
3 minute read
Unfriend ko si Mam at Sir
Bawal makipagkaibigan o I add sa kahit anong social media platform ang mga mag-aaral ng kanilang mga guro para maiwasan ang ugnayan lalo na sa labas ng klase. Ilan lamang ito sa mga nakasaad ngayon sa bagong nilagdaan na Deped Order 49 sa kautusan ng Department of Education (DepEd). Mahigpit na pinapatupad ito upang malimitahan at maiwasan ang pagkawalang galang at respeto ng mga kabataan dala ng pagiging malapit sa mga guro, di na maiwasan na itinuturing na rin nilang parang mga kaedad ang mga guro. Mga guro ang tumatayong pangalawang magulang at nagtuturo, gumagabay habang ito’y nasa paaralan subalit nawawalan na minsan ng respeto at paggalang ang mga ito. Sa kabilang dako naman, isa sa mga layunin ng Deped ay magkaroon ng pagitan ang mga guro at magaaral upang maiwasan ang pagiging malapit na minsan ay nahahantong sa sexual harassment. Ilan din ito sa mga kaso ng mga guro na patuloy na hinaharap.
Huwag kalimutan ang tungkulin na huhubog sa sangkatauhan hindi ang mga papalubog sa mga munting pangarap ng kabataan. Upang dignidad ng mga guro di matapakan at maging huwaran sa mata ng mga magulang at ng mga kabataan.
Advertisement
Kakulangan sa paggabay at pagmamahal minsan ang dahilan kung bakit napapalapit ang bawat isa. Social media ang tanging ugnayan na kung saan kahit pribadong buhay ay nalalaman. Para maiwasan ay pinatupad ang kautusan na ito at pairalin ang pagkapropesyonalismo ng mga guro.
Maaring hindi sa lahat ng mga pagkakataon ay maiiwasan ang pagkakaroon ng mga ganitong pangyayari, walang problema kung magiging “friends” ang estudyante sa mga guro kung ito ay may limitasyon. Upang patuloy na maiangat ang kalidad

Dala ng pandemya nitong nagdaang dalawang taon, ang Department of Education (DepEd) ay naglabas ng DepEd Order No. 34, s. 2022 na isinasaad ang kautusan kung saan lahat ng klase sa mga pampublikong elementarya at sekondarya ay magpapatuloy sa Agosto 22, 2022 at magtatapos sa Hulyo 7, 2023. Kasabay nito ang paninibago ng mga nararamdaman ng mga tao, dahil gaano ba ito kaepektibo kumpara sa nakasanayan at nakabihasnang panahon? Kung ipagpapatuloy ang batas na ito para sa S.Y. 2023-2024, parang wala ng bakasyon na magaganap dahil konti lamang ang isang buwan at 15 araw na bakasyon para sa mag-aaral. Apektado rin pati ang mga magulang at guro na nagseserbisyo sa paaralan dahil sa maraming bagay na ikonsidera. Nababawasan rin ang kanilang araw upang makapagpahinga dahil sa mga summer class na kinakailangan nilang daluhan para sa mga transferees sa kani-kanilang paaralan. Maari pa bang maibalik ang klase na magsismula sa Hunyo at magtatapos sa Marso?

Isa ito sa mga umuusbong na isyu ngayon sa Tabon M. Estrella National High (TMENHS) School sapagkat maraming mga estyudyante ang nagrereklamo dahil samaiksing bakasyon. Isa pa, dapat konsiderahin na ang buwan ng Marso hanggang Hunyo ay araw ng tag-init. Kung lahat lang sana ng klasrum ay may aircon at di siksikan sa loob baka pwede pa, ngunit kahit nga bentilador ay nahihirapan pa ang paaralan.
Subalit walang magagawa ang lahat dahil ngayong Hulyo pa magtatapos ang klase, kung kaya’t maraming nakararanas ng sakit ng ulo at hirap sa paghinga. Lalo na ngayon na tumataas na ang heat index sa Pilipinas na nagpapadagdag sa epekto nito sa Bislig City. May mga pagdurugo ng ilong, nawawalan ng malay na nakapagdudulot ng matinding stress, na nagiging sanhi sa pagbagal ng utak habang may klase.
Ayon sa mga mananaliksik, nakakadagdag ang pagbabakasyon sa pagiging produktibo ng isang indibidwal. Kaya marami sa mga mag-aaral ang isip ay nasa bakasyon na subalit paano matutapad ang mga ito? Nawawalan ng interes ang ilan dahil sa hindi sapat na pagpapahinga lalo na sa mga guro, na sumasalungat sa adhikaing magkaroon ng magandang kalidad sa larangan ng edukasyon.
Dagdag pa, siyam sa 10 estudyante sa Bislig City ay sang-ayon sa pagbalik ng klase sa dati sapagkat labis silang nangangailangan ng mahabang baksyon sa panahon na punong puno ng stress, pressure, at depresyon.
Ngunit ang DepEd Order No. 34, s. 2022 ay nakatutok sa kampanyang pang-impormasyon, paghahanda, at pagpapalakas ng pakikipagtulungan na umakma sa pagsisikap ng Departamento na tiyakin ang kalidad ng batayang edukasyon.
Paano naman natin matitiyak ang kalidad ng edukasyon ng kabataan kung ang utak nila’y nababawasan ng kagustuhan at interes? Sa tingin ko ay mas lalaong di magtatagumpay ang Departamentong ito kung ipagpatuloy ito. Hindi ba pwedeng simulan ang s.y 2023-2024 sa Agosto at magtatapos ito ng Marso 2024? Sa paraang ito, maiibsan ang problema na hinaharap ng mga estudyante at guro sapagkat nararapat din silang bigyan ng mahabang bakasyon dahil sila ay tao lang din naman.



Linis doon. Linis dito. Hugas doon, hugas dito. Walis doon, walis dito. Tila walang katapusang pagpapanatili sa kalinisan ng ating paaralan, mula sa banyo, sa hardin o kahit saang kasulok-sulokan man. Isa lamang ito sa araw-araw niyang ginagawa.
