4 minute read

COLON CANCER

Nagulat ang lahat sa biglaang pagpanaw ni Ronaldo F. Paloma 43 taong gulang, isang guro ng Tabon

Maximino Estrella National High School (TMENHS) noong ikapito ng Mayo 2023 dahil sa hypertension.

Advertisement

Ano nga ba ang hypertension?

Ang hypertension ay tinutukoy bilang isang patuloy na pagtaas ng presyon ng dugo sa itaas ng normal na hanay 120/80 mmHg. Ito ay isang pangunahing sanhi ng maagang pagkamatay sa buong mundo.

Ayon sa World Health Organization (WHO) tinatayang 1.28 bilyong katao na may edad na 30–79 taon sa buong mundo ang may hypertension. Ang nagpapataas ng bilang sa pagkaroon ng mataas na presyon ng dugo ay kinabibilangan ng mas matandang edad, genetika, pagiging sobra sa timbang o obese, hindi pagiging pisikal na aktibo at pag-inom ng labis na alak.

Karamihan sa mga taong may hypertension ay hindi nakakaramdam ng anumang sintomas. Ang hypertension ay maaaring magdulot ng pananakit ng ulo, malabong paningin, pananakit ng dibdib at iba pang sintomas. Ang pagkuha ng iyong presyon ng dugo ay ang pinakamahusay na paraan upang malaman kung ikaw ay may mataas na presyon ng dugo.

Kung hindi bibigyang pansin ang hypertension, maaari itong magdulot ng iba pang kondisyon sa kalusugan tulad ng sakit sa bato, sakit sa puso, stroke o maaring pagkamatay. Kaya maghunosdili at hinayhinay sa lahat ng mga kinakain at ginagawa upang ang panganib na dulot nito ay maiwasan.

Nagulat ang lahat ng kinompirma ni Lewis Alfred “LA’ Vasquez Tenorio, isang PBA player na mayroon siyang stage 3 colon cancer. Marami ang nadismaya sa nasabing balita. Ngunit ano nga ba ang colon cancer? Ang colon cancer ay isang uri ng cancer na nagsisimula sa malaking bituka. Ang colon ay ang huling bahagi ng digestive track. Nag-uumpisa ito kapag ang malusog na mga selula sa colon ay nagkakaroon ng mga pagbabago o mutation sa Deoxyribonucleic Acid (DNA), ngunit kapag ang DNA ng isang cell ay nasira at nagging cancerous, ang mga cell ay hindi kailangan. Habang naiipon ang mga selula, bumubuo sila ng tumor.

Ilan sa mga sintomas ng colon cancer ay ang pagtatae, pagdurugo ng tumbong at paghihina o pagkapagod. Mataas ang iyong panganib sa colon cancer, diabetes, obesity, familial adenomatous polyposis (FAP) at Lynch syndrome nak ilala rin bilang hereditary non polyposis colorectal cancer (HNPCC).

Inirerekomenda ng mga doctor na ang mga taong may average na colon cancer ay nasa edad na 45. Kung nakakaranas ng colon cancer, maraming paraan sa paggamot at pag-iwas upang makatulong na makontrol ito, kabilang ang operasyon, radiation therapy at pag inom ng gamot, tulad ng chemotherapy, nakatarget na therapy at Maramiimmunotherapy. sa atin ang walang kamalay-malay sa mga posibleng epekto kung tayo ay hindi nag-ingat o nagpabaya sa ating kalusugan. Agarang konsultasyon at pagbibigay pansin sa ating katawan ay nakakatulong upang malaman natin at maaagapan.

TIRIK NG ARAW, DALAY BAGSIK NA KARAMDAMAN: MAGING ALERTO SA NAKABABAHALANG INIT NI HARING ARAW

Kasalukuyang nakararanas ang Pilipinas ng heat wave o pinakainit na panahon kung saan nakapagtala ang state weather bureau logging nang pinakamataas na computed heat index o damang init ngayong taon na 48 degrees Celsius noong ika-21 ng Abril.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakababahala na ang temperaturang 42 hanggang 51 degrees Centigrade. Ang mga heat wave na 52 degrees Centigrade pataas ay talagang mapanganib sa mga tao, hayop, at halaman. Maaaring dumanas ng pagkahilo, karamdaman, pagkawala ng malay, pagdurugo ng ilong at maging kamatayan dahil sa heat stroke ang mga taong mahina.

Noong nakaraang Marso 23, nasa 83 mag-aaral mula sa 2,121 kalahok na mag-aaral sa isang hindi ipinaalam na fire drill sa isang paaralan sa Cabuyao, Laguna ang naospital sa gitna ng matinding init.

Nang sumunod na araw, isa pang mag-aaral ng parehong paaralan ang dinala sa ospital matapos makaranas ng pagkahilo sa kalagitnaan ng klase.

Muling iginiit ng Department of Education (DepEd) ang mga pampublikong paaralan na magkaroon ng alternative delivery modes (ADMs) kung hindi na mainam ang kalagayan sa loob ng klasrum para sa pag-aaral sa gitna ng nakapapasong init, lalo na matapos ang mga insidente ng matinding init sa ilang paaralan.

Na kung saan hindi rin nakaligtas ang Tabon M. Estrella National High School sa laki ng epekto ng matinding init dahil may mga naitala ding mga magaaral na nakaranas ng pagdurugo ng ilong,atake ng hika, biglang pagkahimatay at hirap sa paghinga dahil sa sobrang init. Maging ang mga guro di rin nakaligtas. Matatandaan isang guro ang namatay dahil din sa pagtaas ng presyon dala ng init ng panahon.

Upang maiwasan ang ganitong pangyayari sa nararanasang init ay nagsagawa ng solusyon ang paaralan na magpatupad ng blended learning na kung saan inaprobahan ito ng DepEd. Magsisimula ngayong ika 22 ng Mayo 2023 ang blended learning ng TMENHS kung saan isasakatuparan ang face to face classes sa araw ng lunes hanggang miyerkules habang ang modular learning naman sa huwebes at biyernes.

Kaya dapat tayong mag-ingat lalo na ngayon ugaliing uminom ng maraming tubig at protektahan ang sarili sa matinding sikat ng araw kaya sinangguni na ng punongguro sa Division ang pagkakaroon ng ADMs.

Hinaharap ng mga mag-aaral sa buong mundo ang kahirapan sa mga takdang-aralin na binibigay sa kanila ng mga guro. Ang kanilang palaging binubuksan ay ang application na Google, na kung saan, sila ay tinutulungan na magsaliksik. Dahil sa advanced na teknolohiya na mayroon tayo, ang mga tao ay lumikha ng isang ai na humahantong sa mga tamang sagot sa kanilang mga problema, tinatawag itong ChatGPT.

Ayon sa datos ng tech target, ang ChatGPT ay isang anyo ng generative AI, isang tool na nagbibigay-daan sa mga user na magpasok ng mabilisan para makatanggap ng mga larawan, text o video na parang tao na nilikha ng AI. Ang ChatGPT ay katulad ng mga automated na serbisyo sa chat na makikita sa mga website ng serbisyo sa customer, dahil ang mga tao ay maaaring magtanong dito o humiling ng paglilinaw sa mga tugon ng ChatGPT na nagpasikat dahilan ng pagabot nila sa mahigit isang milyong users sa loob ng limang araw lamang sa paglabas nito. Ayon sa pagsusuri ng Swiss bank UBS, ang ChatGPT ang pinakamabilis na lumalagong app sa lahat ng oras.

Upang mapangalanan ang ilan sa mga positibong epekto nito, ang Chat GPT ay pinaniniwalaang mapahusay ang karanasan ng mga kliyente, bawasan

MAALINSANGAN NA KAPALIGIRAN. Hindi maipaliwanagang init ay nagiging sanhi sa pagkawala ng pokus ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral, ika-15 ng Mayo 2023, sa Waray Campus.

This article is from: