
1 minute read
Vertreten
Subalit nabigo ang patigang matón, aywan at sa inis, dinukot ang talím saka itinarak at dagling sinundán ng higit tatlumpung saksak sa likurán ang matandang bihag na kuno’y salarí’t isa sa maraming gerilyang nanambáng: Lucena, isang trak ang pinagbabaríl at pinaglilimas ang pistola’t karbín; pagkuwa’y dalawang putok ang sumigáw: nabiyak ang bungo’t utak ay nahimáy.
Ako ay nagalit, tinanong ang Apó “Bakit po ganito ang tao sa mundó?” paglao’y sumagot umangil ang bukó. “H’wag kang mag-alala’t mangamba sa tákot, kanyang naisalin sa araro’t kárit ang kapangyarihang gigiba’t lulúpig sa kaniyang mata at bakal na tíkas. H’wag kang mag-alala’t mangamba sa tákot, ang dalawang sungay niya’y matutúpok nitong kayumanggi’t libagin na bísig
Advertisement
na yari sa apoy: buhay, gumagáod kinukubkob pati yaong alipóres.”
2020
ambag
by Chelsey Lansang