L a b b a g a
w AURUM Ang pampanitikang aklat ng The Fusion: Opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Tarlac State University, COLLEGE OF SCIENCE Tarlac City Reserbado ang lahat ng karapatan Š2020 Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring gamitin o sipiin sa anumang anyo at pamamaraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa mga aklat maliban sa ilang siping gagamitinsa pangrerebyu. Inimprenta ng ****
The Fusion
Scientific Writers, Initiating Action
III+III
Pabalat May mga katangiang may bahid ng mga bagay at emosyon na nakikita ng mga mata ng tao Na maaaring matingkad o mapusyaw Maraming kulay ang emosyon Hindi limitado sa pitong kulay ng bahaghari Ang pakiramdam ng isang nilalang Tulad ng hindi lang iisa ang kulay ng apoy Hindi lang iisa ang kulay ng pula Hindi nag-iisa ang emosyong nais ipakita ng Labbaga
“Red is the first color of spring, It’s the real color of rebirth. Of beginning.” – Ally Condie As I began to see the real nature of human, it is also the beginning of disliking every bit of them. They look too synthetic in making their life aesthetic when in reality, they’re not. Is it a norm if most of us hide our true feelings? The unfiltered emotion we felt in every moment we experienced are what makes our life genuine. And these emotions are defined in every shade of color we see in a spectrum. But the presence of red is always inevitable. Blood, red in color, symbolizing both life and death. Let each person's story give meaning to the emotions you feel and describe what shade of red you have felt.
JOBBELY B. FIGUEROA Editor-in-Chief
Fire can be misleading. It is visible then suddenly blends into the air and vanishes. Yet its intents never lie. The intent to destroy, the intent to light, the intent to warm, and the intent to foster life. Likewise, distinguishing an action’s intent can be misleading. But the emotions which drove it to realization can never lie. The grief of losing someone, the joy in hanging out with the people you hold dear, the wrath of being stuck in a traffic. We can do nothing, but we will always feel something. This folio is a collection of emotions, illustrated in different forms of art, Words, colors, strokes from the depths of our soul. Like a moth drawn into the flame, may you be drawn by the radiance of our sincere hearts.
REIBEN TUQUERO Literary Editor
............................................... ................................... Nakita ko sa iyong mata ang kulay na bumuhay sa libong taon ng kawalan. Rumagasa ang ilog ng tanong sa kung paano tayo unti-unting nabuo, mula sa patak patungong hiwaga ng misteryo. Ang dugong buwan at bulkan ay pinagsanib upang higit na malaman ang mga kasalanan na dapat pagbayaran ng sanlibutan. Nakaluhod na kakanta hanggang ang langit ay maging pula, ngunit bakit may napaslang na? Gumapang at kumayod upang malaman ang kasagutan, hindi alintana ang nagbabagang katotohanan sa kung paano ang kulay na pula ay kulay ng nawawalang kaluluwa.
MARIELLE FERNANDEZ Graphics Editor
...
Shades of Red
Aldo........................................................................... Icarus........................................................................ Gasolina.................................................................... Stoplight................................................................... Blank......................................................................... Red Flag.................................................................... Kapeng Barako......................................................... Bandila..................................................................... Leppas....................................................................... Scythe........................................................................ Hotdog...................................................................... Graduation............................................................... Blood Moon.............................................................. Angkas....................................................................... Pulang Bukirin.......................................................... Itaas ang pula ng ating bandila................................. Piktyur.......................................................................
6 8 10 11 12 13 15 18 19 20 21 24 25 27 29 31 32
Sardeng............................................................................ Holding Out.................................................................... Fireflies............................................................................ Walking Street................................................................. Paso ng Hirap.................................................................. Burned with Faith........................................................... Pulang Kabayo................................................................. Pang of Blood.................................................................. Manok na Pula................................................................ Pinakaromantikong Letra ng Pagpapatiwakal................................................ Stop.................................................................................. Rainbow........................................................................... Dinuguan......................................................................... Letters.............................................................................. Buwanang Dalaw............................................................. Aslag................................................................................ Pamela One..................................................................... Ampao............................................................................. Pulang Rosas................................................................... Astrophilia......................................................................
34 36 37 39 42 43 45 47 49 51 54 55 57 59 62 64 65 66 68 74
Aldo Jobbely Figueroa “Ma, ot kapula neng aldo?” “Kamalasan ing dala ne yan, nak.” Iyan na mu ing palagi nang sagot kakung ning inda ku kapag kutnangan ke king bayu magbengi pauli king bale. Magtaka na ku man eh kasanting nang lalawen king malawak na asikan, balamu bolang apoy yang lalabanan ing paratang a dalumdum. “Ma, ot kapula neng aldo ne?” kutang ku ulit kaya. “Ot kakulit mung anak ka!” sabe lapirot king tenga ku. “Sinabi nang malas ya pin yan.” King subrang sakit neng tenga ku, minuna ku tuloy minuli kaya. Pero abak na ala ya pa rin ing ima ku, a balitaan mi nemu, malas yang mipayabe king engkwentro neng mga rebelde kening kekami.
6
7
Dibuho ni John Abenido
Icarus Reiben Tuquero
Destined to be beyond my grasp, With all my strength, until I reach my final gasps. With my wings burning, melting, My heart shall continue rising, reaching
8
Graphics by Jayric Dacanay
9
Gasolina
Jesel Crizza Mae Jamig
“….patay ang limang taong gulang na babae matapos makain--” pinatay ko na ang telebisyon sa kadahilanang umiiyak nanaman ang mama at papa. Nagulantang nalamang sila at biglang umiyak. Oras-oras nilang ibinubuhos ang kanilang luha. Ayoko ng makita sila mama’t papa na umiiyak. Niyakap ko nalang sila dahil namimiss ko sila. Isang araw bago ang balita... Wala pa ang mama’t papa. Asan na kaya sila? Si Tiya Bel naman bumili ng pagkain doon sa malayo. Namimiss ko na sila mama’t papa. Gutom na din ako, wala pa si Tiya Bel. Pumunta ako sa garahe namin dahil may nakita akong coke dun sa tabi ng sasakyan, agad kong kinuha at saktong may chichirya din sa may sasakyan. Dali dali kong binuksan ang chichirya at kinain, kinuha ko ang mug ko para maisalin ang coke. Kain, inom kain inom. Dumating si tiya bel papunta sakin ng tumatakbo at umiiyak. Bakit kaya? Nakita nanaman niya si mang jun siguro may kasdamang babae. Hanggang naalala ko miss ko na sila mama’t papa.
10
Blank Reiben Tuquero Like a moth drawn into the flame, may we be drawn by the radiance of a sincere heart.
11
Larawan ni Reslie Nevalasca
Stoplight
Jamel Aaron C. Dauz Would you like to take a ride? "Sure!" I said. I was wrong. I killed my own dreams. I thought I would be happier. I've lost my treasure. I've lost myself. Now I am found hanging. Again, I was wrong. Would you like to take a ride?
12
Red Flag Jerome Salazar Hexagon III: Labbaga Student Entry You came As though sunshine is your name, Warm and healthy Comforting - at least, that's what I see But then you’re not For a luminous flame, you are but: Only hot enough to sear and scathe After all that's what you're good at
13
Despite, I let you through For I'm all cold and blue That, at the time, it got me feeling Like anything is way better than nothing
But it was a mistake For everything made is made to breakAll in futility, all for naught All went as how you probably thought Now I'm left to make decisions that I loathe: To cut ties or cut throat Might be rough for all I know But it's time for either of us to go Struck by grief, Awashed by a sense of relief You're gone and all is done, And I've developed a fear of human Lately, existences are approaching And I don't know if it's just me thinking But a flag I'm seeing though not seen nor said And it is red
14
Kapeng Barako Jamel Aaron C. Dauz Tayong mamamayan ang makapangyarihan, Ngunit parang may mali? Nasa kamay natin ang pagbabago ng bayan, Pero nakanino ang susi? Mga hindi matapos-tapos na proyekto, Iniiwan na lamang nakatiwangwang Habang ang namumuno ay isang trapo, Kaban ng bayan ay patuloy na nasasayang.
Dibuho ni Marielle Ann Fernandez
15
Nagsisikalat na nakabulagtang katawan, Hustisya ay hindi kayang makamtan. Mga kababayan nating baon sa hirap, Nawawala at namamatay din ang pangarap.
Maruming sistema ng pagpapalakad, Isang malaking balakid sa pag-unlad. Kanilang hindi makatarungang pagpapasya, Na tayo naman ang patuloy na nagdurusa. Isang malaking kahalayan para sa bayan, Ang pagkaluklok ng mga abusadong pulitiko. Kapayapaan na hindi kayang makamtan, Mga kapwa natin ay nagiging tuliro. Ang katotohanang pilit na binabali, Mga bibig na madalas pinatitikom, At ang mga matang binubulag lagi, Kapag nagising, bayan ay hihilom. Sa pamahalaang nagtutulug-tulugan, Magising na kayo at paparating na! Kayo ay haharap na sa tunay na hukuman. Sapagkat taumbayan ay gigising na!
16
Larawan ni Reslie Nevalasca
17
Bandila
Christian Gener Buenaventura Hindi naman binaliktad ang bandila Ang kulay asul pa naman ang nasa itaas ngunit bakit tila walang humpay ang pagkulong, pagrehas. Mga kaluluwang walang layadi makatalas. Hindi tunog ng kampana ang gigising da mga hapong pangangatawan Kundi mga alingaw-ngaw ng baril ang maririnig mula sa labasan. Isang engkwentro na naman mula sa mga sundalo't rebelde sa mga kalsada. Mga taong pilit nakikipaglaban, Na kung saan, sakanila din naman nakatutok ang bunganga ng kanilang mga sandata. Ang buhay ay walang katapusang digmaan At ang mundo ay tila isang napakalawak na kulungan. Ang lubos na kalayaan ay hindi pa nga natin nakakamtan. Hanggang ang nakakarami ay tuyo pa ang nasa hapag-kainan, 18 Habang ang iilan ay tila araw-araw may kapistahan.
Dibuho ni Marielle Ann Fernandez
Leppas Jaffy Bustamante Maudin daytoy Nga surat ken sarita. Leppas ti daniw.
19
Scythe
Jesel Crizza Mae Jamig
Sundo dito. Sundo doon. Kuha dito. Kuha doon. Nakakapagod maglakad sa mainit na daan, tila nalalapnos na ang aking balat. Good thing is may sense of fashion ako, kaya nakacoat ako. Odiba? San ka nakakita ng nagtatrabaho sa gitna ng nagagalit na araw tapos naka coat pa. Ako lang yun. Hindi ako napapagod kahit mahigit isang milyon ang ihatid sundo ko, marangal naman trabaho ko, at gusto ko din ito. Sa ngayon, kelangan ko maging maingat dito dahil matanda na ang isusundo ko, syempre kelangan maging magalang at kelangan maayos ang pakikitungo ko. Ang tanda niya na, at kita sa mga mata niya ang kasiyahan na hinid niya nakamtan noon nung nakita niya ako, ganun na rin ako, walang kibit balikat niyang sinabi bago ko siya ihatid sa pupuntahan niya: “Anak, nagkita din tayo. Hindi pa din nagbabago itsura mo manang mana ka sa papa mo. Mauna na ako ah � Sa isip ko. Gusto ko ng magretiro at sumama sa kanya ng mapayapa.
20
Hotdog
Jamel Aaron C. Dauz Ilang buwan na lamang ay magtatapos na ako sa kolehiyo ngunit ang mga balakid ay sadyang mailap. Inakala kong hindi ako magtatapos sa nakatakdang oras, dahil sa grado kong iyon, napilitan akong gawin ang lahat upang makamit ang kapirasong papel na nagsisilbing tanda na ako ay nakapagtapos na. "Bro, anong nakuha mo?" "Ah eh singko ako, olats.", wika ko.
21
"Ayos lang yan bro bawi tayo sa finals. Pinapatawag ka pala ni Prof. Pinapatanong nya kung magreremedial class ka ba daw?" Kaagad akong sumang-ayon sa kanya sapagkat alam kong makakatulong ang remedial class na iyon upang ako ay makapasa. Hanggang ngayon tulala pa rin ako sa mga pangyayari. Tila hindi makapaniwala na nakabawi nga ako. Bakas na bakas ko pa rin ang hirap at pawis na aking ibinuwis upang makamit lamang ang inaasam na mataas na grado. Hinding hindi ko malilimutan ang pagkakataong iyon dahil tanging panandaliang kaligayahan lang pala ang magiging sagot upang ako ay makapagtapos. Oo nga pala, hindi ko rin inakala na magiging ama na pala ako. "Ha!?" Hatdog.
22
Dibuho ni Marielle Ann Fernandez
23
Graduation Jesel Crizza Mae Jamig
Bakit ganon? Ang bilis nilang maglakad at tumakbo? Tae naman. Sabay sabay lang kami nagsimula sa starting line bakit nasa gitnang daan na sila agad, ako malayo pa. Gano ba kalayo ang 200 km para lakarin naman. Parang malalakad ko na ata ang buong mundo hindi pa din ako makarating ng finish line. Sakit nadin ng mga paa ko, sukong suko na sila sa aspaltong dinadaanan nila. Nakukuba na din ako kakatayo, gusto ko ng humilata. Lakad muna ako. Biglang may tumapik sa balikat ko at sinabing: “Hayaan mo balang araw, aakyat din tayo sa stage at magsusuot ng itim na toga�
24
Blood Moon
Jamel Aaron C. Dauz Paa, tuhod, balikat, ulo Paa, tuhod, balikat, ulo Paa, tuhod, balikat, ulo
Kinapa ako ng mga pulis dito sa amin sa pag-aakalang ako ay sangkot sa giyera kontra droga. At nang wala silang makita... Bang! Bang! Bumagsak ako sa madilim na kalsada at itinabi ang karatulang may nakasulat na "Huwag tularan, Pusher ako" Nagising ako sa ospital, at tila gigil na gigil ang aking katawan at bibig na isiwalat ang katotohanan.
25
Sa wakas mabibigyan ko na rin ng hustisya ang mga inosente na dumanak ang dugo sa madilim na kalsada at mabigyan ng karampatang parusa ang sino mang kailangang managot. Lagot!
Dibuho ni Marielle Ann Fernandez
26
Angkas
Jesel Crizza Mae Jamig
Isasawsaw ko palang ang mainit na pandesal sa matamis at mapait kong itim na kape, ng biglang may nagmessage sakin. Nagpapasundo nanaman ang aking prinsesa hindi na ako nanghinayang sa dose pesos na kape ang bente pesos na pandesal na binili ko kela mang kanor, kasi mas mahalaga siya sakin. Dali dali kong kinuha ang jacket ko at ang helmet para safe sa byahe. Siya and prinsesa ng buhay ko, maganda, mabait yung tipong nasa kanya na ang lahat. Haayyy. Mapapangiti nalang ako sa tuwing pupuntahan ko siya, siya nagtatanggal ng pagod ko. At eto na nga, ang pinakaiintay ko, ang Makita siya at maihatid sa kanila. Yung tipong hinahangin yung buhok niya pag titingin sakin tas kikislap ang mga mata niya pag magtatagpo ang mga mata namin. Araw araw akong nahuhulog sa kanya. Ilang oras ang lumipas at naihatid ko na siya sa kanila. Aalis na ako, pero bigla siyang sumilip sa gate nila para kumaway, at may pahabol pa siya, pinuntahan niya ako sa labas ng gate; “Kuya, eto po 220 pesos. Thank you po sa paghatid kuya�
27
Reach for it Photo by: Jamel Aaron Dauz
28
Pulang-Bukirin
29
Christian Gener Buenaventura Luntian, ang sumisimbulo ng kabukiran. Nagtata-asang mga kapunuan, Nagsisilbing pahingahan ng mga dakila Laban sa mala-impyernong kalangitan. Mula sa kalupaan ng mga tubong nagtatamisan. Kabaliktaran ng buhay na kinalalagyan ng mga Manggagawang dekaxa na tayong pinagsisilbihan. Isang umaga, nakapagtataka Hindi na luntiang kabukiran ang iyong makikita. Mga pulbura at bala na ang nagsisilbing pataba sa lupa. Ito na nga, ang Hardin ng Hacienda Luisita. Kwento ng mga dakilang magsasaka, At kung paanong ang minsang luntiang bukirin ay tila naging Karagatan na pula. Ang dapat sana’y kapatagan Umagos ang galong-galong mga luha, Ng mga magsasakang pinaglalaban lamang ang kanilang nga lupa.
Larawan ni Reslie Nevalasca
30
Itaas ang Pula ng ating Bandila Christian Gener Buenaventura Pula, ay isang larawan ng tiniis at sakit. Dugong nabuhos sa ilalim ng langit. Kulay pula, na musang dumilig sa mga patag na bukid. Upang ang "kalayaan" ay tuluyan ng makamit. Pula na sagisang ng katapangan. Mga osong-tinghoy sa kakahuyan Mga bayaning inilagay ang sarili sa kwadradong himlayan. Mabaliktad lamang ang kulay ng dati nating bandila. Sa araw na iwinagayway ang ating bandila. Sa kabaktaran nga nitong kawastuhan. Hindi upang ipakita ang pagsuporta sa mga digamaa't giyera Kundi upang ipakita, na minsan sa ating kasaysayan naganap ito. Ang pagbaliktad ng ating bandila upang palayoin tayo.
31
Piktyur
Jesel Crizza Mae Jamig Alas does ng gabi ng ako ay makauwi ng bahay. Pagod sa trabaho pagod sa lahat. Agad kong napansin ang iyong ngiti ng walang bahid ng kalungkutan. Ang iyong ngiti ang laging sumasalubong sakin tuwing ako ay uuwi at tuwing ako ay aalis. Hindi pa din napapawi sa yong mata ang masasaya nating alaala. Ikaw ang lakas ko kaya ako bumabangon sa araw-araw na pagsubok ko sa buhay. Hintayin mo ako dyan at susunod din ako pero kelangan ko munang tapusin ang misyon ko, ang buhayin ang pamilya natin. Salamat sa mga ngiti mo ito ang baon ko sa araw-araw. Lumapit ako sa kanya at sinabing; “Hindi ka ba napapagod ngumiti mahal?� dahan dahan kong hinaplos ang iyong mukha , kasabay nadin ang pagtulo ng aking luha “Halos tatlong taon ka ng nakangiti dito sa larawan na to oh"
32
33
Under construction Photo by: Jobbely Figueroa
Sardeng
Jaffy Bustamante Dayta isem mo, Mangsardeng ti anges ko. ‘Sunto’t patay ko.
34
Dibuho ni John Abenido
35
Holding Out
Jinelle Anne P. Olit Hexagon III: Labbaga Student Entry On my mind If I am not looking back To kill To avoid These dreams of mine Your glances That I attempt to reach In your dimmed seat Am I not listening? Glimpsing sideways To catch If I am holding back A sight of me To veil In my moonlit seat My selfish dreams Am I not looking? To run and hide And not to feel If I am passive in listening To deny To revert What I really desire Those words that you're saying Yet aching anyway In disguised declarations Am I not holding out? That keeps on replaying
36
Fireflies
Jamel Aaron C. Dauz You're always there when I needed you the most. You're always there to wipe my tears and make me calm. Someone like you is the one I'll treasure forever. That you have a special place in my heart. I looked upon our faded photos and we seemed to look happy. We've used to roam around the streets and do silly stuffs. Those happy moments and laughter are still vivid on my mind. How I wish I could turn back the time and indulge in gladness. I learned to stand strong beneath the struggles. And woke up the tiger that is sleeping on my heart. You taught me to not trust anyone in this world, Because even my own shadow leaves me in the dark.
37
But now it turned out like everything is a lie. It's been 10 years since you've left me alone. Still waiting for you to come back,
Waking myself in this world full of dreams. The only thing that is left to me, Are the archives of unforgettable memories. Feeling lonely in the dark, and it still hurts. And it made me wonder... Why do fireflies have to die so soon?
Dibuho ni Marielle Ann Fernandez
38
Walking Street Jamel Aaron Dauz
Ikit ke i Atsing Julie keng lele Mcdo nandin, balamu atin yang panenayan. Kinabukasan ikit ku ne nanamang pasibayu king bangku mag withdraw yang pera. Saktu maranup ku, seganan ke tsaka ke inatu, "Atse ot emuku libri, ikit daka king bangku nandin migpapalwal kang pera. Beke nemen" "Oh tara tuki ka kaku" ngana. Habang mamangan ke Mcdo, kitnangan ke nung nanung gagawan na napun keni murin. "Ah ita, panenayan ke ing customer kung Koreano uyta, mabilis ing pera"
39
Metahimik ku bigla king sinabi na. "Pota atin nanaman Indianu ya, datang ne pinandit kanyan. Tapus bukas naman Amerikanu" Eku balu nung agyu ku pang akmulan ing kakanan kung burger karing amanwan na. "Aru atsu ne! Mako naku ne tong, emu namu sasabyan kareng siping bale na makanini ing obra ku" "Awa sige atse!" "Kaparas mo ne!"
Larawan ni Reslie Nevalasca
40
Dibuho ni Jayric Dacanay
41
Paso ng Hirap
Katrina Mikaela Musni “Dug. Dug. Dug. “ tunong ng kalampang ng tepadyak ni Kanor, binabaybay ang kahabaan ng eskinita sakay-sakay mga napulot sa umaga at nang matapos ay pumarada’t binaba ang mga dala. “6 na piso isang kilo nalang?” ani ni Kanor. Isang sako lamang ng mga boteng plastik sa maghapon ang kanyang naipon wala ng bigas at gatas ang kanyang anak. “Oh, pasensya ka na 4 na kilo lang yung sako mo” sabay abot ng bente-quatros pesos ng lalake. Tanghali na nag-aantay na ang kanyang mag-ina. Bago umuwi dumaan siya sa bigasan at bumili ng kalahating kilo ng bigas para sa kanilang tanghalian at hapunan mamaya. Wala ng pang-ulam, sapat na asin nung isang araw. Hapo sa init ng dumating sa kanilang bahay at pagkatapos sabay-sabay pinagsaluhan ang asin at bagong lutong bigas. Panibagong oras na naman, lumisan si Kanor para magbanat ng buto at bumilad sa tirik ng katanghalian, di para pumadyak, kundi para magtrabaho ulit at magdildil ng kanilang ulamin, ang asin.
42
Burned with Faith
Katrina Mikaela Musni Maybe that's all we'll ever be, a sunflower waiting for sun. A fire burning around waters, glowing against waves.
With spaces in your hearts, that grace can only fill. Loose strings and jagged edges, a love that is real. Lean on, people, Today's not the end Above all else, It's you who'll lead yourself.
43
Faith holds you fast, air keeps you alive. A precious life, with purpose to live.
Graphics by Jayric Dacanay
44
Pulang Kabayo Jamel Aaron Dauz Isa, Dalawa, Tatlo
Masaya akong nagbibilang ng aking sweldo dahil sa wakas magbubunga na rin ang aking hirap at pagpupursige. "Makakabili na ako ng motor neto at matutulungan ko na si Inay" Pagkarating sa bahay ay dali-dali akong kumatok at pagbukas ng pinto ay bigla akong sinampal ni Inay. "Kanina pa kita ginigising bwisit ka! Nalasing ka nanaman! Kaaga-aga sinisira mo nanaman ang mood ko! Tumayo ka na jan! Kung hindi malilintikan ka sa akin!" At doon ko napagtanto na panaginip lang pala ang lahat.
45
LAKAS NG TAMA!
Dibuho ni Marielle Ann Fernandez
46
Pang of Blood
Cristine Joy Dela Cruz No one knows how it feels Every day struggling with a fear That one day you won’t come back Instead, a whole feature I will got
When there are moments that I can’t feel your presence My mind is floating in the midst of absence Wandering a human in the middle of the universe But how it made sense? Once a month we meet in the most unexpected time You surprised me with your endless cry My heart shattered, can’t fix it with just a smile But then, you smiled. And everything subside.
47
Although you only bring pain I will never let you go away again Once you stopped, a newborn will come out In the most unexpected moment, my life drop out.
Vermillion Stars Photo by: Jamel Aaron Dauz
48
Manok na Pula Jamel Aaron C. Dauz
49
"Anak, Mauna na ako!" Alas-otso na ng umaga noong umalis si papa sa bahay lulan ang kanyang mga manok na panabong sa kabilang bayan. Kaarawan niya rin ang araw na iyon at dala ng pagkainip ay napagpasya akong dalawin ang puntod ni mama sa sementeryo. Pagkarating ko sa may puntod ay may nakita akong mga pulang bulaklak na napakatingkad. Napagtanto ko na galing rin siguro kay papa yun. Ilang oras ko ding kinausap si mama habang nakatingin sa langit. Pagkauwi ko ay bumili ako ng paborito nyang sisig at softdrinks sa tabing bahay. Nag gayak din ako sa sala upang magsilbing sorpresa sa kanya. Ginabi na ako ng paghihintay kay papa at nakaidlip na sa mesa. Nang may kumatok sa pinto at dali-dali akong tumakbo upang buksan.
Dala ng pananabik, napasigaw ako ng "Happy Birthday Papa!" ngunit nabigla ako dahil hindi si papa ang tumambad sa akin. Nakita kong mangiyak-ngiyak si Tita Nelia at bigla akong niyakap at kinausap. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman, biglang nanginig ang aking buong katawan, nanghina, at humagulgol na rin ako sa pag-iyak nang mabalitaang patay na ang aking papa. Sinaksak daw sya ng kanyang nakalaban sa sabong dahil hindi nito matanggap ang pagkatalo. Kinabukasan ay dumalaw ulit ako sa puntod ni mama at nandun pa rin ang mga pulang bulaklak nang may nakita akong sulat na nakaipit sa ilalim. "Dear Precy, Kaarawan ko ngayon at miss na miss na kita. Pinapangako ko na ito na ang huling laban ko sa sabong at titigil na ako. Gusto kong mamuhay na ng mapayapa at matulungan ang ating nag-iisang anak. Nagmamahal, Joseph. " Pa, madaya ka. Dibuho ni Marielle Ann Fernandez
50
Pinakaromantikong Letra ng Pagpapatiwakal Paolo P. Manuel Hexagon III: Labbaga Student Entry sapagkat ayaw kitang paluhain sa nalalabi kong sandali kiligin ka sana sa pantasya ng metaporang aking hinabi sukbit ang punyal sa kaliwang kamay ngiting abot hanggang tainga’y sumilay hihiwain ang pulso na may galak kasabay ng pusong pumalakpak tahan ang isang garapon ng gamot lulunukin ang mapait na pangamba’t takot mahimbing na matutulog habang-buhay sa piling ng mga naliligalig na bangkay
51
suot ang lubid na nagsilbing kuwintas na sa aking leeg ay nagpupumiglas sa segundong nalalabi nawa’y aking masilayan ang sinisintang bayan na kinulayan ng kasarinlan
araw-araw kitang mamahalin at pagsisilbihan tulad noong unang beses mo akong inutusan na malaya kong baybayin ang sarili kong daan nawa ako’y bisitahin sa aking huling hantungan sapagkat itinigil ko ang aking pulso para sa `yo bumula ang bibig ko para sa `yo ibinitin ko ang sarili ko para sa `yo naligo sa pulang karagatan para sa `yo sapagkat ayaw kong dumating ang panahon na ikaw ang mag-agaw buhay upang makaahon sa mga hinananakit at dusang binuo ng sangkatauhan Inang Bayan, nawa’y matanggap mo itong kapatawaran sapagkat ayaw kitang paluhain sa nalalabi kong sandali kiligin ka sana sa pantasya ng metaporang aking nahabi
52
Amidst the shade Photo by: Jobbely Figueroa
53
Stop Jaffy Bustamante Your smile, Stops me from breathing. It will be the death of me.
54
Rainbow Jobbely Figueroa Within seven hue Us are not just limited As human being
55
Graphics by Jayric Dacanay
56
Dinuguan
57
Jobbely Figueroa “Tay, hi…hindi ko na po uulitin.” Ilang ulit na palahaw ng dalaga habang pilit na nagsusumiksik sa sulok ng may kasikipang kuwarto. Gawa sa kawayan ang dingding kaya rinig na rinig sa labas ang magkahalong iyak ng pagsusumano at sigaw ng galit sa dalaga. Nakatihaya na ang dalaga sa malamig na sahig ngunit patuloy pa rin ang walang-awang paglaspag ng kanyang ama sa kanyang katawan. Kagat labi at pikit matang tinatanggap ang bawat latay na natatanggap ni Elisa mula sa hampas ng sinturon ng kanyang ama sa katawan nito. Walang kasinghapdi ang mga naiiwang bakas ng galit. Ang mga salitang bumababoy ay tinitiis niyang pakinggan. “Anak ka nga ng isang puta!” Ramdam ni Elisa ang sakit mula sa mga salitang paulit-ulit bumababoy sa kanyang pagkatao. Masakit. Mahapdi. Pagod na ang kanyang katawan. Ramdam niya ang mainit na likidong umaagos sa kanyang hita. At sa sandaling iyon ay tumulo ang kanyang luha habang nakatingin sa nakaestatwa na niyang ama. “Tay……
………ang anak ko.”
Dibuho ni Marielle Ann Fernandez
58
Letters to the Universe Liza Bianca D. Tacliad Everybody dreamt of being an astronaut-- to stand at the precipice and see how the northern lights unwind you as you succumb to its delight; to glance into your telescope one more time and just imagine how many light years would it take you to land on planet B3C24? Where people can wear layers of thick jumpers even in a hot summer's day, eat flavourless ice cream, paint the solar system while learning the entire universe; marking them along the back of their hands and say, “Hey, I know the solar system like the back of my hands”.
59
When you have symptoms of schizophrenia, there is not something really to be proud of; all you can think about is many things. Meet my shadows: Lela Delusion! Dear Cosmos, today Jack bought me lunch at work, I just realized how thoughtful he is and—oh, no maybe he is trying to poison me… Hilda Hallucination! Dear cosmos, today I saw a monkey throwing bananas at me and he is laughing recklessly, hah! Hilarious, but I did not care because
I was the only one who saw it. Jenifer Disorganised Speech! Dear cosmos, I said some higgledy-piggledy words to myself today, “duck, phone, meteors, pencil, bubbles?” Do not worry though nobody heard me. Bubbles Disorganised Behaviour! Dear Cosmos, I am on my way to planet B3C24 and I am so excited to wear all the jumpers I have; and Catherine Catatonic Behaviour! Oh~ dear Cosmos, Jack said we could be friends, and I am utterly shocked! I literally did not move a single muscle; I was like this (gesture) for four hours! Avery Avolition! You know, I would have made my DIY astronaut suit but nah… My dear, dear Cosmos, I remembered when Sara Kay said, there is pain, oh, there is hurt. Right here which band-aids, music, poetry, even chocolates cannot fix for no matter how wide I stretch my fingers, my hands will always be too small to catch the pain I want to heal. I felt that. They would not comprehend how my spine is made of celestial bodies, expanding to fly me to the moon and let me play among the stars, to let me see what spring is like on Jupiter and Mars. Then finally, Cosmos answered back and said, “You are the masterpiece of peculiarity and enigma, you are not an easy code to decipher, a nice matter of cosmic-dust in which the gravitational pull is too strong to bear even for their intermolecular forces. I appreciate you.” Your loving, cosmos. P.S Welcome to B3C24.
60
Dibuho ni Marielle Ann Fernandez
61
Buwanang-Dalaw
Christian Gener Buenaventura Pagbigyan ang pwersang ito: Pwersang namamalagi sa sinapupunan Init na nananatili; dumadaloy, nag-aalburuto Kusang lumalaya't lumalayaw. Simbolo ng paglakaibw ni adan kay eba. Tulad ng isang huwarang manggagawa Buwan-buwan, inaabangan ng matiyaga. Dahil kung hindi mapaghahandaan, baka mabigla na naman ng mga ganid na kapitalista. Pagbigyan ang pwersang bumubuhos Tumatagod, sumisimbulo sa buhay na walang pagtatapos. Ang babaeng hinugot sa tadyan' Silang nagdadala ng buhay dito sa sangkalupaan. 62
Dibuho ni John Abenido
63
Aslag
Jamel Aaron Dauz
Abak a maranun ginising nakung ima, “Mangan tana!” ngana, sabe akbe king gulut ku papunta king mesa. I koya ku naman ampong atchi, magkwentu la nung makananu kasanting ing pintalan da napun. Mapunu, matanaman, at mangasanting a bulaklak ing karelang mapilan a banggit. Kayaring mengan, dinilwan ampong piniblasan na nakung tatang at etad king iskwela. Pangaras iskwela, sinagana ya kaku ing mestra ku. Banggit ku kaya, “O madam, kasala na ning aldo ne?”, “O makananu mung asabing masala?”, pakibat na. “Eyamu pala akakit ing sala madam, araramdaman ya rin. Ing lugud ning kakung pengari at kapatad ing mamye sala kaku aldo-aldo.” Pasalamat ku king Apung Guinu na agyang bulag ku, dininan nakung sala. At ita ing lugud da reng taung makapalibut kaku.
64
Pamela One Jesel Crizza Mae Jamig
Ako ay 9 yrs old. Hilig kong sumayaw sa harap ni papa. Sa tuwing pinapaliguan niya ako habang pinapatugtog ang paborito kong kanta. Sige indak dito, kembot doon. Hindi pa din natitinag ang mga matatamis na ngiti ni papa. Ako ay 16 yrs old na ngayon. Hilig ko pa din sumayaw. Wala namang bago dun, pero sa harap na ng maraming tao. Sa tuwing umiindayog ako binibigyan ako ni papa ng madaming pera. Kaya nabibili ko ang gusto ko. Nariyan pa din ang matatamis na ngiti ni papa. Ako ay 26 yrs old na, ayoko ng sumayaw, pagod na ako, pero and Abak a maranun ginising nakung ima, “Mangan tana!� ngana, sabe akbe king gulut ku papunta king mesa. I koya ku naman ampong atchi, magkwentu la nung makananu kasanting ing pintalan da napun. Mapunu, matanaman, at mangasanting a bulaklak ing karelang mapilan a banggit. Kayaring mengan, dinilwan ampong piniblasan na nakung tatang at etad king iskwela.
65
Ampao
Jamel Aaron C. Dauz "Dear Inaanak,
Tanggapin mo itong 19k na padala ko sa iyo bilang bayad sa mga utang ko sa iyo simula nung bata ka. Kwits kwits na tayo ah. Merry Christmas inaanak! God bless you! -Ninang Angel" Wow. Sana All!
66
Flower Under the Sun Photo by: Jobbely Figueroa
67
Pulang Rosas
Crystal Anne Mallari Alam kung mali. Alam kung kasalanan ko ang lahat. Alam kung walang kapatawaran ang ginawa ko kaya habang maaga pa, tatapusin ko na ito. "Drew, kita naman tayo please. Tatlong buwan ka ng busy, may sasabihin lang akong importante sa'yo. Sa may park kung saan tayo unang nagkita, 6pm. Please hinintayin kita.", huminga ako nang malalim kasabay ng pagpapadala ko ng mensahe sa aking nobyo. "Babe, anong bang pinagkakabusihan mo sa cellphone mo? Akala ko ba no using of phone kapag magkasama tayo?", naglalakad siya papalapit sa akin kaya naman binitawan ko kaagad ang aking cellphone. Kasama ko ngayon si Jas, ang aking kinakasama ngayon.
Oo, tama kayo. Pinagtataksilan ko ang aking nobyo. Alam
68
kung mali ito, ngunit masisi niyo ba ako? Tatlong buwan ko ng hindi nakikita ang aking nobyo dahil may pinapaasikaso daw sakanya ang kaniyang mga magulang para sa family business nila. Alam kung hindi tama ang ginawa ko, ngunit nung mga panahong nilamon ako ng kalungkutan wala siya sa tabi ko at si Jas, si Jas, dinamayan niya ako. Dahil dun, hindi ko napansin na nahulog na ang loob ko sakanya. Kamulat ng aking mga mata, bumungad sa akin ang maamong mukha ni Jas. Nakatulog pala kami dito sa may sala. Rinig ko rin mula sa labas ang lakas ng pagulan. Inabot ko ang aking cellphone, 10 messages, 30 missed calls "shit 7pm na". Dali dali akong nag ayos at pumara ng taxi. "The number you have dialed is out of coverage area, please try again later", hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Ang lakas ng ulan pero kilala ko si Drew, alam kung hanggang ngayon hinihintay niya ako. Bakit kasi ako nakaidlip, dapat itamama ko na aking pagkakamali pero lalo pang nadagdag amg aking mga kasalanan.
69
Pagkarating ko sa park, may mga nagkakagulong tao at mayroon ring ambulansya. Lumapit ako sa komosyon at nakita ko si Tita Cass, ang mama ni Drew. Si Drew, basang basang nakahandusay sa strecher, sinasakay sa ambulansya. Nilapitan ako ni Tita Cass, hindi ko namalayan na tutumulo na pala ang aking mga luha. "Ana, wala na siya. Stage 3 cancer of the blood." Ayaw kung maniwala, pero ang sakit sa puso ng paghagulgol ni tita. "Pinilit namin siyang sabihin sayo ang totoo pero ayaw ka daw niyang mag alala, I'm sorry", binitawan ni Tita ang aking mga kamay at pumasok na sa ambulansya. Hindi ko alam ilang oras na akong nakatulala, nakaupo sa mismong bench kung saan una kaming nagusap, tumila na ang ulan at wala na ang mga tao.
70
May nakapa ako sa aking tabi. Ang aking paboritong bulaklak, pulang rosas. May nakasabit na papel, hindi na malinaw kung ano ang nakasulat, ngunit pag iyak nalang ang aking nagawa nung naintindihan ko ang nakasulat. "Ana, alam kung masaya ka na sa piling niya. Pasensya na kung hindi ko na kayang ipaglaban ka, pinapalaya na kita."
71
Dibuho ni John Abenido
A child’s memory lane Photo by: Jobbely Figueroa
72
Graphics by Jayric Dacanay
Astrophilia Reiben Tuquero In the sable sky, Have I accustomed myself. To stare from afar. Silently prizing your light, Dreaming for a distant height.
Dinig ang pagkabasag ng salamin, sabay ng pagpalahaw ng isang batang musmos habang ang tingin ay nasa katawang nakabulagta sa sahig. Hindi takot ngunit may pangamba ang naramdaman noong umagang iyon. Editor-in-Chief | JOBBELY B. FIGUEROA
Nasaan na ang ibong lumilipad? Nawala ang ibong lumilipad sa himpapawid, dumaan ang unos sinabayan ng pagdagit ng mapangahas na kawal. Pinaglaruan, pinagpasahan, at hindi na pinakawalan. Wala na ang ibon na lumilipad. Hindi na muling babalik ang ibon, ngunit maaaring bumalik,kapag wala na ang mandaragit. Associate Editor | JESEL CRIZZA MAE L. JAMIG
Tila tuluyan nang nalunod ang kabarkong dedikasyon at tila'y hindi na kinakikitaan ni kahit anino man lang ng pag-ahon. Naging bahag na ang buntot at kakikitaan na rin ng takot. Nagiging mapaglupid ng buhangin sa harap ninyong taong nakapaligid sa akin. Managing Editor | JAFFY F. BUSTAMANTE
Pagkatapos ng pagsisid niya mula sa liwanag, tila nilamon siya ng dilim at nawala sa landas na kanyang tinatahak. Nabulag man dulot ng liwanag o kaya dilim, magpapatuloy tatahakin ang landas pabalik. Associate Managing Editor/Layout Editor | RESLIE M. NEVALASCA
Pagod na mga paa at tagaktak na pawis habang patuloy paring binabaybay ang daang di alam kung saan nga ba patungo. Mayroon mang pag-aalinlangan ay pipilitin News Editor | TRISHA R. DUGAY
Sa kabila ng ingay sa mundo, naroon sawa nang humingi ng saklolo. Taong ginapos ng mga gahaman sa karunungan at ikinulong ng reyalidad na mailap at mahirap makamit ang katotohanan. Pagkat pilit hinahadlangan ningning sa pagnanais matuto at magtamo ng kaalaman sa ordinaryong tulad ko. Features Editor | ROSE VALERIE SANCHEZ
Unti-unti lumulubog sa kumunoy sabay ng pagpaos ng tinig na sumisigaw, pinilit kong umangat, nang makaahon ay muli kong tiningnan ang lalim ng kinasadlakan tumalikod ako kahit sugat-sugat at patuloy na tumahak palabas ng mapanganib na gubat ngunit ako'y muling lumulubog puno na naman ng putik ang aking katawan. Development Communication Editor | KATRINA MIKAELA MUSNI
I killed someone. My hands are tainted, I run as I bleed. Perplexed mind, empty pockets. I have nothing left. Would you hide my trails? Would you let me stay if I confess my crime? I changed, and will continue to change if needed. I will never stop killing Me for You. Literary and Culture Editor | REIBEN G. TUQUERO
Sabi nila, mas masaya raw ang mabuhay sa mundo. Sabi ko naman, naranasan mo na bang mamatay? Graphics Editor | MARIELLE G. FERNANDEZ
Tanikalang nakapulupot sa leeg, nakagapos ang kamay at paa, at mga nakapiring na mata. Gustong sumigaw at makaalpas, hanggang sa natuto akong pumatay. Takot at pangamba ay aking pinatay dahil kung hindi ako, sino? Science Editor | JAMEL AARON C. DAUZ
Napadpad man sa iba't ibang dako , sa iilang tanawin ay napako at paminsan minsan di mo batid kung saan hihinto. Ngunit walang kabuluhan ang panahong lumipas kung walang maiiwang gintong aral sa pagpapakatao Sports Editor: VINCENT ROJO
Ang nagbabagang apoy ng pagkahumiling sa pagsusulat ay unti unting naglaho. Nawala ang apoy na nagsisilbing gabay, naligaw sa sariling paglalakbay. Hindi alam kung ano ang dapat gawin, tiwala sa sarili ay naglaho rin. Correspondent | CRYSTAL ANNE A. MALLARI
Nagsimula ang laban, puno ng pag-asa at pangarap. Tila musika ng na sa aki'y nagbibigay sigla. Pilit na nanghahawak kahit ang kamay ay sugatan na. Dumurugo ang puso dahil sa takot na mabigo. Subalit sa tuwing kumakaway ang pagsuko, pikit mata pa ring sumusuntok dahil sa pangarap na gustong maabot. Correspondent |NOLY KING IVOR C. DE GUZMAN Nagsimula ang lahat ng tayo'y lumingon. Ang pagkakasabay ng iba't-ibang tugon. Sa pagtapak sa tarangkahan ng mga pangarap dumating ang isang unos. Pagtataka ng lahat, isang daang porsientong pagtulong ang inalay para sa mga may bangka. Samantalang ang mga hirap, pagod at hapong nalulunod ay tuluyan pang ibinaon papalayo sa kanilang mga pangarap. Eto na nga ba ang tamang pakahulugan ng edukasyon? Correspondent | CHRISTIAN GENER BUENAVENTURA
The Fusion Editorial Board and Staff |editorial year 2019 - 2020 Editor-in-Chief: JOBBELY B. FIGUEROA | Associate Editor: JESEL CRIZZA MAE L. JAMIG | Managing Editor: JAFFY F. BUSTAMANTE | Associate Managing Editor/Layout Editor : RESLIE M. NEVALASCA | News Editor: TRISHA R. DUGAY | Features Editor: ROSE VALERIE SANCHEZ |Literary and Culture Editor: REIBEN G. TUQUERO | Development Communication Editor: KATRINA MUSNI | Science Editor: JAMEL AARON C. DAUZ | Sports Editor: VINCENT ROJO | Graphics Editor: MARIELLE G. FERNANDEZ | Graphics Artist: JAYRIC DACANAY | Cartoonists: CEASAR ABENIDO, TRISHA KAYE D. DELA CRUZ| Correspondents: CRYSTAL ANNE A. MALLARI, NOLY KING IVOR C. DE GUZMAN, CHRISTIAN GENER BUENAVENTURA, CRISTINE DELA CRUZ ,BIANCA TACLIAD Adviser: ENGR. ESTRELLA B. PAGCO
Pasasalamat
Taos-pusong pasasalamat sa Maykapal, sa pagbibigay ng talento at pasensya sa bawat miyembro ng aming publikasyon. Salamat sa pagtitiwala, Kolehiyo ng Agham. Isa kayo sa mga dahilan kung bakit nabuo itong folio. Sa aming bago at supportive na adviser, Engr. Estrella B. Pagco. Salamat po sa walang-sawang pagpapaalala na kayang gawin ng publikasyon ang ganitong uri ng pampanitikang aklat. Marami ring salamat sa mga kaklase at kaibigan naming laging andyan, mga taong masasandalan tuwing stress na sa buhay at sa mga taong umintindi sa kabila ng pagiging toxic natin. At higit sa lahat, maraming salamat at binigyan niyo kami ng pagkakataong mabigyan ng kahulugan ang bawat pula sa inyong buhay.
SCIENTIFIC WRITERS INITIATING ACTIONS A.Y. 2019 - 2020