1 minute read

Walang Pasko

Next Article
Nakakahawang Himig

Nakakahawang Himig

Ilang gabing ako’y dinalaw ng pangláw; sa aking lamesa, tahimik ang lungsód. May sariling batas ang dilim: ’sang bákod ng mga bagahe’t multong nakapákaw.

Liberasyon, ikaw na ba ’yang sumingáw na puting entidad na humahalughóg? Ilang gabing ako’y dinalaw ng pangláw; sa aking lamesa, tahimik ang lungsód.

Advertisement

Nakamata pa rin ang ginto na buwán, may kung ano siyang ipinapaarók. Mahaba ’tong gabi bago nga sumábog ang araw sa rabaw ng lunang kay súkal: sa aking lamesa, tahimik ang lungsód.

Una kong nakita’y naghugas ng kamáy ang Bosyong ang taglay ay siyam na punyál, bakal na gulugod at matang hugis buwán na kung tititiga’y pawang sa pumánaw; pagkuwa’y kanya ngang ipinagdiinán na si Ka Echanis ay isang tulisán; at sa unang linggo, sa yaong kalyehón, patayong nilitis sa gitna ng dilím: tahimik, mausok, at medyo maulán habang ang Bosyo nga’y nasa kanyang silyón.

At nang lumaon nga’y kanilang ginámit ang isang makapal at mahabang lúbid: ilalagay nila at ipipilípit una ay sa leeg, tapos sa balíkat, saka hihigpitan hanggang sa kumúpsit ang hangin sa dugo’t ugat na sumábog, hanggat ang init nga’y di inuugáog ang bundok ng datos sa loob ng útak; uulitin ito nang paulit-úlit.

This article is from: