4 minute read

OPINION| Ang Ugat ng Ating Karapatang Bumoto

A Better ArMOIre

OPINION| Ang Ugat ng Ating Karapatang Bumoto

Advertisement

by: Kisly Moira Pera

Ang pagboto ay hindi lang karapatan ngunit pribilehiyong parte ng sistemang demokrasya, nagsisilbi din itong boses ng mga tao sa lipunan dahil sa pag-pili ng ating gustong plataporma natin naipapakita kung anong kailangan ng bansa. Ang konseptong ito ay unang naipakilala sa atin sa paaralan; sa pagboto ng mga Class Officers.

Mahalaga ang kanilang papel sa Unibersidad at sa kapakanan ng mga estudyante dahil sila ang unang himpilan ng kanilang mga pangangailangan, sila rin ang nagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon o mga anunsyo na nagmumula sa mas mataas na antas ng Student Supreme Council at ng mismong Unibersidad.

Kaya’t dapat lang na hindi basta-basta ang pagpili sakanila, importanteng makilatis kung mayroon silang katangian at potensyal na maging epektibong lider at kinatawan ng isang buong block.

Sa panahon ng pandemya kung saan lahat ng mga aktibidad sa loob at labas ng classroom ay isinasagawang birtuwal bilang bagong sistema, iba’t ibang klase ng mga alalahanin ang maidudulog ng mga estudyante.

Ito'y patungkol sa mga technical matters, fees, at questions o inquiries sa mga professors o instructors sa kanilang paraan ng pagtuturo o pagbibigay ng marka. Bago tumungo ang estudyante sa adviser, una itong nagtatanong sa class mayor.

Bilang estudyante, ang pinakamainam na paraan ng pag-pepresenta ng isang klase ay ang pag kausap muna sa buong block upang maiaddress lahat ng saloobin, bago ito maiparating sa adviser ng mahinahon at may pag-galang para mailapit ang mga ito sa mga karapat dapat na himpilan sa loob ng Unibersidad.

Ang class mayor ay hindi lang dapat maagap o active sa pag-aanunsyo, handa rin dapat itong mag build ng strong student-teacher relationship sakanilang adviser at mga instructors, upang magkaroon ng harmony sa bawat klase, given na hindi lang ang mga estudyante ang naninibago at nag aadjust ngunit pati na rin ang mga instructors.

Isang pag-aaral mula sa Association for Supervision and Curriculum Development na isinulat ni Robert J. Marzano ang nagsasabi na sakanilang meta-analysis ng higit sa 100 mga pag-aral (Marzano, 2003), ang high quality relationship ng estudyante at guro ay ang keystone para sa iba’t-ibang aspeto ng classroom management.

Kung kaya’t para saakin, isa sa katangian ng karapat-dapat na student leader ay ang kakayahang makipag usap sa mga instructors sa ngalan ng block.

Isa lang ito sa mga katangiang dapat gayahin ng mga naghahangad maging student leaders kasama ng pagiging maagap sa impormasyon, maasikaso, responsable, mayroong time-management, at tapat.

Ang mga katangian na ito ay personal kong naobserbahan saaking mga nagdaang Class Mayors sa loob ng apat na taon sa UPang.

Napatunayan ko na hindi mo kailangang maging sobrang galing na lider para maging effective, dahil ang importante, iniisip mo ang kapakanan ng mga kapwa mo mag-aaral.

Isa pang mahalagang eleksyon sa Unibersidad ang pag elect ng CAS Governor. Malawak ang sakop ng departamentong ito at tulad ng iba pang eleksyon sa loob ng Unibersidad.

Mahalagang mamili ng karapat-dapat na Class Mayor dahil sila ang kumikilala sa mga tumatakbong kandidato at namimili ng lider ng buong departamento.

Ang collective concern ng mga estudyante ang siyang magiging boses ng bawat Class Mayor sa CAS Department na maaring magresulta sa pagbabago ng sistemang nais ng nakararami.

Isang halimbawa ng collective concern ay ang hindi pagbaba ng tuition fee sa kabila ng pagpapatupad online classes, o hindi pag-untag ng mga hindi kailangang miscellaneous fees na ikinababahala ng marami dahil sa maramihang pagkawala ng pinagmumulan ng kita o trabaho ng mga magulang o guardian.

Kailangan ng mga estudayante ng lider o grupo ng mga lider na iaakyat ang mga concern kagaya nito nang may intensyong isulong ito para sa kabutihan ng mga estudyante at mga stakeholders.

Madali lamang banggitin sa pangangampanya ang mga pangakong mapanghikayat ngunit kaya ba talaga itong gawan ng aksyon?

Ang ating matalinong pagpili sa ating classroom officers ay repleksyon ng ating kakahayang mamili ng mga karapat-dapat na mga iniluluklok sa pwesto sa mas mataas na sangay ng politikang pampaaralan.

Dahil sa parehas na paraan, isinasaalang-alang natin ang kaayusan at kabutihan ng nakararami higit pa sa ating sarili.

Paano nito nabubuhay ang karapatan ng iba? Simple lang. Ang kakayahan ng nasa posisyon ay ‘di hamak na mas maimpluwensya, kesa sa iisang estudyante lamang.

Kung ang mga naitalaga sa posisyon ay may malinis na intensyon, pagmamalasakit sa mga kapwa estudyante, at binibigyang halaga ang edukasyon at magandang karanasan ng mga estudyante sa loob ng birtuwal na unibersidad, ang bawat karapatan ng mga estudyante ay hindi maisasantabi at ito ay ang resulta ng ating karapatang mamili.

Kasama sa karapatang ito ang reponsibilidad nating seryosohin ang iba’t-ibang klase ng eleksyon. Hindi dapat ito ginagawang play-time.

Mayroong posibilidad na ang iyong boto ang maging tie breaker sa pagitan ng isang karapat-dapat at hindi karapat-dapat. Nakasalalay dito ang long term effect na hindi na natin maiiwasan sa sandaling ang mga nahalal ay tanggalan tayo ng karapatan o kalayaang maghayag.

Hindi lamang ito maaring mangyari sa classroom o sa student council kundi sa mas malaking antas ng politika. Pag-aralan ang mga plataporma at wag isantabi ang kasaysayan ng mga tumatakbong kandidato sa loob at labas ng paaralan upang maiwasan nating mailagay ang nakararami sa posibilidad ng kapahamakan.

Hindi lang iisa ang maaring maging masamang epektong maidudulot ng pagboto sa maling opisyal, ngunit madaragdagan pa ito sa posibilidad ng pag-abuso ng kapangyarihan. Hindi na bago ang mga ganitong klase ng galawan at katiwalian sa larangan ng politika.

Marahil marami na ang hindi naniniwala sa kahalagahan ng pagboto ng tamang kandidato at hindi mga sikat. Hangga’t may henerasyong dumaraan, hindi nauubos ang pagkakataong mapalitan ang gabinete o grupo ng mga lider na makasarili’t gahaman.

Bumuboto tayo hindi para sa atin, o sa ating pamilya’t mga kabigan lamang ngunit para sa lahat ng tao sa ating paligid, kaya hangga’t tayo ay nabibigyan ng karapatang pumili, kumilatis, at bumoto, gamitin natin ito sa matalinong paraan.

This article is from: