INScapes Volume 1, Issue 3

Page 13

Sabado ngayon, tulad ng nakasanayan Bibili ako ng lútong ulam sa karinderya, Kung saan tayo unang nagkakilala Tandâ ko pa; Paborito mo ang Adobo Na walang Laurel dahil pangit ‘kamo ang lasa Ayaw mo rin ng Sibuyas sa Tortang Talong Kahit na nilalantakan mo ‘yon sa sawsawan ng isaw. Ayaw mo rin ng kanin na malatâ Dahil sabi mo malayo pa ang botohan At hindi ka pa handa kung sino ang iluluklok Para manungkulan, Mahirap nga namang mamilì Kapag nagkalat ang mga Tarpaulin sa daan, Kapag ginagawang pabango ang noodles at ‘de lata Pati na rin ang dilaw na papel na nakasobre pa. Sa lansangan; Kung saan mo ‘ko inabutan ng nakasupot na kendi Doon nakasulat ang pangalan mo’t retratong nakatawa – Isa ka rin palá sa kanila.

4


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.