
1 minute read
San Ipapanganak si Kristo Ngayon
Pulang Hapunan
by Kris Lujein D. Varon
Advertisement

Sa muling pasasalo-salo ng mga dumadalo sa taunang piging na nagkakaisang hiling ng bawat miyembro ng pamilya, ang kumpletong mapunan ang mga silya.
Ngunit kaiba ito sa lahat ng piging dahil ngayo’y mayroon na silang inilibing; may nabakante ng mga silya, mga puwang sa kanilang mga pamilya na hindi na muling mapupunan bunga ng kapalpakan ng pamahalaan.
Kung titingnan ang mga hapag mararamdaman ang pagkahabag, ang makukulay na salad hindi na mailahad; ang tanging mga nakahain mga putaheng may sinasalamin.
Dinuguan Dumaloy ang itim sa sabaw kasabay ang pagkatuyo ng dugo sa kamay ng mga halimaw; nilunod ang diwa ng paskong kulay pula sa dagsa ng mga alaala ng mga ninakawan ng buhay, hanap ng kanilang pamilya’y karamay.
Papaitan Ngunit hindi kailanman matatabunan ng kahit anong minatamis ang kamatayan na patuloy na nagdudulot ng pait hanggang hindi nabibigyang katarungan ang sinapit ng kanilang mga minamahal bunga ng paghahari ng mga halang ang bituka’t hangal. Bibingka Bibingihin ka sa katahimikan ng mga nagbubulag-bulagan sa mga kapabayaan at kamalian subalit babasagin ito ng malalakas na kalampag ng mga gutom sa hustiya na nakadulog sa hapag ng habag.
Hamon Kaya ang hamon na nakahai’y naiiba sa nakasanayang handa pagkayari ng samba sapagkat ito ay hamon sa mga nakakasaksi upang ang mga sanhi ng dinuguan at papaita’y iwaksi, patuloy na mangalampag sa hapag ng habag kumilos para matuldukan na ang sa karapatang pantao’y lumalabag.

Ayan na naman mga ‘nak ng tupa,
Mga batang ligaw na bala Pumapatrolya t’wing dapit-hapon Bubulabog para sa barya’t polvoron.
Sintonadong mga boses at mga madudungis na mukha
Gabi-gabi’y umaalingawngaw at pumaparada,
Pinagbubuksan naman ni nanay sabay sigaw, “M a g s i l a y a s k a y o, w a l a n g P a s k o’t A g u i n a l d o d i t o.”
“Wala pong tao. Sirena ng ambulansya iyon ‘nay. May covid po. Pasok na kayo,” sabi ko nang malumanay.