
1 minute read
YOUniporme


Advertisement
Isa sa mga pagkakakilanlan ng mga magaaral ay ang pagsusuot ng uniporme, subalit dala ng matinding krisis na dulot ng pandemya idineklara ng Ikalawang Pangulo na si Sara Duterte na hindi sapilitan ang pagsusuot ng uniporme nitong taon 2022 hanggang 2023.
Maraming natuwa sa anunsyo nito subalit may mga ibat-ibang opinyon naman ang karamihan. Isa sa mga natuwa ay ang grupo ng mga LGBT dahil magkakaroon na sila ng kalayaang maipakita at masuot ang gusto nilang damit sa loob ng paaralan na minsan naman ay napapasobra sa kalayaan na nakapagdudulot ng karahasan.

Ilan sa mga epekto nito ay, una ang pagkakaroon ng karahasan dahil sa pangaggaya ng mga magaaral sa kanilang idolo. Pangalawa, magkakaroon ng pagkakataon ang mga masasamang tao na gumawa ng krimen lalo na sa mga kabataan dahil hindi sila madaling matukoy. Pangatlo, madali na sa mga mag-aaral na makaliban, makagala at makaalis sa kahit anong oras ng klase dahil hindi sila makikilala at panghuli, masarap pa rin sa pakiramdam na meron kang pagkakakilanlan kung anong paaralan ka napabilang. Meron kang tinatawag na sense of belongingness na kahit sa uniporme ay maipagmamalaki mo ang iyong tahanan.




Maganda naman ang hangarin ni Sara naganap sa buong mundo. Para maibsan at mabawasan ang dagdag na gastusin ng mga magulang sa pamilya lalo na sa maraming mga anak. Subalit sa iilang mga magulang at mga dating mag-aaral ay tila mas magandang nakasuot ng uniporme sapagkat maliban sa maaliwas sa mata ay maiiwasan ang mabilisang paghuhusga sa mga kabataan lalo na sa mga kapos sa pera dahil minsan pinagbabatayan ang kalagayan ng buhay sa pananamit na naging sanhi minsan ng pambubulas. Hanggang kailan muli makapagsusuot ng uniporme ang ating mga mag-aaral.
Bilang isang institusyong humuhubog ng mga kinabukasan ay dapat maging patas para sa pagpapatupad ng umiiral na mga batas tulad ng SOGIE Bill upang maging ang mga miyembro ng LGBTQ+ ay maging panatag at komportable sa kanilang ipinapalagay na kasarian. Kung patuloy na ididiskrimina sila, imposibleng maipahayag nila ang kanilang sarili.

Kasabay ng init ng panahon tila nag aalab din ang eksena sa National Basketball Association (NBA) na kung saan ay pinaglaban ng Golden States Warriors at Los Angeles Lakers na nagaganap sa California. Sa kasalukuyan ay nangunguna ang Lakers at talaga namang may malaking puwang sa pagitan ng kanilang standing at baon na baon ang Golden States Warriors.
Hindi maipagkakaila na sa lararangang sports ang basketball ay may maraming tagasuporta. May tinatayang 8.5 milyon na mga manonood sa Game 3 at patuloy pa itong tumataas. Dala ng malakas na palakpakan, hiyawan at