Hindi tahimik ang mga bangkay. Hindi nila suot-suot ang mga piring mula sa telang hinabi mismo ng kanilang kamay. Mas lalong hindi tikom ang kanilang kaluluwa. Hindi sila nagtatago sa dilim at minamahal ito dahil mas payapa. Hindi nila kayang gutumin ang sarili para sa kakarampot na pwesto doon sa kama. Kung nagsasalita lamang ang mga bangkay, katakuttakot ang kahahantungan. Ngunit alin ba ang mas dapat pangambahan: ang mga bangkay na itinakwil sa lupa o ang mga kalamnan nating giniginaw na? Hindi aksidente ang inhustisya.
2