1 minute read

SHS FESTIVAL: DUMADAGUNDONG SA TMENHS

Next Article
PINYON O

PINYON O

Nabalot ng hiyaw, ingay, kalampagan, at tagisan ng talento ang matagumpay na nailunsad ng mga guro at Senior High School (SHS) students ng Tabon M. Estrella National High School ang 2023 Seniors Festival na sinimulan noong Abril 28 hanggang Mayo 4, 2023. Sa unang araw palang ay nagpasiklab agad ng mga natatanging talento tulad ng pagsayaw, na dinaluhan ni SHS EPS Dr. Nonita Patalinghug. “Masaya ako dahil naibalik na ang pagdiriwang na ito, isa sa pinakamagandang aktibidad ng Senior High School” ayon kay Khim na isang mag-aaral ng Science Technology Engineering and Mathematics (STEM). Dagdag pa nito na grabeng paghahanda ang kanilang ginawa kasama ang mga guro para sa isang malaking pasabog. Sa sumunod na araw ay nagpakitang gilas naman sila sa galing ng spelling bee, pageant, spoken poetry at iba pa. Hindi rin nawala ang kantahan at sayawan.

Advertisement

Matatandaang noong taong 2019 ang huling pagdiriwang ng SHS Festival matapos maudlot ng dahil sa pandemya.

TMENHS humakot ng 3 bronze medals

Nasungkit ng mga mag-aaral ng Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) ang tatlong medalyang bronze sa

Thailand

International Mathematical Olympiad

(TIMO) 2022 Heat Round nitong Oktubre 23, 2022. Mula sa iba’t-ibang kategoriya, sina Alexa Kyle Dollete sa Secondary II, King Jefirstson Tanzo sa Secondary III, at si Jeremiah Ampon sa Senior Secondary, isa-isa nilang napanalunan ang bronze medals.

Sa kasagsagan ng pandemya, ginanap ang online contest at bawat isa sa kanila ay gumamit ng gadyet upang makapag eksam na dapat ay naka on-cam at onmic. Kinakailangan din na ikaw ay nasa isang silid na mag-isa, upang maiwasan ang dayaan.

Naging hadlang ang no disruption of classes ng DepEd sa pagrerepaso nila kasama ang coach, sapagkat nabigyan lamang sila ng isang buwan na preperasyon. Sila ay sumali at nakilala rin na nagwagi sa mga ganitong patimpalak sa Sipnayan katulad ng

Philippine International Math Olympiad (PHIMO) at Macao Greater Bay Area Mathematical Olympiad mula pa noong 2020. Inanunsyo ang mga nanalo noong Nobyembre 5 sa pamamagitan ng isang google drive file, dagdag pa ng isang Merit Award ni Francis Mae Abao, at ng tatlong Participation Awards na natanggap nila Noahlester Pareja, Kennu Andrei Cullamar, at Lorenzo Narisma.

This article is from: