
2 minute read
SPTA funds, nagbunga ng sound system
Naisakatuparan ang proyekto ng mga SPTA Officers na makabili ng sound system para sa Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) sa pamamagitan ng pagkalap ng pondo na umabot sa humigit-kumulang P80,000, na binili sa Indian Palace Store Davao City na isa sa dinadagsang equipment store sa Davao at ito ay sa pangunguna ni PTA President Pastor Marvin J. Montaño, noong ika5 ng Enero, 2023.
“Satisfied at masaya ako dahil sa wakas natupad na ang hinahangad na maayos at malinaw na sound system ng paaralan kung saan pwedeng-pwede natin magamit sa mga paparating na school events,” ani ni Pastor Montaño.
Advertisement
Kabuuang halaga nito ay P77,660 na may de kalidad aniya, kung saan ito ay unang nagamit sa Family Day noong ika-14 ng Enero, 2023. Malaki naman ang pasasalamat ng PTA Officers ni Joenelou Lumpas na isang magulang mula sa ikawalong baitang na may ginintoang puso na boluntaryong naghatid sa kanila sa Davao City.
Oil Spill sa Mindoro kumalat, 150K apektado
Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Umabot na sa 150,000 katao ang apektado sa oil spill sa Oriental Mindoro, ayon sa tala ng
Sa panayam ng ABSCBN News kay DSWD Assistant Bureau of Director
Micramel Laxa na aabot sa 32,661 pamilya o 151,463 indibidwal ang nakaranas ng epekto ng oil spill na sanhi
Oriental Mindoro, Palawan and Antique province” saad ni Laxa. Dagdag ni Laxa na marami nang mga barangay ang naapektuhan, at mga kabuhayan na nasira lalong-lalo na ang pangingisda. Nagbigay naman ang DSWD ng agarang tulong na tinatawag na “cash for work” na nagkakahalaga ng 116 milyon pesos sa mga apektadong mangingisda.
7.8 Lindol yumanig sa Turkey: 248 Pilipino apektado
Isang 7.8 magnitude na lindol ang tumama sa timog kanluran ng Turkey at hilagang Syria noong Pebrero 6, 2023, dahilan ng pagguho ng mga tahanan at gusali na kumitil sa buhay ng mahigit 55,000 katao kasama na rito ang dalawang Pinoy. Ayon sa mga eksperto, kakulangan sa matatag na pundasyon ng mga gusali ang isa sa mga nakikitang sanhi ng biglaang pagguho at pagbagsak ng mga imprastraktura sa kasagsagan ng lindol sa Turkey, tinatayang umabot na sa 34.2 bilyong dolyar ang pinsalang dulot ng lindol sa nasabing bansa. Dagdag pa nila, ang mga pangyayari ay sulyap lamang kung ano ang pwedeng maganap sa Istanbul.
“What we see today in Southeastern Turkey is just a preview of what will happen in Istanbul,” paliwanag ni Ihsan Engin Bal, isang propesor ng Research Group on Earthquake Resistant Structures sa Hanze University of Applied Sciences sa Netherlands.


Sa kabilang banda, ang paaralang Tabon M. Estrella National High School (TMENHS) naman na isa sa pinakamatanda na paaralan na itinayo noong 1981 ang may matibay na pundasyon ng mga gusali at hindi madaling maguho.
Sa ngayon ay patuloy ang paghahanda at pagbibigay ng mga pagsasanay ang mga kinauukulan sa mga mag-aaral kung sakaling mayroong malakas na lindol na tatama.
Matagumpay na idinaos ang Soiree 2023 ng

TMENHS SHS nitong sabado Mayo

6, 2023 matapos ang isang linggong Senior High Festival, mahigit dalawang taon na nanahimik ang buong paaralan sa mga pagdiriwang, dulot ng Covid 19.
Ginaganap ito taon taon upang hayaan ang mga mag-aaral na maranasan ang once in a lifetime event na mahubog ang kanilang buhay sa pakikitungo at pakikisama. Kasama na rito ang Bequeathal
Ceremony sa mga gamit katulad ng Bible, Key of Responsibility, Gift of Love, Book of Knowledge, Crown of Beauty, Candle of Life, Last will and Testaments, Baton of skills and talents.
Bakas sa mga mata ng magaaral ang kasiyahan na dulot ng pagtitipon na ito na hindi nila naranasan noong silay nasa junior high school. Di matatawaran ang ngiti ng mga magulang na makita ang kanilang mga anak na nakasuot ng magagarbong kasuotan.
