
1 minute read
Palay ang Tanim, Bala ang Ani
noche buena nilang mahal
ni Leo Dilay
Advertisement

Kay sigla ng gabi, Kay saya namin Nagluto ang dakilang alalay ng manok na tinola Sa palasyo ng tatay ay mayro’ng litsonan pa Ang bawat kawatan ay may handang iba’t-iba. Kami na, giliw, ang magsasalo Mayro’n na kaming ninakaw na tinapay at keso ‘Di ba Noche Buena sa gabing ito. At bukas ay ganito ulit, Pasko man at sa susunod pang anim na taon.
bisperas

ni Kris Lujein Varon

At sa dalawang taon, Noche buena’y ayuno. Lamesa’y naging punso, Ng nadusta’t kinulong.
Wala nang maihain Ang ulam ng halimaw. Sarili’y pinakain, Sa munting bulalakaw.