
5 minute read
PINYON O
Paglahok ng Transgender
Women sa Larangang Isports:
Advertisement
Sa panahon ngayon, napakaraming bagay ang nagbabago at isa na rito ang LGBTQIA+ Community. Dumarami na ang mga miyembro ng nasabing komunidad. Ngunit, sa larangang isports ay tila sinasarahan ng pinto ang mga transgender women athlete na sumasali sa mga female category na laro. Ayon sa American Psychological Association, ipinagbabawal na ang mga transgender women na maglaro ng female sports sa 29 na estado ng United States dahil sa AntiTransgender Student Athletic Bills. Mas lumala pa ito ng inireklamo ang dalawang Black-American Transgender high school girls dahil umano nakakabahala ito sa seguridad ng mga kasamahan nila at nilalabag ang proteksyon ng mga kababaihan.
Kinekwestyon ang pagsali ng mga transgender women sa isports dahil ayon kay Donna Lopiano, ang presidente sa Sports Management Resources, kahit na sumailalim na sa surgery ang isang transgender woman, may mga male hormones pa rin sya at hindi maikakaila na ang lakas ng isang lalaki ay may malaking puwang kompara sa isang babae. Dagdag pa nito, hindi umano ito mababawasan kahit na ilang operasyon pa ang gagawin sa isang transgender woman.
Sa kabila nito, iminumungkahi ang pangatlong opsyon at burahin ang traditional na pag-iisip na may dalawang kasarian lamang, ang babae at lalaki. Kailangang galugarin ng lipunan ang lahat ng mga talento na meron ang isang bansa upang may mas malaking pagkakataon na maibahagi ang angking galing ng bawat tao. Tulad na lamang ng kauna-unahang Transgender Woman Olympic Gold Medalist na si Canadian Quinn, lumaban sya at may buong pagmamalaking ibinandera ang LGBTQIA+ community.
Sa likod ng mga nasabing negatibo at tila hindi patas na mga trato sa transgender women community sa larangang isports, patuloy na lumalaban at inilalaban ang komunidad na ito upang magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan at mala-bahaghari na pagsulong ng pagbabago na kung saan ang LGBTQIA+ community ay bukas palad na tinatanggap.
BANTAYOG PATROL OPINYON Volleyball? WALEYball?
Sa mga taong nakalipas dala ng pandemya, hindi naging maayos ang kanilang pagsasanay sa mga laro katulad ng Volleyball, ginawa lamang itong libangan sa mga tao, ngunit sa larong volleyball noong ika-27 ng Enero, napatunayan ng Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) na sila talaga ay isa sa mga ‘Home of the Champions’. Upang maakyat ang hagdang hindi kayang abutin, pinagtulungan nila Honelyn Alatsa at Lindsay Obeja na pabagsakin ang De La Salle John Bosco College (DLSJBC) sa 60th Anniversary Brother Thomas.
Kahit pa sa mga negatibong naririnig ng kanilang grupo, nagpapakita talaga sila ng kalamangan sa mga taong nakapalibot sa kanila.
“They are good at playing! I was shocked when I saw how they spike through blocks,” sabi ng isang mag-aaral sa TMENHS.
Sa lakas at galing alam ko na di papataob ang TMENHS. Sa unang set pa lang, nagpakitang gilas naman si Obeja na siyang Team Captain ng Tabon sa kaniyang mga back-row spikes, ngunit yung iba sa mga ito ay pumalpak.
Lumaki akong may kilalang Alyssa Valdez, Dennise Michelle Lazaro, at iba pang mga sikat na manlalaro sa volleyball, ngunit nakita ko ang kanilang pangingibabaw sa DLSJBC ng malaking agwat kapag iiwasan nila ang pagiging malamya. Sila ay nakakuha ng atensyon at suporta sa iba’t-ibang paaralan sa Bislig City.
Makikita mo nga naman na hindi lahat sa kanila ay magaling maglaro ngunit kapag sila ay magkakaisa at naging isang grupo, sila ay hindi mapipigilan kahit sa mga pader na nakakaharang sa kanila.
LA Tenorio, na diagnosed ng Stage 3 colon cancer
MANILA, Philippines
– Kasalukuyang nakikipaglaban sa Stage


3 colon cancer si Lewis
Alfred Vasquez Tenorio o LA Tenorio, isang
Filipino professional

Basketball player sa
Barangay Ginebra San
Miguel ng Philippines
Basketball Association (PBA), March 21, 2023.

Kilala si Tenorio bilang isang magaling na manlalaro ng
Ginebra at binansagang
“Iron Man” ng kanyang taga suporta.
Ayon kay Tenorio, ang mga initial testing na isinagawa sa kaniya noong nakaraang tatlong linggo ang naging dahilan kung bakit laging siyang wala sa mga practice at laro sa PBA. taga suporta ang nalulungkot matapos sabihin ni Tenorio na diagnosed siya ng Stage 3 colon cancer.
Nagpapasalamat din si Tenorio sa kaniyang pamilya, mga kaibigan, kasama sa PBA at sa kaniyang fans sa walang sawang pagsuporta nila sa kaniya at dasal na siya’y gumaling.
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, brutal na dinomina ng Philippine Volleyball Women’s team ang 32nd Southeast Asian Games first-timer Cambodia sa mapanirang 25-5, 25-5, at 25-5 sa kanilang Group

B Campaign noong Martes, ika siyam ng Mayo 2023 na ginanap sa Indoor Olympic Stadium sa Phnom Penh.
Hindi nakapaglaro ang team Captain ng Pilipinas na si Alyssa Valdez dahil umano nagpapagaling pa sa kaniyang pinsala sa kanang tuhod, ngunit ang kaniyang pag iskor ng mga Cambodian na hindi lumagpas sa limang puntos bawat set.
Nagpakitang gilas naman ang mga middle blockers na sina Palomata at Cherry Nunag dahil sa mga magagandang set ni Jia De guzman sa unang set.
Bumanat kaagad si Jema Galanza sa kaniyang sunod-sunod na siyam na service ace sa pangalawang set at sinundan naman ng mga palo ni Paat na hindi natanggap ng Cambodia ang bola.

Panay dipensa naman sa Team Captain nilang si Valdez.



Dahil walang attack points ang kupunan ng Camodia, napasilip si Galanza sa kaniyang mga spike at ang signature drop shots ni Carlos na nagtapos sa huling set.
Malakas na hiyawan mula sa mga manonood ang sumalubong nang hinirang ang Pilipinas na wagi laban sa Cambodia, 3-0.
Sabi-sabi sa mga alamat na siya ay laging nauuna ng walong galaw sa kaniyang mga kalaban. Manipis na mga buhok, likod na nakayuko, napauwi ng maaga si Efren “Bata” Reyes sa Men’s 3-cushion carom single event sa ika 32 na Southeast Asian Games sa Aeon 2 Sen Seok noong Martes, siyam ng Mayo. Wala nang mas nakakasakit pa sa puso kaysa sa makita ang iyong iniidolo na matalo sa laro na may pahiwatig ng kapaitan para sa isport na kaniyang dinomina sa loob ng mga dekada. Matapos ang kaniyang laro, inalokan niya tayo ng isang nakakadisarma na ngiti na nagsisilbing pangalawang sandata niya.
Kilala si Reyes sa kaniyang palayaw na “The Magician” sa kaniyang kakayahan para ipasok ang mga bola sa billards sa mga pamamaraan na hindi natin maisip, nakakamangha naman kung paano siya nananatiling sikat at nasa ating mga harapan.
Ipinanganak si Reyes sa mahirap na pamilya sa maliit na bayan sa Pampanga. Siya ay nakatira sa isang bahay na walang kuryente o kahit tubig man lang. Nag mamay-ari ng isang billards hall ang kaniyang tiyuhin na kung saan si Reyes ay tumutulong sa paglinis ng mga pool tables. Bilang isang tagapaglinis at tambay roon, hindi niyang maiwasan na bantayan ang mga mali sa mga manlalaro sa kanilang lugar. Ang pagiging magaling o sikat ay wala man lang sa isip niya, dahil ang gusto niya lang gawin ay magsideline sa mga trabaho. Nagsimula siyang magtrabaho sa edad na 12, dahil sa kawalan ng pera ng kaniyang pamilya. Noong siya ay binatilyo pa lamang, ginawa niyang side-line ang pakikilahok sa mga laro upang makakita ng pera. Ngunit naging isang malaking paulit-ulit na problema para sa kaniya, hindi sapat ang mga laro, pati na rin ang mga trabaho. Ito ang kagandahan ni Reyes, sa tagal ng kaniyang pagiging alamat sa Pilipinas, hindi mahalaga sa kaniya ang katayuan niya o kaya ang pera para sa kaniya, lahat ng kaniyang pera ay para lamang sa kaniyang pamilya. Kahit na tumanda, patuloy pa ring dumadaloy ang mahika sa mga dugong ipinagmamalaki ng mga Pilipino, at sa kislap ng kaniyang mga kumikinang na mga mata, sinabi niyang “I still love playing, and I still enjoy putting the Philippines on the map as much as before.”
Sa likod ng kaniyang pagkatalo, mananatiling Alamat ng Pilipinas si Efren “Bata” Reyes sa ating mga puso. Walang makakapantay sa galing na ipinamalas niya sa larangang bilyard sa buong panig ng mundo.