The Students' Herald

Page 5

Kung maaaprubahan ang face-to-face classes, papabor ka ba dito? O pananatilihin ang Flex and Rad Learning sa ating unibersidad?

“Pabor ako sa face-to-face classes sa mga estudyanteng kailangan ng hands-on experience/learning gaya ng mga student interns (kahit anong kurso). And dapat manatili sa FLEX and RAD learning ay ang mga lower years.” – John Ren Tabor, CSS “As a medical student, it is a burden for me to take our classes at home since we badly need various laboratory executions to hone our skills and acquire deeper understandings that highlight our professionalism in the future. Cafes, malls, and other tourist attractions are open but Philippine universities are still intact in following national guidelines, such as having online teaching for their students to at least take their courses and spe-

cialties. In my opinion, the opening of schools for face-to-face learning must be exercised immediately because the boundaries of learning are soaring high resulting in constricted treatment for the students. I believe learning is an active process. Amidst this pandemic, educational institutions, as well as students should take the risk of returning to the typical modality of education to procure effective wisdom and become a globally competitive individual that will lead to the betterment of our country.” – Irish Tisha L. De Vera, CHS “No, it'll be risky for students to attend face-to-face classes. Since there are a lot of families who suffer financially because of the pandemic, it will be hard for them to sustain their financial needs especially if their child is attending a school far away from their place. That's why in this situation where COVID -19 cases are still rampant, it'll be safer for

VIEWS

students, as well as teachers to maintain the FLEX and RAD Learning.” – Shane Missy Bayani, CMA “Under my contentions, I'm on neutral ground. For face-to-face, the purpose is to externally find errors to convert them into a new core lesson coming from my professors. Since the so-called FLEX learning, A.K.A. online class, for the record, it has relevant contexts, but it's a bit too far from face-to-face class the pressure, the ambiance inside the classroom, and also the external activities that are relevant to the grounds of architecture. Since the pandemic was raging, the impetus of community quarantine endeavors the compelling proclamation of face-to-face classes. I will not throw the dice and risk my life just to engage in face-to-face, thus, a decent education will never be a substitute for good health.” – Desiry Arboleda, CEA

“The trends on TikTok about the situation during face-to-face classes are enough reasons for me to push the idea of bringing it back. One thing we miss deeply, aside from the efficient and practical learnings, is the fun and bond created inside the four corners of our room. Indeed, we would be safe from viruses, but we cannot escape from anxiety. I would gasp for that air, no matter how awful it smelled, rather than let it pass and ran out of breath.” – Maica Joy Eslao, CSS “Personally I believe that online learning was and is better than face to face classes. Online learning is easier and safer for everyone because of the whole Covid-19 situation, people with weak immune systems, asthma and other health problems would find online learning easier because they can stay home and stay safe knowing they have less of a chance to contract the virus. Also, going to school during this pandemic can be scary for

some people because of school protocols and people in their classes not abiding to them. School is a challenging time for everyone at the moment and I know everyone is trying their best to get through it but online is the only way everyone is going to get what they want. I believe we should learn online in Zoom meetings or live classes where the teacher is online to help people if they need it. Besides, the ratings would be higher for people attending classes if they're online rather than face to face, that's what I believe anyways”. – Roland Jan Claridad, CHS “No, because opening face to face classes can cause many risks such as the transmission of the virus and lack of health protocols. Students may be careless during classes that can cause harm and the fast transmission of the virus.” – Harvey Angel Andrada, CITE

5

July 2021 - November 2021 | Vol. XXIX Issue No. 1

Walang Hangganang Political Neutrality

S

a dekolor o sa puti, sa pula o sa dilaw. Tuwing may eleksyon, lagi nalang nating hinihimay ang lahat sa dalawa. Pero marami-rami pa rin sa atin ang hindi kayang bumuo ng paninindigan at nananatili pa rin sa gitna. Akala ko rin noon, sapat nang mamagitan at tignan kung sino nga ba ang gugustuhin ng karamihan. Ngunit ang hindi pagpili ng sariling paninindigan ang siyang daan ng mga sakim upang magmalaki ng tagumpay. Neutrality – ayon sa Merriam Webster’s dictionary, ito ang refusal to take part in a war between other powers o hindi pagpili ng papanigan sa pagitan ng labanan ng impluwensya. Hindi ko mawari kung bakit kailangang mamagitan sa dalawang kulay na magkaiba? Sa tama o sa mali? Kailangan pa bang pag-isipan ang mga bagay na kitang-kita naman na ng dalawang mga mata ang pinagkaiba? Trending nitong mga nakaraang araw ang ating unibersidad sa paglalagay ng pink lights sa itaas ng main entrance na hinihinalang simbolo ng pagbibigay suporta sa mga adhikain ng tumatakbong presidente na si Gng. Leni Robredo. Umani ito ng 14 thousand reactions sa Facebook page ng What’s up Dagupan na siyang nagpost ng litrato sa Facebook page noong ika-19 ng Oktubre. May mga natuwa, at meron din namang bumatikos. Napakagulo at napakaingay kung magkakaroon ng boses ang comment section. Ngunit kung iisipin, ‘di hamak na mas mabuti na mayroong pinaniniwalaang prinsipyo ang isang tao kung kaya’t nakakapagsabi siya at nakapagbabahagi ng saloobin sa larangan ng pulitika at kung sino-sino man ang dapat na mamuno sa ating bansa sa darating na eleksyon. Sa madaling pahayagan, walang masamang isalang sa debate ang paniniwala natin. Balikan natin ang Tug of War. Ang pagpili sa gitna ay gaya lamang ng panonood sa kaganapan ng nagtatalong panig. Ang pakialam lamang ay nananatili sa kung sino ang panalo at sino ang talo. Wala kang pinanghawakan. Walang

pinaglaban na tela ng paninindigan. Kung mayroon mang dapat ng puksain, 'yun ay ang pagtrato sa eleksyon na akala ng karamihan ay sapat na ang maging neutral – maskara sa likod ng kawalan ng sariling paniniwala. Isa pang halimbawa ng hindi pakikilahok ay ang pagiging tagapanood sa isang talastasan. Pumapalakpak, nakikinig, ngunit wala pa ring pinaglalaban na paniniwala sa buhay. May mga pagkakataon sa buhay natin na kailangan nating makinig. Ngunit hindi ito habambuhay na pagtikom ng bibig at tamang dinig nalang sa pintig ng dibdib. Tumayo ka riyan at pumili ng lubid na hihilain. Hindi ito binabase lang sa lakas at bangis ng mga kaalyado. Tungkol ito sa pagkapit mo sa iyong paniniwala na alam mong tama at hinding-hindi dapat bitawan. Gamitin ang boses at makipagtalastasan. Tantyahin mo kung hanggang saan nga ba aabot ang iyong prinsipyo. May dapat bang baguhin sa paniniwala mo, o may dapat kang ibahaging kaalaman sa mga utak na musmos pa? Salain mo ang iyong prinsipyo at tignan mo ito sa mga nanganganditato. Ano ba ang nararapat na para sa ating bansa at sa mga kapwa nating Pilipino. Kapag nakita mo iyon, ibahagi mo kung bakit. Ganun talaga ang pagpapakita ng malasakit sa bansa. Sa panahon na hinuhulma natin ang ating karapatan na bumoto, malaya kang manaliksik at magsaad. Huwag kang matakot na ikaw ay puksain, o kaya sa Gen Z terms - #cancelled. Ngayon mo ibahagi na isa kang Pilipinong naninindigan sa bayan. Kung para sa’yo ay hindi dapat ginawang pangkalahatan ang kulay ng unibersidad, gamitin ang boses mong malayang magbahagi ng katotohanan. Hindi mahirap mamili. Binabalot ka lamang ng takot. Magbahagi at makiisa. Sa darating na eleksyon, iyong political neutrality dapat ang una nating kinakansela. Sa panahon na nakikita natin ang dalawang kulay na magkaiba, hubugin ang opinyon sa mga bagay na suportado ng facts at

hindi dala ng Fake News o ang makabagong pamamaraan ng black propaganda. Hindi ito palakasan lamang ng naglalabanang impluwensya. Ito ay patungkol sa’yo, sa akin, at sa buong Pilipinas.

‘‘

Salain mo ang iyong prinsipyo at tignan mo ito sa mga nanganganditato. Ano ba ang nararapat na para sa ating bansa at sa mga kapwa nagting Pilipino. Kapag nakita mo iyon, ibahagi mo kung bakit. Ganun talaga ang pagpapakita ng malasakit sa bansa. Sa panahon na hinuhulma natin ang ating karapatan na bumoto, malaya kang manaliksik at magsaad. Huwag kang matakot na ikaw ay puksain, o kaya sa Gen Z terms - #cancelled.

‘‘


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook

Articles inside

SPORTS| Pokémon unite? Pokémon alright!

1min
page 21

SPORTS EDITORIAL| Are you In or out? Limited face-to-face Sports Events

1min
page 21

ENTERTAINMENT| For my country

1min
page 19

LITERARY| It Begins Here

1min
page 19

LITERARY| Knowing the great unknown

1min
page 19

LITERARY| Growing up…it's scary

5min
page 18

LITERARY| Of River that flows like Lava

5min
pages 17-18

LITERARY| Wonder

1min
page 17

LITERARY| Itama mo ang iyong Kasaysayan

1min
page 17

LITERARY| Lead the Leader

2min
page 17

LITERARY| Pace

1min
page 16

LITERARY| I Am To My

1min
page 16

LITERARY| 1371

1min
page 16

HERALD HOWLER LEVEL UP| First Sem A.Y 2021-2022

3min
page 5

LITERARY| The Virtual Mongreal

3min
page 16

FEATURE| Trip Down Memory Lane: Noon at Ngayon…Temporarily

6min
page 15

FEATURE| An Outlet of Misery; Music

4min
page 14

FEATURE| From a Tangled Rope to Greater Heights

5min
page 14

FEATURE| VACCInformation: A Quick Guide to COVID - 19 Vaccines

4min
page 13

FEATURE| Readers’ Choice: Readers’ Choice: BOOKS VS E-BOOKS

1min
page 12

FEATURE| ABNSKMeRPLAko? Everyjuan's Take on the Pandemic Student Life

2min
page 12

FEATURE| Let the Games Commence!

7min
page 11

FEATURE| What Blue actually wants us to gain genuinely?

8min
page 10

DEVCOMM| Flexible Learning; Students' Situations and Challenges

5min
page 9

DEVCOMM| Students', Amidst the Prolonged Dilemma: Through the Lens of a Working Student

4min
page 8

OPINION| PHINMA UPang Students Urging the School for an Academic Break

1min
page 7

OPINION| Ang Ugat ng Ating Karapatang Bumoto

4min
page 7

OPINION| Transparency to EveryJUAN

3min
page 6

OPINION| A Wise Vote is Next to a Big Change

5min
page 6

OPINION| Walang Hangganang Political Neutrality

4min
page 5

NEWS| And The Clock Struck Twelve with the Crown on Her Head—Bb. Pilipinas-Intercontinental Wins 2nd Crown for PH

5min
page 4

NEWS| Flames’ Musical Prowess gets Spotlight as SSC Spearheads First Music Fest

3min
page 4

NEWS| CMASC Holds a Webinar to Educate Students Effectively on Research

1min
page 3

NEWS| COMM-CAST Astoundingly Embraces Modernity Over Yearly Traditions

1min
page 3

NEWS| Why is this Year's UPACSkuhan More Than Just an Exciting Event?

1min
page 3

EDITORIAL| Political Awareness in this Time of the Pandemic

3min
page 2

NEWS| NLE 2021 Results to Challenge Every Admission and Retentions?

1min
page 1

NEWS| Flames are back, Reaching Ultimate Goals for A.Y. 21-22

1min
page 1

NEWS| UPANG Empowers Students as CEA Effectively Made EE Licensure Standards Higher this Year

1min
pages 1, 3
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.