ng mga batas na ipinapalaganap ng pamahalaan, Anti Hazing Law, tila hindi natitinag ang mga indibidwal isinaalang-alang ang napakaraming posibilidad. Hanggang ito sa ating kasalukuyan? Higit na seguridad ang iyong makakamtan kaalaman sa mga bagay at maging matatawarang sakit ang mga mahal sa buhay kay katarungang ipinagkait sa na nagkasala ang daing, ibinaon. Kapatiran, hindi ipakahulugan ng tiyak dito—
Pangarap niyang maging isang guro ngunit dala ng kahirapan tila suntok sa buwan ang pag-abot nito, kaya elementarya lang ang natapos.
Sa likod ng lahat di mababakas ang panghihinayang at pagsisi sa kaniyang piniling trabaho dahil dito niya naramdaman ang saya at pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Sa puso natin nakikita ang tunay na paglilingkod na kung saan malaking inspirasyon at huwarang ka Nang Edar sa mga mag-aaral upang landas at kinabuksan mapahalagahan. Kahit hindi niya natupad ang kaniyang pangarap na maging isang guro, hindi parin hadlang ito para makapagpaglingkod sa mga estudyante.
SAKRIPISYO
sa isang
DEKADANG SERBISYO
: Jirah Rhea M. Tabornal
inquirer.net
LATHALAIN PAHINA 10 | TOMO XX BLG 1 | AGOSOTO 2022 - MAYO 2023
sa Kapatiran
sulok ng media matapos madiskubre ang bangkay ng nasawing magSalilig. Mistulang nagbalik ang isyung hazing pagkatapos ng maraming usisain at balikan ang mga kasong kaugnay sa pananakit, pagkasawi o tawagin itong “Kapatiran”?
mapagbiro, at matalino kung ilarawan ito ng mga mahal sa buhay. sitwasyon? Sangkot ang Tau Gamma Phi Fraternity sa kaukulang mahigit kumulang 70 palo nang isinagawa ang Initiation Rites masukal, partikular na sa di-mataong lugar, at nabigyang lokasyon konsensiya ang isang miyembro ng fraternity.
Persida Acosta, hindi lamang si John Matthew ang naging Engineering student ng Cebu, ang 20 taong gulang na si M. Baguio.
pamahalaan, tulad na lamang ng Republic Act 11053 o indibidwal na gumawa ng karumal-dumal na bagay at hindi Hanggang saan pa kaya hahantong ang pangyayaring kasalukuyan?
makakamtan kapag nagkaroon ng sapat na responsable sa bawat gawain. Hindi naman dinaranas ng pamilya, kaibigan at Salilig na ang tanging sigaw ay ang kaniya. Sana’y madinig ng tunay iyak at hagulgol na kanilang
ba’t maraming nais salitang ito? At iisa ang kapatiran hindi sakitan.
Kilala bilang bulakbol, lakwatsera, barkadista at madalas na sumasagot na pabalang sa kaniyang mga magulang. Ilan lamang ito sa mga katangiang taglay ng isang batang ina. Dugo’t, sipon, pawis at luha ang inabot ng isang mag-aaral ng Tabon M. Estrella National High School dahil sa kaniyang pagiging batang ina. Ganyan ang naranasan at naramdaman ng ika-sampung baitang na mag-aaral. “Mahirap syempre kasi may baby na ako, mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagbabantay sa bata. Pagiging batang ina ay hindi ko pinagsisihan, dahil ito ang nagiging inspirasyon ko upang makapagtapos ng pag-aaral” saad niya.
Ito ay hindi naging dahilan para huminto siya sa pag-aaral, subalit ito ang naging daan niya para makapagpatuloy sa pag-aaral.
Tuwing breaktime kasing bilis ng kidlat kung siya ay lilipad pauwi sa kanilang bahay para makita at mapadede ang kaniyang munting anghel, yan ang ginagawa niya arawaraw, minsan lumiliban dahil nagkakasakit o di kaya kailangan ipabakuna, minsay dinadala pa sa paaralan para makapasok lamang dahil walang magbabantay.
“Salamat sa mga gurong umuunawa at nagbibigay konsiderasyon kahit na ako ay nahuhuli sa klase at minsan pa nga ay lumuliban sa klase” wika niya. Hulog ng langit talaga ang mga guro na iniintindi ang kaniyang mga estudyante. Ito ang naging dahilan upang magpursige ang estudyante para makapag-aral. Itong isyu na ito ay hindi naging sagabal sa mga batang ina upang ipursige ang kani-kanilang mga pangarap. Bagkus ito ang naging inspirasyon sa mga kabataang Pilipino na kahit ikaw ay may pinagdadaanan na mga pagsubok, ito ay hindi magiging hadlang upang matupad ang iyong mga inaasam-asam na tagumpay sa bukas na ikaw mismo ang pumili. Sadyang nakakamanghang isipin na ang kagaya niya ay mas tumibay at di nagpatinag sa mga pangit, paot, at alipustang naririnig sa mga nakapaligid dahil sa pagiging batang ina.
Higit niyang pinapakita na kahit sa mga nangyari siya parin ay may karapatang makapag-aral at makapagtapos, “Salamat sa aking mga magulang na hindi ako iniwan sa laban at sa mga guro ng TMENHS na handang umalalay at gumabay sa aking kamusmusan at sa Munting Anghel na nagbigay ng lakas para matapos ang laban” aniya.
MUNTING ANGHEL NG PAGTATAPOS salikod
: Erica Jane G. Acero inquirer.net
LATHALAIN PAHINA 11 | TOMO XX BLG 1 | AGOSOTO 2022 - MAYO 2023 : Jirah Rhea M. Tabornal
P ANGARA P
GALIT AT POOT
ang naramdaman ng lahat dahil sa walang awang pagpatay kay Jubilee
Ranara, trahedya ang bumungad sa milyon-milyong Pilipino sa pagkamatay ng isang Overseas Filipino Worker, sa pagsisimula ng bagong taon.
Karumal-dumal ang naging karansan ng 35 taong gulang na si Jubilee Ranara. Isang anak, ina at asawa, may apat na anak. Ngunit bakit nya dinanas ang karimarimarim na trahedya?
“Ang gusto lang sana namin ay bigyan nyo kami ng privacy,” ang munting hiling ng kanyang pamilya.
Abroad, salitang masarap pakinggan dahil dito mo rin mararanasan ang paghihirap na di inaasahan. Bayani ang tawag sa kanila na isinusugal ang mga buhay para sa kanilang inaasamasam na maginhawang buhay at magandang kinabukasan.
Malaking sakripisyo ang pagtratrabaho sa ibang bansa. Parehong mahirap at masakit sa pisikal, mental ang mawalay sa pamilya sa loob ng mahabang panahon ng walang kasiguraduhan kung ano ang hinaharap at kung ano ang mga panganib
na naghihintay sa ibang bansa.
Napakaraming hamon ang kinakaharap ng mga bayaning OFW.
Una, pananabik nila sa presensya ng kanilang mga pamilya. Hangad nila ang mainit na yakap, halik at haplos ng pamilya sa bawat oras.
Pangalawa, pagyakap sa iba’t ibang kultura na di maintindihan, lalo na sa mga lupaing banyaga.
Panghuli, dayuhan ka sa pananaw ng iyong amo na wala kang pwedeng gawin kundi ang umasa sa gabay at patnubay ng may likha.
Kung hindi ito magagawan ng aksyon at proteksyon ng ating gobyerno, ilang OFW kagaya pa ni Jubilee Ranara ang magbubuwis ng buhay at pamilya tatangis pa sakit at lungkot na mararamdaman ng kanilang pamilya.
Lilipas naman ang mga araw at ilang dahon ang malalagas kasabay ang paglimot at pagbaon sa libingan ng paghingi ng hustisya kay Ranara.
Paano maaabot ang langit na mga pangarap sa pamilya kung kamay ni kamatayan ang nakaambang?
Totoo pala ang mga bangungot na gumagambala gabi-gabi at patuloy na dumadaloy sa balintataw ng mga tumindig para sa Bayan. Hindi pala iyon guni-guni o kung ano pa mang kahibangan ng mapaglarong isipan. Kumpirmado na ang bali-balitang hindi pa rin pala natuto ang mga kapwa kong lunod na sa putik. Nakakaawa na.
Kung susumahin ang mga bagay-bagay ay wala palang gamit at katuturan sa’yo ang mga inihabi ng kasaysayan patungo sa kasalukuyan.
Mali ang salin mo kung hindi mo pa rin nakukuha ang pahiwatig ng mga bangungot ng kasaysayan.
Hindi ka pa rin pala natuto. Nakakaawa ka.
Alam kong alam mo na; isang pagpapatiwakal ang hindi pagkatuto sa kasaysayan ng sariling Bayan.
Tama na ang mga kabalintunaan mo sa iyong sarili’t Bayan. Tama na ang panghihimas at pangroromantisa.
Gising na, Pilipinas. Nakakaawa ka na.
ABOT LANGIT NA
SA KAMAY NI KAMATAYAN
Ang Kasaysayan ng Bayan
tula ni: Philip Labide
tula ni: Philip Labide
Rappler.com state of arbor
: Jirah Rhea M. Tabornal
Mahina, mahinhin, hindi kayang makipagsabayan sa gawaing panlalaki, hindi kayang mamuno at taong bahay lamang ang kayang gawin. Ilan lamang sa mga halimbawa kung ilarawan ang mga kababaihan sa nakalipas na dantaon. Itinuring na mga tagasunod at walang karapatang ipakita ang kakayanan at iparamdam ang kanilang mga saloobin dahil hindi patas na pagtrato sa kanila. Hindi lang mga Pilipina maging ang ilang mga kababaihan sa ibang bansa ay di rin nakaligtas sa walang pantay na pagtrato gaaano man ka unlad ito.
Sa kasalukuyang panahon, “Kung ano ang kayang gawin ng mga lalaki, ay kaya na rin gawin ng mga babae”. Kung naging babae ba sila William Shakespeare at Albert Einstein, kikilalanin ba rin sila ng buong mundo? Mabibigyan kaya ng pansin ang kanilang mga gawa nang walang diskriminasyon, pagmamaliit,
at pagyapak sa karapatan?
MATAPANG SI JUANA
Sa paglipas ng panahon nagkaroon ng tinig at untiunting umusbong ang kapangyarihan ng ilang mga kababaihan na di matitinag dala ng katapangan, kagitingan, kagalingan at katalinuhan sa lahat ng larangan. Sinimulan ni Corazon Aquino, sinundan ni Gloria Macapagal Arroyo huwag din natin kalimutan ang tapang ni Miriam Defensor Santiago, Leni Robredo, at Sara Duterte.
Idagdag pa ang mga nagbigay ng karangalan ng bansa sa larangan ng isport, mga babaeng pulis, doctor, enhenyero, guro, piloto, welder at mga nanay na humuhubog ng mga kabataan para sa inang bayan.
Marami ang nagbago sa buhay ng mga kababaihan marami na ang sumusulong at tumutulong imulat ang lahat. Nakikipaglaban na kailan man ay di na babalik ang dati,dating mga bangungot sa likod ng mga kalalakihan. Subalit marami pa rin ang tila bingi sa katotohanan
Mabuhay ang mga Juana
na handang magpaalipin sa maling pangangatwiran. Di ba nila alam o sadyang limot lang ng sangkatauhan na panahon pa ng pananakop ng kastila’y may mga Gabrela Silang na nagtatanggol
at nakikipaglaban sa karapatan ng kababaihan. Huwag hayaang mawalan ng saysay ang lahat ng ito. Salamat na may tumatayo at itinaas ang boses ng kamalayan ng mga JUANANG kailan man ay di susuko, di
patitinag, di matatakot, di aatras sa ano mang laban. Kaugnay nito ay taon-taon ng ipinagdiriwang ang araw ng kababaihan. Mabuhay ang mga kabaihan.
: Jirah Rhea M. Tabornal
Social Media: kapahamakang
dulot ng pag-iisip
Marami ang naidudulot na maganda ang social media sa buhay ng bawat isa at habang nagpapakasaya at nakababad ng mahabang oras ito ay nakapagdudulot ng masama gaya ng addiction, depresyon, pagkukulong at pagkabalisa na ngayon ay nararanasan ng iilan sa ating mga kabataan. Batay sa WellBeing & Happiness ni Lawrence Robinson at Melinda Smith, M.A., ang social media ay may malaking papel na ginagampanan sa ating kalusugang pangisipan dahil una ito ay nagbibigay sa atin ng koneksiyon sa mga taong malalayo sa atin na nakapagbibigay ng saya. Pangalawa,
nakakabawas ito sa ating stress, depresiyon, nakakadagdag ng kumpyansa at nagbibigay ng tuwa na naiibsan ang mga kalungkutan.
Maraming mga platform ang magagamit na ating naeenjoy para magkaroon tayo ng koneksiyon sa iba. Subalit ang lahat ng ito ay hindi mapapasubalian na mas kailangan natin ng interaksiyon sa totoong realidad o mga bagay na ating ginagalawan.
Dahil kabaliktaran na ang nangyayari sa ating paligid imbes na ito ay nakakatulong mas lalo pa tayong napapahamak dala ng kalabisan at walang control na paggamit o paglalaan ng oras, kaya
mas lalong nagpalala sa kalungkotan at depresiyon.
Kaya kailangan natin suriin at alamin kung tama pa ang oras na nilalaan sa social media para sa balansing kalusugan ng ating pag-iisip. Narito ang mga sintomas kung ano ang naidudulot nito sa kalusugan ng pagiisip, kung iniiwasang makipagugnayan ng face-to-face sa relasyon, distraksiyon sa pagaaral, nakakaramdam ng pagkainggit, galit o depres at pagbabahagi ng mga post dahil lang sa pagkainggit.
Pagnakaranas na ng mga sintomas huwag mahiyang humingi ng tulong sa mga eksperto at dalubhasa para hindi mahuli ang lahat.
Nakakahimatay na buwanang dalaw
Usapusapan ngayon ang
pagkakaroon ng menstruation leave. Sa ilalim ng House Bill 6728, “Menstruation Leave Act” nagsasaad na ang mga babae, maliban sa mga buntis at nagmemenopause ay maaring makabenipisyo ng
dalawang araw na hindi pagpasok sa trabaho pribado man o panggobeyerno.
Isa ito sa mga hinaing ng mga kababaihan sa tuwing darating ang buwanang dalaw, dahil sa mga hindi magandang pakiramdam. Napipilitan hindi makapasok o hindi kaya ay naaapektohan ang kanilang mga gawain. Nakakatulong
Isang Sindi, Isang Buhay
“Isang sindi lamang diyan at tiyak na nasa piligro na ang buhay ng iyong minamahal, bata!” sigaw ng tanod sa mga binatilyong tumatambay sa gilid ng kalye.
Isa lamang ito sa mga karaniwang eksenang makakasalubong mo sa mga lansangan sa pagsapit ng gabi. Mga bote ng alak,nagsisigawang tambay, at higit sa lahat, mga naninigarilyong walang kamalaymalay sa mga nakaabang na panganib na dala ng bisyong ito.
Walang alinlangan na isa sa mga kritikal na modernong suliraning pangkalusugan na kinakaharap at pumipinsala sa mga tao lalo na sa mga
Pilipino ay ang paninigarilyo. Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), 87, 600 na Pilipino ang namamatay dahil sa sakit na dulot ng pagyoyosi o paninigarilyo.
Ang pinsalang naidudulot nito ay hindi lamang sa mga nainigarilyo maging sa mga bata at matandang nakakalanghap ng usok, mula sa mga taong naninigarilyo.
Ang bisyong ito ay nagdadala ng mga malubhang sakit gaya ng kanser sa baga, pantog, pancreatic, at lalamunan, talamak na brongkitis at emphysema, na maaaring mahirapan sa paghinga at pag-uubo. Nagdudulot rin ito ng sakit sa puso, stroke,
at makapagbibigay ng proteksiyon sa kababaehan ang sinasabing bill.
“By pursuing this bill, we are not only acknowledging and protecting the women’s health but also, we are raising awareness to avoid stigmatisation and ensure that the individuals receive the right support”sabi ni Congresswoman Samantha Taliño . Narapat lamang na magkaroon ng kaalaman ang lahat sa mga nararamdaman ng mga kababaehan kung anong sakit ang dulot ng buwanang
mataas na presyon ng dugo, at pagkahina ng immune system na nagbubunga ng pagkabawas ng proteksyon ng katawan laban sa mga sakit. Huwag isawalang bahala ang dulot ng kapahamakan ng paninigarilyo hindi lamang sa sarili kundi sa mga taong nakapaligid o mga mahal sa buhay natin. Bawat sindi nito ay piligro at kapahamakan ang kabayaran. Bawat sindi nito dulot ay kasiraan sa katawan. YOSI iwasan upang kamatayan ay maiwasan, sapagkat bawat buhay ay mahalaga.
dalaw na nagreresulta ng dysmenorrhea o pananakit ng puson na tumatagal ng 12 hanggang 72 oras. Ilan sa mga sintomas ay pagkahilo, pagsusuka, pagod at pananakit ng balakang. Kaya hindi nakakakilos o nakakapokus sa tindi ng sakit na nararamdaman ang isang babae. Inaabangan ng maraming kababaihan ang sunod na hakbang nito, sapagkat malaking bagay ito na magkaroon na magkaroon ng kamalayan ang lahat sa dulot ng pananakit ng puson.
: FREDRYX VILLAGRACIA
: CRYSTAL ESPADA
: CRYSTAL ESPADA
Isa sa mga malalawak na isyu ang Aborsyon kung saan patuloy na umuusbong hanggang sa panahong kasalukuyan na hindi lang nangyayari sa ibang bansa kung hindi sa Pilipinas ‘din. Isiniwalat ng 2021 Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFSS) na mahigit sa 386,000 o 6.8% ng mga babaeng Filipino na may edad 15-19 ang nagsisimulang mabuntis. May mga kabataan na napilitang yakapin ang kapalaran na maging ina sa napakamurang edad habang mayroon namang iba na napilitang ipalaglag ang bata na nasa kanilang sinapupunan dahil sa iba’t-ibang rason, kung saan isa sa mga saklaw ay ang kakulangan ng pinansyal. Ang aborsyon ay isang uri ng krimeng
pagkitil sa buhay na nasa sinapupunan ng babae o ina sa pamamagitan ng pag-inom ng mga gamot pangpalaglag o mga surgical procedure na ginawa ng mga health professional o doktor. Ang gamot na tinatawag na Miferpristone at Misoprostol ay karaniwang ginagamit pampalaglag. Ang Miferpristone ay sentetikong steroid na pumipigil sa pagkilos ng progrestone habang ang Misoprostol naman ay ginagamit para sa pagiwas sa mga gastric ulcer na dulot ng non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAID’s), epekto nito sa ating katawan ay tulad ng indigestion, sakit sa tiyan, pagkahilo at pagtatae. Ano nga ba ang epekto ng aborsyon sa buhay pisikal at mental ng kababaihan?
USAPANG ABORSYON
Maraming epekto tulad ng impeksiyon o sepsis, permanenteng pagkasira sa cervix, ectopic pregnancies o hindi kaya madaliang kamatayan. May labis na kalungkutan din silang mararamdaman, dahil sa katunayan kahit ayaw nila sila’y napilitan lamang marahil sa hirap ng buhay.
Maraming opinyon ang lahat tungkol dito kung ito ba ay nararapat o hindi. Ayon kay Frezza Mae Llavan, isang batang ina hindi niya inisip ang aborsyon, sa totoo lang pangalawa na sanang anak ito subalit nakunan siya at hindi iyon madali para sa kanya. Ang pagkakaroon ng anak ang nagbibigay inspirasyon
para sa kanyang pag-aaral ngayong nasa grade 10 na siya. Para maiwasan ang pagiging batang ina, huwag munang makipagrelasyon kung hindi pa handa at wala pa sa tamang edad upang hindi humantong sa usapang aborsyon.
Salmonella, epekto ng pagkain ng Crack egg
Sa panahon ngayon, nagkakaubosan na ang supply sa itlog dahilan upang tumaas ang presyo at humanap ng mas mura ang mga mamimili.
Ngunit papaano kung mas mabenta ang basag na itlog kaysa maayos na itlog dahil ito ay mas mura? Ayon kay Gng. Juanita Belarmino, kailangan ikonsumo ang crack egg sa loob ng tatlong araw. Subalit, ayon sa Department of Health (DOH) kung ang itlog ay may basag tumatagal lang ito ng dalawang oras at pagkatapos ay papasok na ang mga mikrobyo katulad ng salmonella.
Nagdudulot ang salmonella ng impeksyon na gastrointestinal na kilala bilang salmonellosis, kapag nakakain ang tao ng kontaminadong pagkain na ito
ay makakaranas ito ng sintomas kagaya ng pagsakit ng tiyan, pagsusuka, pagdudumi, at lagnat.
Kaya iwasan ang pagkain ng crack egg na lagpas dalawang oras. Hindi lahat ng mura ay nakakabuti sa ating kalusugan, sapat na kaalaman ukol sa mapanganib at walang kasigurohang epekto nito. Malalaman na ang kahalagahan ng wais na pagkonsumo at pagpili ng produkto.
Nakapagtala ang
Department of Health (DOH) ng patuloy na pagtaas ng kaso ng
Chikungunya Virus sa bansa ngayon, kumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa World Health Organization (WHO) ang ChikungunyaisangVirus
ay nakakaranas ng sintomas sa ikatlo hanggang ikapitong araw pagkatapos makagat ng nahawaang lamok. Ilan sa mga nanganganib na mahawaan ng sakit ay ang mga bagong silang na bata, mga matatanda, at mga taong may mga kondisyong medikal.
Paano natin maiiwasan ang
Chikungunya PinakamabisangVirus?paraan
upang maiwasan ito ay ang malinispagpapanatiling sa pagtataponkapaligiran, ng naiimbak na tubig na pamahayanmaaring ng mga
lamok, at kumain ng masustansyang pagkain.
Bihira man ang kamatayan sa
Chikungunya Virus dapat maingat parin ang bawat isa. Huwag isawalang bahala ang mga sintomas
dahil maaring tumagal ang mga epekto ng
pananakit ng mga kasu- kasuan dahil wala pa itong lunas sa ngayon.
Tiyakin na ligtas at malinis ang kapaligiran.
PAGLAGANAP NG
VIRUS CHIKUNGUNYA
: CRYSTAL ESPADA
i : CRYSTAL ESPADA
news.harvard.edu
Pananaliksik BPP 11-B
Prensa Latina
: CRYSTAL ESPADA
Inilunsad ng Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) ang feeding program para sa mga mag-aaral na may malnutrisyon.
Napaloob sa DepEd Order No. 23 series of 2020 na ang programa ay dapat magbigay sa mga benepisyaryo ng mga masustansyang produkto ng pagkain sa pamamagitan ng pagrarasyon para sa hindi bababa sa 60 araw ng pagpapakain, at sariwa o isterilisadong gatas para sa 50 araw ng pagkakain. Layunin ng programang ito ay ang mabawasan ang rate ng pagkalat
Banta ng Climate Change
Laganap ng ngayong panahon ang climate change kung saan ay nakakaranas ang mga tao ng sakuna kagaya ng baha, tagtuyot at heatwave sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Ano nga ba ang climate change?
Ayon sa Department of Health (DOH), ang climate change ay ang pagbabago sa klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases (GHGs) na nagpapainit sa mundo, nabubuo ang GHGs galing sa pagsunog ng mga fossil fuel tulad ng uling, langis at gas.
Base sa pag-aaral, may dalawang sanhi ang climate change. Isa na dito ang natural na pagbabago ng klima sa buong mundo. Pangalawa ang mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang GHGs. Tulad ng pagbuga ng usok ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, pagputol ng mga
puno na siyang dapat mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkalubok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs). Hindi biro ang banta ng climate change sa buhay ng tao pati narin sa hayop. Nagdadala ito ng banta sa kalusugan ng tao dulot ng matinding init, tagtuyot at bagyo. Para maibsan ang climate change, kailangang magtanim ng puno at halaman upang mag silbing taga-sipsip ng GHGs. Ang paglalakad, pagbibisikleta o pag commute ay makakatulong rin sa pagbawas ng epekto ng climate change. Bagamat hindi natin maiwasan ang climate change, pwede namang maibsan ang epekto nito kung sama-sama tayong magtulungan at magkaisa para pigilan ang climate change.
ng malnutrisyon at mapabuti ang kakayanan ng bata sa loob ng klase. Naitala na 31 na mag – aaral sa TMENHS ang nabibilang sa wasted at severely wasted na siyang tumatanggap sa nasabing programa.
Nanggagaling ang pondo ng feeding program sa Tabon
Secondary Teachers and Employees MultiPurpose Cooperation [TASETEMCO] at minsan din sa mga sponsor na gustong magbigay at makatulong.
Malalaman natin kung ang tao ay may malnutrisyon o hindi sa pamamagitan ng pagkuha sa kanilang tangkad at timbang,
at higit sa lahat ang pagtukoy sa kanilang nutritional status kung saan matutukoy kung nabibilang ba sila sa may malnutrisyon. Nakabase lamang ang perpektong timbang sa tangkad at edad. Sa panahon ngayon kung hindi hirap ang nararanasan, gutom rin ang nakikitang suliranin upang sila ay hindi pumasok at makapagtapos ng pagaaral. Masakit man isipin, mas maraming bata ang nagdurusa. Kaya kumain ng tama at sapat, huwag sayangin o aksayahin ang mga biyayang inihain sa mesa.
COLON CANCER
Nagulat ang lahat sa biglaang pagpanaw ni Ronaldo F. Paloma 43 taong gulang, isang guro ng Tabon
Maximino Estrella National High School (TMENHS) noong ikapito ng Mayo 2023 dahil sa hypertension.
Ano nga ba ang hypertension?
Ang hypertension ay tinutukoy bilang isang patuloy na pagtaas ng presyon ng dugo sa itaas ng normal na hanay 120/80 mmHg. Ito ay isang pangunahing sanhi ng maagang pagkamatay sa buong mundo.
Ayon sa World Health Organization (WHO) tinatayang 1.28 bilyong katao na may edad na 30–79 taon sa buong mundo ang may hypertension. Ang nagpapataas ng bilang sa pagkaroon ng mataas na presyon ng dugo ay kinabibilangan ng mas matandang edad, genetika,
pagiging sobra sa timbang o obese, hindi pagiging pisikal na aktibo at pag-inom ng labis na alak.
Karamihan sa mga taong may hypertension ay hindi nakakaramdam ng anumang sintomas. Ang hypertension ay maaaring magdulot ng pananakit ng ulo, malabong paningin, pananakit ng dibdib at iba pang sintomas. Ang pagkuha ng iyong presyon ng dugo ay ang pinakamahusay na paraan upang malaman kung ikaw ay may mataas na presyon ng dugo.
Kung hindi bibigyang pansin ang hypertension, maaari itong magdulot ng iba pang kondisyon sa kalusugan tulad ng sakit sa bato, sakit sa puso, stroke o maaring pagkamatay. Kaya maghunosdili at hinayhinay sa lahat ng mga kinakain at ginagawa upang ang panganib na dulot nito ay maiwasan.
Nagulat ang lahat ng kinompirma ni Lewis Alfred “LA’ Vasquez Tenorio, isang PBA player na mayroon siyang stage 3 colon cancer. Marami ang nadismaya sa nasabing balita. Ngunit ano nga ba ang colon cancer? Ang colon cancer ay isang uri ng cancer na nagsisimula sa malaking bituka. Ang colon ay ang huling bahagi ng digestive track. Nag-uumpisa ito kapag ang malusog na mga selula sa colon ay nagkakaroon ng mga pagbabago o mutation sa Deoxyribonucleic Acid (DNA), ngunit kapag ang DNA ng isang cell ay nasira at nagging cancerous, ang mga cell ay hindi kailangan. Habang naiipon ang mga selula, bumubuo sila ng tumor.
Ilan sa mga sintomas ng colon cancer ay ang pagtatae, pagdurugo ng tumbong at paghihina o pagkapagod. Mataas ang iyong panganib sa
colon cancer, diabetes, obesity, familial adenomatous polyposis (FAP) at Lynch syndrome nak ilala rin bilang hereditary non polyposis colorectal cancer (HNPCC).
Inirerekomenda ng mga doctor na ang mga taong may average na colon cancer ay nasa edad na 45. Kung nakakaranas ng colon cancer, maraming paraan sa paggamot at pag-iwas upang makatulong na makontrol ito, kabilang ang operasyon, radiation therapy at pag inom ng gamot, tulad ng chemotherapy, nakatarget na therapy at Maramiimmunotherapy. sa atin ang walang kamalay-malay sa mga posibleng epekto kung tayo ay hindi nag-ingat o nagpabaya sa ating kalusugan. Agarang konsultasyon at pagbibigay pansin sa ating katawan ay nakakatulong upang malaman natin at maaagapan.
: LE ATASHA U. BESANDE
PANGANIB DULOT NG
Johnson & Johnson
: CRYSTAL ESPADA
: CRYSTAL ESPADA
: CRYSTAL ESPADA
TIRIK NG ARAW, DALAY BAGSIK NA KARAMDAMAN: MAGING ALERTO SA NAKABABAHALANG INIT NI HARING ARAW
Kasalukuyang nakararanas ang Pilipinas ng heat wave o pinakainit na panahon kung saan nakapagtala ang state weather bureau logging nang pinakamataas na computed heat index o damang init ngayong taon na 48 degrees Celsius noong ika-21 ng Abril.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)
nakababahala na ang temperaturang 42 hanggang 51 degrees Centigrade. Ang mga heat wave na 52 degrees Centigrade pataas ay talagang mapanganib sa mga tao, hayop, at halaman. Maaaring dumanas ng pagkahilo, karamdaman, pagkawala ng malay, pagdurugo ng ilong at maging kamatayan dahil sa heat stroke ang mga taong mahina.
Noong nakaraang Marso 23, nasa 83 mag-aaral mula sa 2,121 kalahok na mag-aaral sa isang hindi ipinaalam na fire drill sa isang paaralan sa Cabuyao, Laguna ang naospital sa gitna ng matinding init.
Nang sumunod na araw, isa pang mag-aaral ng parehong paaralan ang dinala sa ospital matapos makaranas ng pagkahilo sa kalagitnaan ng klase.
Muling iginiit ng Department of Education (DepEd) ang mga pampublikong paaralan na magkaroon ng alternative delivery modes (ADMs) kung hindi na mainam ang kalagayan sa loob ng klasrum para sa pag-aaral sa gitna ng nakapapasong init, lalo na matapos ang mga insidente ng
matinding init sa ilang paaralan.
Na kung saan hindi rin nakaligtas ang Tabon M. Estrella National High School sa laki ng epekto ng matinding init dahil may mga naitala ding mga magaaral na nakaranas ng pagdurugo ng ilong,atake ng hika, biglang pagkahimatay at hirap sa paghinga dahil sa sobrang init. Maging ang mga guro di rin nakaligtas. Matatandaan isang guro ang namatay dahil din sa pagtaas ng presyon dala ng init ng panahon.
Upang maiwasan ang ganitong pangyayari sa nararanasang init ay nagsagawa ng solusyon ang paaralan na magpatupad ng blended learning na kung saan inaprobahan ito ng DepEd. Magsisimula ngayong ika 22 ng Mayo 2023 ang blended learning ng TMENHS kung saan isasakatuparan ang face to face classes sa araw ng lunes hanggang miyerkules habang ang modular learning naman sa huwebes at biyernes.
Kaya dapat tayong mag-ingat lalo na ngayon ugaliing uminom ng maraming tubig at protektahan ang sarili sa matinding sikat ng araw kaya sinangguni na ng punongguro sa Division ang pagkakaroon ng ADMs.
Hinaharap ng mga mag-aaral sa buong mundo ang kahirapan sa mga takdang-aralin na binibigay sa kanila ng mga guro. Ang kanilang palaging binubuksan ay ang application na Google, na kung saan, sila ay tinutulungan na magsaliksik. Dahil sa advanced na teknolohiya na mayroon tayo, ang mga tao ay lumikha ng isang ai na humahantong sa mga tamang sagot sa kanilang mga problema, tinatawag itong ChatGPT.
Ayon sa datos ng tech target, ang ChatGPT ay isang anyo ng generative AI, isang tool na nagbibigay-daan sa mga user na magpasok ng mabilisan para makatanggap ng mga larawan, text o video na parang tao na nilikha ng AI. Ang ChatGPT ay katulad ng mga automated na serbisyo sa chat na makikita sa mga website ng serbisyo sa customer, dahil ang mga tao ay maaaring magtanong dito o humiling ng paglilinaw sa mga tugon ng ChatGPT na nagpasikat dahilan ng pagabot nila sa mahigit isang milyong users sa loob ng limang araw lamang sa paglabas nito. Ayon sa pagsusuri ng Swiss bank UBS, ang ChatGPT ang pinakamabilis na lumalagong app sa lahat ng oras.
Upang mapangalanan ang ilan sa mga positibong epekto nito, ang Chat GPT ay pinaniniwalaang mapahusay ang karanasan ng mga kliyente, bawasan
MAALINSANGAN NA KAPALIGIRAN. Hindi maipaliwanagang init ay nagiging sanhi sa pagkawala ng pokus ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral, ika-15 ng Mayo 2023, sa Waray Campus.
Chat, G pa teh?
ang mga gastos, pataasin ang kahusayan, at bumuo ng mga lead. Ang kahangahangang potensyal nito lubhang kapaki-pakinabang sa mga negosyo. Gayunpaman, ang mga potensyal na panganib nito ay hindi dapat palampasin, mayroon ding mga negatibong epekto napuna ng mga gumagamit.Ang kompanyang OpenAI naman ay umamin na ang ChatGPT ay maaaring makadulot ng mga pinsala, umaasang mapagaan ang problema sa pamamagitan ng pangangalap ng komentaryo mula sa mga gumagamit. Ngunit ang kakayahang gumawa ng nakakumbinsi na teksto, kahit na ang mga katotohanan ay hindi totoo, ay madaling magamit ng mga masasamang
aktor. Pangalawa, ang isyu tungkol sa kanilang kaligtasan at privacy ng mga tao, nagpapakita umano ito ng mga chat histories sa gilid ng kanilang screen na hindi naman sa kanila, ma dali-dali lamang ang pagtagas sa mga impormasyong ibinigay sa Ai. Sa kasalukuyan, patuloy pa ring naipabuti ng OpenAi ang ChatGPT upang makatulong sa mga nangangailangan at upang magkasya sa modernong mundo na ating lalakaran. Sa huli, hindi naman natin maiwasan na gumamit at makadepende sa teknolohiya. Upang maiwasan ang stress sa pag-iisip, maging bukas sa isip at sa mga opurtunidad na inimungkahi para sa atin kagaya ng ChatGPT.
: JEREMIAH S. AMPON
: CRYSTAL ESPADA
PINYON O
Paglahok ng Transgender
Women sa Larangang Isports:
Sa panahon ngayon, napakaraming bagay ang nagbabago at isa na rito ang LGBTQIA+ Community. Dumarami na ang mga miyembro ng nasabing komunidad. Ngunit, sa larangang isports ay tila sinasarahan ng pinto ang mga transgender women athlete na sumasali sa mga female category na laro. Ayon sa American Psychological Association, ipinagbabawal na ang mga transgender women na maglaro ng female sports sa 29 na estado ng United States dahil sa AntiTransgender Student Athletic Bills. Mas lumala pa ito ng inireklamo ang dalawang Black-American Transgender high school girls dahil umano nakakabahala ito sa seguridad ng mga kasamahan nila at nilalabag ang proteksyon ng mga kababaihan.
Kinekwestyon ang pagsali ng mga transgender women sa isports dahil ayon kay Donna Lopiano, ang presidente sa Sports Management Resources, kahit na sumailalim na sa surgery ang isang transgender woman, may mga male hormones pa rin sya at hindi maikakaila na ang lakas ng isang lalaki ay may malaking puwang kompara sa
isang babae. Dagdag pa nito, hindi umano ito mababawasan kahit na ilang operasyon pa ang gagawin sa isang transgender woman.
Sa kabila nito, iminumungkahi ang pangatlong opsyon at burahin ang traditional na pag-iisip na may dalawang kasarian lamang, ang babae at lalaki. Kailangang galugarin ng lipunan ang lahat ng mga talento na meron ang isang bansa upang may mas malaking pagkakataon na maibahagi ang angking galing ng bawat tao. Tulad na lamang ng kauna-unahang Transgender Woman Olympic Gold Medalist na si Canadian Quinn, lumaban sya at may buong pagmamalaking ibinandera ang LGBTQIA+ community.
Sa likod ng mga nasabing negatibo at tila hindi patas na mga trato sa transgender women community sa larangang isports, patuloy na lumalaban at inilalaban ang komunidad na ito upang magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan at mala-bahaghari na pagsulong ng pagbabago na kung saan ang LGBTQIA+ community ay bukas palad na tinatanggap.
BANTAYOG PATROL OPINYON Volleyball? WALEYball?
Sa mga taong nakalipas dala ng pandemya, hindi naging maayos ang kanilang pagsasanay sa mga laro katulad ng Volleyball, ginawa lamang itong libangan sa mga tao, ngunit sa larong volleyball noong ika-27 ng Enero, napatunayan ng Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) na sila talaga ay isa sa mga ‘Home of the Champions’. Upang maakyat ang hagdang hindi kayang abutin, pinagtulungan nila Honelyn Alatsa at Lindsay Obeja na pabagsakin ang De La Salle John Bosco College (DLSJBC) sa 60th Anniversary Brother Thomas.
Kahit pa sa mga negatibong naririnig ng kanilang grupo, nagpapakita talaga sila ng kalamangan sa mga taong nakapalibot sa kanila.
“They are good at playing! I was shocked when I saw how they spike through blocks,”
sabi ng isang mag-aaral sa TMENHS.
Sa lakas at galing alam ko na di papataob ang TMENHS. Sa unang set pa lang, nagpakitang gilas naman si Obeja na siyang Team Captain ng Tabon sa kaniyang mga back-row spikes, ngunit yung iba sa mga ito ay pumalpak.
Lumaki akong may kilalang Alyssa Valdez, Dennise Michelle Lazaro, at iba pang mga sikat na manlalaro sa volleyball, ngunit nakita ko ang kanilang pangingibabaw sa DLSJBC ng malaking agwat kapag iiwasan nila ang pagiging malamya. Sila ay nakakuha ng atensyon at suporta sa iba’t-ibang paaralan sa Bislig City.
Makikita mo nga naman na hindi lahat sa kanila ay magaling maglaro ngunit kapag sila ay magkakaisa at naging isang grupo, sila ay hindi mapipigilan kahit sa mga pader na nakakaharang sa kanila.
LA Tenorio, na diagnosed ng Stage 3 colon cancer
MANILA, Philippines
– Kasalukuyang
nakikipaglaban sa Stage
3 colon cancer si Lewis
Alfred Vasquez Tenorio o LA Tenorio, isang
Filipino professional
Basketball player sa
Barangay Ginebra San
Miguel ng Philippines
Basketball Association (PBA), March 21, 2023.
Kilala si Tenorio bilang isang magaling
na manlalaro ng
Ginebra at binansagang
“Iron Man” ng kanyang
taga suporta.
Ayon kay Tenorio,
ang mga initial testing
na isinagawa sa kaniya
noong nakaraang
tatlong linggo ang
naging dahilan kung
bakit laging siyang wala
sa mga practice at laro sa PBA.
taga suporta ang nalulungkot matapos sabihin ni Tenorio na diagnosed siya ng Stage 3 colon cancer.
Nagpapasalamat din si Tenorio sa kaniyang pamilya, mga kaibigan, kasama sa PBA at sa kaniyang fans sa walang sawang pagsuporta nila sa kaniya at dasal na siya’y gumaling.
Maraming
Philippine Star
: NIGEL MARK QUIJADA
ISANG TULAY TUNGO SA PAGBABAGO
: JEREMIAH S. AMPON
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, brutal na dinomina ng Philippine Volleyball Women’s team ang 32nd Southeast Asian Games first-timer Cambodia sa mapanirang 25-5, 25-5, at 25-5 sa kanilang Group
B Campaign noong Martes, ika siyam ng Mayo 2023 na ginanap sa Indoor Olympic Stadium sa Phnom Penh.
Hindi nakapaglaro ang team Captain ng Pilipinas na si Alyssa Valdez dahil umano nagpapagaling pa sa kaniyang pinsala sa kanang tuhod, ngunit ang kaniyang
pag iskor ng mga Cambodian na hindi lumagpas sa limang puntos bawat set.
Nagpakitang gilas naman ang mga middle blockers na sina Palomata at Cherry Nunag dahil sa mga magagandang set ni Jia De guzman sa unang set.
Bumanat kaagad si Jema Galanza sa kaniyang sunod-sunod na siyam na service ace sa pangalawang set at sinundan naman ng mga palo ni Paat na hindi natanggap ng Cambodia ang bola.
Panay dipensa naman
sa Team Captain nilang si Valdez.
Dahil walang attack points ang kupunan ng Camodia, napasilip si Galanza sa kaniyang mga spike at ang signature drop shots ni Carlos na nagtapos sa huling set.
Malakas na hiyawan mula sa mga manonood ang sumalubong nang hinirang ang Pilipinas na wagi laban sa Cambodia, 3-0.
Sabi-sabi sa mga alamat na siya ay laging nauuna ng walong galaw sa kaniyang mga kalaban. Manipis na mga buhok, likod na nakayuko, napauwi ng maaga si Efren “Bata” Reyes sa Men’s 3-cushion carom single event sa ika 32 na Southeast Asian Games sa Aeon 2 Sen Seok noong Martes, siyam ng Mayo. Wala nang mas nakakasakit pa sa puso kaysa sa makita ang iyong iniidolo na matalo sa laro na may pahiwatig ng kapaitan para sa isport na kaniyang dinomina sa loob ng mga dekada. Matapos ang kaniyang laro, inalokan niya tayo ng isang nakakadisarma na ngiti na nagsisilbing pangalawang sandata niya.
Kilala si Reyes sa kaniyang palayaw na “The Magician” sa kaniyang kakayahan para ipasok ang mga bola sa billards sa mga pamamaraan na hindi natin maisip, nakakamangha naman kung paano siya nananatiling sikat at nasa ating mga harapan.
Ipinanganak si Reyes sa mahirap na pamilya sa maliit na bayan sa Pampanga. Siya ay nakatira sa isang bahay na walang kuryente o kahit tubig man lang. Nag mamay-ari ng isang billards hall ang kaniyang tiyuhin na kung saan si Reyes ay tumutulong sa paglinis ng mga pool tables. Bilang isang tagapaglinis at tambay roon, hindi
niyang maiwasan na bantayan ang mga mali sa mga manlalaro sa kanilang lugar. Ang pagiging magaling o sikat ay wala man lang sa isip niya, dahil ang gusto niya lang gawin ay magsideline sa mga trabaho. Nagsimula siyang magtrabaho sa edad na 12, dahil sa kawalan ng pera ng kaniyang pamilya. Noong siya ay binatilyo pa lamang, ginawa niyang side-line ang pakikilahok sa mga laro upang makakita ng pera. Ngunit naging isang malaking paulit-ulit na problema para sa kaniya, hindi sapat ang mga laro, pati na rin ang mga trabaho. Ito ang kagandahan ni Reyes, sa tagal ng kaniyang pagiging alamat sa Pilipinas, hindi mahalaga sa kaniya ang katayuan niya o kaya ang pera para sa kaniya, lahat ng kaniyang pera ay para lamang sa kaniyang pamilya. Kahit na tumanda, patuloy pa ring dumadaloy ang mahika sa mga dugong ipinagmamalaki ng mga Pilipino, at sa kislap ng kaniyang mga kumikinang na mga mata, sinabi niyang “I still love playing, and I still enjoy putting the Philippines on the map as much as before.”
Sa likod ng kaniyang pagkatalo, mananatiling Alamat ng Pilipinas si Efren “Bata” Reyes sa ating mga puso. Walang makakapantay sa galing na ipinamalas niya sa larangang bilyard sa buong panig ng mundo.
Spin.ph
One Sports
: JEREMIAH S. AMPON
: JEREMIAH S. AMPON
Medyo kinakabahan, nami-miss ko rin kase ang pakiramdam na kabahan sa laro at ngayon na natapos, na nag-enjoy ako ng sobra.
TMENHS ginapi ang MNHS
Dinurog ng walang kalaban-laban ng Tabon
M. Estrella National High School (TMENHS) ang Mangagoy National High School (MNHS) sa Volleyball Boys
Citylympics 2023 noong ika-25 ng
Pebrero na ginanap sa De La Salle John Bosco Gym bandang alas 3 ng hapon, 2-0.
Nagsimula ang laro sa maulan na panahon at umiskor ng
isang punto ang MNHS number 10 sa kanyang serve sa unang set. Sinundan naman ito ng isang malakas na spike ni Lee Ferolino mula sa TMENHS ngunit ito ay na-block ng MNHS. Nakakuha naman ng limang puntos ang captain ng TMENHS na si Gil Gutierez sa pamamagitan ng kaniyang sunod-sunod na service ace, 8-3, pagkatapos naman ay tumawag ng time-out ang MNHS. Nagumpisa sa isang serve naman si
: JOSSEIN ESTEBAT
13 medalya, hinakot ng
TMENHS sa CAA-RSC
Hinakot ng mga atleta ng Tabon M.
Estrella National High School ang anim na ginto, dalawang silver at limang bronze sa kamakailan lang na ginanap na Caraga Athletic AssociationRegional CompetitionSportskung saan ay dinaluhan ng mga delegado galing sa iba’t ibang siyudad ng Caraga
Region.Pagkatapos
lagpasan ang hamon ng Bislig pinatibayCitylympics, at pinalakas pa ng ating mga atleta ang kanilang katawan para sa paghahanda sa kani-kanilang haharapin na pakikipaglaban ng sports. Sa loob ng 25
araw, sila ay sumalang sa pagsasanay para masungkit ang gintong medalya.Tunay na na- ipamalas ng Tabonian ang galing at tapang, ka agapay nila ang mga magigiting Teacher-Coachesnana
walang sawang binigay ang kanilang buong suporta at isinalin ang mga kaalaman sa mga atleta. Dahil sa pagkakaisa ng buong paaralan, resulta nito ang mataas na bilang ng medalyang nakuha ng mga Student-Athletes ng TMENHS at tunay na natinmaipagmamalaki na kung gaano kagaling ang mga atleta ng Tabon.
Gutierez ngunit ito ay nag service error, 10-4. Sa kalagitnaan ng laro, si Miguel Bajade sa TMENHS ay umiskor naman at pinalo ang malakasang spike na hindi naman nakuha ng MNHS, 17-7, na dumagdag sa tatlong puntos sa kaniyang service ace, 20-7. Nagsisigawan naman ang madla noong matapos ni Joshua Buten ng TMENHS ang unang set sa kaniyang serve, 25-9.
Nagbabalik
Nasasabik syempre, kasi ilang taon din nawala ang Citylympics mula noong nagka pandemya, kinakabahan din ako dahil mas lumaki yung responsibilidad ko kasi ako na yung Captain, pero nag-eenjoy naman ako.
naman si Bajade sa kaniyang mabisang serbisyo na nakapagbigay ng unang punto para sa TMENHS sa pangalawang set. Sinundan naman ito ng kaniyang pagdepensa na mala bundok, 11-5. Sa pag-ikot nila sa kanilang pormasyon, humataw na naman si Buten sa kaniyang service ace at ang kaniyang malikot na feint sa kalagitnaan ng laro ay nakapagambag naman ng apat na puntos para sa
TMENHS, 20-9. Sa pag-akala ng madla na kayang malampasan ng MNHS ang TMENHS dahil sa sunod sunod na service ace ng MNHS sa iskor na 24-12, tinapos din nila ang laro sa isang service error ng MNHS.
“I am so happy because this is our first win and our first game together after countless years after pandemic,” sabi naman ni Bajade matapos sila kumuha ng litrato kasama ang kaniyang grupo.
Badang ng TMENHS, pasok sa Palarong Pambansa
UTUAN CITY
B- Naipanalo ni John Paul Badang ng Tabon M.
Estrella National High School ang gintong medalya laban sa katunggali mula sa Siargao City, 21-16 at 21-4 sa Caraga Athletic Association-Regional Sports Competition na ginanap noong Mayo 21-28, 2023 na naging daan para makapasok sa Palarong Pambansa. Sa unang set pa lang ay ipinamalas na ni Badang ang kanyang angking galing, pinulbos niya ang kalaban gamit ang
kanyang malalakas na smash na nagbigay sa kanya ng napakalaking bintahe sa puntos hanggang
tuluyan niyang dinomina ang unang set, 21-16.
Tila walang habas na naglaro si Badang para sa pangalawang set, hindi niya binigyan ng pagkakataon ang kalaban na makapuntos hanggang tuluyan niyang inilibing ang kalaban sa 21-4 na nagbigay sa kaniya ng panalo at pinatunayan ang galing ng isang Tabonian.
TOMO XX BLG 1 AGOSTO 2022 - MAYO 2023
“ “
Gil Kenrick Gutierez Lee Ferolino : JOSSEIN ESTEBAT
LAKAS AT GALING Ipinamalas ni John Paul Badang sa paglalaro ng badminton ng makamit niya ang gintong medalya nitong ika-26 ng Abril sa Butuan City.
: JEREMIAH S. AMPON