3 minute read

Sa Ritmo ng Awiting Makabayan

BY WINMARK BOMBIO

Advertisement

Sa Ritmo ng Awiting Makabayan mkbyn+

ni Win+mr+k+ Bom+b+yo

Sa pagtatagpo ng mga titik at salita, na lalapatan ng notang pambalana, at sa emosyon ng manganganta. Ang ordinaryong awit ay nagiging sisidlan ng mga silakbo ng nagkakasundong lipi tungo sa iisang mithiin.

Hindi magkamayaw ang protesta sa mga daan; pag-aaklas sa hilaga, digmaan sa timog. Kalakip ng mga pag-aalsang ito ay ang mga sigaw na “Makibaka, wag matakot” “Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban”. Sa huling bahagi ng mga kilos protesta ay ang pilantik ng kamay ng gitarista sa kanyang instrumento. Simula roon, ang maliit na tinig na nagmumula sa lupon ng mga tao ay iingay at kakawala sa kanilang mga bibig.

Narito ang mga awitin nag-iwan ng marka sa kasaysayan at naglunsad ng damdaming rebolusyonaryo sa mga Pilipino:

“Bayan ko Ibon man may layang lumipad/ Kulungin mo at umiiyak! Bayan pa kayang sakdal dilag/Ang ‘di magnasang makaalpas? Pilipinas kong minumutya/ pugad ng luha ko’t dalita, Aking adhika: Makita kang sakdal laya.”

Ang makasaysayang awiting ito ay isinulat ni Jose Alejandrino—isang rebolusyonaryong heneral, na isinalin naman ng makatang si Jose Corazon De Jesus at nilapatan ng musika ni Constancio De Guzman. Ipinatigil at tuluyang ipinagbawal ang ‘Bayan ko’ noong ikalawang digmaang pandaigdig partikular noong pananakop ng mga amerikano at mga hapon. Muling inawit ang ‘Bayan ko’ sa kasagsagan ng pag-uusig sa mga Pilipino noong panahon ng Martial Law.

Di n’yo ba naririnig?

Di n’yo ba naririnig? Tinig ng bayan nag alit Himig ito ng Pilipinong

Di muli palulupig.

Hango mula sa musikal na komposisyon ng Les Miserables’ ‘Do you hear the people sing?’ na isinalin ng komposer na si Vincent De Jesus at inawit naman ni Eunikkoh Castillo sa kanyang sariling rendisyon. “I thought this could be an effective medium to channel my personal thoughts creatively on sustaining the primacy of freedom and dignity in the country” [Sa tingin ko, ito ay maaaring maging isang epektibong daluyan upang maipamahagi nang malikhain ang aking personal na kaisipan upang mapanatili ang pangunahing kalayaan at dangal sa bansa.], saad ni Castillo.

Orihinal na komposisyon ng pambansang alagad ng sining para sa musika na si Levi Celerio na inaregluhan ng kapwa tinanghal na pambansang alagad ng sining na si Lucio San Pedro. Patuloy na ginagamit ang awitin sa mga kilos protesta ukol sa mga isyung panlipunan na tumatalakay sa mga musmos at may murang edad kagaya ng pagpaslang kay Kian Delos Santos at pagpapababa sa edad ng pananagutan para sa mga bata. Ugoy ng Duyan Sana’y di magmaliw ang dati kong araw

Ng munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal Awit ng pag-ibig, habang ako’y nasa duyan.

Tatsulok Habang may tatsulok, at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo.

Sa interpretasyon ng simbolikong tatsulok ay ang pagtalakay at pagkwestyon sa mga nagpapasasa sa kapangyarihan. Maging sa mga unibersidad at dalubhasaan ay madalas na maririnig ang ‘tatsulok’ na orihinal na komposisyon ng bandang ‘Buklod’ na binigyang buhay ni Noel Cabangon at Bamboo sa kanilang mga album. Pinakasikat ang kantang ito sa mga kabataan dahilan sa ‘rock’ rendisyon nito ni Bamboo.

Gising na Kaibigan

Gising na kaibigan ko Ganda ng buhay ay nasasaiyo Kalagan ang tali sa paa, imulat ang iyong mga mata Kay sarap mabuhay lalo na kung alam mo kung san ka papunta.

Awiting may layuning magmulat sa tunay na sitwasyon ng bansa, sinulat at inawit ng bandang ‘Asin’ sa isa sa kanilang mga single album. Ang bandang ‘Asin’ ay kilala sa mga awiting sumasalamin sa kalagayan ng lipunan maging sa pagmumungkahi ng mga konkretong aksyon sa ikalulutas nito. Patuloy ang pagmumulat ng mga musika, tulad ng pagkatuto ng baguhang mang-aawit sa isang batikan na musikero. Ang damdaming nakulong sa mga mumunting mga puso ng Pilipino ay pakakawalan ng may malakas na sigaw, ng nag-aaalab, at ng organisadong ritmo ng awiting makabayan. Image courtesy of google.com

This article is from: