1 minute read

Leche Buena

Next Article
Nakakahawang Himig

Nakakahawang Himig

Galit, takot, at kabaliwan ang himig na namumuo Sa t’wing inaalala ko ang sinapit ng nanay kong may sakit sa isip. Sa labas, lumagpas lamang ng isang minuto ‘di lang kape ang naiuwi kundi ala-ala’t marka ng abuso.

Ayan na naman mga ‘nak ng tupa, Mga batang ligaw na bala Pumapatrolya t’wing dapit-hapon Bubulabog para sa barya’t polvoron.

Advertisement

“L u m a y a s k a y o, w a l a n g p a s k o,” sigaw ko.

Inay, kain na po tayo ng pangamba. Galit naman po ang panulak. Kahit sa litrato, maganda ka pa rin. Iihipan ko na po ang k a

n d i l

a.

Ako’y papunta na. Hindi ka na muling mag-iisa.

isasakripisyo na naman ba para sa isang gabi ng kasiyahan, hungkag na kasaganaan, ang ilang araw sanang laman-tiyan na siyang di pa rin sasapat upang maabot ang pamantayan?

This article is from: