1 minute read

Asia’s PINNACLE Award nakamit ng TASETEMCO

Next Article
PINYON O

PINYON O

Nabigyang parangal ang Tabon

Secondary Teachers and Employees Multipurpose

Advertisement

Cooperative (TASETEMCO) bilang

‘Most Resilient and Outstanding Academe

Cooperative of the Year’ na dinaluhan ni Chairman of the Board

Virginia Lacuna na ginanap sa Hokada Hotel

Parañaque City, Manila noong ika-20 ng Oktubre, taon 2022.

Isa sa mga proyektong nabigyang papuri ay ang feeding program ng TASETEMCO sa paaralan na nagpapatuloy parin hanggang sa ngayon, kabilang narin dito ang Siklistang Interesado sa Kaugmaon sa Kabataan sa atong Dakbayan (SIKKAD) na naglalayong suportahan ang mga kabataan sa kalagitnaan ng pandemya na nag drop-out o di kaya mga napabilang sa StudentAt-Risk of Dropping Out (SARDO).

Ilan pa sa mga natanggap na parangal ay ‘Gawad Parangal’ mula sa

Cooperative Development Authority (CDA) noong ika-28 ng Oktrubre at ang

‘Bulawanong Sulo’ noong ika-3 ng Desyembre, 2022 para sa mga natatanging kooperatiba na nangunguna sa bansa. Kasalukuyang naghahanda na naman ang TASETEMCO para sa paparating na Asia’s Icon. sampung baitang at Zyrene Florentino sa ika-walong baitang. Ang mga bisita ay hinainan din ng limang course meal, may sabaw, salad, main course, at dessert.

Nagbigay daan ang kaganapan na ito para lalong maipakita ang pag-unlad ng mga kasanayan at mahimok ang mga mag-aaral na magsumikap maging ang mga guro.

FORDA MATH, pinalawig sa TMENHS

Inilunsad ang isang programang tinatawag na Flexible Objectives for the Remedial and Direct Aid in Math (FORDA Math) sa paaralang Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) para sa mga mag-aaral, nitong ika-3 ng Oktubre taong 2022.

Sa pangunguna ng kanilang tagapayo na si Gng. Analou A. Dollete at ng mga guro na nagtuturo sa baitang pito hanggang sampu na humawak ng asignaturang Matematika, ay naglalayong makataas ang antas ng libel ng numerasiya at makatulong sa mga mag-aaral, ito ay parte ng Learning Recovery Program (LRP) para sa mga mag-aaral na nangangailangan ng intervention, matagumpay itong naisagawa ng bawat guro ng TMENHS, muling naibalik ang mga natutunan ng bawat mag-aaral sa tulong ng programang ito.

Ayon sa isang estudyanteng galing sa baitang sampu, “Marami akong natutunan, mahirap siya pero kinaya naman, at nag-improve rin ako ng kaunti,” hindi naging madali ang mga pinagdaanan ng mga kabataan ngunit sa tulong nito ay unti-unti nilang naibabalik ang kanilang kumpyansa sa Matematika.

“I’m satisfied, happy ug contented nga naka help mi sa learning gap, dili na sila blangko, na refresh or na regain ang mga basic sa mathematics,” aniya ng isang tagapamahala ng FORDA Math na si Ginang Dollete na nagtuturo sa ikasampung baitang. Ginawa ang programang ito upang lubos na matulungan ang mga kabataan sa kanilang gawain sa matematika. Tumaas ang porsyento ng mga batang kumuha ng Pre Assessment hanggang sa Mid Assessment ibig sabihin ay may pagbabago ang kanilang performance sa Matematika, ito’y patuloy na pinapatupad para sa bata at para sa bayan.

This article is from: