
1 minute read
The Spaghetti Song
Sinindihan ko ang kandila, Maliit na ningas ang nagpailaw. Dala ang ispageti at balita Sa bagong himlayan ni Ate sa ibabaw.

Advertisement
Sapagkat pati ang bala Ay kailan ma’y ‘di mas matalas Sa tingga ng lapis At ‘di mabubura ng pulbura Ang, sa mga papel, ay nakamarka
Itong mga lata ng pintura Ay ‘di matatapon, matutumba Ng mga asul na kalasag nila
Ang ating sama-samang inukit Sa mga tulay, pader, at kalsada Ay ‘di kukupas, ‘di mabubura
Kaya hanggang sa buwan ng Disyembre Pluma at pinsel ay tangan-tangan Dahil tuloy ang pang aalipin ng estado Walang paskong ginugunita ang mga berdugo