
1 minute read
MATAPANG SI JUANA
Mabuhay ang mga Juana
na handang magpaalipin sa maling pangangatwiran. Di ba nila alam o sadyang limot lang ng sangkatauhan na panahon pa ng pananakop ng kastila’y may mga gabrela silang na nagtatanggol at nakikipaglaban sa Karapatan ng kababaihan. Huwag hayaang mawalan ng saysay ang lahat ng ito. Salamat na may tumatayo at itinaas ang boses ng kamalayan ng mga JUANANG kailan man ay di susuko, di patitinag, di matatakot, di aatras sa ano mang laban. Kaugnay nito ay taon-taon ng ipinagdiriwang ang araw ng kababaihan. Mabuhay ang mga kabaihan.
Advertisement
Social Media: kapahamakang
dulot ng pag-iisip

Marami ang naidudulot na maganda ang social media sa buhay ng bawat isa at habang nagpapakasaya at nakababad ng mahabang oras ito ay nakapagdudulot ng masama gaya ng addiction, depresyon, pagkukulong at pagkabalisa na ngayon ay nararanasan ng iilan sa ating mga kabataan. Batay sa WellBeing & Happiness ni Lawrence Robinson at Melinda Smith, M.A., ang social media ay may malaking papel na ginagampanan sa ating kalusugang pangisipan dahil una ito ay nagbibigay sa atin ng koneksiyon sa mga taong malalayo sa atin na nakapagbibigay ng saya. Pangalawa, nakakabawas ito sa ating stress, depresiyon, nakakadagdag ng kumpyansa at nagbibigay ng tuwa na naiibsan ang mga kalungkutan.
Maraming mga platform ang magagamit na ating naeenjoy para magkaroon tayo ng koneksiyon sa iba. Subalit ang lahat ng ito ay hindi mapapasubalian na mas kailangan natin ng interaksiyon sa totoong realidad o mga bagay na ating ginagalawan.
Dahil kabaliktaran na ang nangyayari sa ating paligid imbes na ito ay nakakatulong mas lalo pa tayong napapahamak dala ng kalabisan at walang control na paggamit o paglalaan ng oras, kaya mas lalong nagpalala sa kalungkotan at depresiyon.
Kaya kailangan natin suriin at alamin kung tama pa ang oras na nilalaan sa social media para sa balansing kalusugan ng ating pag-iisip. Narito ang mga sintomas kung ano ang naidudulot nito sa kalusugan ng pagiisip, kung iniiwasang makipagugnayan ng face-to-face sa relasyon, distraksiyon sa pagaaral, nakakaramdam ng pagkainggit, galit o depres at pagbabahagi ng mga post dahil lang sa pagkainggit.
Pagnakaranas na ng mga sintomas huwag mahiyang humingi ng tulong sa mga eksperto at dalubhasa para hindi mahuli ang lahat.