1 minute read

Letra ng Pagpapatiwakal

Next Article
Pang of Blood

Pang of Blood

51 Pinakaromantikong Letra ng Pagpapatiwakal

Paolo P. Manuel

Advertisement

Hexagon III: Labbaga Student Entry sapagkat ayaw kitang paluhain sa nalalabi kong sandali kiligin ka sana sa pantasya ng metaporang aking hinabi

sukbit ang punyal sa kaliwang kamay ngiting abot hanggang tainga’y sumilay hihiwain ang pulso na may galak kasabay ng pusong pumalakpak

tahan ang isang garapon ng gamot lulunukin ang mapait na pangamba’t takot mahimbing na matutulog habang-buhay sa piling ng mga naliligalig na bangkay

suot ang lubid na nagsilbing kuwintas na sa aking leeg ay nagpupumiglas sa segundong nalalabi nawa’y aking masilayan ang sinisintang bayan na kinulayan ng kasarinlan

araw-araw kitang mamahalin at pagsisilbihan tulad noong unang beses mo akong inutusan na malaya kong baybayin ang sarili kong daan nawa ako’y bisitahin sa aking huling hantungan

sapagkat

itinigil ko ang aking pulso para sa `yo bumula ang bibig ko para sa `yo ibinitin ko ang sarili ko para sa `yo naligo sa pulang karagatan para sa `yo

sapagkat ayaw kong dumating ang panahon na ikaw ang mag-agaw buhay upang makaahon sa mga hinananakit at dusang binuo ng sangkatauhan Inang Bayan, nawa’y matanggap mo itong kapatawaran

sapagkat

ayaw kitang paluhain sa nalalabi kong sandali kiligin ka sana sa pantasya ng metaporang aking nahabi 52

Amidst the shade Photo by: Jobbely Figueroa

53

This article is from: