2 minute read

GALIT AT POOT

Next Article
sa Kapatiran

sa Kapatiran

ang naramdaman ng lahat dahil sa walang awang pagpatay kay Jubilee

Ranara, trahedya ang bumunad sa milyon-milyong Pilipino sa pagkamatay ng isang Overseas Filipino Worker, sa pagsisimula ng bagong taon.

Advertisement

Karumal-dumal ang naging karansan ng 35 taong gulang na si Jubilee Ranara. Isang anak, ina at asawa, may apat na anak. Ngunit bakit nya dinanas ang karimarimarim na trahedya?

“Ang gusto lang sana namin ay bigyan nyo kami ng privacy,” ang munting hiling ng kanyang pamilya.

Abroad, salitang masarap pakinggan dahil dito mo rin mararanasan ang paghihirap na di inaasahan. Bayani ang tawag sa kanila na isinusugal ang mga buhay para sa kanilang inaasamasam na maginhawang buhay at magandang kinabukasan.

Malaking sakripisyo ang pagtratrabaho sa ibang bansa. Parehong mahirap at masakit sa pisikal, mental ang mawalay sa pamilya sa loob ng mahabang panahon ng walang kasiguraduhan kung ano ang hinaharap at kung ano ang mga panganib na naghihintay sa ibang bansa.

Napakaraming hamon ang kinakaharap ng mga bayaning OFW.

Una, pananabik nila sa presensya ng kanilang mga pamilya. Hangad nila ang mainit na yakap, halik at haplos ng pamilya sa bawat oras.

Pangalawa, pagyakap sa iba’t ibang kultura na di maintindihan, lalo na sa mga lupaing banyaga.

Panghuli, dayuhan ka sa pananaw ng iyong amo na wala kang pwedeng gawin kundi ang umasa sa gabay at patnubay ng may likha.

Kung hindi ito magagawan ng aksyon at proteksyon ng ating gobyerno, ilang OFW kagaya pa ni Jubilee Ranara ang magbubuwis ng buhay at pamilya tatangis pa sakit at lungkot na mararamdaman ng kanilang pamilya.

Lilipas naman ang mga araw at ilang dahon ang malalagas kasabay ang paglimot at pagbaon sa libingan ng paghingi ng hustisya kay Ranara.

Paano maaabot ang langit na mga pangarap sa pamilya kung kamay ni kamatayan ang nakaambang?

Totoo pala ang mga bangungot na gumagambala gabi-gabi at patuloy na dumadaloy sa balintataw ng mga tumindig para sa Bayan. Hindi pala iyon guni-guni o kung ano pa mang kahibangan ng mapaglarong isipan. Kumpirmado na ang bali-balitang hindi pa rin pala natuto ang mga kapwa kong lunod na sa putik. Nakakaawa na.

Kung susumahin ang mga bagay-bagay ay wala palang gamit at katuturan sa’yo ang mga inihabi ng kasaysayan patungo sa kasalukuyan.

Mali ang salin mo kung hindi mo pa rin nakukuha ang pahiwatig ng mga bangungot ng kasaysayan.

Hindi ka pa rin pala natuto. Nakakaawa ka.

Alam kong alam mo na; isang pagpapatiwakal ang hindi pagkatuto sa kasaysayan ng sariling Bayan.

Tama na ang mga kabalintunaan mo sa iyong sarili’t Bayan. Tama na ang panghihimas at pangroromantisa.

Gising na, Pilipinas. Nakakaawa ka na.

Mahina, mahinhin, hindi kayang makipagsabayan sa gawaing panlalaki, hindi kayang mamuno at taong bahay lamang ang kayang gawin. Ilan lamang sa mga halimbawa kung ilarawan ang mga kababaihan sa nakalipas na dantaon. Itinuring na mga tagasunod at walang karapatang ipakita ang kakayanan at iparamdam ang kanilang mga saloobin dahil hindi patas na pagtrato sa kanila. Hindi lang mga Pilipina maging ang ilang mga kababaihan sa ibang bansa ay di rin nakaligtas sa walang pantay na pagtrato gaaano man ka unlad ito.

Sa kasalukuyang panahon, “Kung ano ang kayang gawin ng mga lalaki, ay kaya na rin gawin ng mga babae”. Kung naging babae ba sila William Shakespeare at Albert Einstein, kikilalanin ba rin sila ng buong mundo? Mabibigyan kaya ng pansin ang kanilang mga gawa nang walang diskriminasyon, pagmamaliit, at pagyapak sa karapatan?

Sa paglipas ng panahon nagkaroon ng tinig at untiunting umusbong ang kapangyarihan ng ilang mga kababaihan na di matitinag dala ng katapangan, kagitingan, kagalingan at katalinuhan sa lahat ng larangan. Sinimulan ni Corazon Aquino, sinundan ni Gloria Macapagal Arroyo huwag din natin kalimutan ang tapang ni Meriam Defensor

Santiago, Leni Robredo, at Sara Duterte.

Idagdag pa ang mga nagbigay ng karangalan ng bansa sa larangan ng isport,mga babaing pulis, doctor, enhenyero, guro, piloto, welder at mga nanay na humuhubog ng mga kabataan para sa inang bayan.

Marami ang nagbago sa buhay ng mga kababaihan marami na ang sumusulong at tumutulong imulat ang lahat. Nakikipaglaban na kailan man ay di na babalik ang dati,dating mga bangungot sa likod ng mga kalalakihan. Subalit marami pa rin ang tila bingi sa katutuhanan

This article is from: