1 minute read

Paso ng Hirap

Next Article
Burned with Faith

Burned with Faith

Paso ng Hirap

Katrina Mikaela Musni

Advertisement

“Dug. Dug. Dug. “ tunong ng kalampang ng tepadyak ni Kanor, binabaybay ang kahabaan ng eskinita sakay-sakay mga napulot sa umaga at nang matapos ay pumarada’t binaba ang mga dala.

“6 na piso isang kilo nalang?” ani ni Kanor. Isang sako lamang ng mga boteng plastik sa maghapon ang kanyang naipon wala ng bigas at gatas ang kanyang anak. “Oh, pasensya ka na 4 na kilo lang yung sako mo” sabay abot ng bente-quatros pesos ng lalake.

Tanghali na nag-aantay na ang kanyang mag-ina. Bago umuwi dumaan siya sa bigasan at bumili ng kalahating kilo ng bigas para sa kanilang tanghalian at hapunan mamaya. Wala ng pang-ulam, sapat na asin nung isang araw.

Hapo sa init ng dumating sa kanilang bahay at pagkatapos sabay-sabay pinagsaluhan ang asin at bagong lutong bigas. Panibagong oras na naman, lumisan si Kanor para magbanat ng buto at bumilad sa tirik ng katanghalian, di para pumadyak, kundi para magtrabaho ulit at magdildil ng kanilang ulamin, ang asin. 42

This article is from: