
1 minute read
LITERARY| Itama mo ang iyong Kasaysayan
LITERARY| Itama mo ang iyong Kasaysayan
by: Olis
Advertisement
Sinimulan ng langit at lupa ang mga mortal ng siglong ito,
Ang araw, ang buwan, at ang mga bituin ay muling liliwanag sa darating na eleksyon,
Ang kanilang kaluluwa na humahawak sa dignidad ng bawat tao at bata sa buong rehiyon,
Isinakripisyong matatag at hindi umuurong! Mag-aalsa para sa mga bayang natupok ng kasinungalingan,
Pagpapalain ng buwan ang katotohanan,
Na walang iba kundi ang katotohanan lamang.
"
Tayo ang napiling maglalaro sa apoy na ito,
Ito ay sa atin na noong tayo'y ipinanganak upang maging tubig, hangin at lupa,
Tayo ang mga anak ng bansang ito;
Ang magdadala ng hinaharap;
Ang mga manunulat ng henerasyon!
Tayo ang mga mabubuting ehemplo ng dugo,
Ang mga dugo natin ay magmamarka sa lupa ng ating mga ninuno.
"
Ang ating kabataan na may magagaling na pag-iisip,
Ang magbubuhos ng laman nito,
Ang ating pakikibaka para sa pang-aapi at paglaban sa mga maling gawain at doktrina,
Ang walang katapusang ito ay hindi itatapon sa limot!
Tayo ay kumuha ng sandata laban sa mga buwaya!
Tayo ay maghahanap ng landas ng bagong rehimen na ito—
Ang magtatakda sa makabagong Uniberso.
"
Tayo ang mga alipin—
Ang mga alipin na hindi kailan man maililibing;
Ang mga alipin na hindi makakalimutan,
Tayo ay mga anak ng mga magsasaka,
Ang mga anak ng ating mga ina,
Ang mga anak ni Rizal,
At ang mga anak ng bawat bayani!
"
Lahat man ay hindi naging saksi sa pag-usad ng pagbabago,
Ngunit tandaang nariyan pa rin ang pag-asang mababago,
Silang mga nag-alay ng buhay sa pinatay na kasaysayan,
Mga bayarang kasinungalingan na muling binubuhay, Ikaw na bata at ikaw na matanda!
Ang iyong boto ay sandata para sa iyo at sa kanilang mga karapatan! Itama mo ang iyong boto!