s rit+mo N+ awitiN+ Sa Ritmo ng Awiting Makabayan
Sa pagtatagpo ng mga titik at salita, na lalapatan ng notang pambalana, at sa emosyon ng manganganta. Ang ordinaryong awit ay nagiging sisidlan ng mga silakbo ng nagkakasundong lipi tungo sa iisang mithiin. Hindi magkamayaw ang protesta sa mga daan; pag-aaklas sa hilaga, digmaan sa timog. Kalakip ng mga pag-aalsang ito ay ang mga sigaw na “Makibaka, wag matakot” “Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban”. Sa huling bahagi ng mga kilos protesta ay ang pilantik ng kamay ng gitarista sa kanyang instrumento. Simula roon, ang maliit na tinig na nagmumula sa lupon ng mga tao ay iingay at kakawala sa kanilang mga bibig. Narito ang mga awitin nag-iwan ng marka sa kasaysayan at naglunsad ng damdaming rebolusyonaryo sa mga Pilipino:
32
feature
ni Win+mr+k+ Bom+b+yo
BY WINMARK BOMBIO
mkbyn+
“Bayan ko Ibon man may layang lumipad/ Kulungin mo at umiiyak! Bayan pa kayang sakdal dilag/Ang ‘di magnasang makaalpas? Pilipinas kong minumutya/ pugad ng luha ko’t dalita, Aking adhika: Makita kang sakdal laya.”