1 minute read

Kapeng Barako

Next Article
Pulang Rosas

Pulang Rosas

Dibuho ni

Marielle Ann Fernandez

Advertisement

15 Kapeng Barako

Jamel Aaron C. Dauz

Tayong mamamayan ang makapangyarihan, Ngunit parang may mali?

Nasa kamay natin ang pagbabago ng bayan, Pero nakanino ang susi?

Mga hindi matapos-tapos na proyekto, Iniiwan na lamang nakatiwangwang Habang ang namumuno ay isang trapo, Kaban ng bayan ay patuloy na nasasayang.

Nagsisikalat na nakabulagtang katawan, Hustisya ay hindi kayang makamtan. Mga kababayan nating baon sa hirap, Nawawala at namamatay din ang pangarap.

Maruming sistema ng pagpapalakad, Isang malaking balakid sa pag-unlad. Kanilang hindi makatarungang pagpapasya, Na tayo naman ang patuloy na nagdurusa.

Isang malaking kahalayan para sa bayan, Ang pagkaluklok ng mga abusadong pulitiko. Kapayapaan na hindi kayang makamtan, Mga kapwa natin ay nagiging tuliro.

Ang katotohanang pilit na binabali, Mga bibig na madalas pinatitikom, At ang mga matang binubulag lagi, Kapag nagising, bayan ay hihilom.

Sa pamahalaang nagtutulug-tulugan, Magising na kayo at paparating na! Kayo ay haharap na sa tunay na hukuman. Sapagkat taumbayan ay gigising na!

16

17

Larawan ni

Reslie Nevalasca

This article is from: