The Students' Herald

Page 15

Trip Down Memory Lane:

15

Noon at Ngayon… Temporarily Trixie Ann C. Bautista

Isang taon na rin ang nakalipas mula nang mag-umpisa ang online classes noong ika-2020 ng Setyembre. Lahat ng estudyante ay nasa sari-sariling bahay, nag-aaral kaharap ang laptop, o kaya ang selpon na mortal enemy ni mama noon ‘pag lagi mo ‘tong hawak. Isipin mo noon, ang laging litanya ng magulang sa tuwing masama ang iyong pakiramdam ay “Kaseselpon mo ‘yan kaya masakit ulo mo!” Ngayon, kailangan mo nang magselpon dahil nag-aaral ka na sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya. Ang pagmamadali sa pagpasok sa eskwela noon ay ang pagmamadaling maligo, magbihis, mag-almusal, minsan pa nga sa sobrang pagmamadali, bubble gum na ang kapalit ng toothbrush. Ngayon naman, ang paghahanda ng gadget pang-aral, at pag-click sa binigay na Zoom or Google Meet link ang makabagong prepasrasyon natin sa klaseng kailangang pasukan. ‘Pag ten minutes late ka na sa klase, makiusap na sa groupchat – “Ma’am/Sir, pa-accept po.” Hindi rin maiwasang balikan ang mga masasayang araw ng Faceto-Face classes. Ang siksikan sa entrance, ang mahahabang pila sa registrar at teller, ang mala-zumba na tugtugan sa Gym dahil sa P.E classes … Sa maikling salita, nakakamiss tignan ang kanormalan ng sitwasyon kapag maraming tao sa loob ng paaralan. Matatawa ka na lang dahil nakakamiss pala ang mga kaganapan noon na minsan mong kinainisan. Naiirita ka sa siksikan ng mga tao sa Students’ Plaza – ‘yon bang hindi ka kaagad makabili ng burger. Minsan, masisingitan ka pa. Irap na lang ang pambawi mo dahil nasingitan ka pa rin naman kahit baliktarin mo pa ang mundo. Kung noon ay naiingayan ka sa mga naghihiyawang estudyante sa tuwing may tumutugtog na banda ng Life’s Sound Society (LSS) o kaya sumasayaw na UPang Dance Crew (UPDC), ngayon naman ay kapitbahay mo nalang siguro na walang konsiderasyon ang ayaw mong marinig na nagkakaraoke sa tuwing may online classes ka. Siguro bilang dating Facilitator ng Handog Kaibigan Scholarship, minsan ka rin sigurong nakapagbantay ng maingay na klase. Ingay na nagpapahiwatig noon na malaya tayong lumapit sa isa’t-isa ng walang inaalalang pandemya. Nakakapagod man at nakakahingal ang akyat-baba na eksena sa mga building, nakakamiss din pala na aakyat ka sa 2nd floor o kaya 5th floor para sa susunod na klase. Hindi gaya ng ngayon na liliban at lilipat ka nalang sa bagong Meet link para sa susunod na klase. Ang saya rin magfastfood minsan pagkatapos ng klase noh? Yung tipong dadaan ka sa McDonald’s UPang para magiced-coffee, burger at fries. Pero maiinip ka bigla at manlulumo kapag nakita mong may mga estudyanteng nagtatawanan sa long table habang nagrereview, o kaya naman may pinag-uusapang prof o kaklase. Kaso kung babalikan ang McDo UPang, wala na ang dating eksena na maraming mga nakaunipormeng estudyante na kumakain habang nagrereview, o kaya naman magiliw na nakikipagkwentuhan sa mga kaklase. Grabe ‘noh? Tunay ngang nakakapanibago ang lahat. Kung isa ka man sa mga estudyanteng hindi talaga big fan ng mga events na may maramihang tao, pwedeng wala talaga sa’yo ang mga panahon na nagpunta ang mga kilalang banda gaya ng The Session Road, o kaya ng Ben&Ben. Pero hindi rin naman siguro masakit aminin sa sarili na nakakamiss ang mga nakaririnding hiyawan sa mga ganitong okasyon tuwing UPang Night Run.

Marami-rami pa ito, at malamang may sarili ka ring version ng memory lane ng UPang na nakaukit sa iyong mga alalaa. Kaso ang hirap iwasan, na nakakamiss ang mga bagay noon na nakakairita sa normal na sitwasyon. Nakakamiss ang kumpulan ng tao sa iisang lugar. Nakakamiss ang mga mahahabang pila sa registrar, teller, students’ plaza at canteen. Nakakamiss ang boses ng mga nagtuturong propesor sa bawat classroom tuwing dadaan ka sa mga hallway. Nakakamiss ang dating mundong mayroon tayo noon. (Wait lang po, Freshmen can’t relate ... )

Hindi pa rin matukoy kung kailan babalik sa dati ang lahat.

Kailan nga ba babalik sa dati ang pagpasok sa eskwelahan? Kailan isusuot ang mga uniporme at ID na hinding-hindi mo dapat makaligtaan? Kailan ulit ang pagpasok sa silid-aralan at binibilang kayo ng student-faciliator isa-isa? Sana’y magbalik na sa “Guys, pasuyo naman, pakibukas ang pinto,” imbes na “Guys, pasabi kay Ma’am/ Sir na iaccept ako sa GMeet.” Kailan ba babalik sa airconditionedna silid-aralan ang mga classrooms natin with armchair at whiteboard, mula sa Google Classrooms at FB Groupchats? Kailan kaya ulit tayo makakatapak sa mga hagdanang nakakahingal? Nakakapagod man, pero nakakamiss ang mga panahong walang pag-aalinlangan. Kailan kaya babalik ang mga events ng hindi na natin kailangang iFacebook Live ang lahat? Yung tipong mapapanood mo talaga ang The Juans sa PHINMA Avenue, at nakukuhanan sila ng mga litratong pasok sa Instagram? Grabe noh, sinong mag-aakalang ito pala ang papalit sa mga kwentong “Kami ito noon, ano kayo ngayon?” Nakakalungkot na pangyayaring inabutan ng mga Freshmen students ang online classes ngayong umpisa ng kanilang college years. Gusto mang hangarin ang Face-to-Face classes upang makahabol sa mga bagay bagay na ito ay, mukhang mahirap pa ring isaalang-alang ang buhay ng bawat isa laban sa pandemya. Hayaan niyo sana ang sulating ito ang magbahagi sa’yo ng mga pahapyaw na kaganapan sa ating unibersidad noong normal pa ang lahat.

Sa ngayon, mukhang kami naman ang magbabahagi ng mga kwentong magpapamangha sa inyo. Paano ba kami nagmamadaling magsuot ng ID kapag papasok na sa main entrance, paano nakakalusot ang mga walang ID (pinagbabawal na teknik, huwag gawin!), at kung anu-ano pa. Ngunit sa kabila naman ng lahat, natuto pa rin tayong makibagay at makisabay sa makabagong teknolohiya na natutunang nating gamitin sa panahon ng pandemya. Maaring malapit-lapit na rin ang pagbabalik ng Face-to-Face classes, at maging normal na ang lahat, siguradong hindi na tayo babalik sa pinakaeksaktong noon. Maaaring bumalik tayong mas masinop sa oras, mas organisado sa mga kagamitan, mas marunong mangalap ng datos sa tuwing may mga akdang-aralin o kaya pananaliksik na kailangang tapusin. Babalik man sa dati ang lahat, maging aral sana ang pandemyang ito upang maging mas magagaling na taong hinuhulma ng panahon. Sa ngayon, manatili muna sa tahanan, magpabakuna upang maging ligtas sa puot ng pandemyang dinaranas. Makinig muna sa mga kwentong ate’s and kuya’s na dinaraanan ang mga alaalang hindi malilimutan noong hindi pa tayo nakafacemask at faceshield sa labas ng tahanan. Ikaw, ano bang mga alaala mo sa UPang na namimiss mo na? Halika’t daanan natin ‘yan!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook

Articles inside

SPORTS| Pokémon unite? Pokémon alright!

1min
page 21

SPORTS EDITORIAL| Are you In or out? Limited face-to-face Sports Events

1min
page 21

ENTERTAINMENT| For my country

1min
page 19

LITERARY| It Begins Here

1min
page 19

LITERARY| Knowing the great unknown

1min
page 19

LITERARY| Growing up…it's scary

5min
page 18

LITERARY| Of River that flows like Lava

5min
pages 17-18

LITERARY| Wonder

1min
page 17

LITERARY| Itama mo ang iyong Kasaysayan

1min
page 17

LITERARY| Lead the Leader

2min
page 17

LITERARY| Pace

1min
page 16

LITERARY| I Am To My

1min
page 16

LITERARY| 1371

1min
page 16

HERALD HOWLER LEVEL UP| First Sem A.Y 2021-2022

3min
page 5

LITERARY| The Virtual Mongreal

3min
page 16

FEATURE| Trip Down Memory Lane: Noon at Ngayon…Temporarily

6min
page 15

FEATURE| An Outlet of Misery; Music

4min
page 14

FEATURE| From a Tangled Rope to Greater Heights

5min
page 14

FEATURE| VACCInformation: A Quick Guide to COVID - 19 Vaccines

4min
page 13

FEATURE| Readers’ Choice: Readers’ Choice: BOOKS VS E-BOOKS

1min
page 12

FEATURE| ABNSKMeRPLAko? Everyjuan's Take on the Pandemic Student Life

2min
page 12

FEATURE| Let the Games Commence!

7min
page 11

FEATURE| What Blue actually wants us to gain genuinely?

8min
page 10

DEVCOMM| Flexible Learning; Students' Situations and Challenges

5min
page 9

DEVCOMM| Students', Amidst the Prolonged Dilemma: Through the Lens of a Working Student

4min
page 8

OPINION| PHINMA UPang Students Urging the School for an Academic Break

1min
page 7

OPINION| Ang Ugat ng Ating Karapatang Bumoto

4min
page 7

OPINION| Transparency to EveryJUAN

3min
page 6

OPINION| A Wise Vote is Next to a Big Change

5min
page 6

OPINION| Walang Hangganang Political Neutrality

4min
page 5

NEWS| And The Clock Struck Twelve with the Crown on Her Head—Bb. Pilipinas-Intercontinental Wins 2nd Crown for PH

5min
page 4

NEWS| Flames’ Musical Prowess gets Spotlight as SSC Spearheads First Music Fest

3min
page 4

NEWS| CMASC Holds a Webinar to Educate Students Effectively on Research

1min
page 3

NEWS| COMM-CAST Astoundingly Embraces Modernity Over Yearly Traditions

1min
page 3

NEWS| Why is this Year's UPACSkuhan More Than Just an Exciting Event?

1min
page 3

EDITORIAL| Political Awareness in this Time of the Pandemic

3min
page 2

NEWS| NLE 2021 Results to Challenge Every Admission and Retentions?

1min
page 1

NEWS| Flames are back, Reaching Ultimate Goals for A.Y. 21-22

1min
page 1

NEWS| UPANG Empowers Students as CEA Effectively Made EE Licensure Standards Higher this Year

1min
pages 1, 3
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The Students' Herald by The Students' Herald - Issuu