3 minute read

Salmonella, epekto ng pagkain ng Crack egg

Sa panahon ngayon, nagkakaubosan na ang supply sa itlog dahilan upang tumaas ang presyo at humanap ng mas mura ang mga mamimili.

Ngunit papaano kung mas mabenta ang basag na itlog kaysa maayos na itlog dahil ito ay mas mura? Ayon kay Gng. Juanita Belarmino, kailangan ikonsumo ang crack egg sa loob ng tatlong araw. Subalit, ayon sa Department of Health (DOH) kung ang itlog ay may basag tumatagal lang ito ng dalawang oras at pagkatapos ay papasok na ang mga mikrobyo katulad ng salmonella.

Advertisement

Nagdudulot ang salmonella ng impeksyon na gastrointestinal na kilala bilang salmonellosis, kapag nakakain ang tao ng kontaminadong pagkain na ito ay makakaranas ito ng sintomas kagaya ng pagsakit ng tiyan, pagsusuka, pagdudumi, at lagnat.

Kaya iwasan ang pagkain ng crack egg na lagpas dalawang oras. Hindi lahat ng mura ay nakakabuti sa ating kalusugan, sapat na kaalaman ukol sa mapanganib at walang kasigurohang epekto nito. Malalaman na ang kahalagahan ng wais na pagkonsumo at pagpili ng produkto.

Nakapagtala ang

Department of Health (DOH) ng patuloy na pagtaas ng kaso ng

Chikungunya Virus sa bansa ngayon, kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa World Health Organization (WHO) ang ChikungunyaisangVirus ay nakakaranas ng sintomas sa ikatlo hanggang ikapitong araw pagkatapos makagat ng nahawaang lamok. Ilan sa mga nanganganib na mahawaan ng sakit ay ang mga bagong silang na bata, mga matatanda, at mga taong may mga kondisyong medikal.

Paano natin maiiwasan ang

Chikungunya PinakamabisangVirus?paraan upang maiwasan ito ay ang malinispagpapanatiling sa pagtataponkapaligiran, ng naiimbak na tubig na pamahayanmaaring ng mga lamok, at kumain ng masustansyang pagkain.

Bihira man ang kamatayan sa

Chikungunya Virus dapat maingat parin ang bawat isa. Huwag isawalang bahala ang mga sintomas dahil maaring tumagal ang mga epekto ng pananakit ng mga kasu- kasuan dahil wala pa itong lunas sa ngayon.

Tiyakin na ligtas at malinis ang kapaligiran.

Paglaganap Ng

Virus Chikungunya

Inilunsad ng Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) ang feeding program para sa mga mag-aaral na may malnutrisyon.

Napaloob sa DepEd Order No. 23 series of 2020 na ang programa ay dapat magbigay sa mga benepisyaryo ng mga masustansyang produkto ng pagkain sa pamamagitan ng pagrarasyon para sa hindi bababa sa 60 araw ng pagpapakain, at sariwa o isterilisadong gatas para sa 50 araw ng pagkakain. Layunin ng programang ito ay ang mabawasan ang rate ng pagkalat

Banta ng Climate Change

Laganap ng ngayong panahon ang climate change kung saan ay nakakaranas ang mga tao ng sakuna kagaya ng baha, tagtuyot at heatwave sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ano nga ba ang climate change?

Ayon sa Department of Health (DOH), ang climate change ay ang pagbabago sa klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases (GHGs) na nagpapainit sa mundo, nabubuo ang GHGs galing sa pagsunog ng mga fossil fuel tulad ng uling, langis at gas.

Base sa pag-aaral, may dalawang sanhi ang climate change. Isa na dito ang natural na pagbabago ng klima sa buong mundo. Pangalawa ang mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang GHGs. Tulad ng pagbuga ng usok ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, pagputol ng mga puno na siyang dapat mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkalubok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs). Hindi biro ang banta ng climate change sa buhay ng tao pati narin sa hayop. Nagdadala ito ng banta sa kalusugan ng tao dulot ng matinding init, tagtuyot at bagyo. Para maibsan ang climate change, kailangang magtanim ng puno at halaman upang mag silbing taga-sipsip ng GHGs. Ang paglalakad, pagbibisikleta o pag commute ay makakatulong rin sa pagbawas ng epekto ng climate change. Bagamat hindi natin maiwasan ang climate change, pwede namang maibsan ang epekto nito kung sama-sama tayong magtulungan at magkaisa para pigilan ang climate change. ng malnutrisyon at mapabuti ang kakayanan ng bata sa loob ng klase. Naitala na 31 na mag – aaral sa TMENHS ang nabibilang sa wasted at severely wasted na siyang tumatanggap sa nasabing programa.

Nanggagaling ang pondo ng feeding program sa Tabon

Secondary Teachers and Employees MultiPurpose Cooperation [TASETEMCO] at minsan din sa mga sponsor na gustong magbigay at makatulong.

Malalaman natin kung ang tao ay may malnutrisyon o hindi sa pamamagitan ng pagkuha sa kanilang tangkad at timbang, at higit sa lahat ang pagtukoy sa kanilang nutritional status kung saan matutukoy kung nabibilang ba sila sa may malnutrisyon. Nakabase lamang ang perpektong timbang sa tangkad at edad. Sa panahon ngayon kung hindi hirap ang nararanasan, gutom rin ang nakikitang suliranin upang sila ay hindi pumasok at makapagtapos ng pagaaral. Masakit man isipin, mas maraming bata ang nagdurusa. Kaya kumain ng tama at sapat, huwag sayangin o aksayahin ang mga biyayang inihain sa mesa.

This article is from: