Pinakaromantikong Letra ng Pagpapatiwakal Paolo P. Manuel Hexagon III: Labbaga Student Entry sapagkat ayaw kitang paluhain sa nalalabi kong sandali kiligin ka sana sa pantasya ng metaporang aking hinabi sukbit ang punyal sa kaliwang kamay ngiting abot hanggang tainga’y sumilay hihiwain ang pulso na may galak kasabay ng pusong pumalakpak tahan ang isang garapon ng gamot lulunukin ang mapait na pangamba’t takot mahimbing na matutulog habang-buhay sa piling ng mga naliligalig na bangkay
51
suot ang lubid na nagsilbing kuwintas na sa aking leeg ay nagpupumiglas sa segundong nalalabi nawa’y aking masilayan ang sinisintang bayan na kinulayan ng kasarinlan