3 minute read

PSDS Tolang, inilahad ang RSVP Model

Next Article
PINYON O

PINYON O

Upang isulong at pagtibayin ang

Reading Program, Project THRIVE ng

Advertisement

Bislig City Division, itinalaga ng Public

Schools District

Supervisor Monalisa G.

Tolang ang RSVP Model

(Read-Share-ValueProduce) sa kalagitnaan ng In-Service Training ng Tabon M. Estrella National High School at ng Plaza Central Elementary School noong ikaanim ng Pebrero, 2023. Idiniin ni PSDS Tolang na ang modelo ay magsisilbing gabay upang umunlad ang Content-Based Materials upang pagyamanin at bihasain pa ang kasanayan ng mga estudyante sa larangan ng pakikipag talastasan at komunikasyon sa kabila ng kurikulum sa teaching and learning na sektor.

Paniniwala

‘din niyang ang mga mag-aaral ay mas magkakaroon at mapapahalagahan ang importansya ng pagbabasa sa pamamagitan ng pagsama ng larangang saklaw sa pagbabasa sa lahat ng asignatura na magpapasigla sa kanila na umapila.

Unang responsebilidad

‘din ng mga guro na hikayatin ang mga mag-aaral upang

MAGBASA (Read) ng tahimik, pagkatapos ay tanungin sila ng hindi bababa sa tatlong mga katanungan kaugnay sa kanilang mga binasa; IBAHAGI (Share) ang kanilang mga kaisipan at puna sa kapuwa nila mag-aaral; GUMAWA (Produce) ng mga aktibidad base sa kanilang nabasa. Samakatuwid, ipinakita ni Liza G. Lumingkit, Master Teacher I ng PCES Reading Coordinator ang kaniyang sigasig sa pagpayag na tulungan ang kaniyang mga kasamahan sa pagbuo ng RSVP Model sa pamamagitan ng pagsasagawa ng regular na SLAC sessions.

Sa kaunaunahang pagkakataon ang Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) ay nagkakaisang maisagawa ang huling lamay ng kanilang kapwang guro at alumni na si Ronaldo F. Paloma at maipakita ang kanilang pagmamahal nitong ika-14 ng Mayo 2023 at sa hiling ng pamunuan ng paaralan.

Punong-puno ang TMENHS-Waray Campus ng mga tao na dinaluhan ng maraming mga mag-aaral, guro, at kasamahan sa serbisyo. Ilan sa mga malapit sa buhay ay nagbigay ng mensahe na hindi rin napigilan ang mga luha ng mga tao sa biglaang pagkawala nito. Di makapaniwala ang karamihan matapos ipinahayag ng pamilya na sumakabilang buhay na si Paloma sa umaga noong ikaanim ng Mayo 2023. Nalungkot din ang TASETEMCO dahil isa siya sa mga dahilan ng pag-angat ng kooperatiba bilang Board of Directors at nakitaan ng angking galing at pagmamahal sa serbisyo para maging Chairman of the Board.

Naka halfmast ang watawat ng Pilipinas sa paaralan dahil naniniwala ang punong guro na si Edna B. Delos Santos na bayani kung ituring ng TMENHS si Paloma. Sa kabila ng kaniyang kapansanan sa paa di matatawaran ang galing at husay niya sa paglaro ng volleyball at naging coach ng chess, hindi naging hadlang sa kaniyang trabaho at sa kaniyang pagaaral dahil sa pagiging class valedictorian sa TMENHS batch 1996 nabantog na abot ilong ang mga medalyang natanggap.

Puno ng pangamba ang karamihan sa mga Pilipinong may kapamilyang nagtatrabaho sa ibang bansa, matapos pumotok ang balita ng karumaldumal na pagpatay sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait na si Jullebee Ranara noong Enero 22,2023

Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isipan ng iba ang sinapit ni Ranara na ginahasa, sinagasaan at sinunog ng anak ng kanyang amo ang patay na katawan. Kilala ang Middle East kung saan may pinakamaraming naitalang pang aabuso sa mga Pilipino.

Ayon naman kay Jirah Tabornal isang mag aaral sa ika siyam na baitang ng Tabon M. Estrella National High School na mismo siya ay kinakabahan rin para sa kanyang ina na nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia.

“Yes of course, sino bang hindi mag-alala kung alam mo yung mga magulang mo ay nasa ibang bansa para lamang matustusan ang mga pangangailangan natin. Hindi natin hawak ang kapalaran ng mga mahal natin sa buhay kaya normal nalang siguro na mag-alala sa kanila.” pahayag ni Jirah.

Base sa tala ng

Philippine Statistic Authority (PSA) noong

Desyembre 2, 2022, na mayroong 1.83 milyong

Pinoy ang nagtatrabaho sa Middle East. Saudi Arabia naman ang may pinakamataas na bilang na umabot sa 1. 3 milyong OFW, sumunod ang maibahagi ang pinakamahusay na kagawian na patuloy na pina-uusbong ng Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) bukas sa puso na tinanggap ng paaralan ang pagbisita ng Regional Management (MANCOM) na naglalayong hikayatin ang mga napiling eskwelahan na isulong ni Assistant Schools Division Superintendent (ASDS)

United Arab Emirates at Kuwait. Na di maiwasang mangamba dahil kilala ito pagdating sa pangaabuso.

Jasmine R. Lacuna noong ika-11 ng

Nobyembre, 2022. Dinaluhan ng mga excecutive officers (EXI- COM) mula sa 12 dibisyon sa loob ng

CARAGA Region kung saan isa sa mga ibinida ng TMENHS ay ang natanggap sinundan ng aksyon sa pagsuporta sa Learning Recovery Program (LRP), Continous Improvement para sa mga Intervention Project SIKKAD, mga parangal ng paaralan at ang mga produktong ginawa mula sa mula sa TVE students tulad ng cupcakes, brownies, organic drinks, tarpaulin, at services.

Tinanggap ng TMENHS ang Regional MANCOM na mga bisita upang ipagmalaki ang produkto ng paaralan sa buong taon, na nagpapakita ng mga kakayahan ng mga mag-aaral nila.

This article is from: