
1 minute read
Mga Tanaga’t Haraya sa Panahon ng Pandemya
TABLE OF CONTENTS
1 Ang Pilipinas bilang Sementeryo 3 Kandidato 5 Mga Tanaga’t Haraya sa Panahon ng Pandemya 9 Decameron December 11 The Spaghetti Song 13 Walang Pasko 15 Vertreten 17 Ang Hindi Mababalam na Pangitain sa Kalye Petronia 21 Ambag 23 Intellectual Arrogance 25 San Ipapanganak si Kristo Ngayon 29 Leche Buena 31 Petrifying Angle 35 Gruesome Echoes
Advertisement
33 Palay ang Tanim, Bala ang Ani
37 Kasalo 39 Pulang Hapunan 41 Kalampag sa Hapag ng Habag 45 Nakakahawang Himig 49 Last Supper 51 Sa Kanilang Pagdiriwang ay aking Ginugunita 53 Biyaheng Ikot 55 Noche Buena Nilang Mahal 57 Bisperas 59 Women (in)Securities and the Pandemic 69 The King’s Reign of Terror:Duterte’s Punitive Enforcement of Health Protocols 77 Ang Nanay Kong Nurse
Hindi tahimik ang mga bangkay. Hindi nila suot-suot ang mga piring mula sa telang hinabi mismo ng kanilang kamay. Mas lalong hindi tikom ang kanilang kaluluwa. Hindi sila nagtatago sa dilim at minamahal ito dahil mas payapa. Hindi nila kayang gutumin ang sarili para sa kakarampot na pwesto doon sa kama.
Kung nagsasalita lamang ang mga bangkay, katakuttakot ang kahahantungan. Ngunit alin ba ang mas dapat pangambahan: ang mga bangkay na itinakwil sa lupa o ang mga kalamnan nating giniginaw na?
Hindi aksidente ang inhustisya.

Sabado ngayon, tulad ng nakasanayan Bibili ako ng lútong ulam sa karinderya, Kung saan tayo unang nagkakilala Tandâ ko pa; Paborito mo ang Adobo Na walang Laurel dahil pangit ‘kamo ang lasa Ayaw mo rin ng Sibuyas sa Tortang Talong Kahit na nilalantakan mo ‘yon sa sawsawan ng isaw.
Ayaw mo rin ng kanin na malatâ Dahil sabi mo malayo pa ang botohan At hindi ka pa handa kung sino ang iluluklok Para manungkulan, Mahirap nga namang mamilì Kapag nagkalat ang mga Tarpaulin sa daan, Kapag ginagawang pabango ang noodles at ‘de lata Pati na rin ang dilaw na papel na nakasobre pa.
Sa lansangan; Kung saan mo ‘ko inabutan ng nakasupot na kendi Doon nakasulat ang pangalan mo’t retratong nakatawa –Isa ka rin palá sa kanila.

“Patient X” “Namatay si Mang Juan ‘Sinilid sa lalágyan ‘Di na pinaglamayan Kaawaawa naman.”
“Copit-19” “Ang laro ay lokohan Tayá ang sambayanan Na’san nanunungkulan? Inubos pati kaban.”